read.cash Log in
J@Jdrsantos

Nakatatamad minsan ang kumilos.Tipong wala kang sakit, pero parang napakabigat ng iyong katawan. Hinihila ka ng antok at tila ba gusto mo itong tugunin sa pamamagitan ng pagpikit. Tapos sa gitna ng katahimikan, maririnig mo ang mga isiping nagsusumigaw sa loob ng isipan— sapat naman ang hangin, ngunit mabigat at malalim ang bawat paghinga. Ito 'yong pagod na hindi mo alam kung paano ipahinga. Parang hindi sapat na hihiga ka, iidlip hanggang sa dalawin ka saglit ng panaginip. Kapag ka ganito, parang gusto ko na lang maglaho muna, 'yong walang makakikita na tumutulo ang aking mga luha. Kasi sa totoo lang, pagod na talaga. Sadyang sinusubukan na lang talagang umusad pa.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.