'yong expectations sa'yo ng tao ang pinaka nakasasakal sa lahat. Tipong parang bawat galaw mo ay may CCTV camera para sabihin kung tama o mali ka. Napakalaking kahinaan ang pag-iyak, kabaliwan kapag masyado kang nagpakita ng nalungkot. Ito 'yong mga bagay na hinihila ka para malunod, 'yong sasabihin at magiging tingin sa'yo ng ibang tao. Hindi mo obligasyong pasiyahin sila, pero wala kang magagawa. Mapa kamag-anak o hindi kilala, unli puna, unli tsismis kapag nakatalikod ka. Ganito umiikot ang buhay ng tao, kaya mas kailangan mong doblehin ang suot na maskara, para hindi nila mahalatang napapagod ka na; na nakapapagod na sila. Kaya mas maging matapang ka, para sa iyo rin 'yan. Pumikit ka na lang kapag sila'y nakatingin, magbingi-bingihan kapag sila'y may sasabihin. Palihim kang bumuntong hininga, sabay laban ulit. Hayaan mo sila, iyan lang naman ang magiging ambag nila sa buhay mo— ang may sabihin at makialam. Huwag mong ipakitang apektado ka, dahil pupusta ako.... Lalo lang silang matutuwa.
No comments yet