Simula nung nagkalockdown, dumami ang online sellers at iba't ibang services online like delivery services at kung anu-ano pa. Eto ag naging way ng ilan nating kababayan para kumita dahil hindi makapasok sa kani kanilang trabaho. Patok na patok ito ngayon. May mga nagbebenta ng pagkain, mga damit, sapatos, at kung anu anong gamit sa bahay. Hindi masama ang pagbebenta sa online. Wala din akong nakikitang mali sa pagbebenta ng kung iba't ibang produkto. Ginagawa ito ng iba para makasurvive sa araw araw. Matagal na itong ginagawa online. Pero ngayon talaga pumatok. Ang dami na ding delivery services na lumabas. Andiyan ang gamit ay motor, 4 wheels at meron ding naka mountain bike. Ang iba din padyak ang inooffer sa mga kakilala niya online. Tumahimik sa labas ng kalsada pero nagingay anga lahat sa social media. Masarap makakita ng mag taong matyaga na nilalabanan ang buhay kahit anong pagsubok ang dumating. Sa lahat ng online sellers, salamat sa pagbebenta ng mga kailangan namin ng di na namin kailangan luabas ng bahay ganun din sa mga online delivery services salamat din.
PS ayoko na po magbigay ng opinion tungkol sa ginagawang akyon ng gobyerno na kailangan magparehistro ng mga online seller. Iwas po ako sa issue haha....
halos lahat ngaun online selling na talaga ng pinag kakakitaan bilang source of sideline dahil kramihan sa mga tao ngau ay hindi pa nkakabalik sa kanilang work lalo na mga ofw