Madilim nanaman ang kalangitan. Nagbabadya ang isang malakas na ulan. Ang iba ay natutuwa dahil naibsan ang init ng panahon. Ang iba naman ang nangangamba na baka tumulo nanaman ang ulan sa loob ng bahay nila o dikaya'y liparin ang mumunting bubong na nagsisilbing sandata nila sa init at ulan.
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng luha ng isang babaeng umasa. Damang dama ang lamig ng hangin na para bang yumayakap at nakikisumamo sa kanya ang kalangitan. Kasabay ng pagkidlat ang sigaw ng kanyang puso para sa katarungan. Kasabay ng pagtila ang pagpikit ng kanyang matang napagod sa kakaiyak dahil sa pusong nasaktan..
Tuwing umuulan ay ating nadadama ang lamig ng hangin at ingat ng pagpatak nito. Ang ibang bata ay nagtatakbuhan pa sa labas para maligo sa malakas na ulan. Lahat yata tayo dumaan sa ganitong senaryo tuwing malakas ang pagbuhis ng ulan. Ang iba ay hirap umuwi dahil walang masilungan habang naghihintay ng masasakyan. At ang iba'y nagluluto ng mainit na sabaw para sabayan ang lamig na simoy ng hangin.
Ikaw ba, kaibigan? Paano mo sabayan ang pagbuhos ng ulan?
Sa tuwing umuulan at kapiling ka✌️✌️ sobrang ganda. Hoping to see more articles from you..