How to get started at Readcash... [Tagalog]

82 120
Avatar for Jdine
Written by
4 years ago

ENGLISH|TAGALOG

Simpleng guide lang ito para sa newbies na walang idea saan/paano magstart, sa kabila nang lahat ng impormsyon na binigay sa kanila ng nag-invite sa kanila...

Ito ay purong base lamang sa experience at observations ko. Sana makatulong itong guide na ito sayo.

Bago ako magpatuloy, gusto ko kayo i-welcome dito sa readcash. Dito, pwede ka kumita sa pag-share ng thoughts at mga interes mo sa pamamagitan ng pagsusulat ng article. Ang pag-provide ng magandang quality na article ay mahalaga dito sa Readcash pero wag ka mabahala o ma-intimidate dito. 😊 Ang gusto lang namin sabihin ay isang article na interesante para sa iba tulad ng pagiging interesante nito para sayo. 😊 Sa madaling salita, magsulat ka ng kahit anong thoughts mo basta hindi siya sumasalungat sa rules ng site. Alam ko nabasa mo yung rules nung nagsign-up ka. 😊

Ayun nga, pagtapos mo mag sign up, anu na ba gagawin mo?

πŸ’ŸIminumungkahi ko na magsimula ka munang magsulat ng introductory post mo at isubmit mo ito sa community na "introduce yourself". Pwede mo gawin ito sa pagjoin sa community tapos pindutin mo yung " write a full article" o kaya "submit your article". Pwede ka ding magsulat ng introductory post mo tapos pindutin mo yung " submit to communities" tsaka po piliin mo yung community na nabanggit ko kanina. Siguraduhin mo lang na nakapagjoin ka na sa community bago ka magsubmit ng article mo.😊

πŸ’Ÿ Ipinagpapalagay ko na yung nag-invite sau nag post na para i-welcome ka (kasi yun ang ginagawa ko sa mga invites ko at mga invites ng invites ko haha), kung ganun, gawin mo makakaya mo para magreply sa bawat comment na matatanggap ng post nila. Sa pamamagitan nito, maiisip ng mga users na gusto mo talaga dito. Na talagang naglo-look forward ka na mag-share ng thoughts mo at magkaroon ng mga bagong kaibigan at supporters mo dito. Alalahanin mo, mga mababait/magagaling na thoughtful writers at dahil bago ka palang at kailanganΒ  mo pang (kumbaga) i-prove ang writing skills mo, mas maigi nang nasa "thoughtful" part na muna. Pero maging sincere ka. Madami ang nawawalan ng supporters kasi hindi sila sincereat hindi sila consistent. 😊

πŸ’ŸSumagot ka sa mga comments na matatanggap mo sa introductory mo. Ganun din sa pag-reply sa mga comments sa post ng nag-invite sayo. Malalaman ng mga audience na naaappreciate mo ang presensya nila at efforts. 😊

πŸ’ŸMagsimula kang magbasa ng mga articles. Matututunan mo kung paano ba nagwowork ang platform at kung anu ba ang mga interes ng mga tao sa pagbabasa mo. Sa pamamagitan nito, mahahanap mo ang parehong interes na meron ka tulad ng iba at malamang maging start ito para magkaron ka ng ideas para sa mga future articles mo.

πŸ’ŸMagsimula kang magsulat ng articles. Madami ding posts tungkol sa kung paano at ano ang maaari mong isulat bilang isang article. Mamay, bibigyan kita ng links na kung saan (sana) makakakuha ka ng tips.

πŸ’ŸMakipag-kaibigan sa pamamagitan ng comments. Ang pakikipag-kaibigan ay isang paraan para makakuha ka ng supporters. Bagamat, ine-encourage namin ang pagiging totoo. Ine-encourage namin ang tunay na tapat na conversations at hindi lang yung 'subscribe to me too.." na conversation. Ine-encourage namin ang tunay na interactions. Makakatulong itong makakuha ka ng supporters/subscribers at mapapanatili mo sila.

πŸ’ŸMag subscribe ka sa mga writers na gusto mo at laging maging sincere at mabait. Kailangan pa ba dagdagan sasabihin ko tungkol dito? 😊

MGA BAGAY NA AYAW MO GAWIN SA READCASH

❌Wag magpopost ng plagiarism sa kahit na anong anyo. Larawan, texts, comments, articles, kahit ano... Nadedetect ito ng Readcash at malalaman ito ng mga users. Hindi mo gugustuhing mag copy-paste ng texts, mangopya ng photos, mag copy-paste ng comments, at wag kang mangongopya ng gawa ng iba! Masidhi (seryoso/malalim) ang pag discourage namin sa mga ganitong gawain.

❌ Iwasan mag-spam sa platform. Ibig sabihin nito ay ang paggawa ng mga hindi nauugnay na comments sa nga articles at magpopost ng low-quality na articles. Ang mga halimbawa ng mga hindi nauugnay na comments ay "wow nice very good"," subscribed to yiy subscribe back please","nice article please subscribe back," at mga ganyang tulad na comments. Ipinapakita nito na hindi ka naman talaga interesado sa article at insulto ito sa writer na nagbigay ng effort at oras niya para makapagsulat ng worthy na article. Tingin ko, pwede mo sila alukin na icheck ang arricles mo paminsan minsan pero para gawin ito ng madalas sa lahat ng article na mababasa mo ay sa halip magle-lead ng pagkainis ng audience sayo. Maliban nalang kapag parehas kayo ng mindset ng nakakabasa. Kung parehas kayong pag-gain lamang ng subscribers at hindi pagcreate ng magandang quality na article ang gusto, eh nasa iisa nga kayong paniniwala. Paniniwala na bandang huli ay aalisin din ni Readcash dahil ito ay cheating at ITO AY UNFAIR.

❌ Wag magjoin sa upvoting groups. Okay, anu ba ibig sabihin nito? Ang upvoting groups ay hindi nangangahulugang nagjoin ka sa group chat o anuman. Ang iig sabihin ng upvoting group ay "upvote mo ko, upvote kita". At ang upvote na ito ay ang tinatawag na thumbs up. Ang pag-upvote gamit ang tip ay hindi mo ikakapahamak kundi ang pag-upvote gamit ang thumbs up. Bakit? Kasi ang pag-thumbs up ay basehan din sa random rewarder, at kung manghihingi ka ng upvote (thumbs up) kapalit ng pag-upvote(thumbs up) mo din sa kanilanay kino-consider ng Readcash na cheating. Di ko alam ang eksaktong paraan paano nila vina-validate ang bawat upvote(thumbs up) pero vina-validate nila ang mga ito para mai-differentiate ang mga tunay na taos pusong upvotes (thumbs up) sa mga gawa lamang ng upvoting groups. Uulitin ko, hindi mo kailangang literal na kasali sa isang grupo. Kapag nag upvote ka ng writer at yung writer na yun nagupvote sayo, sa tingin ko nade-detect ng system ang intervals. At lalabas na parehas kayong naga-upvote sa isa't isa para lamang makapag-upvote sa isa't isa. At maaari kayo makakuha ng penalty mula sa pagkakuha ng mas kaunting points hanggang sa maaaring di kayo makakuha ng points sa loob ng ilang araw o linggo depende sa inyong violation. Syempre, depende din sa article. Hindi talaga ako sure paano ito vina-validate. haha Pero, ang UPVOTING sa pamamagitan ng TIPS ay ibang kwento naman. Hindi ka nila ipe-penalize dahil dito. Bakit? Ang pag-upvote gamit ang tip ay ginagamit ang sarili mong funds sa wallet mo. May percentage na napupunta sa Readcash sa mga ganitong actions. Kaya kung magbibigay kayo ng tips sa isa't isa, haha binibigay niyo ang ilan sa tips sa Readcash, sa madaling salita. Tandaan mo, percentage. At sa totoo lang mahirap ito abusuhin. At, ginagamit mo ang sarili mong funds (na-earn or dineposit mo) sa pagbigay ng upvote tipping, hindi ang points or funds ng Readcash. Edi, bakit ka nila pipigilan sa kung paano mo i-handle ang sarili mong pera?😊 Kaya.lagi ming tatandaan ang upvoting group ay thumbs up hindi ang pagbgay ng tip. Thumbs up. kasama dito ang pag like ng articles at comments. AT COMMENTS! please, pakitandaan mo ito. 😊

❌Iwasang mag-invite ng kasama sa bahay na gumagamit ng parehong wifi, phone data, o anumang bagay na nakakapagshare kayo ng parehas na IP address. Maco-consider ito na isa mo pang account at magi-split ang points na maaaring sa parehong accounts. At kapag nakapag-upvote (thumbs up) ang parehong accounts sa isa't isa, automatic kayo matatag bilang upvoting group. Maghello sa penalty. haha. Di ako sure sa mga sitwasyon na tulad ng kapag ang isang user ay gumamit ng mobile data/wifi ng kaibigan niya na para mag login kahit pa pagtapos niya makapag sign up o dikaya'y ang isang user ay gumamit ng public wifi para mag login na maaaring maging vulnerable na magkaron ng same IP sa ibang strangers at ang user na gumamit ng bagong biling second hand cellphone na ang may ari ay ginamit na ito para makapag login ang readcash. Susubukan kong itanong kay readcash ang mga tungkol dito pero para sa safer side tayo, gumamit tayo mg sariling wifi at wag mag-invite ng kahiy sino para gamitin ang parehong IP address na meron ka, sa ngayon. Pero sa tingin ko may nabasa ako na okay lang magkaron hanggang 4 accounts sa same IP. Subukan ko i-clear ito kay readcash. Sana ma-notice niya email ko hahaha.

❌ Wag maging bastos, mang-insulto (direkta o hindi), o anumang anyo ng kasamang pag-uugali. Tandaan mo, kailangan natin maging totoo sa sarili pero kailangan din nating maging considerate sa iba... Nagwowork tayo bilang isang team dito, hindi ito tungkol lang sa mga opinyon mo. Hindi ito tungkol lang paniniwala mo. Hindi siya tungkol lang sayo. Kailangan natin ang isa't isa para ma-achieve natin ang goals natin at ang goals ng platform. Respetuhin ang opinyon at views ng isa't isa at laging maging civil kung maaari. Hindi ibig sabihin hindi tayo pwede magkaron ng katuwaan. Have fun pero alamin mo din ang limits mo.😊

Yang mga yan lang naiisip ko sa ngayon. haha. Maga-update ako agad kapag may naalala ako o idadagdag akong suggestions. 😊


Eto ang mga links na maaari mo ding i-consider na basahin:

Tips to new Pilipino Users at Readcash (Tagalog)

How to help increase your points

How to come up with topics to write

How to attract more subscribers and make them stay.

Nagho-host din ako ng contest ngayon, pwede mo i-check and mga detalye dito:

Search for Readcash first Singing Author Idol 2020

Ito ang mga communites na mino-moderate and/or co-moderate ko:

Pinay Everyday Journey

Movie Lover

Thriller/Horror Stories

Reality of Life

The singing authors


Salamat sa pagbabasa sana nakatulong itong article na ito sa iba. 😊😊😊


Wag kalimutang mag LIKE, COMMENT, SUBSCRIBE at UPVOTE... πŸ’œ

29
$ 0.00
Sponsors of Jdine
empty
empty
empty
Avatar for Jdine
Written by
4 years ago

Comments

noong bago ako sa read.cash hindi ko alam kung paano ako mag earn dito basta ang ginawa ko nalang magbasa at mag comment like at yun nakita ko nagka points na ako.kaso hanggang ngayon di ko parin magawa ang sumulat ng article.

$ 0.00
4 years ago

try mo mahsimula magkwento sa article mo. kwento mo feelings mo mga ganun.. 😊

$ 0.00
4 years ago

Nagustuhan ko yung ginawa mo na pinublish mo to into two articles, english and tagalog. Sa pamamaraang ito, mas marami kang maaabot na mambabasa.

$ 0.00
4 years ago

bat ganyan kayo magtagalog lahat.. masyado ba makata pagkakasulat ko ahahaha

$ 0.00
4 years ago

HAHAHAHA ewan paramg kasi sa sobrang pag eenglish ko dito sa platform na 'to, parang di na ako sanay magtagalog πŸ˜†

$ 0.00
4 years ago

hahhahaha trooootttttt

$ 0.00
4 years ago

Getting an English translation would be useful for new users

$ 0.00
4 years ago

well, if you read the top line. first line.. there's where you choose between english and tagalog version. 😊😊

$ 0.00
4 years ago

Thank you for your article

$ 0.00
4 years ago

Nice article author sakit ksi sa utak mga english post peru good job ver well said πŸ˜…

$ 0.00
4 years ago

hahaha. para sa mga kababayan.. 😊😊

$ 0.00
4 years ago

Thanks sa info

$ 0.00
4 years ago

Maraming sa impormasyong na mas madaling maintindihan ng mga baguhan dito s plataporma n ito. Naway maging gabay nila ito s paggawa ng artikulo at makapag bahagi ng kanilang ideya

$ 0.00
4 years ago

d ko naisip yung word na plataporma ha ahaha. nice ahaha.... daoat nga yata taglish ang nilagay ko sa title ahaha

$ 0.00
4 years ago

Ok lang un at least you make it in the simplest way. Hehehe

$ 0.00
4 years ago

hahaha nahirapan akonsa ibang words. alam mo yng alam mo yung meaning pero d mo alam anong tagalog word ba translation niya ganun haha

$ 0.00
4 years ago

Hahha i feel you. Mahirap I-execute ng maayos sa tagalog

$ 0.00
4 years ago

oo nga eh. haha

$ 0.00
4 years ago

I checked your wall. Dami mo n pala subscribers. Would you mind if i can subs on you? And subs me.back?? Tia.

May pasingjng contest kna dn pla dto. Which is good. Two thumbs up to you πŸ‘πŸ‘

$ 0.00
4 years ago

Oh thank you. pwede ka din mag join sa singing contest. 😊

I will check you profile... 😊 I want to subscribe to writers that has articles I find interesting. 😊 gusto ko kasi pag nagsubscribe ko, they are sure na supporter talaga ako.. 😊 i will check your profile and let you know in one of your articles if I subscribed. 😊

$ 0.00
4 years ago

Sali ako pag may time, mejo busy dn s work eh hehehe

Me too, gusto ko parehong magbebenefit both users. Thank you again πŸ€—

$ 0.00
4 years ago

yep... you're welcome.. 😊

take your time.. we still have week 2 haha...

$ 0.00
4 years ago

Next season n lang ako hhaha. Need to practice my horrible voice 😁

$ 0.00
4 years ago

hahahaha cge.. we don't believe that one possesses a horrible voice though. we all have our ranges and the right song for our voice 😊

$ 0.00
4 years ago

Nice to read your article I beg your permission to translate your article into Bengali

$ 0.00
4 years ago

Can I think about it? But I appreciate your respect for asking me first. 😊 I will tell you my answer later. 😊

$ 0.00
4 years ago

Ok

$ 0.00
4 years ago

Please subscribe my channel bro

$ 0.00
4 years ago

Welcome to Red Cass. If you are nearby, you will be nearby. Thank you

$ 0.00
4 years ago

What' wrong with these guys??? Hahaha

$ 0.00
4 years ago

Grabi ang haba naman. Haha mas okay to kaysa english. Mas naiintindihan ko ito ng maayos laking tulong to para sa mga bagohan na kagaya ko. Salamat!

$ 0.00
4 years ago

hahahaha oo sinabihan ako gawan ko ng tagalog version kaya ayan ginawan ko ahaha

$ 0.00
4 years ago

Ang haba sis haha, binasa ko padin, ganyan ang mga nakikita ko nung mga nkaraang araw hanggang ngayon, yung magpapasubscribe, grabe, kahit nkasubscribe kana uulitin ulit yung comment sa ibang article naman, nakakaloka. May tanong palan ako sis, dito ko nalang itanong , bakit pala yung iba walang points na natatanggap ngayong araw? Salamat sis.

$ 0.00
4 years ago

ikaw din ba???? ako din sis ahahaha... halos wala talaga. nagstart siya kagabi. parang nag stop or sobrang bagal or liit ganun ahahhaa.. akala ko ako lang ahhaa.

$ 0.00
4 years ago

Sakin nag start kahapon mga 4pm hanggang kaninang 8am na, tapos ngayon 0.7 points palang haha

$ 0.00
4 years ago

.7 points hindi .7dollars noh hahaha. di tayo nagkakalayo ahahhaa...

$ 0.00
4 years ago

.7 points talaga , wala pang 1 point, sana bukas ok na hehe

$ 0.00
4 years ago

hahahhaa ay grabe ahahhaa.... anu kaya nangyare noh ahaha.. sobrang dami cguro natin ngayon na active ahaha

$ 0.00
4 years ago

Isang malaking tulong para sa mga baguhan sa readcash,maliwanag na eksplinasyon at mga mungkahi upang lalong maintindihan at mapabuti nila ang pagiging isang myembro ng readcash.😊

$ 0.00
4 years ago

sumakit ulo ko sa comment mo ahaha. ang lalim ha hahaha...

ikinagagalak kong makapagbigay ng tulong sa aking mga bagong kamyembro dito. naway tunay ngang makapagbigay linaw ang aking sulatin upang mapadali ang pagumpisa ng mga bagong myembro. 😊

$ 0.00
4 years ago

Pag binasa haha😊

$ 0.00
4 years ago

Sis, ang lalim ng mga tagalog nyo para kayong mga lalaban sa politics baga. Haha

$ 0.00
4 years ago

ay was.. di ko type ang politics ahaha..

$ 0.00
4 years ago

maraming salamat po sa pag share. dagdag kaalaman po ito para sa ktulad ko na bago palang dito pagpatuloy nyu lng po ang pag payo o bibigay ng nga idea na dpat gawin. sna po mramai.pa kyung matulungan maraming salamat po godbless.

$ 0.00
4 years ago

sana nakatulong din sayo... 😊 good luck at welcome ulitbsa readcash

$ 0.00
4 years ago

malaking tulong po ito sa akin maam maraming salamat po ulit maam

$ 0.00
4 years ago

anytime po.. 😊

$ 0.00
4 years ago

@Shoycc Try mo basahin to saka yung invite mo share mo din to. Useful article to promise.

$ 0.00
4 years ago

nakakapagod kasi minsan yung uulitin mo ulit panu magstart yung invite mo haha kaya ayan cge post ko para share ko nalang link ko pag may new invite ako ahaha. sana makatulong din sa inyo. haha

$ 0.00
4 years ago

Uu sis salamat dito, kasi kahit ako kailangan ko parin mga tips panu kumita dito sa readcash.

$ 0.00
4 years ago

alright ahahaha.... effort is real dito ahaha

$ 0.00
4 years ago

Isa pa pala sis, yung sa boosting, may earn ba yun?

$ 0.00
4 years ago

depende sis sa article na nakaboost sis.. dapat interesting siya para basahin siya pag nakita sa.front page. pag nagboost ka kasi, ang mangyayare yung article na yun mapupunta sa homepage depende sa amount at duration ng boost mo...

$ 0.00
4 years ago

Ok sis salamat ha.

$ 0.00
4 years ago

hirap ako mag isip ng mga pwedeng article.

$ 0.00
4 years ago

try mo po basahin yung isa sa links. meron po dun how to come up with topics to write. 😊😊

$ 0.00
4 years ago

Ang bilis mo madam, hahaha yung sakin naka draft pa din hanggang ngayon πŸ˜‚πŸ˜‚

Malaking tulong para sa mga ka Pilipino natin dito, salamat madam πŸ‘πŸ‘πŸ˜˜

$ 0.00
4 years ago

Walang anuman po haha... πŸ˜‚πŸ€£πŸ˜… mabilis ba? haha

$ 0.00
4 years ago

Opo ay, ahahaha, ang haba nyan ee, πŸ˜‚

$ 0.00
4 years ago

hahhaa di ko din narealize ang haba nga pala talaga ahaha.. baka mabored na silang basahin ahaha

$ 0.00
4 years ago

Haha, ee kung gusto nila matutonan talaga palakaran sa rc dapat talaga nila basahin yan, mas madali yan malinaw pa 😁

$ 0.00
4 years ago

hahaha.... naks... tenchu berimats... 🀣

$ 0.00
4 years ago

Hehe, welcome po πŸ˜πŸ˜πŸ˜‚

$ 0.00
4 years ago

Wow thanks for your article. Your content is so good i like it

$ 0.00
4 years ago

May english din ... 😊😊😊

$ 0.00
4 years ago

Oo nga eh talino mo hahah ang effort mo talaga

$ 0.00
4 years ago

effort dba. tapos kokopyahin lang ng iba ahahaha

$ 0.00
4 years ago

Oo nga

$ 0.00
4 years ago

tapos nagtatanong pa bat ko daw pinost wala daw warning. hello binasa ba niya yung kinopya niya. ang linaw ng warnings jan ah ahahhaaha

$ 0.00
4 years ago

Sumagot pa😀😀 nakakinis Yung ganun

$ 0.00
4 years ago

hahaha... mas masaya na ko sa ibang nanghihingi ng subscription kesa naman sa nangongopya ahaha....

$ 0.00
4 years ago

Oo nga

$ 0.00
4 years ago

Amazing story dear ❀❀✌ i like YOUR Post ❀❀✌ Thanks for Sharing❀❀✌✌

$ 0.00
4 years ago

Nice article

$ 0.00
4 years ago