Masasabi ko na isa ako sa mga masuwerte na OFW na madami naman na alam kung mas madami na higit pa naman na mas masuwerte. Pero ibinilang ko ang aking sarili at ipinag pasalamat.
Ibabahagi ko sa inyo kung bakit ko nasabi yon. Ang isa sa aking ikinatutuwa sa aking pag a aboard ay yong nakarating ako sa mga lugar na kahit sa simula ay di ko akalain na mapuntahan ko .
Ang bansang Egypt isa sa sikat na bansa sa kasaysayan na nakasulat sa mga libro . Maging sa Bible man karamihan sa old testament.
Unang tapak sa bansang Egypt.
Taong 2003 una aKong isinama ng aking mga amo, sasakyan lng ang aming ginamit sa suadi kame dumaan isang napakahabang paglalakbay.maganda ang mga tanawin malawak na deserto . Pero di kame maka deretso ng biyahe sapagkat napaka init noong mga panahon na ayon kaya nag stay kame sa hotel ng mga ilang oras at PAg lumamig na ay mag papatuloy na ulit. At Doon ko din nakita Ang mga magagandang kulay ng bundok na bato na sa larawan lamang at poster ko noon nakikita.
Pagod man sa biyahe pero sulit sa ganda ng tanawin , sumakay kame ng barko(roro )para tawirin Ang red sea mula sa Saudi pa punta ng Egypt ,sabi ko sa sarili ko nakita ko na din ang red sea. Hanggang narating namin Ang kanilang bansa at malayo pa din ang aming biyahe pero màbusog naman Ang mga matama mo sa ganda ng tanawin.
Hanggang sa nakarating na din kame sa kanilang bahày sa loob ng 24 oras na biyahe. At habang Nasa biyahe kame itinuturo ng amo kung alin ang mga historical place sa kanilang lugar.Sobrang pagod grabe. Una kung na meet Ang mga pamilya ng amo kung babae at lahat sila ay mababait .
Katunayan kahit na sila ay mga muslim ay inihatid nila ako sa simbahan ng katoliko para makapag Simba. At naka PAg celebrate din ako doon ng aking kaarawan na binigyan din ako ng sopresa ng mga kapatid ng aking amo na babae.
Ang Hindi ko lng talaga makaya doon ay ang grabe na PAg gala aalis kame ng 11pm ng gabi uuwi ng 3am ng Umaga .na halos na di na matulog . syempre ako ay may trabaho pa ng araw para aKong sombe .
Mahilig sila mamasyal andon na mag stay kame sa hotel ng isang linggo pupunta ng Cairo at kung saan saan pa na lugar masasabi mo naman na sulit Ang iyong bakasyon sapagkat di ko naman ito mararating kung sarili kung pera Ang aking gagastusin kaya enjoy na lng natin kahit pagod at may mga alaga ako na bata. Kaya e appreciate ko kahit sobrang pagod. Pero sabi ko nga mas masarap mag bakasyon kung kasama mo ang iyong pamilya.
Tulip hotel in Cairo Egypt napaka ganda ng lugar.yr.2015
Kahit sa banyo nag photo pa din napaka ganda kase ng lugar.
Pero hindi lahat ng aming bakasyon ay masaya meron aKong experience noong 2019 na bakasyon na Hindi ko malimutan.nang nasa eroplano na kame papuntang Egypt.pinag sakitan ako ng tiyan na di ko malaman kung bakit.dahil siguro noong nag hintay kame ng aming lipad nag stop over kame sa bansang Qatar malamig sa loob tapos nag bus kame papunta sa eroplano mainit ng mga panahon na iyon.
Nag punta ako sa cr talagang di ko mapigil Ang sakit .alam nyo Naman Ang Cr ng eroplano maliit at tàlagang mahihilo ka .nang pAg labas ko ng Cr di ko na talaga yata kaya madilim na Ang paningin ko medyo malayo pa ang upuan pero sabi ko sa sarili ko di ako matutumba makakalakad ako hanggang sa upuan .nagulat Ang alaga kung binata kase PAg upo ko ang sama talaga ng lagay ko na parang mahimatay na yata ako .tanong niya sa akin napaano ka? Sabi ko susuka ako agad nya aKong binigyan ng plastic at ayon nga bumigay na.agad na tumindig ang amo ko kase nasa unahan lamanh namin sila.
Tanong niya sa akin kung akin lng ba daw ako kung hindi tatawag siya ng doctor.sabi ko huwag na nahihiya din Naman ako.itulog ko na lng nakaraan Ang ilang oras naging okey din Naman. Hanggang sa makababa kame.
Noong kukuhain na namin Ang aming bagahe 2 bang Ang wala na di nakasama sa erplano na iwan sa Qatar.at kung aming hintayin ay aabutin pa kame ng hapon ay madaling araw pa lng noon.
Kaya sabi ng amo ko babalikan na lamang daw naman sa susunod total babalik naman daw kame sa Cairo next day.pero ang nasa isip ko lahat ng aking gamit ay Nas Isang bag na naiwan.wala aKong damit kundi ang suot ko.tabghali na ng nakarating kame sa kanilang bahày kase malayo ang kanilang lugar.
Nabigyan man ako ng damit ng kapatid ng aking amo pero wala aKong pang loob na damit Ang gawa ko laba sa Gabi suot sa umaga ..di ba nakakaloka kung gabi wala aKong pang loob ng ilang gabi .(di ko talaga malimutan yon).
3 days pa bago nakabili ang amo ko kase palagi ko na siyang sinasabihan na bibili (Ramadan time noon ). Nakaka inis na sitwasyon pero wala aKong magawa di naman ako makalabas para bumili .pero sinulit ko na lng ang taon ng bakasyon na iyon .
Maraming magaganda na lugar na napuntahan .nakita ko ang pyramid na kahit sa malayo ay sobra niyang laki at ganda sayang Lng na wala aKong photo kase sabi ng amo ko PAg balik daw namin dadaan kame doon.pero gabi na ng nakabalik kame at di na nakadaan.
View of some street in Cairo.
Skiegypt snow place games.
Nakita ko din ang pinaka mahabang ilong sa buong Mundo at ayon ay Nail river.naranasan ko din sumakay sa cruise ship habang nag iikot sa nail river.
Rooftop of the cruise ship have a pool.
Parang nag sosyal si inday (charing pelingera) di ba kahit paano na naranasan ko din ito. At thankful ako sa lahat ng blessing na aking nakamit at ito ay matatawag ko na journey ng aking buhay.
Salamat po sa inyong PAg babasa sana po kahit paano na enjoy nyo din kahit na medyo magulo Ang pagkakagawa ko.
Thanks also sa aking mga reader tippers sponsors at likers subscribers at @TheRandomRewarder God bless us all
Love
Jay997
I am happy na naka find ka ng amo na mababait at sinama ka sa Egypt. ganda ng photos.