Kumusta kayo mga kapwa ko manunulat at mag babasa?ang buong maghapon nyo ba ay maganda at mabunga ? Kasi kung ako ang buong maghapon ko ay sobrang busy sa daming trabaho,hanggang ngayon ay may nakasalang pa din ako na niluluto.
Bakit my cross stitch ang aking artikolo ngayon?naalaala ko kasi Yong aking cross stitch na ginawa noong kaanak ko pa lamang sa aking anak na panganay . Noong iniwan muna namin pang samantala ang aming anak sa aking biyanan sa Negros para may mag alaga sa kanya sapagkat pareho kaming nag tatrabaho ng aking asawa.noong mga panahon na ayon ay bumili ako ng mapag lilibangan at ayon ay ang cross stitch na tela pattern at sinulid.ang akala ko noong una ay madali lang siya gawin pero mahirap pala subalit nakakalibang at hanggang naging habit ko na ang mag cross stitch, pero ang tagal bago na tapos ,sapagkat malaki ang aking ginawa,at palagi akong tumitigil gawa ng meron akong trabaho,nasa dalawang taon bago ko natapos ang aking kaunaunahang gawa.ayan ang aking unang natapos na gawin ang guardian angel,at nasundan pa ito ng marami pang iba.
Bakit po naging ito ang topic ko ngayon kasi meron akong games na nilalaro ngayon sa money well Yong Cross stitch nakatuwa lamang na habang nag gagames ka e kumita ka din kahit penny lang ,nakakailang Cross stitch na ako na nagawa ,at kahit ako ay pagod na pagod sa buong maghapon.ako naman ay naaliw sa aking ginagawa kahit papaano.nakakatanggal ng stress lalo na kung magaganda na Yong nagagawa mo parang ayaw mo ng tumigil . Tapos malaki na din Yong points ko kaya lang maliit lang Yong kanyang kita,pero ang mahalaga eh Yong saya na iyong nararamdaman pag ikaw ay nag Cross stitch.
Naka Lima na ako ng nagawa ngayong araw na ito ,at masaya ako sa naging results kita nyo ang gaganda ng mga Cross stitch design. Parang totoo lang habang iyong ginagawa nakaka amaze na Yong habit mo dati puede mo pa din gawin sa ibang paran akin din e try na e payout Yong aking games mamaya ,nakatuwa lang na malapit na akong maka 3$ na na iipon sa games na aking pinag titiyagaan . Sabi nga ang lahat ay nag sisimula sa maliit basta ang kailangan lang ay iying pagtiyagaan at balang araw ito ay lalaki din.
Ayan lang po muna ngayong araw na ito dahil nga sa ka bisihan ko wala akong gaano na maisip na maisulat,maraming salqmat sa iyong pag suporta sa araw araw.
Gusto ko po muna ipakilala sa inyo ang aking mga mapagbigay at mapag suporta na mga sponsors, magaganda din po ang kanilang mga artikolo kaya inyo na pong pindutin abg mga photo nila.maraming salamat po sa lahat
November 13 2021
11;20 pm Kuwait
Love
Jay997
ang galing nmn tlg ng mga mommy sa ganyang hobbies. ung sipag at tyaga sa paggawa prang pag aalaga ng mga anak lng eh. Alam ko po isa ito sa way nyo pra maibsan ang lungkot na nadarama nyo po dahil nsa malayo po kau at hnd nyo ksama pamilya mo. keep it up mommy ganda.