Hi read.cash family I'm here again.i hope all of you are doing fine.
Be content what we have.
Nasisiyahan ba tayo kung anong meron tayo o palagi pa ding may kulang? Ayan ang tao halos di masiyahan kung anong meron siya gusto palaging maghanap ng mas hihigit pa.marami ng pera pero parang kulang pa din mag hahanap pa din ng idadagdag na kita.pag laki naman ng pera ganon din ang pag laki ng gastos.mabuti pa noong Di ka pa nag aboard nag kasya lang naman Yong sahod mo nag tiis kung akong meron kahit maliit na pag kakasya.pero noon lumaki na Yong sahod lumaki din ang gastusin.
meron ng magandang bahay pero gusto pa ding pagandahin ng pagandahin. At noon maganda na Yong bahay sempre kailangan noon magaganda ding mga gamit kase bago Yong bahay,at pag maganda na ang bahay syempre kailangan may sasakyan na di ba kase may bago ng bahay . Ang tao hanap ng hanap kung ano ang gusto . Parang palaging may kulang.
Meron naman ang ganda ng babae magpapaganda pa mag papa retoke pa ng hitsura pinataas si ilong pinakapal ang labi pina alis pa ang taba hanggang nag mukhang kalansay na sa pag papa retoke. Namayat na ng sobra sa pag dadiet makuha lang ang gusto pero ang totoo di talaga makuntento sa anong meron siya.meron pa nga na namamatay sa mismong pag papaopera o pag paparetoke.
Minsan naman meron may asawa na o may ka relasyon na di pa din makuntento hahanap pa din ng iba hanggang sa magkagulo gulo lamang ang mga buhay may mga nadadamay na inosente na tao sapagkat Di na konteto kung anong meron siya.at gusto pang mag hanap ng iba.
At ang isa pa ding Di mawala ang inggitan sa isat isa kung bakit Di makuntento sapagkat mayroong nakahihigit kaysa kanya .ayan minsan ang sinisimulan ng paghahangad na magkaroon ng mas higit sa kapwa niya. Na kung minsan sa pag hahangad ng karangyaan ay siya namang pinag sisimulan ng kapahamakan.kung hindi mag iingat ang tao sa mga bagay na gustong maabot.
Di masama ang maghangad ng karangyaan basta huwag tayong makakasakit o mapapahamak o ikakasama natin. Basta palagi nating tatandaan lahat ng bagay na sobra ay masama . Enjoy what we have masyadong maikli ang buhay para Di natin lasapin ang kung anong meron tayo . Ang lahat ng bagay ay galing sa Diyos at ang gusto niya ito ay ating na Enjoy maliit man o malaki ito ay ating pahalagahan.
Mamuhay ng tama at wasto ,gawin kung ano ang makakasaya sayo at sa kapwa para wala tayong pagsisihan pag dating ng panahon. Enjoyin ang mga bagay na ating pinaghirapan huwag ang pinag hirapan ng iba .
Hanggang dito na lang po muna ang aking artikolo maraming salamat sa aking mga sponsors sa walang sawang pag suporta ganon din sa aking mga mambabasa .mabuhay po tayong lahat isang mapag palang gabi.
8:48 pm Kuwait
Love
Jay997
Dapat marunong tayong makuntento sa kung anong meron tayo....Kasi don mo mararamdaman ang totoong kasayahan kapag marunong kang makuntento.