A Father's Note

11 40
Avatar for Janz
Written by
2 years ago

March 1, 2022

Isang araw nag sabi ang isang Ama sa kanyang anak, wika niya. "Anak lagi mo'ng tatandaan ang tatlong bagay na ito" at sumagot ang kanyang anak "ano po ba ang ibig ninyong sabihin oh aking ama?" At sumagot ang kanyang ama.

  • Kung ikaw ay kakain sikapin mong kumain ng masasarap na pag kain.

  • At kung ikaw ay matutulog, matulog ka sa magandang higaan. At,

  • Sikapin mong tumira sa pinaka magandang tahanan.

Nag taka ang kanyang anak sapagkat imposible niya itong magawa dahil sila ay mahirap lamang. "Oh aking ama, papaano ako makaka-kain ng masarap na pag kain? Tayo ay mahirap lamang oh ama ko."

"Paano ako makakatulog sa magandang higaan? Wala naman tayong magandang higaan gaya ng mayayaman."

Paano ako titira sa magandang tahanan kung wala naman tayong sariling bahay na masisilungan."

Naguguluhang tanong ng bata sa kanyang ama. Ang kanyang ama ay matalino (hakim) at sinagot ang kanyang anak ng simpleng sagot. Wika ng Ama sa kanyang anak. "Kung ikaw ay kakain, kumain ka lamang sa oras na ikaw ay nagugutom" at "kung ikaw ay matutulog, matulog ka lamang sa oras na ikaw ay pagod" at pang huli "sikapin mong maging mabuting tao, mabuti sa iyong kapwa at ikaw ay titira sa kanilang mga puso."

Alam natin na kung tayo ay nagugutom, kahit anong ipaghanda sa atin o kahit ano lamang ang pwedi natin kainin ay atin itong kinakain at sa panlasa natin ito ang pinaka masarap na pagkain. Pag ang tao ay gutom wala ng dahilan para ang tao ay pumili ng pagkain lahat ay masarap sa panlasa niya. At kapag ang tao ay subrang pagod na kahit saan basta pwedi kang matulog ay matutulog ka at yun ang pinaka masarap na tulogan para sa iyo. Kahit pa ikaw ay naka upo basta ikaw ay subrang pagod na tiyak ikaw ay makakatulog. At kapag ikaw ay isang mabuting tao, mabuti sa kapwa ay tiyak maninirahan ka sa kanilang mga puso. At yun ang pinaka magandang tahanan para sa iyo sapagkat hindi ito masisira ng bagyo o lindol.

~ Junix


Magandang araw sa lahat. Itong artikulong ito po pala ay gawa ng aking partner sapagka't ako'y sobrang busy pa sa aming modyuls dahil bukas na ang distribusyon ng mga modyul namin sa aming mga studyante sa hayskul kaya't dapat na matapos na namin itong maiprinta ngayong araw. At itong inyong lingkod ay may isa pang sabjek na dapat na matapos ngayong araw. Kaya, sige lang laban lang tayo sa buhay. Pero sa totoo lang, ang hirap pala mag time management. Hayyyy, kapag pala nasa kasagsagan ka ng maraming deadlines na kailangang tapusin ay hindi mo na malalaman kung ano ang uunahin hangga't sa sumakit nalang ulo mo. Kaya nga din sabi ng kasamahan ko sa opisina, "take one step at a time" at isa isa daw matatapos lahat. At totoo naman, basta wag lang ma pressure para maging tama pa rin ang nagagawa.

So, yung fictional story ko na "My brother, the one who broke my heart" ay hindi ko pa masusundan ng next episode kasi busy pa nanay niyo. Siguro bukas o sa susunod na araw pag medyo okay na schedule. Sa mga nag aabang (feeling naman meron hehe) pasensya muna at hindi ko pa ma upload ang mga susunod na mga mangyayari sa aking fictional story.

Ayun, ito muna entry ko sa unang araw ng Marso. Isang maikling storya ng mag ama kung saan ang isang ama ay nagbibigay ng mga motibasyon at inspirasyon sa anak na maging isang mabuting tao at mabuting halimbawa sa iba.

Sana ay magustuhan niyo itong artikulong gawa ng aking partner.

Yan na muna sa ngayon. Kitakits tayo sa susunod na artikulo.

At, pasensya na sa aking Tagalog kasi alam kong masagwa itong basahin. Haha Bahala nalang kayo mag-adjust. Hehe

Sponsors of Janz
empty
empty
empty

"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) - @Janz

Lead image were taken from Unsplash.


6
$ 1.03
$ 1.03 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Janz
empty
empty
empty
Avatar for Janz
Written by
2 years ago

Comments

Tama nga naman yung partner mo ate. Yung ang pinakamaganda. Basta mabuti tayo sa kapwa natin mabuti din tayo sa kanila at lagi tayo sa puso nila na kailanmay hindi masisira.

$ 0.00
2 years ago

Mao lage sel, lawom kaayo iyang hugot wako kasagang haha

$ 0.00
2 years ago

Haha mao gayud ate. 😅 Grabe arang ka hugot ate. 😅

$ 0.00
2 years ago

Tinuod jod lami na jod ang bisan unsa na pagkaon basta gutom na. Wa nay pili haha

$ 0.00
2 years ago

Labaw mem, bisan way lasa malami nalang gtud tawon

$ 0.00
2 years ago

Tagalog na tagalog madam pero the meaning behind that words of wisdom from his father leave such a great impact and morale.

$ 0.00
2 years ago

Thanks madam, that you'd able to find the article with having full of wisdom.

$ 0.00
2 years ago

Laena bitaw sa imung tagalog basahon dzai haha. Itagalog nag storya nahu bi basin mada pa 😂

Mabag-uhan ko kigwa 😂

$ 0.00
2 years ago

hahahah bugtok ka gurl, bitaw feel jud naho nag type ko pag ka laena hahaha maypa lage akong gi English hahaha

$ 0.00
2 years ago

Ang lawma ra pud dai hahaha ay kung sa bisaya pa, bisdak kaayo ba. Hahaha Ahw maju na gurl praktis mats pa ba. Haha.

Pero ahu message bitaw is laban inahan 😂

$ 0.00
2 years ago

hahahaha, duhhh bugtok jud ng Tagalog lage oyy, saupan pud kong bengot kay naghimo 2mins ra mao balang2 pud ko ug sumpay

$ 0.00
2 years ago