Naranasan nyo na bang magtrabaho SA tubuhan?... Naranasan ko lahat NG klaseng trabaho sa tubuhan pwera Ang araro at magpasan ng tubo paakyat Ng truck..... Pero walang naniniwala sakin pag nagkukwento ako... Palagi nilang sinasabi, ke ganda ganda mo.. Ang kinis Ng balat mo Sino niloloko mo??. Ang puti puti mo nga eh... Mga linya Ng mga taong Hindi naniniwala...
Lima kaming magkakapatid... Apat sa Amin nakaranas magtrabaho SA tubuhan Lalo na kapag walang pasok para sa araw Ng pasukan may pambaon at pambili kami Ng mga school supplies... Minsan pambili na Rin Ng bigas...
Dahil SA hirap Ng buhay, mga Bata pa Lang kami tumutulong na kami SA magulang namin... Dati magkano Lang Ang bayad sa isang araw? 50 pesos ... Simula alas 6-10 am to 1-4 pm.. Walong oras na kayod para 50 pesos na sahod... Umulan umaraw bawal magpahinga... Kakapagod .... Bagay na Hindi ko nakakalimutan pero ayaw ko na talagang balikan...😢😢😢..
Napaka hirap lumaki sa probinsya o lumaking mahirap ang buhay, puro gawain lalo na sa mga ganyang sitwasyon yung tipong magtatrabaho ka sa lahat ng bagay na kailangan mo. Paghihirapan pa talaga. Godbless po sayo sis hehe kaya mo yan gabayan ka ni lord