Bahay bahayan
Kapag ganitong oras noong Bata ka pa ,ano ginagawa nyo? Kami, pinapatulog kami Ni mama tapos hihiga sya SA tabi namin pero nauuna syang nakakatulog... Tapos kapag nakatulog na sya, tatayo kaming magkakapatid... Lalabas kami SA bahay may paborito kaming puno Ng balimbing Doon kami nag babahay bahayan.... Naalala ko Ang dahon Ng Madre de cacao na malalapad, yon Ang ginagawa naming pera... Tapos nagluluto lutuan kami SA bao Ng niyog nilalagyan namin Ng pinong buhangin tapos bulaklak Ng santan... Lahat NG magandang bulaklak pinipitas namin ginagawa naming ulam... Tapos lahat NG sako Ni mama ginagawa naming dingding at bubong... Yong kendi namin, mga balat Ng frutos,snowbear at candy mint nilalagyan namin Ng bato SA loob... Hahaha Pag gising Ng mama ko, ayon sisigaw na Yan Kung saan kami... Pinapauwi kami Kasi tirik na tirik Ang araw ... Pagdating SA loob Ng bahay may sinturon na o hanger nag aabang SA mga pwet namin... Hahaha... Sarap maging Bata no?? Lalo na kapag puro Palo pwet mo..π π π
30 comments
Kaka miss maging bata. Free from worries and all. Pinapatulog din kami pag ganitong oras. Tapos may tsokolate or champorada pag gising. Namimiss ko tuloy so lola. Ang sarap2x ng champorado nya.
Kaya nga noh? Nong mga Bata pa tayo, gusto natin lumaki agad, ngayon Parang gusto ko namang bumalik sa pagkabata Yong tipong laro at gala Lang Ang pinuproblema... Hahaha
hays sarap maging bata,yung wala kang iniisp na problema,maglalaro lang kayo ng bahay bahayan ng kalaro mo masaya kana..
Oo nga noh, dati pinuproblema ko Lang paano ako makatakas sa mama ko tuwing hapon para makapaglaro sa kapitbahay namin..at pano Hindi mapalo pag uwi..πππ
ganyan din ako..hahha yung papayulugin ka za tanghali pero hindi ja matutulog hihintayin mo na yung nanay mo una matutulog sabay takas..hahha sarap balikan ng pagiging bata..
Sarap din Ang maPalo noh?.. hahaha... Yong susunduin ka Ng sinturon... π π π Nan! Gala pa..
naku po yun lang..haha ginatago ko sintton ng tatay ko nun haha pero hindi sila namamalo kapaglaro ka lang,namamalo sila kapag tuturuan ka tapos hindi ka makikinig..hahha
Hahah... Kami palaging pinapalo kapag tumatakas sa tanghali.. pinapatulog, eh prefer naming maglaro sa labas eh..
kasarapan kasi talaga ng laro ng nga bata pa,tingnan mo ngayon na tumanda na tayo ni wala ng time maglaro hahah tsaka d narin pwede haha pwera nalang talaga kapag may baby ka nagiging bata kapa rin kasi talaga lalaruin mo..hahaha
Ang cute naman po ng article mo sis haha naalala ko nung mga bata kami ng mga kapatid ko tska pinsan, ang sarap ibalik yung dati. Pag gusto kaming patulugin sabay sabay kaming lahat na maglalaro kesa lumabas ng bahay mas masaya pa kesa sa labas.
Ang sarap balikan noh? Yan Yong mga panahon na Kayo Kayo Lang magkakampi Ng mga kapatid at pinsan mo.. kapag may sasaling iba, aawayinπ π π ...
Ang saya saya talaga ng panahon natin eh. Di na nararanasan ng mga bata yan ngayon
Masaya nong panahon natin...lahat NG mga basura dati, naappreciate pa nating paglaruan... Ngayon Wala na, gadgets na Lang kilala nga mga bata ngayon...
Tama sis pero nalang gadgets nakakakaloka eh.
Kahit two years old na mga Bata marunong na magpindot pindot... Ako dati natuto akong mag cp, first year college na...
Subrang Saya maging isang bata noon kesa ngayon na puro gadget na ang mga bata
Yes ! Kahit Simpleng habol habulan Lang laruin mo sa isang araw, sus! Worth it na yon...
Ako ng huhuli ng tutobi oo nkkmis isipin buhay bata..
Ay ayoko ko Nyan.. natakot akong manghuli Nyan syempre paglumipad sya tapos hulihin ko sya at madaganan ko puno Ng makahiya, masakit yonπππ
Sobrang nakakamiss talaga nag maglaro ng mga ganito laro na yung mga kababata natin na kasama natin sa mga kalokohan.
Yong ok pa Kayo habang naglalaro ngayon tapos Maya Maya away na ??.hahahaπππ
Siguro Nung time na Hindi pa kmi lumilipat Ng manila sobrang enjoy maging bata halos Wala Kang iniisip may hahain na agad sayo Ng pagkain .at prepare ndin lahat Ng susuotin. Mo pero Nung time na lumipat na kami sa manila medyo di na kmi naalagaan Ng husto ng mga magulang namin dahil need mg work nalubog Kasi kami sa utang that time kaya naranasan ndin nmin mg ulam Ng fish cracker hahaha .
Hahaha... Naranasan namin Yan... Super crunch na green masarap ulam sa kanin.. try mo, mapapagana Kain mo... πππ
Hahaha mukhang Hindi namin na ntry un ung mga may lasang isda Lang Kasi triny namin hahahaha. Minsan pg makagrocery hahaha ttry ko kumain nyan hahahha baka mas tipid pa hahaha
Kaming magkakapatid, Yan ginagawa naming pang bonding... Basta my super crunch lng na green... Ang Saya na namin..π π π
Naglalaro kami ng bahay-bahayan ng mga pinsan at kapatid ko. Tapos papagalitan kami, babagyo daw pag gumagawa kami ng ganun. hahahaha hindi ko alam kung anong kinalaman ng bahay bahayan sa bagyo.
Hahaha... Tinatakot mayo para Hindi Kayo makapaglaro... para iwas na din SA kalat... Hehehe
Oonga nakakamiss naman ang bahay bahayan minsan yung laruan lang Na ginawa nang square bahay mo
Hahaha... Kami pag gumagawa kami bahay, lahat NG sako Ng mama ko nakakalatπππ
Lalo na at naranasan mo ung kakaibang moves π€£ hahaha