Share ko Lang Po Yong first time Ng anak Kong makakita Ng chicken feet...
Isang Gabi, nagluto mama ko Ng adobong chicken feet... Dahil minsan lang nakakaluwag luwag, minsan din makakatikim Ng mga ganyang ulam... Naalala ko anak ko mga magtatlong taon pa Lang sya, marunong na magsalita... Nong inilagay Ni mama Ang adobong chicken feet sa lamesa lahat kami nasa harap na Ng hapag kainan... Nagulat Ang anak ko, napatayo sa upunan at lumapit mismo Doon sa bowl na nilalagyan Ng ulam sabay tanong sa mama ko, "mama Lola, kaninong kamay niluto mo?.. nagulat kami SA tanong pero lahat kmi napahalakhak..syempre dahil maliit pa sya, at kasing laki Lang Ng kamay nya Ang chicken feet, nag aalala baka kamay Ng batang maliit Ang ipapakain SA kanya... Kahit anong pilit namin na pakainin sya, ayaw nya talaga... Siguro dahil lagi sinasabi Ng kapatid Kong lalaki na kapag mang away sya puputulin kamay nya Kaya ayon!Hindi talaga kumain.. pero ngayon ok na, nag ngangatngat na dinπ π π
Hahaha ang cute po talaga ng mga bata, natatakot sa mga bagay na hindi pa nila alam haha excited na ako lumabas ang baby ko at mag ka experience ng ganyan din po hehe nakakatuwa naman po ang anak niyo