I was once a failure... Graduating ako sa college when I got pregnant.. Hindi ko Alam gagawin ko... Hindi Rin ako umuuwi sa Amin.. syempre walang sekreto Ang Hindi maibubunyag... Lalo na kapag buntis lalaki at lalaki talaga Ang tyan ko... Ang ginawa ko tinawagan ko mama ko na pumunta sa boarding house ko... Kasi takot ako sa papa ko... Baka saktan ako... Nong pumunta si mama sa boarding house ko , Hindi ko Alam paano simulan... Naalala ko Lang Ang nasabi ko , ma!.. sabay iyak... Tinanong ako NG mama ko bakit ako umiiyak Hindi ako makasagot... Ang dami nyang tanong... May failure ka ba? Nahihirapan ka pa? Kung may failure ka ok Lang, balikan mo gagastusan namin Ng papa mo... Kulang ba baon mo? Hahanap kami Ng paraan madagdagan Lang... Lahat yon inilingan ko... Last Na tanong Ng mama ko, buntis ka? Iniwan ka Ng lalaki?... Ok Lang andito Lang kami Ng papa mo... Hindi ka namin pababayaan .. Doon ako napatango... Alam Kong nasaktan ko magulang ko sa nagawa ko pero Ni minsan Hindi ko narinig na pinagalitan ako... Tinanggap nila ako...Tapos Umuwi ako sa bahay Kasi tinawagan ako NG papa ko na gusto nya akong Makita... Takot na takot ako... Nauna akong dumating SA bahay, nong nakita Kong paparating papa ko, lumabas ako SA kusina ako dumaan... Nagtago ako SA malaking puno Ng santol... Pero nakita ako ng papa ko, pumasok ako ulit SA kusina ,hinabol ako NG papa ko... Niyakap ako sabay Sabi, andito Lang kmi Ng mama mo...Kung iniwan ka nya, tatanggapin ka namin... Tutulungan ks namin makabangon ulit... So ayon... Nawala na takot ko Kasi Alam na Ng mga magulang ko... Kaya kahit buntis ako tinapos ko kurso ko... Nag martsa akong buntis... Pagka panganak ko ginawa ko lahat NG paraan para makabawi SA mga magulang ko at mga kapatid ko... Bilang panganay Alam ko na ako Sana Ang sandata nila para makaahon SA hirap.. Ang ginawa ko , tinulungan ko mga kapatid ko makapagtapos sa college tatlo sila nakatapos na... Isa na Lang pinapaaral ko... Ngayon malaki na din anak ko... Mahal na Mahal Ng magulang ko Kasi sya pa Lang Ang apo.. lahat din Ng gusto nya,nabibigay tinutulungan din ako NG mga kapatid ko...
Laking pasasalamat ko dahil swerte ako sa magulang At mga kapatid ko... Tandaan na kapag nadapa matutong bumangon... Kapag nagkamali, wag nang umulit pa... Kalimutan Ang nakaraan at magsimula Ng panibagong buhay kasama ang pamilya...
I admire people who stands up after they fall. Nagkakamali tayo but hindi ang mga pagkakamali natin ang mag dedefine sa atin bilang tao. Yan ang di maunawaan ng mga makikitid. You are so blessed sa parents mo. And you are a blessing to your family, too. 👏