Naranasan nyo na bang matinda Ng Kung anu ano para may pambili sa mga pangangailangan nyu SA loob Ng bahay?Sino Ang mahilig humingi Ng tawad? Maykaya ba o kapwa mo mahirap??
Ang mga magulang ko mahilig magtinda Ng Kung anu ano dati SA bayan Lalo kapag araw Ng pamamalengke...meron silang mga uling, kahoy,dahon Ng sili, dahon Ng malunggay, mga kayamito, bayabas, Gabi at Kung ano ano pa... Kahit gaano pa kadami bitbit nilang paninda, pag uwi nila bagsak parin mga balikat nila... Alam nyu Kung bakit? Dahil lahat NG paninda nila binarat Ng mamimili... Yong tipong gustong hingin na Lang sayo... Kapag mahirap ka, no choice ka na eh... Kesa maghintay ka hanggang maghapon tapos Wala Ng bibili sayo... Syempre mas pipiliin nilang ibenta sa murang halaga para makauwi na dahil Alam nilang may mga anak silang naghihintay na Hindi pa nakakain..
Tanong ko Lang, bakit sa mahihirap mahilig tayo humingi nagtawad? Yon Lang Naman source of income nila... Bakit pagkumakain tayo SA restaurant , nakakabigay naman tayo Ng tip sa mga waiters/waitresses na may mga sahod Naman sila...
Yan Ang naaalala ko nong Bata pa ako.. Kaya ngayon, kapag bumili ako NG mga gulay, pinilipi ko Ang mga nakalatag sa kalsada ...Hindi ako humihingi Ng tawad bagkos nagbibigay ako NG sobra... Hindi ko kinukuha sukli ko para tulong na din sa kanila.. liban na Lang talaga kapag malaking halaga pera ko...kapag nasa restaurant ako, nagbibigay din ako NG tip, maliit na halaga pero Alam Kong nakapagpapasaya...
Kami din sis nung mga bata pa kami mahilig kami mag tinda ng kung ano ano pero halos pag kain lang haha kami ng mga kapatid ko haha ang saya talaga maging bata ngayon kasi wala ng ganyang bata eh puro nalang gadget