United Nation celebration Spreading love to everyone ๐
Joined 22 February 2021 · 1318 posts
120 KT
0 KT received · 0 KT given
United Nation celebration Spreading love to everyone ๐
Trying hard mag crochet ๐ . Ang tagal Kong nag practice, hindi pa kagandahan ang gawa ko pero ang saya saya ko kasi kahit papano eh may natutunan naman ako,.. Ngayon ko lang nalaman na ma's mahirap pa pala ang pag crochet kaysa sa pag solve ng math problem ๐
Good afternoon! Parang gusto Kong matuto mag crochet kaya napa-order ako nito. Sumusunod lang ako sa mga tutorial sa YouTube, yung first try ko ang hirap pero try lng ng try.
Goodevening Ngayon lang ulit naka pag post, ngayon lang ulit kasi nagkaroon ng pang load sa WiFi namin ๐ . Share ko lang ito na katabi namin Matulog, nakakatawa ang sleeping position nya parang hindi pusa na nangunguwa ng ulam ๐คฃ. #animallover โค๏ธ
Share ko lang ito guys...nagtitinda sya sa harap ng ospital, dito lang sya naka pwesto sa hagdan, sa kanya rin ako bumibili ng pagkain namin ni papa, marami rin bumibili sa kanya lalo na yung mga empleyado dito sa ospital mura kasi tinda nya na pagkain yung mga canteen kasi dito ang ma mahal ng pagkain bubutasin talaga ang bulsa... Hindi pa pala makakalabas si papa 3weeks pa daw kami dito sabi ng doktor kasi maraming test pa daw angbpagdadaanan ni papa ko.
Kakatapos ko lang maglaba nong mga damit na Ginamit ni papa sa hospital, bukas babalik ulit ako doon para mag dala ng gamit nya at pagkain.. Araw - araw ako pumupunta doon sa ospital malayo din nasa 1 oras ang byahe pero kailangan Kong dalhan si papa ng pagkain bawal sa kanya kasi yung mga niluto sa canteen o restaurant.. Goodnight guys. ๐
Na confined na si papa sa hospital kasi hirap na talaga sya huminga dahil nga sa meron tubig yung kanyang lungs. Second night namin ngayon dito, nandito pala kami sa emergency room wala pa daw kasi bakante na room para kay papa, ang daming patients at siksikan talaga dito, medyo nakaka stress din talaga yung amoy at yung mga pinapasok na pasyente halos lahat ay naaksidente, as in nakakatrauma ang mga kalagayan nila, tapos mamaya bigla nalang may iiyak kasi meron ng namatay.. Nagtitiis kami dito kasi wala din kami pera pang private hospital aasa din kami sa philhealth at sa tulong na ibibigay ng mga kapatid ko.
Nangutang Oops! Kumusta na mareng malupit Kaya nga aq sayo lumapit kasi Ako'y gipit Kaya wag kang mapilit dahil bulsa ko'y punit Kahit singilin mo pa aqng paulit ulit Ako'y isang taong ayaw mapasabit Kaya Imbes magnakaw sa utang nalang aq kumapit, Hindi nmn kita tatakasan, dahil bahay natin ay magkalapit Wag ka muna sa galit ay mamilipit Sige ka, pag ika'yย sa galit ay nadisgrasya Utang ko sayo paniguradong ligtas na Kay San Pedro Ako nalang ay iyong ikumusta Pero pag minalasmalas kay satanas bumati ka Huwag mo naman kasing isakto sa birthday ni Jun jun Naubusan na rin ng gatas si nene kaya uunahin ko muna yun Si mister kakarampot lang ang sahod anong ma gagawa ko dun Kaya mare pasensya ma babayaran din kita di nga lang ngayon
Goodmorning. TULA ulit ๐ NAGPAUTANG Aba, aba, nag text ka Pagka tagal tagal na ngayon mo lng aq naalala Noong una Ako'y nagdududa Pero nereplyan parin kita "Oh, kmusta kana? " Sabi ko na nga ba mangungutang ka. Sabi mo kailangan mo ng pera Dahil anak Mo'y na disgrasya Tinanong kita, magkano ba? Sabi mo sampung libo kasya na Kinabukasan nakita ko, ung anak mong n desgrasya nagbibesekleta. Sabi mo babayaran mo lang aq sa makalawa Nong sisingilin na kita pagmumukha mo hindi ko n makita Tinatawagan kita pero yungย cellphone number mo unattended na Hindi sinasadya, nagtagpo tayong dalawa Muntik na kita ng hindi makilala, Wow nag pa rebond ka? Ang saya saya ko kasi nagkita na tayong dalawa Inunahan mo pa ko, sabi mo yung utang mo sa a makalawa na. Grabe ka! Ilang makalawa pa ang hihintayin ko E mag iisang buwan na Pumunta ako sa bahay nyo Katok ako ng Katok pero walang tao Binilin ko kapitbahy mo Na pagnakita ka nya etext nya ko... Hindi pa nga ako nakalalayo nag ring n cellphone ko Noong tiningnan ko, txt ka ng kapitbahy mo Sabi nya, nandito na yung hinahanap mo Wala akong na gawa, bumalik aq sa bahay nyo Malayo palang natanaw na kita, pa selfie2x kapa Pag dating ko, sabay ka umarangkada Oh, saan ka pupunta? Yung ang una mong linya Sabi ko, sisingilin ko ung utang mo na kay tagal tagal na Nagulat kapa, ah! Binayaran na kita Noong una tayong nagkita Ako pa tlga ang pinagmukha mong tanga Sauo na yung sampung libo Abuloy ko na lng pag namata'y ka!
Goodevening guys! Tula muna ang content ko ngayon๐. Alak Bote na hugis ay Iba-Iba PapaHalakhakin, papaiyakin at papagapangin ka Ng likidong taglay nila Mgaย sawi sa pag-ibig ang takbuhan ay siya Hugohul doon, hagohul dito Na akala Mo'y mamatay na wala ang sinisinta Ito din ang sinasandalan at kinakapitan ng may mga problema Na para bang ang solusyon ay nasa likido na nilalaklak nila Hindi nila alam nagwawaldas lang sila ng pera Kabataan daw ang pag asa ng bayan Kung hagilapin mo sila ayย nasa daan At Bote ang pinapasa-pasahan Sa iba naman ito ay kasiyahan lamang Sa pakikiasamaย daw ito ang daan Sa mga kaibigan sila'y mayaman Ang payo ko lamang sa inyo Maging responsable munang tao Hindi masamang uminom nito Basta alam mo Kung hanggang saan lang ang kaya mo At wala kang na-agrabyadong kapwa mo.
Singkamas โค๏ธ Tira na lang ito sa lahat ng loho na Hiningi ko sa asawa ko ๐, nasabi Kung loho kasi akala naming dalawa buntis ako kasi naiba yung hubog ng katawan ko pero Syempre nasa plano na talaga namin na mag baby then ang dami ko talagang gustong kainin akala ko talaga naglilihi ako Yun pala masiba lang talaga ako๐... Pero grabe yung iyak ko ng nalaman Kong hindi pala ako buntis.
Pina x-ray ko si papa kahapon, ito yung result na pinakita sa akin nong nag x-ray, isa nalang yung lung ang nakita ๐ข... Nong kabataan kasi ng papa ko sa isang araw dalawang kaha ng sigarilyo ang naubos nya kaya ngayon na matanda na sya ngayon sya pinapahirapan..... Idagdag pa yung gout arthritis nya hindi din kasi sya mapagbawalan ng mga hindi sa kanya pwde na pagkain...
Nandito kami sa isang private clinic ipapa check-up ko kasi si papa dahil sa gout arthritis nya... Pag matanda na talaga ang hirap pag sabihan Kung alin pa ang bawal na pagkain Yun pa ang kakainin kaya inatake naman sya ng arthritis... Paborito nya kasi ang mga meat lalo na ang internal organs, hindi namin sya pinapakain ng mga ganyan eh kumakain pala sya sa canteen na hindi nmin alam kaya yan sya lang naman ang nagatamasa ng sakit... Pero apektado din kami kasi pag gabi hindi sya makatulog at sigaw lang sya ng sigaw kami hindi rin makatulog kailangan namin syang alagaan. ๐ข
Magandang Umaga po. Tula para sa mga taong parating tulala๐ Malahalimaw na Alaala Alaala ng kahapon sa pusot isip ay sariwa Sa mabibilog na mata umaanggilid ay luha Sa butot balat na katawan patpat ang tumatama Ang batang maralita, sakit ay di alintana Sa panahon ng kagipitan ako ay walang malapitan Ilaw ng tahanan ako ay iniwan Sa malabakal na kamo ng haligi ng tahanan Ako ay minamaltrato ng walang katapusan Umiiyak, umahalakhak at sumisigaw sa daan Tinig ng tatay Kong bote ang libangan Kalabog ng pinto ang babasag sa katahimikan Kukunin ang patpat na kanyang iniingat ingatan Hahatawin hanggang ang ulirat ay malagutan Hihikbi at sa GITNA NG dilim sarili'y yayakapin Kumakalam na sikmura ay hindi pansin Katawan ay lapnos matapos ang matinding pasakit Hangad ko lamang masayang buhay maramdaman Katulad ng isang batang tumatampisaw sa ulan Sa mga Ngiti at halikhik na umaalingaw-ngaw Oh, kay sayang tingnan, pangarap na hindi ko matanaw Ilang taon na ang lumipas Ang batang musmos na sa ama'y kumakaripas Ang mukhang madungis at dugo ang tumatangis Ngayon ay malaki na at sa kahapon ay nakabigkis Ang ama na noon ay kay bagsik bagsik Ngayon ay hindi na makakita at hindi na rin makarinig Anak na nagpupuyos sa galit, paghihigante ang nais Sa ama na malahayop kanyang tiniis Ngunit ang musmos na bata ay Nagising Yinakap ang ama at galit ay pigtasin Upang ang kalupitan ay mabaon na sa limot At masasayang Alaala na ang bumalot.
Have a nice morning! Kain tayo po ng tinapay, ito ang breakfast ko ngayon nakakatamad kasi magluto ako lang naman ang kakain yung asawa ko kasi hindi sya sanay na kumakain ng kanin sa almusal, coffee ay sapat na sa kanya pag morning eh ako naman hindi umiinom ng coffee, milk, chocolate tubig lang talaga ini inom ko pag umaga kaya kailangan ko Kumain ng kanin o kaya tinapay...
Naranasan nyo na din ba guys, Mawala ang earnings nyo dito kay noise? Ang ginagamit ko na wallet eh yung nandito kay noise mismo,... Pag open ko kay noise, nag taka ako kasi na logout na yung online wallet ko, ang ginawa ko ni- login ko ulit yung bch address ko sa aking wallet at pag check ko wala na yung lahat Kong naipon na pera ๐ญ, hindi ko alam Kung saan napunta. Sayang non pambili ko pa Yun ng pagkain ng mga alaga ko๐ข.
Magandang Umaga! Kinuhanan ko ng larawan yung katabi namin kagabi kahit nahulog na sya sa unan, ang himbing parin ng tulog, kami na ang nag adjust. Hindi kasi sya pwedeng maipit masyado syang mapanakit ๐คฃ.. Breakfast pala tayo guys, mamaya ay maglalaba naman ako. Sabi ko sa asawa ko na Bibili kami ng washing machine para ma's madali ang paglalaba ayaw nya tataas daw ang Bill namin sa kuryente ๐
Oh diba, yung helmet ginawa nya ng tulugan hehehe. Ang bait ng pusa namin na yan, dalawang manok lang naman ang pinag laruan nya hanggang sa mamatay, yung binigay pa naman Yun sa akin ng tesda ๐ข. First time nya kasing makakita ng manok. Akala ko binabantayan nya lang, meron pala syang masamang balak.

Spell the word " Pagod" ๐ Napapatanong nalang ako sa sarili ko Kung gusto ka ba talaga ang tinatahak ko na career (teaching). Gustong gusto ko naman ng mga kids, actually love ko ang pagtuturo kaya lang nakaka-stress sa workplace ko, kapag ma baba ang position binibigay yung lahat ng work, tapos utos dito utos doon... Then pagsasalitaan kapa ng masasama ng salita ng principal, dahil lang sa hindi ka nya bet na applicant. Parang ayoko ko na talaga, ma mamatay ako kay Deped๐
Hello po๐ Kakauwi ko lang galing sa party maliban pala sa teacher's day meron din pala kaming teacher's night, ang daming event sa buwan ng October ๐, meron palang libring dinner na naka lagay sa styro hindi ko kinain kasi busog pa naman ako kaya balak ko dalhin nalang pauwi, pag labas ko ng venue, may asong sunod ng sunod sa akin, habang naghihintay ako ng sundo ko tinititigan nya lang ako kaya Yun binigay ko nalang sa kanya yung dala kong pagkain ๐


Na e post ko na ito kay noise. Cash, meron lang akong binago at dinagdag ๐ Bili na, sa PAPAG ko'y mamili na kayo Lahat ng hinahanap niyo ay nandito Magpagulay man o prutas ay meron ako Ito'y masustansya at pampagana sa relasyon nyo Kumain ka ng papaya kutis Mo'y magiging porselana Tigyawat mong kay pula - pula ay di oobra Sa kutis mong kay ganda-ganda Ang jowa mong tanga ay di na titingin pa sa iba Pag kayo ng asawa Mo'y nagkasagutan Kumain ka nito sa Presyon Mo'y Ito'y panlaban Kamatis pala ang aking pangalan Na sayo'y kakampi at sa asawa Mo'y lalabanan Ma's maputi ba sya sayo? Ako na ang sagot sa problema mo Patigasin mo lang ako Libag Mo'y aking hihilurinย at balat mo ay puputi sa akin Kung ayaw mo sa akin, sabay nating PATOLAn pangpalo ako ay magaling Kutis ng kalaban mo aking sisirain ๐คฃ Sa lalamunan mo man Ako'y madulas Kabit ng asawa Mo'y sa akin ay walang ligtas Sa hapag kainan Ako'y iyong ihain Ang lumapit sa asawa Mo'y aking o-okra-yin Mabahong hininga ang problema? Dalawang metro na ang layo na aamoy pa Dahon ko'y iyong durugin(powderize) Ngipin Mo'y papaputiin, hininga ay papabanguhin Ako pala si bayabas, ang mag babalik ng lambing nyong walang pigtas. Pag ang syota mo man ay nagloko Bilhin mo lang ako, pwd aq pamalo sa ulo Para tumino at matuto ng todo Ako pala'y mahaba at maraming buto, ako si upo Relasyon niyo ba'y nanlalamig na at nakakaginaw At ayaw mong ang syota Mo'y sayo bumitaw Bumili ka lang ng aking mahahabang sitaw Pampahaba ng relasyon hanggang mundo'y magunaw. Kaya halina kayo mga suki Kong magaganda't gwapo Marami akong produktong makakatulong sainyo Di kayo magsisisi Yun ay aking sinisigurado
Goodafternoon po,... Nag market pala ako ngayon at ito yung nakita ko ๐ Nakakita na ba kayo na ganitong pinya? Ngayon lang ako nito nakakita ๐ , meron palang ganitong uri ng pinya... Parang ang hirap nito balatan hehehe... Nadaanan ko lang yan sa market hindi ko naman binili kasi mahal eh...
Dito ko ito ilalabas kay noise, mahabang kwento ito guys, nong Monday nag celebrate kami ng teachers day, grabe ang ulan non maraming teachers ang hindi nag parade kasi nga ang lakas nong ulan at isa na ako doon pero may mga teachers kahit na malakas ang ulan eh nag parade padin sila... Yung principal namin galit na galit kasi nga maraming mga teachers nya ang hindi nag parade binigyan nya kami ng punishment pinauwi nya kami ng 5:00 pm eh lahat kami commute nahirapan kami sa pag hanap ng masasakyan pauwi. Kahapon akala namin tapos na yung issue na hindi kami nag parade nong Monday... Ako yung pinag salitaan ng masasakit na salita at tinuroturo nya pa ako kasi substitute teacher lang daw ako, at marami pang naungkat na hindi daw ako pumupunta ng office, pag pumunta man daw ako eh umaalis daw ako kaagad meron pa nga daw sya sa akin na ipag-uutos,doon ako ma's nasaktan sa sinabi nya hindi nya alam Kung anong hirap ang nararanasan namin, hindi ko napigilan na ang sarili ko sinagot ko yung principal ko, sinabi ko yung side ko na hindi ako pumupunta sa office kasi hindi ko maiwan ang mga studynte ko at oras nag pagtuturo bakit ako aalis at mag stay sa office lahat naman ng sinabi nya na dapat Kung gawin e ginagawa ko naman halos lahat nga ng teacher assistant na ako kaliwat kanan ang utos sa akin pero hindi ako Nagrereklamo tapos ma degrade pa ako dahil sa substitute teacher lang daw ako, nag iyakan yung mga lahat ng teacher sinagot din yung principal, meron nag collapse na teacher kaya Yun Imbes na mag celebrate kami ng teachers day namin sa school sa ospital kami napunta.... First time ko ito mag celebrate ng teachers day hindi ko akalain na madudungisan ang imahe ko ng dahil lang sa hindi ako sumabak doon sa maulan na parade.... ๐ญ
Happy teacher's day po sa lahat ng teacher dito kay noise ๐ Ang lakas ng ulan dito sa amin, ngayon pa naman gaganamin ang teacher's day sa buong sorsogon, mabuti nalang at dumeretcho nako dito sa venue hindi na ako sumabay sa parade kaya ligtas ako sa ulan at baha ๐ . Kung ako ang papipiliin na gusto Kung gawin tuwing teacher's day, ma's gusto ko na magpahinga sa bahay, Matulog maghapon o kaya naman gawin ang gusto ko, ito kasi medyo nakaka stress din, maraming activity kasi eh.
Sigarilyas/winged bean Nag harvest pala ako ng sigarilyas / winged bean, ang daminG bunga nong tanim ko at nakakaumay narin na palaging ganito ang ulam namin kaya ibebenta ko nalang na maging pera. Minsan ibinigay ko sa mga kapitbahay ko pero hindi din pala maganda kapag parating nagbibigay kasi nasasanay sila dati kasi halos araw araw ako nagbibigay ng mga gulay tapos Yun nahalata ko na sila na yung kumukusa na pumunta dito sa bahay namin, hindi umaalis hanggat hindi binibigyan parang dumipendi na sila sa mahihinge sa akin kaya ang ginawa ko pag may mga sobrang seedlings ako binibigay ko sa kanila para meron din silang maani sa bukaran nila.

Gumagawa ako ngayon ng flashcard, ang Ginamit ko lang ay mga recycled na materials sayang nmn kasi itatapon lang. Ibibigay ko pala ito sa isa Kung studynte na nahihirapan pa sa alphabet. Gusto ko kasi na bago ako umalis dito sa school eh may naibigay mn lng ako sa kanila
Naririnig nyo pa ba ang salitang floorwax? ๐ Friday ngayon kaya wala akong studynte kaya yan naglilinis ako ng room, Monday to Thursday lang kasi ang pasok ng mga studynte namin. Ang last Kong nag floorwax ng sahig ay nung studynte pa ako ๐, kaya ngayon napasabak ako sa pag floorwax hindi ko kasi naaasahan ang mga studynte ko sa paglilinis eh, hindi sila marunong mag walis, ayuko naman turuan sila o palinisin ng room takot din kasi ako baka pagalitan ako ng parents na pinapalinis ko ng room ang anak nila. Minsan pag may pumupunta na mababait na parents nagpapa tulong ako sa kanila sa paglilinis at pa igib ng tubig... Good morning ๐

Earthquake drill Nagsagawa kami ng earthquake drill ngayon. Mas maganda kapag alam din ng mga bata Kung anong gagawin kapag may mga ganitong trahedya/kalamidad na mangyayari... Habang nagdidiscuss ako about earthquake kanina marami yung nagrerecite na bata, alam na alam na nila Kung ano yung lindol at Kung ano yung gagawin nila tapos meron pang sinabi sila tungkol daw sa buntis pag nag lindol daw yung buntis kailangan daw buhusan ng tatlong tabo ng tubig para hindi ma kunan ๐ , o diba pati pamahiin alam na alam nila.
Nakakahinga ako ng maluwag pag ganitong oras na, uwian na kasi ng mga studynte ko, ang ganda sa paki ramdam pag nairaraos ko yung Bawat araw na matiwasay at may natutunan na bago yung mga studynte ko..... 5:00 pako ma Kakauwi ereready ko muna yung ituturo bukas na umaga, hindi ako nagdadala ng trabho sa bahay kasi ayokong ma stress ๐
Ang saya ko ngayon guys dumating na kasi yung pina ayos ko na wedding picture namin ng asawa ko, kinasal kami last January hindi naging maganda yung kinalabasan kasi para kaming na scam ng photographer na nakuha namin.... Eh kasi naman yung lahat ng picture namin yellow yung background tapos kami yellow na rin mga kutis namin, habang tinitingnan namin yung mga picts namin non tawa nalang ako ng tawa, maliban kasi sa yellow ang background naming lahat, wala ni isang picture na naka smile kami tapos nong naglalakad kami sa red carpet /aisle wala din kaming picture doon.... Yang Unang picture yan yung binigay sa amin ng photographer namin, yung ikalawa yan na yung pinaayos ko mahal din binayad ko kasi pina edit ko pa para pumuti mn lang kami tapos sila na rin ang nag provide ng picture frame.