Na e post ko na ito kay noise. Cash, meron lang akong binago at dinagdag 😊 Bili na, sa PAPAG ko'y mamili na kayo Lahat ng hinahanap niyo ay nandito Magpagulay man o prutas ay meron ako Ito'y masustansya at pampagana sa relasyon nyo Kumain ka ng papaya kutis Mo'y magiging porselana Tigyawat mong kay pula - pula ay di oobra Sa kutis mong kay ganda-ganda Ang jowa mong tanga ay di na titingin pa sa iba Pag kayo ng asawa Mo'y nagkasagutan Kumain ka nito sa Presyon Mo'y Ito'y panlaban Kamatis pala ang aking pangalan Na sayo'y kakampi at sa asawa Mo'y lalabanan Ma's maputi ba sya sayo? Ako na ang sagot sa problema mo Patigasin mo lang ako Libag Mo'y aking hihilurin at balat mo ay puputi sa akin Kung ayaw mo sa akin, sabay nating PATOLAn pangpalo ako ay magaling Kutis ng kalaban mo aking sisirain 🤣 Sa lalamunan mo man Ako'y madulas Kabit ng asawa Mo'y sa akin ay walang ligtas Sa hapag kainan Ako'y iyong ihain Ang lumapit sa asawa Mo'y aking o-okra-yin Mabahong hininga ang problema? Dalawang metro na ang layo na aamoy pa Dahon ko'y iyong durugin(powderize) Ngipin Mo'y papaputiin, hininga ay papabanguhin Ako pala si bayabas, ang mag babalik ng lambing nyong walang pigtas. Pag ang syota mo man ay nagloko Bilhin mo lang ako, pwd aq pamalo sa ulo Para tumino at matuto ng todo Ako pala'y mahaba at maraming buto, ako si upo Relasyon niyo ba'y nanlalamig na at nakakaginaw At ayaw mong ang syota Mo'y sayo bumitaw Bumili ka lang ng aking mahahabang sitaw Pampahaba ng relasyon hanggang mundo'y magunaw. Kaya halina kayo mga suki Kong magaganda't gwapo Marami akong produktong makakatulong sainyo Di kayo magsisisi Yun ay aking sinisigurado
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Sana maraming customer friend. Gandang hapon
Hala!! Grabe neto. More tula to come. ☺️ Good morning ❤️
Patungkol ba yarn sa mga bet ka ahaha mayupit yarn😆