Nangutang Oops! Kumusta na mareng malupit Kaya nga aq sayo lumapit kasi Ako'y gipit Kaya wag kang mapilit dahil bulsa ko'y punit Kahit singilin mo pa aqng paulit ulit Ako'y isang taong ayaw mapasabit Kaya Imbes magnakaw sa utang nalang aq kumapit, Hindi nmn kita tatakasan, dahil bahay natin ay magkalapit Wag ka muna sa galit ay mamilipit Sige ka, pag ika'y sa galit ay nadisgrasya Utang ko sayo paniguradong ligtas na Kay San Pedro Ako nalang ay iyong ikumusta Pero pag minalasmalas kay satanas bumati ka Huwag mo naman kasing isakto sa birthday ni Jun jun Naubusan na rin ng gatas si nene kaya uunahin ko muna yun Si mister kakarampot lang ang sahod anong ma gagawa ko dun Kaya mare pasensya ma babayaran din kita di nga lang ngayon
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Nakagawa ka na naman sis ng tula tungkol sa utang, hahah.
Ako rin nangungutang pag gipit. Pero hanggat maaari ayaw kong gawin yon, Kasi wala Naman talaga aking pagkukunan ng pambayad. Nakakahiya lang sa uutangan ko . Baka yun pa ang maging dahilan ng magiging pag aaway o di pagpapansinan.
Galing Naman gumawa ng tula hehe