Dito ko ito ilalabas kay noise, mahabang kwento ito guys, nong Monday nag celebrate kami ng teachers day, grabe ang ulan non maraming teachers ang hindi nag parade kasi nga ang lakas nong ulan at isa na ako doon pero may mga teachers kahit na malakas ang ulan eh nag parade padin sila... Yung principal namin galit na galit kasi nga maraming mga teachers nya ang hindi nag parade binigyan nya kami ng punishment pinauwi nya kami ng 5:00 pm eh lahat kami commute nahirapan kami sa pag hanap ng masasakyan pauwi. Kahapon akala namin tapos na yung issue na hindi kami nag parade nong Monday... Ako yung pinag salitaan ng masasakit na salita at tinuroturo nya pa ako kasi substitute teacher lang daw ako, at marami pang naungkat na hindi daw ako pumupunta ng office, pag pumunta man daw ako eh umaalis daw ako kaagad meron pa nga daw sya sa akin na ipag-uutos,doon ako ma's nasaktan sa sinabi nya hindi nya alam Kung anong hirap ang nararanasan namin, hindi ko napigilan na ang sarili ko sinagot ko yung principal ko, sinabi ko yung side ko na hindi ako pumupunta sa office kasi hindi ko maiwan ang mga studynte ko at oras nag pagtuturo bakit ako aalis at mag stay sa office lahat naman ng sinabi nya na dapat Kung gawin e ginagawa ko naman halos lahat nga ng teacher assistant na ako kaliwat kanan ang utos sa akin pero hindi ako Nagrereklamo tapos ma degrade pa ako dahil sa substitute teacher lang daw ako, nag iyakan yung mga lahat ng teacher sinagot din yung principal, meron nag collapse na teacher kaya Yun Imbes na mag celebrate kami ng teachers day namin sa school sa ospital kami napunta.... First time ko ito mag celebrate ng teachers day hindi ko akalain na madudungisan ang imahe ko ng dahil lang sa hindi ako sumabak doon sa maulan na parade.... 😭
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
6 comments
Happy Teacher's day sis isa kang dakilang teacher hindi man nila nakikita yan alam ng nasa taas yan pasasaan ba't marami ang makaka appreciate ng mga tinuturo mo.Walang mali sa ginawa mo hindi pwedeng porke mataas ang posisyon nya magbibitaw sya ng mga maaanghang na salita .Dahil hindi ka nya pinakakain para magsalita sya ng ganyan.Dapat isumbong sa nakakataas yan lumalabis na sya mga katungkulan nya.Pagkaisahan nyong patalsikin yan dapat pinuputol ang sungay nyan isumbong nyo sa DepEd yan.
Thank you so much po sa pagpapalakas ng loob ko.... Hanggang ngayon po hindi parin ako ma kapag move on, iyak parin ako ng iyak, sa dami ng school na naturuan ko na ngayon lang ako nakaranas ng ganito....
Dapat yan bigyan ng parusa yang principal na yan magkaisa kayong mga teacher. Marami pang teacher na makakatikim sa kanya kung hahayaan lang yan.hindi dapat pinalalagpas yan alam ng umuuulan magpaparada pa kayo alam ng uso ang sakit.Magdasal kayo malalagpasan nyo din yan sis. Kung meron kayong vedio dapat maipakita yan sa taas tanggal yan malamang.
Mabuti at nailabas mo sis ang sama ng loob mo dito. Sana po okay na kayo emotionally, mentally and physically. Same with your colleagues. For now, naka apply na ako sa public school. Waiting lng na may magpa sub or ipatawag para magturo sa school. Ngayon, medyo may naririnig rinig na din akong mga negativities sa school. Hehe. Pero, sa tuwing kinakausap ko ang nanay kong retired teacher dun, nabibigyan ako ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang pagiging guro... Hindi pa man ako nagiging guro, nais kong ipadama sa iyo na, kahit nagsisimula pa lang po kayo as a sub teacher, malalampasan niyo din po. Sana'y dahan dahan din mga superiors natin sa school sa pagsasalita at pairalin nawa ang pag iintindi nila. Mahirap kayang magkasakit ngayong tag ulan. Mamaya makidlatan pa kayo dahil lng sa parade. Pwede naman sigurong naging flexible ung principal at diretsong dinaos na lng sa school ung selebrasyon. Hehe. Gayunpaman, Happy Teacher's Day to you po sis. ☺️ Have a blessed day. (Ay sorry po, napahaba ung comment ko. 😅😁) Smile na po. Hehe.
Thank you so much po ma'am, kaybuti mo po... Sana hindi mo po maranasan ang naranasan ko. Sana ma permanent kana po. 😊
Tnx po. Kayo din. Stay safe and God bless. ☺️