Magandang Umaga po. Tula para sa mga taong parating tulalađŸ˜… Malahalimaw na Alaala Alaala ng kahapon sa pusot isip ay sariwa Sa mabibilog na mata umaanggilid ay luha Sa butot balat na katawan patpat ang tumatama Ang batang maralita, sakit ay di alintana Sa panahon ng kagipitan ako ay walang malapitan Ilaw ng tahanan ako ay iniwan Sa malabakal na kamo ng haligi ng tahanan Ako ay minamaltrato ng walang katapusan Umiiyak, umahalakhak at sumisigaw sa daan Tinig ng tatay Kong bote ang libangan Kalabog ng pinto ang babasag sa katahimikan Kukunin ang patpat na kanyang iniingat ingatan Hahatawin hanggang ang ulirat ay malagutan Hihikbi at sa GITNA NG dilim sarili'y yayakapin Kumakalam na sikmura ay hindi pansin Katawan ay lapnos matapos ang matinding pasakit Hangad ko lamang masayang buhay maramdaman Katulad ng isang batang tumatampisaw sa ulan Sa mga Ngiti at halikhik na umaalingaw-ngaw Oh, kay sayang tingnan, pangarap na hindi ko matanaw Ilang taon na ang lumipas Ang batang musmos na sa ama'y kumakaripas Ang mukhang madungis at dugo ang tumatangis Ngayon ay malaki na at sa kahapon ay nakabigkis Ang ama na noon ay kay bagsik bagsik Ngayon ay hindi na makakita at hindi na rin makarinig Anak na nagpupuyos sa galit, paghihigante ang nais Sa ama na malahayop kanyang tiniis Ngunit ang musmos na bata ay Nagising Yinakap ang ama at galit ay pigtasin Upang ang kalupitan ay mabaon na sa limot At masasayang Alaala na ang bumalot.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
5 comments
Minsan napapatulala nalang din ako lalo kapag pagod na haha.
That was fun to read! Good morning, sunshine!
Yan ang nangyayari sa panahon natin ngayon mabuti na lamng at hindi nangingimbabaw ang galit sa kanyang puso
Ang alaala ng kahapon ay di maganda Sa sakit at takot ay nahirati sa murang edad niya Sino ang sasagip at hahango sa kanya? Baka ikaw na nagbabasa ay maaaring kupkupin man lamang siya. Ahehe nakiki tulala lang sissy, prate din ako tulala
How about yong"lutang" ahaha churr.Ikaw na mate magaling tumula:)mabuti sa huli pinanaig parin nya ang pagrespeto at paggalang sa magulang sa kabila ng sinapit nya di tulad sa ibang palabas walang katapusan gantihan. Kahit pa sabihing palabas lang.Good Morning:)