My perfect BCH!
"Wala akong pakialam if tumaba ka or pumangit ka, basta ang alam ko, ikaw ang pinakamaganda sa akin. At patutunayan ko yan sa'yo araw-araw na magkasama tayo", deklara ni Patrick.
(I don't care if you'll be obese or ugly. All I know is that you're the most beautiful woman to me. And I'm going to prove it every day of our lives.)
He is lovingly staring at me while saying his vows, sobrang kilig ang nararamdaman ko habang tumutulo ang luha ko sa kaligayahan. "Thank you Lord, I found this man".
Pa'no nga ba nagsimula ang love story namin?
..........
Bago tayo magpatuloy, I just wanna flex my sponsors. They are the source of my inspiration here in read.cash.
...........
"Ano ba yang binabasa mo? Kanina ka pa jan", tanong ko kay bespren Anna. Isa syang blogger ng crypto ek-ek.
"Hayy, BCH is down but I am pretty sure it will rise again. Ganun naman sa market lalo na sa crypto-verse. At hey, I have a new blog, basahin mo. Magsign-up kana kasi, ang kulit mo! Click mo yang affiliate link na sinend ko sa'yo", sagot nya na may kasamang irap.
"Oh, sya sya gagawin ko yang sinasabi mo. Magandang raket ba yan?", sabi ko sa kanya.
"Of course, you will earn BCH as long as your content is original. You will be tipped by the bot we call "RR", "Rusty", or "Green Baby", dagdag ni Anna.
"Tama na sa English mo nagnonosebleed na'ko". Kaya clinick ko yung link and nagsign-up ako. Hmm, madali namang magsign up. Ano to'ng seed phrase na'to? Binasa ko saglit yung instructions, keri naman.
Naging busy na kami ni Anna so tumahimik na ang paligid.
"Hmm first article dapat introduction daw", I talked to myself so I created my very first article.
"Aloha, I am a noob in this platform", title ng first article ko. And I didn't expect na may mag comment.
"Hello, sana magenjoy ka sa platform na to at makaearn ka ng maraming BCH!", sabi ni Mr_CryptoGeek. At nagtip pa sya ng .05! Wow, ang saya-saya ko!
"Maraming salamat, di nga ako marunong magblog eh, try try lang!", I commented back. Nagsubscribe ako sa kanya at nagustuhan ko ang mga blog nya kasi sobrang informative. My day isn't perfect anymore if di ko nababasa mga articles nya. At may noise account sya. Nagregister ako sa noise.cash para ma-follow ko din sya.
Ms_Crytonoob followed Mr_CryptoGeek.
At dahil masyado syang active sa noise, ako din active din para mapansin nya ako. And then one day, nag-noise sya:
"Hello, noise geeks! I am here in Fairview Terraces trying this newly opened restaurant. Medyo pricey ang mga food pero sulit naman! I will share my reviews later pero I'm gonna enjoy eating muna!". Heart heart naman ako sa post nya. At sobrang happy ako kasi magkapit-barangay lang pala kami based dun sa binackread ko'ng post nya.
Actually, I am super near sa Fairview Terraces, kasi nasa Red Woods lang ako nakatira. Yung condo na katabi ng Fairview Terraces, hihihi. So nagbihis agad ako at pumunta sa Terraces and looked for that restaurant na minention nya. Stalker lang ang peg ng ate mo. Bahala na. Bet ko sya eh, bakit ba- kahit di ko pa nakikita yung totoong pagmumukha nya. "Pano pag kamukha sya ni Dagul?", sabi ko sa sarili ko. "Ayy, mapanlait si ateng", sabi ng konsensya ko.
Nagpaganda ako, simple lang naman ang pagpapaganda ko, light pulbo lang sa cheeks at lipgloss. Naka-jeans lang din ako. May mga nagsasabing kamukha ko daw yung Koreana na si Son Je-Yin ng "Crash Landing on You."
So hayun, grabe ang kabog ng dibdib ko habang paakyat ako ng 2nd floor. Di naman mahirap hanapin yung restaurant. Pumasok ako at nagmasid sa paligid ko. Buti na lang kokonti lang ang mga tao.
"San kaya yung Mr. Crypto na yun. Makaorder na nga", sabay tawag ko sa waiter. Busy ako kakatingin sa menu nang may lumapit sa akin.
"Miss, miss", sabi ng baritonong boses. Anlamig, parang pang DJ.
Dahan-dahan kong itinuon ang aking mga mata sa pinanggagalingan ng boses.
"OMG, ang guapo nya!", nalulon ko yata yung dila ko. Nagririgudon ang puso ko, andaming daga! Napako ang pwet ko sa bangko.
"Ikaw si Ms_Crytonoob, di ba? I am Mr_CryptoGeek. What a small world!", sabi nya sabay abot ng kamay. Halatang natutuwa sya.
Di ko alam ano'ng gagawin ko. Bakit para syang anghel na bumaba sa lupa? At bakit blue ang mga mata nya? Nakatitig lang ako sa kanya habang nakabuka ang bibig.
He slowly touched my chin to close my mouth.
"Aalis na lang ako, wala ka namang reaction", kunyari nalulungkot nyang sabi.
"Pasensya ka na, di ko kasi iniexpect na ikaw yan sir", nahihiyang sabi ko.
"Grabe makasir si Ma'am, haha!", labas ang malaporselana nyang mga ngipin.
"Sorry ha. Yeah ako nga si Ms_Crytonoob. Baguhan lang ako sa read at noise nainvite lang ako ng friend ko. Okay naman ang mga platforms di ba, supportive?", sabi ko.
"Yeah, di toxic ang mga tao. Nagienjoy nga ako bonus lang yung BCH na tip. Halika, selfie tayo tapos post natin sa noise! Magbablog din ako how we met sa read", sabi nya habang tinututok ang cam para magselfie kami. At inilagay nya ang kanang kamay nya para akbayan ako.
"Smile!", sabay click ng camera phone.
Andaming nag like ng post nya sa noise at may mga nanunukso pa. Grabe si Anna makasigaw at makakilig nang ikinuwent ko yung pang-iistalk ko.
"Grabe ka gurl, abay ako sa kasal ha?", tukso ni Anna.
"Batukan kaya kita jan!", sabi ko. Pero di ko alam kung aasa ako na magiging kami. Ang guapo at ang yaman nya pala sa totoong buhay. We kept our communication open. I supported him in read and cash. He became my sponsor sa read.
And then one night, he posted something in noise. Di nya kasi hiningi yung number ko last time na nagkita kami. Nahiya naman din akong maginitiate. Baka isipin nya di ako dalagang Filipina.
"@Ms_Crytonoob, can I invite you for a dinner tomorrow night at SM Fairview sa Mary Grace?" post nya sa noise.
Biglang tumunog ang phone ko.
"Hitad ka, ang kati mo!! Mag OO ka na! Bilis", sigaw ni Anna sa'ken.
"Huh? Ano'ng?", habang nashock ako sa nabasa ko sa noise.
"Ayeeeeee!!", kinikilig na hiyaw ni Anna.
Siyempre nag-OO ako, bakit pa ako magpapakipot? At ang dinner na yun ay nasundan pa ng maraming dinner. Hanggang tinanong nya kung pwede dumalaw sa bahay. He met my family and they liked him. At nakamit nya ang matamis kong "Oo" after a year of dating.
Nasa SM Fairview kami isang araw nang may isang mala-artistang babaeng lumapit at yumakap sa kanya.
"I missed you darling, where have you been?", sabi nung babae sabay pulupot sa leeg ng boyfriend ko.
"Ahem, I was just right here. Been so busy, sorry if I never reached out", matamlay na sabi ni Pat.
Umuusok na ang bunbunan ko sa babaeng ito!
"Denise, meet my girlfriend, Violet. Violet, Denise, my childhood friend", my boyfriend, Patrick, introduced us to each other.
"Sorry, Denise, we have to go now kasi may hinahabol kami ni Violet.", kunwaring paalam ni Pat.
"Call me please, darling", nagmamakaawang sabi ni Denise. Di man lang ako tiningnan ng hitad. Hinila ako ni Pat na parang gustong umiwas sa isang aswang.
"Huh, sorry Hon. Di ko iniexpect na magkita kami", apologetic na sabi ng boyfriend ko.
"Hello darling, I missed you!", ginagaya ko si Denise habang naglalakad kami sabay kending.
"Oy, nagsiselos sya", kinikilig ang boyfriend ko. Habang ako umiiyak na sa selos. Bigla ako'ng tumigil sa paglakad habang humihikbi.
"Bakit ka umiiyak? Di pa ba sapat sayo ang ipinapakita ko kung gaano kita kamahal?", sabi ni Pat sabay alo sa akin.
"Let's go. Kanina ko pa gustong imbitahin ka sa Mary Grace kaya lang andami mo gusto puntahan. Bet mo libutin yung buong mall?", natatawang sabi ni Pat.
Di ko napansin ang bonggang decorations sa Mary Grace pati ang dami ng tao kasi OA ako sa mga eksena kanina. Nang bigla na lang syang lumuhod.
"Violet, honey. I knew you were the right one the moment I first laid my eyes on you. I am not perfect but I will do my best to make you happy, I will always think of your welfare. I will always protect you. Will you give me the honor to be your other half?", madamdaming sabi ni Patrick.
"OO na! Umo-O ka na!", sigaw ng pamilya at mga kaibigan ko.
"Wag ka nang pakipot!", ang boses ng bestfriend ko'ng parang wangwang.
"Yes, I will", naluluha kong sagot. Sabay sout sa singsing at yakap sa akin. And he planted that lovely kiss on my forehead.
At heto kami, sa harap ng Diyos, pamilya, at mga kaibigan namin taking our vows, promising na we will love each other til death do us part.
I must be dreaming. Ang bait ng tadhana sa akin, sa amin ni Pat.
Thank you Anna, dahil naging bridge ka namin. Thank you read and noise dahil sa inyo, nagkakilala at naging kami ni pat.
I found "My Perfect B (Best) C (Caring) H (Husband)".
________________________________________________
Hello guys, I am happy because of the rain showers. Mother Nature has been kind to us.
Kamusta tayo jan? Kaya pa ba? Kaya yan! Tayo pa. Char... And I hope you liked my love story for today. Kapagod na magEnglish so dito muna tayo sa Taglish.
Love is really mysterious because it lets us meet the love of our lives in very unbelievable situations. Sana nainspire kayo.
Disclaimer: This content is original any similarity to any real-life situation is just a mere coincidence. This is for entertainment purposes only.
The lead image was from Unsplash.com
May 16, 2022
©HermaniGinger
Ayun o! Nabigyan ng sweet na meaning ang BCH :D