Yung Kras mo nun Highschool...
March 3, 2022
Sinong may kras nun Highschool?
Sinong wala?
Wala ka? Sige alis ka na, wala ka pa lang kras. Baka kasi di ka maka relate.
Joke lang! kaw naman....sensitive masyado...
Naisipan kong magtagalog for today kasi wala talaga akong mahugot na English. Kanina ko pa ginagawa this article in English, kaso wala talaga. Sobrang pagod sa work siguro? Tag-lish na lang muna tayo ha.
Habang naghahanap ako ng picture ng syempre, ahem, BTS, sa Pinterest, biglang lumitaw yun mga picture ng A little Thing Called Love nina Baifern at Mario Maurer. Mga Thai actress and actors po sila at nun 2013 ko ata napanood ang movie nila na yan na A Little Thing Called Love. Tuwang-tuwa ako sa movie na yan, kasi relate na relate ako dyan. Naalala ko nga bigla yun mga pinag gagagawa ko nun highschool nun simula akong nag karoon ng kras sa school. I-rerelate ko lang yun nangyari sakin based sa nangyari sa movie na A Little Called Love.
Ang Kras mo ang pinakagwapo sa buong School
Tama naman diba, maattract ka sa cute at gwapo ng school. Sa A little thing called Love, or ALTCL na nga lang, si P'Shone ang pinaka gwapong estudyante. Ginagampanan sya ni Mario Maurer. Member sya ng soccer club at camera club. Sikat sya sa school. Kapag dumadaan sya, madaming tumitigil ang mundo. Sya yun inaabangan mo parati at di ka talaga umaabsent dahil may reason para pumasok lagi.
Ganun din ako sa naging kras ko nun elementary. Siya yun pinaka gwapo sa school. Nakakatuwa kasi same section kami. Ilan taon nga ba ako nun, 13 years old? Basta first year ako, kasing laki pa lang ako ng Thumbelina. Chinito yun kras ko at matangkad. Leader ata sya sa boyscout at magaling syang mag volleyball. Kilala sya sa school namin at langgam lang ata ang walang kras sa kanya, kasi yun once yun ipis sa Cr inamin nya rin sakin na kras nya si kras. Ayun na nga, so madami kami talagang may kras sa kanya.
Ikaw ay nabibilang sa mga di kagandahan
Sa ALTCL, meron P'Nam. Alam mo yun typical na nagdadalaga na walang ayos, maitim kasi pagkatapos ng school mag lalaro na ng 10-20 sa kalye na naka uniform pa. Ganun si Nam. Hindi pa sya aware na need na nyang mag-ayos kasi nag dadalaga na sya, pero wait there's more, may transition naman mangyayari sa kanya sa future ng post ko, wait lang ha.
Akong-ako si Nam. Di ko papakita picture ko mamaya blackmail nyo ko. Basta ako yun typical na maitim na mataba na maliit, sabihin na lang natin na isang butanding,to be exact. Ang makakapansin lang sakin ay yung mga classmate ko na parang may pinatagong 1/4 sheet of paper. Ako yun nabibilang sa hinahawi pag may dumadaan na magandang estudyanteng babae. Taga palakpak, taga "go go go power rangers!", saka taga shene all, kung panahon natin ha.
Bakit mo Kras si kras?
Hala, may patanong na ganun, hindi ba pwedeng malandi lang talaga ako? Jowk! Pero sa totoo, stages kasi ng buhay natin yan diba. Lahat tayo makaka-kras, pag wala kang kras, manhid ka! Lahat tayo may ma appreciate na nilalang sa mundo at mapapasaya nila tayo. Minsan, may yugto sa buhay natin na sila lang ang magugustuhan natin. Mag seselos tayo pag na-lilink sila sa iba. Uso pa nun highschool na yun pogi para lang sa maganda. Ang sakit nun, pero totoo yun. Sa school namin nun ganun. Uso na nun ang judgemental na tao kahit hindi pa nauso ang salitang judgemental.
Sa ALTCL, kaya kras ni P'Nam Si P'Shone kasi gwapo sya, period. Ang daming pa slow motion effect ni P'Shone dun at si ate mo P'Nam, nangangarap na agad. Ganyan din ako ng highschool. Sa pangarap ko nga kinasal na ko, pero sa totoong buhay di ko pa tapos assignment ko.
Anong mga nakakatawang Ginawa mo kay Kras?
Ang dami kong ginawa na kalokohan masundan ko lang yun kras ko. Sinundan ko sya sa bahay nila. Naglalakad lang ang mokong, walang pamasahe? lol. Sa Pasay City yun school namin , so from Pasay to San Andres Manila, sinundan ko sya. Hala, naligaw ako! Paano ako uuwi? Ang matindi, habang sinusundan ko sya pauwi, bigla syang nawala! Naloka talaga ako ate charo!!! Asan na si Kras? Pano ako uuwi? Pero nakauwi naman po ako. Nag tanong tanong ako sa paligid at naglakad. Pag uwi ko sa bahay, ayun kakulay ko na si Kirara. Hindi pa ko tapos ha, ikwento muna natin ang side naman ni P'Nam.
Si Ate mo P'Nam naman nakakatuwa rin. Lumalabas sya ng klase nila para mag Cr, pero ang ate mo pumaparaan lang pala. Dadaanan lang pala nya yun classroom ni P'Shone. Hindi sila magkaklase kaya need nya talagang gumawa ng paraan. Minsan, sinunsundan nya rin whereabouts ni Koya mo. Pag naglalakad-lakad sa school building nakasunod din sya. Eto ang nakakatuwa, sa isang practice nila nakita nya yun phone number ni P'Shone. Alam mo ginawa? Tinawagan nya yun number. Alam mo nangyari? Sinagot ni P'Shone. Ang ate mo P'Nam, imbis na kausapin, binaba ang phone, lumabas ng bahay at nag tititili! Pag balik nya sa phone binaba na ni P'Shone. Ikaw kasi P'Nam nag moment ka pa, score na dapat yun eh!
Balik tayo sa kwento ko hehe. May ginawa pa ako kay Kras. Sobrang kras ko na sya at second year na ako nito. Classmate ko pa din sya. Pag PE, syempre mag papalit nang pang PE diba, so nawawala sya sa upuan nya. Pag wala ng tao, uupo ako sa upuan nya. Then titignan ko kung nakikita nya ako from his pwesto kasi naman mega nakaw na tingin ako pag klase na namin. Dapat ma estimate ko kung pwede akong mahuli diba?
Isa pa, eh di PE ulet ano, habang nag P-PE sila sa ground, malapit sa gym, pupunta ako sa classroom. Pupunta ako sa classroom para kalkalin ang bag nya. Alam mo ginawa ko, kinuha ko yun ID nya. Ewan ko ba kung anong pumasok sa sarili ko para kunin ang ID nya. Hindi pa yan tapos ha, umuwi ako ng bahay para dun itago ang ID nya, kasi mahirap na pag hinanap na nya ID nya at makita na nasa akin, mapapahiya ako. Bumalik rin ako ng school na parang wala akong ginawang kalokohan. Kinabukasan na nya hinanap ang ID nya at sorry na lang kasi di ako umamin. Nagpagawa sya tuloy ng bagong ID! harharhar.
Anong nakakaiyak na istorya nyo ni Kras?
Sa ALTCL, grabe may nakakaiyak dun na scene. Si P'Nam, nag glow up na po sya. Siyempre from maitim, pumuti na po sya, gumanda at maganda rin ang buhok. Naging kaibigan nya po si P'Shone. Kaso ang naging hadlang lamang ay ang kaibigan ni P'Shone kasi nagkagusto sya kay P'Nam. Pero yun pagmamahal ni P'Nam kay P'Shone di naman nagbago. So eto na nga, nag plano si P'Nam na mag tapat ng nararamdaman kay P'Shone. Sa swimming pool nya pinapunta si P'Shone at dun binigay ang isang rose na may button. Nagtapat sya. Sinabi nya kay P'Shone yun nararamdaman nya. Nakikinig lang si P'Shone. Nun binigay na nya yun rose kay P'Shone bigla nyang nabasa yun nakalagay sa uniform ni P'Shone. Nakasulat P'Shone loves P'Pin. Si P'Pin ay kaibigan nilang babae na super close kay P'Shone. Nagulat sya. Nag panic sya. Ang ginawa nya, kinongrats nya si P'Shone. Nanghina sya. Nahulog pa nga sya sa swimming pool. Ilagay ko na lang kaya yun video ano? O ayan, panoorin nyo na lang.
Ako naman, same. Same nang nangyari kay P'Nam. Si Kras ko, naging kaibigan ko sya. Third year na ako nun. Ang kaibihan lang, yun glow-up kay P'Nam lang nangyari, sakin hindi. Kahit anong gawin ko, muka pa din akong butanding nun third year.
Same. Kaibigan ko si kras, then dahil mabait sya sakin naisipan ko na mag tapat. Trip ko lang ba? bored ako eh. Pinapunta ko sya sa may dulo na gate. Mukang tanga nga ko kung bakit ko sya pinapunta dun eh may lumalabas daw na white lady dun! Pero ayun na nga, dahil ayokong mag love letter sa kanya, nagkita na lang kami. Kwentuhan muna ng kunti, pero ramdam ko na alam nya yun sasabihin ko. Nun mag sasabi na ako, biglang naiba yun timpla nya eh. Di ko alam kung nakakita sya ng white lady nun pero sabi nya, need na nya agad umalis kasi may naghihintay sa kanya kaya kung ano raw sasabihin ko sabihin ko na. Nawalan tuloy ako ng gana. Sinabi ko na lang na , "wala wala, gusto lang kita makita" feeling maganda ako nyan eh, may headband pa ko nyan.
Sagot nya, "sige alis na ko, alis ka na din baka lumabas si sadako dyan". Iniwan nya ako ng dali-dali. Habang naglalakad sya, sinundan ko sya. Alam mo na, sanay na sanay na ko na sumunod sa kanya. Malaman laman ko na katagpo nya pala sa isang lugar yun BFF ko nun. Nagtago ako sa may gate. May pinag uusapan sila, hindi ko marinig. Maya-maya nakita ko na nag kiss sila. Hindi ko maintindihan yun nararamdaman ko kasi never naman sinabi sakin ng BFF ko na kras nya si kras, yun pala may sekreto na pala silang relasyon. Nag walkout na lang ako ng mabilis kasi natakot akong mahuli nila, pero habang pauwi ako ng bahay, bigla na lang tumulo ang luha ko. Narealize ko na lang na nasasaktan ako nun natutulog na ko. Iyak ako ng iyak. Ang sakit nun. Brokenhearted butanding!
Kinabukasan, Saturday, so dun tayo sa Monday. Nun flag ceremony, kadalasan hinahanap ko sya at masaya ako na masilip kahit bunbunan nya lang, pero iba ang Monday na yun, dahil di ko sya hinanap. Wala akong energy. Wala akong gana. Sya pa mismo ang lumapit sakin para tulungan ako buhatin bag ko. Madami kasi akong dalang Manila Paper nun pero tumanggi ako. Na hurt ako eh. Seryoso ako sa part na to, wag kang tumawa. Sa pagkakaalam ko ramdam nya na may gusto ako sa kanya pero dahil sa gf na nya si bff ko, no comment na kang siya.
Ako naman Di ko na sinabi yun nararamdaman ko. Nun NG 4th year ako, nag seryoso na lang ako sa pag-aaral dahil ang goal ko nun ay makakuha NG scholarship. Kung nasan man si kras ngayon, dun lang siya, sapat na sakin si Jungkook. Ang gwapo nya kaya, tignan nyo!
Pero ang saya lang kasi marami tayong katanga hang ginawa para kay kras noon. Natatawa na lang tayo ngayon kasi nakalipas na. Nun na broken hearted ako sa kanya sabi ko galit na ko sa lalaki, hindi na ako mag kaka gusto sa mga lalake, pero kinain ko lang ang sinabi ko. Di lang kinain, nag buffet pa ko mga sis!! Plastik eh!!
Bago matapos ang lahat isasali ko lang sa article ko ang aking butihing sponsor!! Laki NG utang na loob ko sa mga ito eh, minsan nga gusto ko na silang utangan! Shelemet pows!!
Images from random post of fans on Pinterest
Nako kung crush lang pag uusapan noong high school. Marami ako niyan sis Hhaaha. sobrabg rami, ni isa walang naging akin ahsha