Meryenda at Multo sa National Library

36 50
Avatar for Grecy095
3 years ago
Topics: Real Life

Dahil lingo pa din NG wika naisip ko na mag post NG tagalog ngayon gabi. Pahinga pahinga din sa sakit NG ulo ka iisip NG English words para mabuo lang ang paksa.

Madami akong ipapabasa na pangyayari ngayon araw, ngunit uumpisahan ko muna sa isang litrato na naipost ko noon sa Facebook.

Anim na taon na nakakaraan ay may naibahagi ako saking Facebook ako tungkol sa sitwasyon NG buhay NG Iba satin o malamang sa Malabo ay nabibilang ako sa mga tao na pinaparinggan ko nyan kaya ko yan naibahagi sa Facebook.

Laging Mahirap sa Simula kaya dapat magtyaga

Wala naman tao na nadadalian sa simula. Kailangan Ihanda mo ang sarili mo dahil mahihirapan ka lagi. Kapag lagi ko na ang ginagawa magiging madali rin sayo, kaya dapat matyaga ka

Dagdagan NG dasal para may mapala

May mga bagay na hindi natin kontrolado at tangling Diyos lang nakakakita nun. May mga bagay na kahit anong pagsisikap natin, hindi pala para sa atin. Ngunit pano natin malalaman Kung para sa atin? Gagawin pa din natin o susubukan para malaman natin Kung para satin. Malay natin, sa awa NG Diyos ibigay satin.

Kumilos na at wag tumungaga

Kilos, dapat Kumilos. Kung tutunganga ka at mag hihintay lang, mapapatagal lang ang dapat sanay maigsing pagtitiis at pag hihirap. Ang pagkilos ay magbibigay NG results acting nais, pero Di natin malalaman Kung ito nga ang acting nais Kung tutunganga lamang.

Mahirap na nga wala ka pang ginagawa

Dalawa ang ibig sabihin ko dito. Una, mahirap na nga wala ka pang ginagawa ay tungkol sa sitwasyon sa buhay mo. Walang tao na hindi nahihirapan, pero mapapadali mo lang ang is nag bagay Kung makaka isip ka NG paraan o Ibang paraan. Pangalawa, ay ang sitwasyon ngayon. Mahirap ang sitwasyon natin ngayon at kahit noong nakaraan Anim na taon. Kung maliit ang sahod at hindi naman pa kayang umalis sa pjnapasukan, mag hanap NG idadagdag sa kita. Maaaring magbenta o humanap pa NG Ibang trabaho na magagawa sa maigsing oras pagkatapos NG inyong trabaho na ginagawa sa ma habang oras. Nasa sayo ang paraan at dapat gawin mo ito.

Sponsors of Grecy095
empty
empty
empty

Meryenda tayo!!!

Kita ni yo ang pizza sa taas? Matagal na namin balak magkakapatid na bumili nyan. Siguro nun nakaraang linggo pa. Nag ambag kaming tatlo at bumili sa SNR gamit ang Food Panda delivery. Napaka sunduan namin na dapat pag araw NG sweldo meron kaming pagkain at minting salo-salo para ipagdiwang ang aming pag susumikap.

Pizza, yehey!!

Kita nyo yun kamay na naka turo sa pizza. Yan at kamay NG isang Makulit na bata na gutom na gutom na sa pizza. Ako po yan! Tinuturo ko po yun gusto kong parts NG pizza. Marahil ay napagpilian ko na ang pinaka maliit na parte kasi mabilis akong maumay sa tinapay NG pizza. Ngunit, mahilig ako sa pizza, sayang antukin lang ako pagkatapos kaya dapat kumain ako NG maliit na parte lamang. Naghati pa nga kami ni Unnie sa kinuha ko. Si Unnie yun aso ko.

Ang Piniritong Manok

Gustong gusto ko ang Piniritong manok lalo na pag bagong prito. Ang manok sa larawan ah mainit init pa NG na ideliber sa bahay kaya agad namin inupakan ni Unnie yun isa. Naghati kami sa pakpak, parte NG manok at sarap na sarap si Unnie kasi mas malaki yun nakuha nya. Napaka malasa nun manok, pero mukang hindi na masarap pag Di na mainit kaya ngayon, ubos na siya.

Fries

May Makulit na bata na umorder nito. Yun Makulit na bata na iyon ay hindi na ako. Pamangkin ko po. Addict po sa French fries ang pamangkin ko. Nakikikuha na lang po ako at sinasawsaw sa gravy.

Ginawa namin ang salo-salo para din sa Mama ko, pero sabi sya ng sabi na sana nag luto na lang daw sya NG manok madami pa daw sana. Pwede rin daw sya mag luto NG patatas at spaghetti. Naku! Ayan na naman sya. Tapos dadaing na pagod na pagod sya kaluluto. Kaya nga kami umorder na lang para Di na sya ma pagod. Makulit na matanda!!

Image Credit: Unsplash

Multo sa National Library

Wala akong larawan NG National Library kaya Ginamit ko ang larawan NG isang library sa Unsplash. Nag National Library ng Pilipinas at nasa Kalaw Ermita. Noong ako'y nasa highschool pa lamang, pumupunta ako dito para kumuha NG mga sagot sa tanong ko at sa mga proyekto namin sa eskwela na wala sa sarili naming library. Madalas mag isa ako kasi mas masaya ako pag ako lang mag isa at Alam ko na magiging busy kasi ako sa pag hahanap NG libro.

Madaming beses ako pumupunta doon kasi nagpapakadalubhasa ako talaga dahil kukuha ako NG pag susuri para sa scholarship sa college. Ang pagsusri na yan ay galing sa Department of Science and technology, kaya ginalingan ko. Nakuha ko ang scholarship, mga kapatid!! Magaling ako eh!!

Multo, bakit nasa Library ka?

Wala akong larawan NG multo sa National Library, pasensya na. Wala pa akong selpon NG mga panahon na yun kasi. Isipin nyo, dapit hapon, medyo madaming tao sa library, pero sa kasulok sulukan para humanap ka NG libro na kailangan mo, akala mo may ka sunod ka, pero wala naman pala.

Isang araw, pinayagan akong pumasok NG librarian sa mga shelves NG libro sa loob. Hinahayaan naman nila ang estudyante na pumasok. Mahilig ako sa libro kaya takam na takam ako talaga mag hanap NG tamang libro. Matagal ang ginugugol ko sa pag hahanap kasi pwede naman iuwi ang libro. Habang nag hahanap, lingon ako NG lingon sa likod ko. May nararamdaman kasi akong damit na dumidikit sa likod ko kaya nililingon ko Kung ano ba yun. Habang nakatingala ako para basahin ang numero NG libro, may naaaninag ako na tao sa dulo, naka tayo lang Sya pero pag titignan ko na maigi, wala naman. Sa gilid NG mata ko, mukang madumi ang itsura NG tao. Parang may naka lagay sa ulo nya na halaman o Di ko Alam Kung basura pero pag bumalik ang mata ko sa dulo, wala naman talagang tao.

Minsan may naka sabay ako na ale na naghahanap din NG libro. Sabi nya sino daw yun humahatak sa libro na hawak hawak na nya. Naririnig ko sya na nag rereklamo kaya kumukuha ako NG isang libro para silipin ang tao sa kabila. Wala naman tao.

Natakot ako nun nakita ko na nakikipag agawan sya NG libro. Mas malakas daw yun tao sa kabila. Takot na takot ako kasi wala talagang nakikipag agawan at hatakan sa kanya kaya sa sabihan ko si ate na, "ate ibigay mo na lang po sa kanya". Hatak Hatak ko si ate papunta sa madaming tao kasi natatakot na ko. Pag lakad namin NG kunti, yun libro bumagsak sa sahig. Sabi ko sa ale wag na kaming bumalik kasi natatakot na talaga ako, buti Di sya nag pumilit at lumakad na kami.

Nun nasa tapat na kami NG librarian at madami na ding tao s a paligid, binulungan ko si ale na "wala pang tao sa kabila ate, walang nakikipag hatakan NG libro sayo". Lumaki yun mata nya at Natakot talaga kami. Yun hindi na talaga ako maka hinga at nanginginig. Sabi n a lang nya "buti tumakbo na lang tayo". Natatawa lang yun librarian.

Madalas may ganun pang yayari sa mga dulong bahagi NG shelves. Kaya Di na ko umulit sa parte na yun. Ang ginagawa ko pag may libro akong kukuhain sa dulo, mag papa sama ako sa librarian at magaling sila mag hanap NG libro kaya madali lang makikita. Kaso may isang librarian na mag sa sabi na "sa dulo?" na halatang hagod ang hinga. Parang mabigat sa kanila pag pupunta sa dulo. Pero totoo, mabigat ang pakiramdam sa dulo. Noon panahon na ito wala pang aircon ang National Library, pero pag pumunta ka sa dulo, malamig. Malamig na parang kulob. Malamig na parang ang daming tao ka na kasama na naka dikit sayo pero wala kang nakikita.

Isang hapon nagpasama ako sa isang librarian, lalaki sya at matangkad. Pupunta kami sa dulo kasi kadalasan ang mga libro sa syensa ay nasa dulo. Pumunta kami ni kuya para kumuha NG tatlong libro. Kinuha nya yun isa sa shelves, bigla siyang nagsabi na "Sino yun?" tumingin lang ako sa muka nya kasi Di abot NG mata ko yun nakikita nya. Matangkad kasi sya at ka level NG mata nya yun nakita nya. Binigay nya sakin yun libro at puro agiw na ito. Sabi nya basta daw sa dulo, hindi na nalilinisan.

Pumunta pa kami sa Ibang bahagi NG natigilan kami, may tumakbo sa harapan namin pero walang tunog. Isang mabilis na pag daan NG isang damit o kurtina o ano kaya yun, tela? Basta mabilis lang. Nag dasal si kuya NG Our Father at nagbago ang isip nya pumunta sa pinaka dulo kasi baka may Iba pang mangyari. Dalawang libro lang ang nakuha ko pero ayos na yu kaysa naman may makita pa kami.

Minsan, nun nasa lamesa ako para mag sulat, may katabi akong estudyante pero nasa kolehiyo na siya. Naka uniporme sya NG Letran at singhot sya NG singhot dahil sa mga dumi sa paligid NG libro. Sabi nya "Di na nila nililinis mga libro, allergic pa naman ako sa ganito". Dinagdagan pa nya yun pag salita nya, naka tingin na sya sakin nun, "sa bagay sino ba naman ang pupunta sa pwesto na may multo". Nanginig talaga yun tiyan ko sa narinig ko. Sabay tingin sa dulo na pwesto. Natakot nga ako, bat pa ko tumingin. Kung Di lang kailangan NG libro Di ako mag titiis bumalik.

Tinapik ako NG isang babae na kasama namin sa lamesa, sabi nya lumipat daw kami NG pwesto. Tatlo lang kasi kami sa lamesa na yun. Tumayo kami na hindi tinanung ang dahilan. Lumipat kami sa lamesa na malapit sa labasan. Sabi nun babae pag ka upo namin, "nakita nyo ba yun bata na naka tayo sa dulo NG lamesa natin?" eh Di Natakot na naman ako, Alam ko na yun mga ganun na ekspresyon NG muka. Sagot namin hindi, dagdag nya "meron, ang dumi nun bata, parang na hulog sa ilog, ang daming halaman sa ulo at basura ata yun, wala naman amoy, naiinis lang ako sa sarili ko Kung bakit titignan ko NG ma buti, pag silip ko yun ulo at katawan lang meron sya, Di ko makita yun paa nya sa sahig" nagkatitigan kami. "Multo yun bata". Nag basa na lang ako NG libro.

Pauwi iniisip ko yun bata. Yun nag aagaw na ayoko isipin pero naiisip ko talaga. Kasi parang nakita ko rin sya o naaaninag ko sya dati nun naghahanap ako NG libro noon. Kaya na pag tanto ko, nandun yun bata nun naghahanap ako ng libro. Yun bata ah muto.

Eto pa, naalala ko, malapit na mag ala singko. Nag salita yun mga librarian na kailangan umuwi na ang lahat at mahirap maiwan sa loob. Nag ligpit na ako at naghandang umuwi. Habang naglalakad, may naririnig pa akong nag sabi na "baka maka salubong nyo yun puti ang mata, sige kayo". Dadagdagan pa NG "naku mabilis mawala yun, mabilis din magpakita, mamaya lang katabi nyo na". Binili San ko yun lakad ko.

Natapos din ang kaba ata NG pag bisita ko sa library na yun nun nakuha ko na ang scholarship. Pero Di naman ako nakaligtas sa multo sa Dost office sa Bicutan. Ikukwento ko na lang sa susunod na serye. May multo rin sa Tip o Technological Institute of the Philippines, sa Manila, dyan kasi ako NG summer class nun natanggap ko ang scholarship ko. Sa susunod na lang ang kwento.

Naikwento ko ang multo sa library sa ate ko kasi narinig ko pupunta sya dun kasi mag hahanap NG libro. Sinabihan ko sya na mag ingat, pero sa huli sabi ko wag na, wag na siya pumunta, tulungan ko na lang Sya mag hanap NG Ibang library kasi natatakot pa din ako sa mga naalala ko.

Sabi ni Papa, madaming multo dun. Isang puti ang mata, yun isa pula. Yun puti ang mata, hapon daw yun. Yun pula naman, babae daw na nagpakamatay. Kaya na pasabi ako na, "pano yun bata papa?", sagot nya "yun bata na mukang nahulog sa ilog?" napa iling ako, bakit Alam ni Papa mga multo dun. Sagot nya "ingat kayo dun kasi sumusunod yun, dumidikit sa tao yun kala mo may katabi ka". Ha? Nasuka ako talaga naalala ko kasi sya pala yun unang multo na naranasan ko dun?

Nilagnat ako pagkatapos NG kwentuhan.

Maraming salamat sa pagtityagang mag basa. Ang aking Naikwento ay totoo at talagang nangyari. It anong mo Din sa mga parents mo, lola at Lolo Kung meron silang karanasan sa National Library pero wag muna ngayon parang Natakot ulet ako.

6
$ 3.97
$ 3.63 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @ARTicLEE
$ 0.08 from @LucyStephanie
+ 4
Sponsors of Grecy095
empty
empty
empty
Avatar for Grecy095
3 years ago
Topics: Real Life

Comments

HHahah grabe naman yung nanghahatak ng libro hanep haha 😆😆 kjng ako ata ykn karipas na ako ng takbo 😆😆 o kaya nakipagaway na ko kung tao man yung humahatak 😆

$ 0.00
3 years ago

Grabe naman un didikit talaga sayo. Mas lalo tuloy naging nakakatakot yun sinabi ng papa mo. Siguro may mga namatay dun mismo sa lugar na yun or dati sigurong ilog ba yan? Dami siguro nalunod. Un parang tela na dumaan may naging experience ako na ganyan sa work grabeng gulat at takot ko nun :D

$ 0.00
3 years ago

Nakakatakot yun kahit sa ibang lugar nararanasan ko yan eh.

$ 0.01
3 years ago

Parang common un ganun na itsura. Meron din dinescribe nun sa workplace nmin na ganyan pero adult hindi bata.

$ 0.00
3 years ago

Kaya ayaw ko talaga sa Library aside sa nakakatulog ako, may ibang humahagip sa mata ko. Haha

$ 0.00
3 years ago

Nakakatakot yun mahahagip, ma coconfuse ka kasi Kung ano yun eh

$ 0.00
3 years ago

Oo nga pero ayaw mong makita ng buo kasi kinakabahan ka rin

$ 0.00
3 years ago

Oo, di ko din kaya makita NG buo hehe

$ 0.00
3 years ago

Nevermind the multo. Focus on the pizza😍

$ 0.00
3 years ago

Nyahaha, timing naman kasi yun pag post ko, multo tapos gabi. Kain na lang NG pizza sis.

$ 0.00
3 years ago

Hahaha sarap ng pizza sis

$ 0.00
3 years ago

Hala ka grabe gabing-gabi tlaga. hahaha. Ang dami palang mumu dun buti na lang di ako napadpad sa dulo. Sa gitna lang ako kasi parang puro luma naman mga libro na nakita ko. hahaha. Pero mabigat ang pakiramdam sa loob yun lang napansin ko tlga.

$ 0.00
3 years ago

Oo diba sis, mabigat parang ang dami mong katabi pero wala naman.

$ 0.00
3 years ago

Yung katabi di ko alam pero yung heavy feeling sa loob lang naramdaman ko dati. hehe. Once lang ako pumasok kasi so ewan na lang. Napapaisip tuloy ako if papasok pa ulit ako dun hahaha.

$ 0.00
3 years ago

Ngayon ata may aircon na yun, tagal na ko Di naka punta, parang 13 years na ata.

$ 0.00
3 years ago

Parang mukhang bago na nga sa labas ewan ko if pati loob. hehe.

$ 0.00
3 years ago

Sana mabago na lahat, ma renovate ni yorme kasi despite na may multo sa taas, sa taas kasi yun may multo noon, maraming books dun na talagang makakatulong satin

$ 0.00
3 years ago

Ay ganun ba? Hehehe. Naku sana ipa-bless na lang ulit yung bldg para mawala na mga mumu.

$ 0.00
3 years ago

Pa bless ni yorme sana sis.

$ 0.00
3 years ago

True sana kung alam lang nya na maraming mumu dun haha

$ 0.00
3 years ago

Alam nya yun sis hehe. Parang nabanggit nya sa isang interview NG vlogger.

$ 0.00
3 years ago

Ayyy dapat tlga ipa-bless n nya hahaha.

Halaaaa meron sa YouTube, pero di ko alam if ito yung abt sa National Library. Hahahaha tlgang now ko pinapanood kung kelan gabi. Bukas na nga lang pero di ko matiis. Haha.

$ 0.00
3 years ago

Meron sis sa YT, Misteryo, pinaka malaking Library sa Pilipinas tahanan NG mga elemento

$ 0.00
3 years ago

Yun n nga napanood ko na. Haha. Di pinangalanan pero dami pala kwento tlga .

$ 0.00
3 years ago

Oo nga, may librarian pa na multo dun

$ 0.00
3 years ago

Grabe yun mabilis kumilos nakita NG mga paranormal. Naranasan ko rin yun eh.

$ 0.00
3 years ago

Haha grabehhhh.

$ 0.00
3 years ago

Hala sis, na curious tuloy ako din, baka meron history NG national library dun nga

$ 0.00
3 years ago

Walang history, yung Misteryo lang nkita ko hahaha.

$ 0.00
3 years ago

Okay na ko sa pizza eh, tapos biglang may multo. Haha

$ 0.00
3 years ago

May nag request kasi sa kwento nya hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Haha. Hinayaan mo sana sya na multuhin sya. Hehe

$ 0.00
3 years ago

Nyahahaha ang kulit ni Iyan hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Di bale ng may multo basta may pizza, Grecy hehe.

$ 0.00
3 years ago

Nooooo sis, naka kasama NG pakiramdam yun multo dun hahaha. Inuna ko yun pizza I kwento kasi para may kinakain kayo habang nagbabasa NG tungkol sa multo

$ 0.00
3 years ago

yun nga yun, sis hahaha

$ 0.00
3 years ago