read.cash Log in
@Gerl

@Gerl in December 2021

@Gerl

Medyo nakakaloka yung teacher ng Grade 2 dito. Pabor sa iba ang strategy nya pero sa iba ay pahirap lalo yun. Pero parang paraan niya na din yun para yung mga di nagpaparticipate sa mga pinapagawa niya ay matauhan. Kapag di nakaattend sa online class, punta nalang mismo sa school ang bata at ang magulang πŸ˜… pero tingin ko magiging effective yun. Lalo na kung sa reading intervention kasi sya mismong teacher ang magtuturo sa school. Isa pa, di bibigyan ng grade hanggat di…

@Gerl

Ganito ako kapag panggabi ang asawa ko, luto, hugas,luto,hugas, luto haha! Ngayon after ng lunch magluluto na ulit ako kasi pag gising ng asawa ko ng 3 pm kakain sya tapos yumg tira nya pagkain na namin mamayang gabi. Kaya ang modular class namin ay 4 pm to 8 pm. Pero ganon talaga, ito ang piniling buhay panindigan diba, makakaraos din.

@Gerl

Kakaloka na yung Globe dito saamin, 4 hours walang Internet connection ah πŸ™„.Nakakasira ng mood. Kaya eto, ngayon lang ako nakapagbukas ng phone at na-missed na naman namin ang isang online kamustahan ng isang Grade. Kailangan ko na ng smart sim talaga pang emergency man lang.

@Gerl

I'm not sure if I'll be disappointed or gratified by what I saw at first. However, the clutter and school supplies that had been used upset me. Of course, I remember that my son's favorite activities are drawing, coloring, and molding, so I'm not worried, I just need to motivate him and, of course, explain and teach him how to correctly use and andsume educational materials πŸ˜„, tipidin kumbaga lalo na at kailangan talaga natin sa buhay ang matutong mag save!

@Gerl

Awards to ng mga anak ko. Proud na proud ako sa kanya dyan yung reading intervention sa Filipino at English kasi kahit na naistress ako sa pagturo sa kanila ng sabay sabay natuto padin sya talaga magbasa kahit ang sungit ko minsan. Ang nakakatawa pa dyan, may isang award dyan ang anak ko yung learning space na pinagpuyatan namin ng anak ko kasi wala naman talaga kaming time na sa mga extra activities na binibigay ng teachers pero nakahabol pa kami at second place siyaπŸ™‚.

@Gerl

Kainis ka globe πŸ™„ naka mobile data lang tuloy ako ngayon, maki-data pa lalo na kapag nag online class ang mga bata. Kapehan nga muna para mawala ang init ng ulo ko. Nag almusal naba kayo? Ako nagluluto pa, katatapos ko lang din kasing maglaba. Ang aga Kasi wala along tulog kahit ilang minuto.

@Gerl

Puyat ako at walang energy kaya need ko talaga to, walang epekto ang kape sakin. 46 hours na akong hiding, mamaya talagang matutulog ako ng maaga.

@Gerl

Don't bother me kids! He's still hiding behind the plant. It's also not good to stay out of the house for a long time, the wind is too strong and I can really feel the dust.

@Gerl

Napakain ko na ng kanin ang mga anak ko at naliguan ko na sila. Matutulog muna ako kahit 2 hours lang. May alarm clock naman ako. Good luck nalang pag gising ko kung anong kalat ang makikita ko 😁

@Gerl

Di ako nakatulog. Alam niyo yung pakiramdam ng sobrang bigat ng ulo pinipilit nakatulog pero di talaga kayang matulog kapag araw. Di Kasi ako Sanjay matulog sa araw kaya eto 56 hours ng gising. Ilang oras pa ang hihintayin ko bago sumapit ang gabi para lang makatulog. Hay nakuchuwag na huwag niyo kong gagayahin, hindi magandang routine ang ganito..

@Gerl

What's the news on the new variant of Coronavirus? Is it still true that those that appear in the news about COVID-19? Aside from the Philippines, is there any other country that has COVID-19? I'm confused.Will there be face to face classes next year even with a new variant of COVID-19?

@Gerl

Good night..after 62 hours, makakatulog din ng mahaba haha..oh diba, kahit magpuyat pa ng magpuyat kapag di kayan huwag ng pipilitin Kasi mas mahirap yun. 1 day late parin sa modular class..it means, gerl, di mo kaya ang tatlong sabay sabay 😁...Matulog ng tama at kumain ng tama.

@Gerl

Good morning! Kagigising ko lang, nakatulog din ng kompletong oras. Sana gabi gabi ng maaga makatulog. Ayoko ng uliitin yung di matutulog sa gabi, mas malaki ang perwisyo talaga. Kung ano lang ang kayang gawin sa isang buong araw yun lang ang gagawin ko. Pero mamaya sabay sabay na naman ang online class ng nga bata, meron na naman di makakaattend.

@Gerl

Nilagang pata ng baboy 😍 Ulam na namin to hanggang mamayang tanghali. Paano ba kayo magprepare ng pagkain? Nagluluto ba kayo ng almusal tapos nagluluto ulit ng lunch at hapunan? Ako Kasi masalas kong gawin yan iba ibang pagkain sa almusal, tanghalian at hapunan. Pero minsan may time na nagluluto ako isang beses nalang pang buong araw na. Pero napansin ko hindi na maganang kumain ang mga bata kapag maghapon iisa lang na klase ng pagkain ang ipinapakain. Sainyo ba?

@Gerl

Kawawa na-prank ni @Arvel 🀣 naniwala yung mga anak ko na magnanakaw ng bata yung nag video call. Ginamitan ng video call background prank sa tiktok. Hindi na daw sila pupunta sa may gate Kasi ayaw madampot ng magnanakaw.

@Gerl

Ang sarap sa pakiramdam ng makaligo ng maaga kahit sobrang lamig ng tubig. Naligo na din ba kayo??πŸ˜… Ang lamig sobra! Medyo masakit lang sa klong, di ko Alam kung dahil sa lamig o saw alikabok. Makapal ang alikabok ngayon sumasama talaga sa malakas na hangin. Ingat ang lahat sa paglabas labas ng bahay...

@Gerl

Yey! My son is happy because they have an online class. His favorite activity is what they will do today. He is happy and excited when there are colored papers, scissors, pens and everything about art materials. Colorful things look attractive to him. Let's do this kiddo!

@Gerl

My son asked a simple reward when he finishes what the teacher asked him to do, his cute toys 😍. Now he just finished that online class so after a snack I will let him play with his toys until 5:45 pm ☺️ It was really fun online class! Naghalo ang kulit ng nga bata haha! Maya't maya naghahabol ako Kasi umaalis sa pwesto. Minsan di ko namamalayan nagba-bye na sa teacher kahit di pa tapos. Ang kulit ng mga sagot niyan sa tanong ng teacher πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… Mag memeryenda din muna ako, kape

@Gerl

Mampagal Sana! Kain muna Tayo, mamaya ako makiki-maritess haha! Maghapon kaming nag aral ng mga bata kaya patutulugin ko na naman sila ng maaga ngayon para may time pa ko sa sarili ko mamaya. Nagpromise ako sa sarili ko na dapat tamang oras ng pagkain at pagtulog. Masustansyang pagkain at mapayapang pag iisip, at mag ayos din ng sarili physically importante din yun, magkikita kami ni @susie dapat mas maganda ako sa kaniya πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Sana all single pero may pakinabang πŸ˜…πŸ˜²

@Gerl

Tulog na ang mga boss ko, salamat naman at binigyan nila ako ng sapat na oras para makipag-maritesan dito 🀣 sarap humiga kasama ang akong lamp na nakakaantok kayan uupo muna ako para di agad makatulog. 10 pm ang oras ng pagtulog ko kaya may 2 hours pa ko para maglibang. Pwede ba mag exercise bago matulog? Gusto ko Kasi daily exercise pero ang free time ko lang sa gabi πŸ˜‚.

@Gerl

Yung dapat na exercise ko nauwi sa Kain πŸ˜… dapat Kasi itulog na agad kapag wala ng ginagawa πŸ˜…. Kain muna ako, mamaya ulit, mema lang haha! Ala kakwenta kwenta. Parang ang sarap lang Kasi makipagkwentuhan Baga, yung walang halong kaekekan πŸ˜‚

@Gerl

Modular Class: Mathematics 2 Subtracting 2-3 digits without and with regroupings. I am really thankful because this son of mine is studying seriously. When I gave him a lesson, he was really serious even though there were toys in front of Him. There are also children who really have to be restricted in learning and playing like my two other younger children. But I'm already working on a solution for my two children who don't seem to mind studying seriously. I know it's…

@Gerl

Do you want to be happy today? Of course first of all, eat healthy food 😍. This is what relieves stress for me, to eat. Second, to be close to your loved one in life. I don't know if you are also like me who is one of those who can't bear loved ones far from me. They are one of the people who make me happy every day. Imagine if they weren't there one day, I'm very sad. I've had the experience of them not being by my side for three months, and I don't want it to happen again…

@Gerl

Tuwang tuwa ang mga superheroes ko. Natupad na naman yung pangarap nilang damit. Bumili ako sa Shopee Marvel's T-shirt ng kids ko,medyo pricey pero ang ganda naman talaga ng tela nya. Pricey pero high quality. At bumili naman ako ng "Among Us" T-shirt nila sa Lazada, affordable sobra Kasi maganda din ang tela niya. Kung ikukumpara yung dalawa, yung pricey na Marvel's magaan ang tela nya na presko. Yung "among Us" naman na mura lang, ang kapal ng tela kayan mas komportable sa…

@Gerl

Stress reliever 😍 lahat lang yan cutting pero buhay na sila sa tubig lang. Preferred ko Kasi yan sa tubig lang kapag sa loob ng bahay ko ilalagay. Yung mga nasa Lupa nakatanim ay inilabas ko na lahat Kasi parang feeling ko magkakainsekto kami haha! Ayan cute sila, wala lang akong time para padamihin sila Kasi busy pa kami sa modular class. Pero sa bakasyon padamihin ko yan sa tubig ko lang itatanim.

@Gerl

Natatawa ako na nalulugkot sa pinagagawa ko, wala Kasi akong baby girl 😒 pero excited akong dumating itong order ko from Lazada. 3 dolls pa naman yan hahahah! Anong kayang reaction ng 3 boys ko 🀣 bahala na sila hahaha!

@Gerl

Kapoy na maray, puro laba ang maghapon! Good evening! Kasi marami akong nagawa ngayong araw. Salamat sa pagtuloy na nakikipag usap saakin kahit sobrang late po ako magreplyπŸ™‚ nakakahilo din Kasi sa buong maghapon kayan minsan ini-skip ko na ang magreply pero hindi ibig sabihin na di ko binabasa. Nagbabasa pa din ako πŸ™‚

@Gerl

Cold morning!!! Super lamig, ang sakit sa along, malamang mas malamig ngayon sa Bicol. Naalala ko nung maliliit pa kami na sa Bicol pa kami nakatira, tuwing umaga nausok ang mga bibig namin sa sobrang lamig ah., Ganon din ba kayo? Nakakatuwa, habang nanunuod ng stars sa kalawakan nagpapausok ng bibig, kakamiss....

@Gerl

Good morning, back to organic juice! Nitong mga nagdaang araw madalas talaga akong nagkape at nagsoftdrinks, chocolates at kung ano ano pang di masustansyang pagkain. Kayan ngayon babawi ako. Ayokong gayahin ako ng mga anak ko. Never ko sila pinakakain ng mga chichirya at di ko rin sila pinapainom ng mga soft drinks. Kapag nagpapaalam na sila na patikim kahit konti dyan na ko talagang nagtatago or nagstop hehe..

@Gerl

Chicken Joy ng mga kids ko! Pero may kulang, naghahanap sila ng fries πŸ˜… sabi ko nalang sa paso nalang tig iisa silang BFF na fries haha! Nasa freezer pa Kasi ang mga Ulam namin kayan omorder muna ako ng luto na.

@Gerl

Ang sarap maligo ngayon dito samin. Di ko alam bakit biglang naging maligamgam ang tubig, pero nakita ko yung may ari ng apartment na nag aayos kanina ng tangke ng tubig. Maligamgam talaga, ano kayang ginawa Niya πŸ˜… bilisan ko maligo Kasi baka bumalik sa malamig.

@Gerl

Ewan di ko talaga maiwan ang kape, lalo na ngayong tag lamig ang panahon. Eto na naman ako kaharap ko ang asawa ko na walang tigil sa kakalaro ng mobile games. Ang sakit ko ng nagawa, pabalik balik na ko pero sya naglalaro padin. Nahpatimpla pang kape nung naamoy nya nagtitimpla akoπŸ˜… sarap itulak sa upuan haha!

@Gerl

Excited ako 😍😍😍 pang gift ko talaga to hindi to para sa anak ko. Omorder ako ng isa dyan sa shop na yan kaso wala dyan yung model. Mas maganda yung order ko. Kagabi naorder din akong mas maliliit dyan. Sayang lang talaga wala akong baby girl. Gift ideas yan noises, siguradong matutuwa ang mga reregaluhan niyo, search nyo nalang sa Lazada. I got the photo from the shop where I ordered the doll 😍.

@Gerl

Nagsaing na na kayo? Ako tapos na pero nagluluto pa akong Ulam. Luto habang nagsasampay ng mga nilabhan. Kawawa naman yung dalawa kong anak di natapos ang mga modules nila. Tambak Kasi ang labahan ko. Padagdag nalang ng padagdag ang tambak din na modules... Sana makaya namin tapusin bago ang bakasyon ngayong December. Gusto ko ma-feel ng mga anak ko sa bakasyon na bakasyon talaga ☺️

@Gerl

Thanks to Omega Advance Spray, dalawang spray pang sa likod ayos na. Palagi kong kapartner basta naglalaba ako ang Omega spray Kasi nawawala talaga ang sakit ng likod ko. Di ko rin kailangan maghugas ng kamay kapag maglalagay kasi spray na siya. Saka mas madali siyang gamitin. Mga nanay na mahioig maglagay sa likod ng pang relieve ng back pain irerecommend ko sainyo ang Omega spray. Pwede din sa tiyan.

@Gerl

Anong pantanggal pagod niyo? Ako kahit ano ang pantanggal pagod ko, kasama na diyan ang pagpapatulog ng mga bata πŸ˜…. Kapag tulog sila hayahay na ko niyan pero kapag sa araw sila tulog sobrang boring ko naman niyan. Pero kapag magpapahinga ako talagang dapat tulog sila para tanggal ang pagod. Pero kapag galing ka naman sa labas pabalik mo ng bahay tunay yan na pantanggal pagod ang mga kids natin. Nanunuod akong movie, isa din yan pantanggal pagod πŸ™‚

@Gerl

I watched earlier about β€œteenager”. Of course I will also have teenagers to take care of someday, I was a bit stressed out about handling teenagers based on the true event movie. Is this the most difficult stage in raising a child? I think ... Yes. Because children start to grow up at that stage. They have a lot to try and of course the parent is always on the lookout. I as a parent, I always wish I could see what my children are doing. But when they are also in the stage of…

@Gerl

Hindi kami sanay sa ganitong panahon, napakalamig! Halos hindi naman kami nagkasakit ngayong taon, pero ngayong buwan parang sisipunin at uubuhin ang mga anak ko dahil sa lamig ng panahon. Pero singhot singhot palang naman ang napansin ko sa kanila tapos maya maya nawawala lang. Sana naman huwag matutulog, alam kong sa sobrang lamig dahil nakakaramdam din ang sakit sa ilong. Siguro ngayong palang na hindi pa ay aagapan ko na. Hindi ako nag iinit ng tubig na pampaligo sa…

@Gerl

Tapos na sila magpaaraw sa labas. Kahit ang lakad ng hangin at sobrang maalikabok pinaarawan ko Kasi ilang araw na silang nasa loob lang talaga ng bahay, pinagsuot ko nalang ng facemask para di maallergy sa alikabok. Yung dalawa Kasi dyan may allergy yan sa alikabok, baka matrigger at magkahika na naman.

@Gerl

Grabe yung PVU πŸ˜‚ AYOKO NA MANIWALA HAHA! Kapag ganitong poor lang huwag na kasing sasali sali pa kasi siguradong iiyak ka πŸ˜…. Parang maging 3 pesos din ang pvu eh, sa ngayong 9 pesos na. Si noise padin talaga ang sakalam πŸ’ͺ #BCH

@Gerl

Meryenda na yata to, ang aga pa Kasi para mananghalian. Kulang nalang Alam ang at sili kayan lang di yan kakainin ng mga anak ko kapag may alamang at sili. Dahil walang sabaw,,, mag fruits kami after kumain. Tara na!

@Gerl

Ang mga bata talaga tuwang tuwa kapag December na dahil sa regalo. Konting konti nalang mabubudol na nila ako Kasi inaaraw araw nila ako ng regalo πŸ˜€. Naririndi na din ako, mga bolero pa🀣 jusko dapat talaga magbalot ng regalo December 24 na para magaan lang sa pakiramdamπŸ˜‚

@Gerl

Bakit parang ang lumbay? O ako lang? Tapos ang baba pa ng bch , natigil yung mga pagkurot kurot 🀣Nakakaisip tuloy akong bumili ng maanghang na pagkain. Tamang tama oras na naman ng kainan, tanggal boring at stress.

@Gerl

Natapos din sa gatambak na tupiin, kailangan tapusin dahil may nakapilang sampayin. Maghapon muna ako naka-focus sa gawaing bahay, kinalimutan ko muna ang modules dahil parang Holloween padin Kasi kami dito, kaya naglinis muna si Inday. Tara kakain na at magpapahinga naman...

@Gerl

Maaga akong matutulog ngayon., salamat sa mga nakakwentuhan ko dito. Stress reliever din kayo katulad ng mga halaman ko, hehe.. good night na... Bukas ay panibagong goal na naman, Sana talagang natupad...good night..

@Gerl

It's 6 am here, time for breakfast's preparation before my kids wake up. They actually woke up just before 3 am. But because I was still drowsy, I sent them back to sleep. I have to be strict today because there are 2 modules each of them that we need to finish this week. I hope my schedule works today. Hope you do too πŸ˜€

@Gerl

Breakfast ng kids ko, natuwa sila dahil nandyan ang Go Grow and Glow Foods. Kompleto na yan nasa Pyramid Food Charts yan, sa ngayon kumakain muna sila ng fruits and cereals saka gatas. Ako naman heavy meal agad Kasi kanina pa ko nagliliwaliw haha! Kailangan ko na agad ng energy!

@Gerl

Gagawin ko to para sa tatlong anak ko Kasi minsan nakalimutan ko silang bigyan ng tubig oras oras. Ako naman maya't maya ang inom ko lalo na at madalas akong nasa kusina. Sure makakatulong ito Kasi magnonotify kapag kailangan ko na silang painumin, atleast 8 glasses of water a day.

@Gerl

Nag uumpisa palang ang modular class ng mga anak ko, naglalabas palang ako ng mga gamit may umiiyak na 😭 kayan feeling ko nag uumpisa na naman ang struggle ko din haha! Pero balewala yan kapag natapos nila. Nagluluto at naglilinis Kasi ako ng kusina kayan ang pinagawa ko muna sa kanila nga pagguhit muna para hindi kailangan ng buong atensiyon ko.

@Gerl

Habang nagmomodule ang mga bata nag ayos ako ng halaman ko. Ang cute ang liliit lang niyan Kasi sobrang kulit din lang ng space namin.kahit maraming gagawin, minsan talaga may isang bahay na nakakapagpatanggal ng pagod natin..πŸ™‚ Naipon na yung papamigay ko, kayan lang mamaya pa ako makikiinteract kapag nakaupo na ko. Ibig sabihin wala pa akong pahinga simula kaninang pagmulat ng aking mga mata.

@Gerl

Kakatuwa, dumating na yung pang gift ko sa bunsong anak ni @susie. Ang cute ang liliit lang pala talaga niyan, sakto pang 3 years old. Tuwang tuwa ang mga anak ko dyan nagkagulo sila Kasi first time nila makahawak ng manika πŸ˜‚.

@Gerl

Basta ako strong πŸ’ͺ😁 kape Tayo bago maligo. Akala ko derederetso na yung init kanina, di pala. Kaya eto sobrang lamig at mag iinit ako ng tubig na pampaligo pagkatapos magkape.

@Gerl

Almost done with page 1 of 15 πŸ™„ tapos deadline sa Monday. Grade 2 palang yan. Paano na yung kindergarten at Grade 1 ko?? Haha! Walang katapusang hinaing, pero ganyan talaga.. tyatyaga ka o kawawa anak mo? Tyaga syempre diba! Ligpit na muna, Kasi magluluto na naman ng hapunan, late na nga eh .

@Gerl

Since September 22, nakikita niyo ba? , Yan ang hold ko πŸ˜…, di Kasi maiwasan na di gumastos. Ilang taon na din nag iipon Bitcoin Cash pero hanggang ngayon....ito padin.. Grabe ang pag iingat ko dyan at sakripisyo para lang di ko magalaw Kasi gusto ko na talaga mag ipon. Ang tagal tagal ko ng nag iipon pero hanggang ngayong yan padin. Sabi ko nalang sa sarili ko, dapat January 2022 walang utang bayad na sa mga bills, dapat nakabili na ng mga groceries, at dapat may ipon…

@Gerl

Thank you @Nhelvimi pa-sana all naman hehe! Grabe unexpected to, pinakamalaking natanggap ko dito to. Napakaagang pamasko at ang aga aga pa hehe. Salamat ulit πŸ’šπŸ’šπŸ’š.

@Gerl

Ito na naman ang oras kung kailan puro pamimilit ang ginagawa ko πŸ˜†. Habang nagmomodular class kasi ang panganay ko, may dalawang distraction dito. Kaya sapilitan ko na naman silang pinatulog. Yung isa tulog na pero yung isa gising na gising pa at pabalik balik sa pwesto ng kuya niya...

@Gerl

4 pm, time para magpahinga muna at hahayaan ko din muna ang mga bata gumawa ng kanilang mga hobbies. Sa tingin ko, working yung pinagbibigyan natin araw araw ang mga anak natin sa kanilang libangan kahit 2 hours Kasi mas masunurin sila at thankful. Sabi ng anak ko "Ma, salamat sa kasi pinayagan mo akong magdraw ng spidy!" Oh diba, hehe

@Gerl

Any recommendations pa nga, paano maiwasan ang ma-hack ang account dito sa noisecash??? Nakaka-trauma yung mahack tapos stolen ang Bitcoin Cash. Hindi pa naman madaling mag ipon niyan. Ano kayang pinaka best na gawin para walang hack na mangyari?

@Gerl

Good evening! Sa wakas nakahiga na din pero ang ingay pa ng mga bata, makakatulog nalang ako pero gising na gising pa sila. Nag imagine sila na makalabas sila ng bahay at nakapunta sa malayo. Nakakatuwa na nakakaawa, gusto na talaga bilang makagala..

@Gerl

Good morning! Morning walk and stretching muna. Kanina pa ko gising pero ang mga anak ko tulog pa kayan nakapagligpit ako ng maaga. Sa ngayon dito muna ako sa labas, ang lamig pero perfect para sa paglakad lakad lang dito lang sa bakuran. Nagre-ready ako para sa pag gising ng 3 boys ko. Sana nagawa namin to...modular class+laba at tupi. Konti lang diba? Pero ang hirap hatiin ng oras Kasi kasama na dyan ang pagluluto ng 3x at paghanda ng meryenda at paghugas ng mga pingganπŸ˜‚β€¦

@Gerl

Maritess + halaman + coffee perfect πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… Di ko matakasan yung matanda dito kanina Kasi naabutan Niya akong nagdidilig. Nakakatuwa din naman may kakwentuhan pero nagugutom na ko kayan ang hirap magpaalam haha! Pero ito na yung pinakagusto ko sa may ari ng bahay, nagpapansinan kami basta about sa halaman. Pero kapag anak ko na Ayoko haha, sasama lang ang loob ko.

@Gerl

Tapos na ko mag wrap ng nga gifts sa kids ko. Kaya nag umpisa na din silang ma-stress sa kakahintay ng Pasko. Kayo mga momshie, may regalo ba kayo sa mga sarili nyo? Ako Kasi wala, masaya na ko na masaya ang mga anak ko sa Pasko. Nagtanong ako sa bunso ko kung anong regalo Niya kay mama, at ang sagot nya "Pamalo" nalang daw πŸ˜‚. Grabe talaga sya magsagot sagot , puro joke yan bunso ko. Okay lang naman talagang walang regalo diba, pero syempre mas masaya na meron tayong regalo…

@Gerl

Hindi ko alam na may ganito sa Shopee, pwede na rin, naka tatlo akong tig 5 hehe. Wala naman task na gagawin, pipinutin lang yung claim, tapos. Ganon lang. Sa Lazada naman kakatuwa ang mga cashback Kasi peso talaga ang ibibigay hindi coins.

@Gerl

Kanina at sardines with coffee! Muntik na ko mag food panda, pero nakakita akong sardines dito kaya di natuloy si food panda. Yung ibibili ko sa food panda sa palengke nalang mas marami pa at masasustansiya. Di lang nakaorder sa food panda kinumpara na haha! Pero huwag muna talaga, mag save Tayo!

@Gerl

Hay naku, antagal natapos ng kindergarten kong ito. Ayun pala may nakaipit na isang papel at kung ano anong dinodrawing. Inabot na kami ng gabi ah

@Gerl

Balot tayo! Naalala ko nung first time kong kumain nito sabay kami ni @susie kakasuka haha! Hanggang sa nasanay nalang ako. Hindi ko lang kinakain kapag talagang Sisiw na ang laman na matigas na yung tuka

@Gerl

2 weeks na kaming late sa modular class, may iba pabang paraan para mabawasan to habang natututo ang mga bata? Ilang araw na din di maganda ang mood ko dahil dito. Yun bang kapag naghabol ka sa module ay hahabulin ka din ng mga gawaing bahay mo πŸ˜… Tapos kapag binigyan mo ng pansin ang mga gawaing bahay, yung konsensya mo naman para sa mga bata ang haha ok sayo 😭. Nakakabaliw diba! Kayak may minsan na kinakalimutan ko muna parehas para yung utak ko marefresh. Alam ko yung iba…

@Gerl

Meryenda na, dahil said na ang ref Ayan mong meryenda nila. Masustansya at tipid. Bakit nga kaya ang mga bata hindi mahilig sa kanin? Pero no choice naman sila Kasi ipinapakain ko talaga sila 3x a day na kanin. Pero kapag tinanong mo sila kung anong gusto saging at cereals talaga ang gusto nilaπŸ˜….

@Gerl

Sa mga oras na ito... Eto katatapos ko lang magluto ng lunch, saktong 12 pm kakain na tayo. Maghugas na kayong mga kamay bago kumain at maglagay ng mga pinggan, hehe.. kulang ng coke, kayan lang umiiwas tayo sa mga soft drinks. Enjoyin nalang natin ang adobong pata ng baboy, sarap sa malamig na panahon. Dapat sasabawan ko kaya lang mas bet ko ngayon mag adobo.

@Gerl

Habang naglalaba ako eto naabutan ko. Kawawa yung dalawa, nakatulog nalang sa sobrang antok at boring. Tinago ko Kasi ang mga laruan nila at di rin sila makapagmodule. Yung isa naman, kung ano anong kalat ang ginawa sa learning space Niya. Dagdag linisin

@Gerl

Nakahabol pa kami sa Mathematics pero hindi padin tapos. 2-3 digits padin at may kasama ng multiplication kaya hindi po pwede na iwanan ang bata habang nagmomodule. Discussion talaga ang kailangan. At bago ka sumalang dapat may maisasagot ka din sa anak mo kapag may tanong siya πŸ˜….

@Gerl

Ang sakit ng likod ko, pinilit kong ubusin ang labahin ko at naubos ko naman, di ko lang naisampay. Wala pa kaming pagkain na luto. Sana Ulam nalang itong mga ginawa ng anak ko hahahaha! Andami may dalawang garapon pa syang nagupit na, ewan ko kung anong gagawin Niya sa mga yan.

@Gerl

Kakain palang kami ng hapunan, bumili nalang kaming lutong ulam Kasi di masyado ng late kung nagluluto pa at magpapahinga din ng maaga para di sumama ang pakiramdam. Bukas panibagong lakas na naman ang ubusin sa paulit ulit lang na Gawain πŸ™‚

@Gerl

Eto na naman, haha! Natatawa nalang ako tuwing mag good morning yung parang ang ganda talaga palagi ng araw. Yung inaasahan mo maayos ang buong araw Kasi yung ang feeling pagkagising ko. Tapos magpipigil na dapat di magagalit, di maiinis. Pero alam ko may nakakrelate dito, from Sheep to T-Rex hahaha! Pero good morning! Naunahan ako ng mga anak ko sa pag gising kaya ang namulatan ko puro kalat.

@Gerl

Kain muna ulit..bago kumain ng kanin pinapakain ko ng mga prutas ang mga bata. Kayak lang yan lang ang mga gusto bilang kainin. Hindi sila mahilig kumain ng maaasim na prutas. Stress sila sa maaasim πŸ™‚. Tayo din nga matatanda ugaliin palagi ang pagkain ng mga prutas, malaking tulong yan sa kalusugan natin.

@Gerl

Mga mambubudol talagaπŸ˜…. Mabuti nalang si papa nila ang nabudol hindi ako. Nung isang araw pa sila nangungulit saakin pero hindi talaga ako nagpabudol kaya ngayon papa mila nabudol πŸ˜… Nakahold ang bch ko kayan hinding hindi ako gagastos ng pagkamahal na yan.

@Gerl

Lahat ng tira tira kay mama ☺️ tipid yan guys.. walang Sayang na pagkain Kasi pinipilit kong ubusin... Excited naba ang lahat sa 12.12? Ako uu, pero mga mobile load lang ang inaabangan ko Kasi talagang murang mura siya.

@Gerl

Kumusta pala ang mga modules natin ☺️ nag message na ang teachers, last distribution sa Monday tapos January na ang balik. Medyo gumaan ang pakiramdam ko hehe.. siguro stop muna kami time na para umpusahan ko ang paglilinis ng bahay. Tapos saka kami mag module ulit kapag malinis na ang bahay. Yung bakasyon ng December ilalaan nalang namin sa modules para kahit papanu talagang natututo ang bata.

@Gerl

Ang dilim ah, bakit parang mag 6 pm na tapos nakakaantok ng sobra. Nagbabantay Kasi ako ng sinampay ko. Sobrang lakas ng hangin kayan lang di matutuyo agad kapag di binantayan Kasi nagdidikit dikit naman. Ayan nakakaantok ng sobra. Ano ng ginagawa nyo?

@Gerl

Hay salamat! Nakalapat din ang likod sa higaan. Naglalaro pa ang mga bata sa higaan pero atleast nakahiga na kami. Simula bukas puro linis ng bahay at laro ng mga bata muna ang gagawin namin. At ittry ko din makipag-maritesan dito bukas πŸ˜…. Di ako nakareply sa mga comment maghapon Kasi nag asikaso ako ng mga nilabhan ko. Bukas naku sa wakas, mauubos na labahin ko☺️

@Gerl

Kape muna ko..andami kong gagawin ngayong gabi, kakatulog lang ng bunso ko. Last na puyat ko na to Kasi simula bukas pipilitin kong ibalik ang daily routine ko. πŸ™‚

@Gerl

Good morning! Nakabili na ba kayong mobile load sa Shopee? Bili na, ang laking tipid. May limit kung ilang beses ka oorder pero malaking tipid nya. Nakabili ako sa globe at smart pareho. Basta kapag 10% off lang sa Coinsph na ko bumibili, pero kapag above 10% off Shopee na ko bumibili.

@Gerl

Ang cute!!!Gift ko pa sa isang anak ni @susie 😍 Sa totoo lang na-stress ako dyan at pinagkaguluhan na naman ng tatlo kong anak haha! Naisip ko bilhan ko kaya sila kahit isa. Curious na curious sila sa manika πŸ˜‚ Sinisilip nila ang ilalim ng damit. Wala Kasi silang alam tungkol sa babae πŸ˜‚.

@Gerl

Magandang hapon Kasi medyo mahangin lang at walang araw. Matutuyo na lahat ng nilabhan ko. Sa wakas na naman ubos na ang labahin ko. Konting oras muna ng pahinga tapos maglilinis na akong bahay. Hintayin ko lang makapag-grocery ang asawa ko para malinis muna ang kusina bago ang lahat. Second day palang ng exercise ko ☺️ medyo mahirap sa una Kasi ang sakit sa katawan. Ang kelangan ko lang naman lumiit ang tiyan Kasi 47 kls lang naman ako, kapag lumiit ang tiyan ko balik na sa…

@Gerl

Nagtutupi padin akong mga damit, mukhang aabutin ako ng mga 5 pm ulit haha! Deretso ayos na Kasi ng mga lalagyan at kung ano ano na naman nakasiksik na mga papel na ginupit, may mga clay pa at kung ano anong school supplies ang mga nilagay ng mga bata. Kailangan ko munanh tapusin lahat to bago makapaglinis ng kusina.

@Gerl

Meryenda muna, nanginginig na ko sa gutom. Nakapila paa ng Gawain ko. Kastress ah! Panu may balita na naman na di ko gusto. Bukas pala magbibigay padin modules na gagawin pang hanggang January, kakaloka. Kala ko bakasyon na. Panu ko gagawin ang nakapilang gawaing bahay??

@Gerl

Hindi ako makapag isip ng maayos, Dadaan lang ako dito at hihinga 😡. Grabe ang araw na to, may araw na sobrang kulit ng mga bata, yung pakiramdam na lumulutang ka sa gigil, jusko! Sana mag alas otso na para tumahimik na talaga. Sobrang hyper ng mga to

@Gerl

Busy kami ngayon 😁 May bisita kami, @susie at dalawang girls niya, naging lima ang mga anak ko. Ang cute kapag may baby girl, parang di ko kayang mangurot kapag babae ang anak πŸ˜… Ang cute cute nya lalo sa personal 😍 dalawang taon ko din tong di makita, ngayong lang ulit.

@Gerl

Hay salamat makakaligo na din. Tulog na ang mga anak ko. Pero anak ni @susie gising pa haha! Di siya makapag-noise dahil babangon anak Niya kapag may ilaw. Kakaloka pala kulang anak na maliliit πŸ˜… Yung bunso ni @susie grabe ang cute pati boses parang pang cartoons πŸ˜…

@Gerl

Tulog na sila lahat kaya pwede na ko gumawa ng nga gawain ko, modules ng mga anak ko. Marami pa silang di natapos na modules.Bukas distribution at retrieval, siguradong ang bakasyon talaga ngayong December ay paghahabol namin ng mga hindi natapos. Okay lang yan,

@Gerl

Good morning! Puyat, ang sakit sa mata. Di ako maka-move on sa modules Kasi tambak yung sa Grade 1 na hanggang ngayon di parin tapos, mamaya na ipapasa. Natanggap ko lang yung ibibigay na module mamaya, bukas maghapon talaga akong matutulog.

@Gerl

Ang swerte ng mga bebe, gagala sila mamaya. Napaka-cute ng bunso na to sarap kurutin kapag tumalikod ang mama niyaπŸ˜….

@Gerl

Meryenda muna habang may inaantay na dumating. Pati tong paborito ko parang ayaw tanggapin ng bibig ko.

@Gerl

Gabi na pala...bitin ang tulog hehe.. 30 minutes pero okay lang atleast nawala yung hapdi ng mata kahit konti. Good evening! Luto na muna si momshie bago ako babawi sainyo. Simula pa yata kahapon ako di makapag-noise ng maayos dahil sa kabusihan ☺️.

@Gerl

I miss you pancake! Ngayong ko lang naalala sabi ng batang ito gusto niyang pancake. Di ko naipagluto grabe yung tamad ko kapag nandito yan si @susie. Yung tamad na tamad ka, antok na antok dahil walang tulugan tapos patatawanin kapa. Tuwing nandito sya laging iyak ako sa kakatawa dyan. Haha!

@Gerl

Good morning! Sarap matulog ng mahabang oras. Kagigising ko lang, iingay ng mga anak ko aga agang nagising na naman kanina. Natawa ako sa mga anak ko Kasi bakit daw si tita @susie may sister na anak ako daw puro brothers πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… Oorder daw sila sa Shopee ng sister kapag di bumalik dito ang mga anak ni. @susieπŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…πŸ™‚πŸ˜…πŸ™‚

@Gerl

Meryenda, kaumay lang. Di pa ko makakarecover sa gawaing bahay haha! Bukas nalang. Ngayong araw na to hihilata ako maghapon at magnonouse nalang para kahit papanu may earn habang nakahilata. 2 days akong walang reply sainyo.

@Gerl

Tamang Kain lang muna ng Kain habang nagluluto ng pang Ulam mamaya, adobong baboy. Ang lamig kaya ang sarap kumain ngayon.

@Gerl

Kakahiga ko lang, hihilata kuna ako habang natutulog ang mga bata. Sure yan na nga 3 pm gising na sila. Katapos ko lang magluto ng kanin at adobong baboy, yan ang meryenda nanini mamaya at Ulam na din sa hapunan. Nanunuod muna akong movie ngayong habang nagpapaantok πŸ™‚

@Gerl

Hay naku, ang ending ng itutulog ko isasaway ko nalang naman, nagising na ang mga junakis haha! Magkakape nalang at kakain ulit habang sila ay naglalaro. Ang bata dito di pwedeng tulugan Kasi kung ano anong kinakalkal at Baga lumabas pa sila ng bahay. Hindi sanay dito na lalabas sila ng bahay baka kung lumabas hanggang kalsada nakakatakot na may mga paraan daan na mga sasakyan.

@Gerl

Maghahapunan na kaming 6 pm. Di parin ako makapag-noise talaga, puro antok ang naramdaman ko kapag magpapahinga haha! Sana mamaya bago ako matulog makareply man lang...

@Gerl

Kain na! Pork adobo na dinamihan kong paminta. Gusto ko matapang haha! Ang hyper ng mga anak ko ngayong, lubus lubusin na nila kasi simula bukas lahat ng gagawin nila oorasan ko. Sa sobrang hyper nila di ko na masaway saway. Ang laki pa naman ng boses yung pangalawa kong anak nasasapawan ako

@Gerl

Kanina pa sana ako tulog kaya lang nagising ako at naalala kong dipa ako naligo kaya naligo ako ngayong oras na to malamang puyatan na naman to hehe! Sana before 11 pm tulog na ko. Makikinoise muna ako sainyo, magandang gabi!

@Gerl

Matagal tagal din akong walang mga ganto, kaya magtry ako ulit lalo na at next year lalabas labas na ko. Gusto ko din mag ayos ng pagmukukha ko haha! Gusto ko din ngang mag paayos ngbbuhok kaya lang saka nalang panghuli nalang yan. Mas masaya padin naman ako kapag maglalagay ng mga ganyan kapag umaalis ng bahay πŸ™‚.

@Gerl

Tara na at magkape, ang aga ng gising ko Kasi may mas maaga pang nagising kesa sakin. Pero okay lang naman na maaga ngayong dahil mag uumpisa na akong maglinis ng bahay. Sa ngayon magkakape muna ko habang kausap ko ang isang bulilit dito na ubos ng kulit.

@Gerl

Second cup β˜• πŸ™‚ The kids are still asleep. Maybe 7:30 they need to wake up for breakfast. They don't have anything to do now because I have something to do so I will let them play all day. Good morning!

@Gerl

Excited na ang mga bata sa darating na Pasko. Ang bababaw lang talaga ng kaligayahan nila. Excited sa agawan ng Candy 🀣. Pero yung bunso ko ayaw Niya talaga ng agawan Kasi nagagalit daw ang kuya Xian Niya kapag inagaw Niya sa kamay 🀣🀣🀣🀣🀣🀣 passway naman Kasi nahawakan na aagawin pa. Tapos after ng agawan may iiyak kapag konti ang nakuha 🀣🀣🀣🀣 Pupunta kami sa bahay Nola @susie dun kami magpapasko, ganon padin... Para magkakasama ang magpipinsan.

@Gerl

Sira ang plano. Ang kulit Kasi nila kaya Ayan, tapusin nila ang module. Medyo marami rami pa to. Pang 2 weeks na modules yung sa Grade 2 ko, pang 3 weeks naman ang sa Kinder at Grade 1 mukhang kulang pa ang bakasyon na ilalaan namin sa mga module na to.

@Gerl

Naalala ko simbang gabi na pala mamaya, magsisimba ba kayo? May online ba or sa TV na live? Dati Kasi live TV lang talaga kami nagsisimba. Naalala ko nung high school ako palaging kompleto ang simbang gabi ko Kasi sa School mismo kami nagsisimba at talagang gabi ang simba. Di ba ang simbang gabi niyo ay madaling araw? Kami alas otso ng gabi talaga.

@Gerl

Antagal ko ng gustong panuorin to pero tinatamad ako. Ngayong ko lang mapapanuod, wala kasing iba. Nag aantay lang akong gumising tong mga anak ko habang nanunuod. Sana di ako nakatulog πŸ˜…

@Gerl

Good evening! Kaway kaway yung mga parang lasing na sa kaantukan at katamaran pero productive padin dahil no choice hahahah! Lahat ng kilos at ginagawa may pause at play 🀣🀣🀣 real talk lang grabe lalo na yung mga nanay dyan na full time sa loob ng bahay grabe ano, kakabaliw kayan!

@Gerl

Di na naman ako mapakali, may lagnat Kasi ang anak ko. Ngayong taon na to na 2021 pangalawang beses palang to ng anak ko na nagkasakit, yung una hika, pangalawa tong ngayon lagnat. Napainom ko na siyang gamot kaya wala na agad lagnat pero may parang mga singaw kaya naisip ko nasobrahan yata sa matatamis. Sana di mahawaan yung dalawa niyang kapatid.

@Gerl

Puyatan talaga to, di ako makakatulog dahil may lagnat ang isa kong anak. Dahil talaga to sa matamis dahil masakit ang lalamunan Niya. Nitong mga nakaraang araw Kasi di ko sila mapigilan sa matamis at nakakapuslit lagi. Mas mabuting huwag munang bibiling matatamis para sigurado. Na-maintain naman nanini nitong mga nakaraan Jaya akala ko di na talaga magkakasakit ngayong taon na to, kinapitan parin talaga.

@Gerl

Wala munang module at wala munang laro laro. Magpagaling muna ang anak ko. Takot na siyang kumain ng matatamis Kasi pinakita ko sa kanya ang photo ng malapit sa lalamunan nya gasgas Jaya sa matamis talaga yun. Sana huwag lumala para di ko na siya papainumin ng antibiotics. Buti nalang wala siyang ubo at sipon.

@Gerl

Breakfast ng mga kids. Lahat sila pinalugaw ko muna. Mahirap kapag nagkasakit lahat. Naku kahit isang beses huwag natin hahayaan ang mga anak natin na sagad sagad kumain ng matamis. Limitado yan mga anak ko Kasi sinasaway ko pinapagalitan ko pero nitong mga nakaraan nakakapuslit lalo na kapag nauunang magising saakin or nagmamakaawa saakin na isa lang...dapat higpitan talaga.

@Gerl

Ang hirap ng may sakit ang anak. Di ako mapakali, di rin ako makagawa ng ibang gawain basta ang gusto ko lang gumaling na ang anak ko. Grabe kastress itong ganito, nababantayan ko pa yan, panu nalang kapag sa school na mismo nag aaral di ko makikita ang mga pinaggagagawa niya, napakalikot pa naman.

@Gerl

We want life to be simple, yet it appears like barriers are always thwarting our efforts and limiting our lives' value. The good thing is that challenges don't have to be as bad as you imagine. Obstacles can be beneficial! Obstacles are frequently encountered on the road to great accomplishment and achievement. The stumbling barrier isn't a barricade. It's a chance to do something different. If there's one trait that all effective people have in common, it's the capacity to…

@Gerl

Patulugin ko ang bunso ko, gustong gusto makipaglaro sa kuya nya eh bawal nga. Ayokong magsabay sabay sila ng lagnat Ayoko ng naranasan nila yung dati na nagsabay sabay grabe nakakasttress yun. Mabuti nalang hindi sya hinihika. Ibig sabihin sa matatamis na pagkain lang to. Kailangan nawala yung gasgas sa lalamun Kasi dun kinakapitan ng bacteria kayan nilalagnat.

@Gerl

Nabasa ko lang sa Google, kapag pala gasgas ang lalamunan at medyo maga dapat pinapainom ng medyo malamig na tubig. Try ko din yan, total tubig lang naman, hindi naman flavored na liquid. Medyo bumaba na ang lagnat ng anak ko pero hindi pa siya okay, makita ko pulang pula yung nga gasgas sa malamit sa lalamunan, wala namang nana. Common na karamdaman to ng bata, kapag hindi Naman chronic pwede lang home remedy ang I apply katulad ng pagmumog ng tubig na may konting Asin at…

@Gerl

Medyo nakakawalang stress. Kahit na nilalagnat ang anak ko, siya mismo nagsasabi na na wala na daw, nawawala na daw isang tulog nalang nawawala na. Pero sa totoo lang di nawawala ang lagnat niya. Kahit wala syang habang kumain Kasi di say makalunok ng maayos inuubos Niya padin ang pagkain Kasi gusto Niya daw gumaling na agad. Malakas din syang uminom ng tubig.

@Gerl

Diba kapag pawisan na ang bata ibig sabihin mawawala na ang lagnat? May sinat pa sya pero ngayong hapon pinagpawisan siya bigla at di Naman malamig ang mga kamay at paa. Sana gumaling na Kasi nasa kanya lang din ako at nagtatampo ang bunso ko. Nakakaawa lang ang mga itsura nila. Habang nagseselos ang bunso, yung kuya Naman na may lagnat todo paliwanag para di sa kanya magalit ang kapatid niya. Ayoko ng ganito puro awa na naman naramdaman ko eh.

@Gerl

Nakahinga hinga ng konti, ang sila sila na ng anak ko ang ingay ingay na agad kahit sinasaway ko. May sinat pa Kasi pero ang kulit kulit na Naman tuwang tuwa na a man sila maglaro. Kapag dalawa lang pala ang gising ang tahimik lang nila pero kapag kompleto ang tatlo aba'y kaiingay na Naman.. pero atleast mas panatag kapag maingay kesa tahimik. Kapag tahimik naku malamang may kakaiba dyan.

@Gerl

Nagpa-story telling ang may lagnat hehe.. Halos gabi gabi yan nahiling ng bed time story pero di ko napagbibigyan Kasi nga daki ginagawa. Sabi nya para daw antukin agad siya. Ginagaya nya yung nga nasa movie. Pero may benefits Naman talaga yun diba kapag laging binabasahan ang bata.

@Gerl

Good night..magpapahinga na muna kami...Kahit papanu, mapayapa kaming matutulog ngayon...

@Gerl

Good morning!!! Magaling na ang anak ko, buti nalang gasgas ng lalamunan at lagnat lang. Hindi naman siya sinipon at ubo kaya ang bilis gumaling. Ang ingay ingay niya na naman kaninang umaga paggising hehe, balik na naman sa dati sila na ang saya saya. Mamaya may online class na naman ang dalawa kong anak, Buti nalang wala ng may sakit.

@Gerl

Naka-line up na naman ang mga Online Class ngayong araw na to. Nakakainggit naman yung iba kasi wala na silang modules, bakasyon talaga. Saamin walang ganyan, Pero dahil January pa naman ang distribution ay ipagpapaliban ko muna. Attend nalang kami ng online class na naka-schedule. Alam mo yung pakiramdam na exhausted araw araw? Ito na yung obligasyon na sapilitan nalang talaga dahil pag aaral ng anak ang pinag-uusapan kahit di na kaya kakayanin!

@Gerl

Bigla ko nalang naiimagine na nasa cabin in the woods ako πŸ˜… Mag isa lang at nagmumuni muni...Sana magkatotoo kahit isang buong araw lang, sarap siguro sa pakiramdam. Syempre huwag lang magpapakita ang mga tauhan sa wrong turn 🀣🀣🀣.pa-suggest Naman ng movies dyan na nasa woods or Cabin parang halos lahat ko na Kasi napanuod, may bago ba?

@Gerl

Dahil walang pang Jolibee nagluto nalang ako nito, ito lang Naman ang pinakagusto ng nga anak kong kainin kapag bili sa fast food kayan ipinagluto ko nalang sila. Madilim sa labas, may bagyo paba? Yung 11 am ay parang 5 pm na. Sarap humilata Sana kaya lang nag aantay kaming mga tawag ng teachers.

@Gerl

Bunso ko naman ang may lagnat, kala ko okay na. Ganito sila kapag may nagkasakit na isa palitan na, Sana yung panganay huwag Naman.

@Gerl

Pati ba Naman uulamin pahirapan pa ako. Siguro fried fish nalang tapos sabaw yung tira kaninang tanghali. Ayaw ko muna kasing magpaalam sa mga bata ng prito kaya lang simula pa kahapon hanggang kanina lahat may sabaw nagsawa ang mga anak ko. Wala din gulay kaya siguro prito muna at sabaw. Ang bunso ko may lagnat pero takbo ng takbo parang ako ang nahihirapan sa kanya. Ayaw tumigil pero nilalagnat yan. Lagnat lang, wala Naman gasgas ang lalamunan at wala din sipon saka ubo.…

@Gerl

Good evening! Padaan lang, ito lang ang stress reliever ko, noisecash, Lazada, Shopee at shein πŸ˜…. Stress reliever at stress booster 🀣🀣🀣. Nag dinner na ba kayo? Kami kakain palang. Nagluto lang ako ng pinakamalaking lutuin egg at corned beef, gusto ko na kasing humiga dahil nakakardam akong kakaiba, Sana huwag matuloy dahil kapag natuloy tigil na naman ang lahat.

@Gerl

Sarap humiga, nakatulog agad ako kanina mga 1 hour din. Nagising lang ako at napakalamig. Ilang araw na din akong ganito na mema lang pero sa totoo lang makakatulong sakin ang magpost dito ng mga saloobin ko. Di ako nakakapagreply pero nagbabasa ako ng mga post at comments. Kahit papanu makakatulong..thanks☺️

@Gerl

Katatapos ko lang pangaralan yung tatlo kong anak. Yung pangalawa gigil nanununtok kapag napipikon. Yung bunso Naman sobrang palaban. Naawa ako sa panganay ko, yung pinaghirapan niyang mga drawings niya na tinapon sa basurahan ng bunso. May argumento kasi sila, parang sinabi ng panganay na site itapon mo yang mga ginawa ko at itapon ko din yung mga laruan mo. Ang tapang ng bunso, di say takot kaya tinapon niya talaga lahat ng gawa ng kuya nya. Kayak Ayan lahat ko sila…

@Gerl

Hirap na hirap ako sa pangalawa kong anak anak na yan. Sobrabkasi kung magtampo kapag pinapagalitan. Ngayon okay na sya, binigay ko yung regalo nila tig iisa sila. Siya yung batang natatandaan lahat ng sinasabi ko at ginagawa ko. Kapag sinaway ko at makita Niya na ginagawa ko ibabalik nya saakin yung sinabi ko. Kaya minsan kailangan paluin dahil kapag hinayaan lang ulit ulitin Niya yan, kaya minsan yung iba lumalaban sa magulang pagmalaki na kapag hinayaan lang habang bata…

@Gerl

Sinong gumagamit nitong Elujai serum sainyo? Ginagamit ko to 3 months na. 189 pesos ang isa sa Shopee at Lazada, basta dapat yung may nakalagay na KB. Kayak ko to sini-share sainyo kasi ang balat ko hindi sanay sa mga matapang na sabon at iba pang mga face cleanser at kung ano ano pa. Dahil palagi akong puyat at pawisan naghanap talaga ako ng para sa mukha na komportable gamitin. Sa gabi ko lang ayaw inaapply kapag matutulog na Kasi pag gising ko, ang buong araw ko talaga ay…

@Gerl

Pagkatapos ng lagnat, bulutong tubig naman. Pero di naman ako nag aalala sa bulutong, yung peklat lang niyan Sana huwag dumami ang bulutong. Magpapasko pa naman, di kami matutulog mag Pasko kina @susie tuwang tuwa pa naman ang mga bata. Kahit Kasi gumaling agad ang bulutong di ko sila palalabasin niyan. May virus padin daw Kasi yan kapag bagong hilom palang. Kayak this tiis muna, magkikita Kita parin Naman sila ulit.

@Gerl

Extra hot chili 🌢️ plus kape β˜• usok ang dila at ilong tanggal yan stress na yan. Kakalmahan ko lang. Huwag papatalo sa stress. Itong year na 2021 good health kami over all Kasi one time lang hinika ang anak ko. Lalo ako mga simpleng sakit ng ulo lang tapos pagod ng katawan. Tapos ngayon December na may pahabol pala ng bulutong tubig. Di Naman ako worried Kasi 7 days lang yan at di kailangan ng gamutan. Kaya kalma lang ako..

@Gerl

Para akong may mga girls dito, pero may paliwanag sila dyan πŸ˜…. Depende daw Kasi sa flavor ang ginagawa nilang color ng cake πŸ˜… Mga anak ko yan, naglalaro ng clay. Yan yung binuksan nilang gift ko sa kanila, tig iisa silang box kayan walang mag agawan at maghihiraman ng mga kulay ng clay. Halos maghapon na silang naglalaro maya't maya ko lang sila pinapahugas ng mga kamay.

@Gerl

Eto yung clay na pinakagusto nila dahil napakaagan lang at hindi masakit sa kamay. Kahit tinatapon tapon Nila yung na-form na hindi nasisira. Ang disadvantage lang ay kapag may nakahalong ibang kulay di na nahihiwalay. Pero okay lang dahil maghapon silang hindi nag ingay, sobrang enjoy Nila. 48 pcs na ganyan lahat tapos may 12 pcs na ibang clay Naman, para siyang gummy kapag na-form na. Hindi madumi sa kamay.

@Gerl

After ko magluto ng Sinigang na bangus asikasuhin agad ang mga bata para maagang matulog. Sa totoo lang parang ayoko pa silang istorbohin kasi busy talaga sila, wala akong marinig na kahit kwentuhan wala. Kaya lang kailangan padin limitahan. Limitado sa lahat ng bagay.

@Gerl

Naku mga na-mold ng mga bata gamit ang clay. Pinakagusto ko si huggy wuggy kamukha talaga haha! Yung iba itinago na ng panganay ko at baka napagtripan na naman ng bunso, baka itapon lahat sa basurahan. As usual, karamihan sa minold nila ay mga characters sa FNAF. Mga monsters na dolls.

@Gerl

Kids are now sleeping, it's me time ☺️ Effective din to sa mga dry skin, dahil kay @susie gagamit ulit ako nito masyado Niya na akong nasapawanπŸ˜…joke! Ang asawa ko Kasi gumagamit nito sa mukha mismo kapag matutulog na. Pero ako Naman sa paa ko yan gamitin haha! Moisturizer yan guys, so walang masamang epekto sa balat ☺️

@Gerl

Araw araw na sila nagbubukas ng gift, pinayagan ko na Kasi sa January di nila maenjoy yan dahil araw araw ang modular class. Ang mahalaga naman naenjoy nila ang December. Di ko ginagalaw ang modules nila. Hahayaan ko sila maglaro minsan lang naman ang bakasyon eh. Araw araw ko sila pagbubuksan ng regalo, pagdating ng Pasko hahayaan ko naman sila mag enjoy sa pagkain. Nakakahinayang di matutuloy ang pagpunta namin kina @susie Kasi nga may bulutong sila.

@Gerl

Niloloko siya na ang gwapo nya kahit may mga bulutong, seryoso siya haha ampangit nya daw kayan ayaw niyang makita ang sarili niyan. Buti nalang konti lang sa braso na maliliit at di nya talaga kinakamot Kasi ayaw niyang dumami. Si bunso ang kamot ng kamot kayan pisa lahat. Sana si panganay huwag ng mahawaan.

@Gerl

Late lunch, Nilagang baka, wala lang mais. Mabuti nalang kumakain lang ang anak ko kahit masama ang pakiramdam basta hainan ng masarap na pagkain. Kanina nga lugaw na may kamote ang almusal niya, ayaw niya Sana ng ganon na pagkain pero pinilit niyang ubusin dahil gusto niya ng gumaling.

@Gerl

Yung ulan di tumitigil, buti nalang mahina lang at di nabaho ang lupa. Yun nga lang di na naman makapaglaba Kasi puno ang sampayan dito. Pero mas okay na yan, pinipaalalahanan lang tayo na pwedeng magpahinga ☺️

@Gerl

Kararating lang ng mga candies, mga marshmallow pala, kaya lang di kami matutuloy pumunta kina @susie 😒. Kainin ko to lahat πŸ˜… Ang sarap ng oishi puff 😍😍😍😍 yummy!

@Gerl

Akala ko okay na, patago palang naiyak ang bunso ko dahil nakikita niya yung mga bulutong niya. Meron kasi isang bulutong na malaki parang naawa sya sa sarili niya. Nakakaawa, ayoko pa naman nakikitabna naiyak Kasi tingin ko sa kanya naistress din sya.

@Gerl

Online class ulit ng anak ko bukas, absent na Naman siya. 2x na siyang absent sa online class. Pero para saakin okay lang yun Kasi yung tinuturo sa online class nasa modules din naman na pinag aaralan at sinasagutan ng nga bata. Pero Sana gumaling na ang mga anak ko kasi sa online class din Naman sila masaya talaga. Pasalamat pa rin talaga dahil ganito lang ang mga pagsubok saamin, may mas malala pa na nakakaawa talaga. Sana gumaling na ang may mga sakit at Sana lang walang…

@Gerl

Ang tahimik na, di ako sanay. Pero babalik din sa dati. Ngayon, oras ko na din para sa sarili ko, maliligo at mag aayos ng sarili. Paglaki kaya ng mga anak ko, ganito kaya katahimik ang buhay ko? Sana hindi, ayoko ng may kanya kanyang mundo, kaya trying hard talaga ako na maging close kaming kagat. Sana...

@Gerl

Noise mates, Kain tayong napakaanghang na noodles. Pampagising lang Kasi kailangan kong magpuyat ngayon, nagbabantay lang ng batang may sakit.

@Gerl

Nag uumpisa na ko ng aking Monday, I wish maging peaceful lang ang araw na to. Less worries lang sapat na..good morning!

@Gerl

4 days more before Christmas Day! Super excited ang mga bata, kahit di nakakagala para sa kanila ayos lang dahil iba naman ang inaabangan nila kapag Pasko. Tayong mga magulang kahit walang wala ( No budget) sisikapin parin natin na iparamdam sa kanila ang Pasko. Tradisyon na Kasi nating mga Filipino yan halos lahat nga ng okasyon. Ang saakin Naman, matandaan lang ng mga bata ang bawat mga okasyon na pinagdiriwang natin, palantandaan din yan na tayo ay isang Pilipino ☺️. May…

@Gerl

Macaroni soups from kapitbahay, ang sarap po sana kaya lang di ko muna pakakainin ang mga anak ko nito dahil may halong manok bawal muna.. Kaya ako nalang ang kumain at nkakasuka haha may nakain akong ibang iba ang lasa pagluwa ko puwet ng manok parang ipot yata yun. Kapag ako nagluluto ng manok di ko yun sinasama, tinatapon ko talaga yun 🀒

@Gerl

May sale sa Coinsph na mobile data load, grab niyo na habang di pa nauubos lahat ng network. Di ako makabili kasi wala akong balance sa Coinsph, sayang. Sa smart may 400 mb valid for 3 days na piso lang.

@Gerl

Ang bilis Naman ng oras, pinaliguan ko lang yung tatlo kong anak naka-isang oras pala agad ako. Para na naman kasi akong hinahabol dahil gusto kong katapos ang naka-schedule kong gagawin ngayon. 10:30 am na, magluluto muna ako ng lunch bago ako maliligo para nasa tamang oras lang ang pagkain nila.

@Gerl

Late ng 30 minutes, tara kain na muna. Pinili ko tong ulamin ngayong ng mga bata para sumigla. Napansin ko kasi matamlay talaga sila ngayon dahil may sakit kayan bawi nalang sa pagkain. 2 days din na puro may sabaw na isda ang ulam kaya ngayon karne naman.

@Gerl

Good afternoon! Bakit ba kahit anong try ko manuod ng k-drama di ko maranasan maadik?πŸ˜… Naboboring talaga ako kaya panay ang forward ko. Nakakaantok na nakakatamad πŸ˜…

@Gerl

Pasensya na kayo kung di ako nakareply ha, naaaligaga lang ako sa pag ayos ng kwarto at kusina namin. Naglilinis Kasi ako at lahat ng di na kailangan umaalis ko para maaliwalas. Sana bago magpasko maaliwalas na.

@Gerl

Pinanunuod ko ngayon ang The World of The Married. Married life is trouble lang naman talaga kapag may affair na nangyayari. Yung ibang trouble madali lang solusyunan pero yung ibang trouble di basta basta ang pagdedesisyon.

@Gerl

Good morning! Nagkakape palang ako, ganito kapag bumabalik sa higaan eh nallate tuloy ng almusal. Kagabi magkatulugan ko ang pjnapanuod ko na K-drama. Ano pa kayang K K-drama ang maganda? Yung sasakto sa dead ko 30s Kasi yung nga bata pa OA talaga para sakin πŸ˜… kumbaga pinagdaanan ko na di ako kinikilig. Turkish daw ang maganda eh,

@Gerl

Kahit kumakain ka ng masustansyang pagkain hindi ibig sabihin na healthy lifestyle na, puyat pa more 🀣 @susie. Sinasanay ko ang mga anak ko ngayong na matulog ng maaga katulad namin nung mga bata pa kami hanggang malalaki na kami palaging maaga ang tulog. Stress nalang talaga kapag mga nagwowork at mga pamilyadong tao na.

@Gerl

Nagbukas ulit gifts ang mga anak ko...cute talaga yung mga squid games lego 😍. Ang mura lang ng mga yan Kasi maliliit lang na lego pero walang katumbas ang saya ng mga bata. Habang nag assemble kumakanta pa sila nung kanta ng laro sa squid game πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… ang cute!

@Gerl

Nakaluto na ng lunch! Waiting nalang mag 11 am para kumain ang mga kids. Sinigang na bangus to, ayoko Sana nyan Kasi matinik kayan nilagyan ko nalang ng sari sarong gulay.

@Gerl

Ang cute nila. Dapat pala dinamihan ko yung participants kaya lang 45 pesos ang isa hehe, pero tuwang tuwa naman sila dyan. Nung una ayaw nila ng doll nabyan Kasi pambabae daw nagustuhan nalang Kasi siya yung taya dyan diba.

@Gerl

Ang Pasko sa kanila simula pa nung December 1, darating ang December 25 baka wala na silang bubuksan na regalo. Pero sayang saya ba Naman kayan okay lang yan.

@Gerl

Natawa ako sa pagkaka-describe sakin ng anak ko kung anong meron dito sa mga shape na to. Dahil meron na daw kaming ganito, pwede na daw kaming magkapera kapag naubusan kami πŸ€”πŸ€”πŸ€”paano ba? Haha!

@Gerl

Di ako mapakali, kanina pa ko natatakam sa kape. AYOKO Sana talaga, hintayin ko lang matulog ang asawa ko bago ako magkape. Mas masarap magkape kapag ako lang ang gising. Sa ngayong nagpapatulog na Naman ako ng makukulit na to, habang nasa higaan nagbabangayan sila

@Gerl

Gising na gising padin sya at mukhang di pa talaga matutulog Kasi kumain pa. Sana magaling na say Kasi magana ng kumain.

@Gerl

What goals have you achieved this year? I had many goals, but most of them... failed. Let's talk about savings, have you accumulated anything this year? I have, a small amount, but I know this is one of the first step or beginning to follow the next goal. I may not be very lucky in saving but, I have achieved something even better this year, being successful in teaching my children in their modular class. I experienced being praised by one of my children’s teachers. We know…

@Gerl

Pupunta na naman dito ang dalawang baby girls na to, nag aantay ako. Di Kasi tuloy ang pagpunta namin sa kanila sa Pasko sayang! Bilisan nyo girls Kasi excited ang mga kuya niyo dito.

@Gerl

Arat na sale Globe lang, mobile data din lang. Napakamura na, meron pa yan mamayang hapon yata..Grab nyo na habang meron pa ngayong 9 am.

@Gerl

Kahit di na mahigpit dadamihan padin namin ang facemasks para kahit saan magpunta naka-facemask kami. Lalong lalo na next year kapag may face to face classes na kailangan na kailangan natin ang facemasks. Medyo natatakot ako sa anak kong hikain, pati sa usok ng mga sasakyan at alikabok dapat may pangsangga padin ang nga bata.

@Gerl

Kahapon to, sobrang saya mila kitang Kita sa mukha. Nakakaloka naman mga batuta na to πŸ˜… kinukulit na naman ako ng regalo. Malapit na ang 25 di na sila makapaghintay πŸ˜…

@Gerl

Na-busy lang ako kung ano ano na naman nakita kong kalat. Ano na naman kayang pinag-uusapan nila..malamang mga laruan na naman yan, mamaya may magagalit na naman sigurado. Kanina talagang asaran sila, kapag may umiiyak malamang kuya nila yun kapag tumahimik malamang isa sa dalawang maliliit na bata yun.

@Gerl

Ang cute! Pero napakaliit pala nito. Pero okay lang din para limitado din ang candies na makakain ng nga bata. Ang ganda ng kulay, cute!!!! Excited ako magbalot ng candies kaya lang alam na ng mga anak ko dahil binalik balikan na nila sa ref πŸ˜…

@Gerl

May new Home screen si Coinsph pala, Yung peso balance na yung mag appear sa Home screen Niya. Kala ko pa naman may bonus na πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

@Gerl

Nandito na ang mga bunso 😍😍thank you sa gifts mga bunso, andami naman niyan. Bitin yan bonding nila kasi uuwi din sila ngayong gabi.

@Gerl

Ang sasaya nila, parang same lang naman talaga babae lalake ang lilikot at kulit . Mas maingay lang talaga ang mga lalake. Ang bunso ko dyan selos na selos sa bunso ni @susie πŸ˜…

@Gerl

Hay salamat, nabanlawan ko pa yung binabad kong labahin. Makakahiga na din at makakanoise, Sana di ako pumikit agad lalo na at gising pa ang mga bata. Bukas maghapon ulit akong maglalaba, mukhang aabutin pa ng Pasko πŸ˜… Sana maubos ko hanggang 24.

@Gerl

Good morning! Kagabi to, iyan nasa gitna ang anak kong bunso na sobrang selos palagi. Pag Ali's ng mga pinsan niya kung ano anong sinabi haha! Ang laki na seloso padin, feeling baby palagi niyan. Hanggang ngayon palaging nakabuntot padin saakin Jaya dia ko nakakaalis ng bahay eh, nagwawala yan.

@Gerl

Magpapasko na di pa rin sya magaling. Buti nalang makulit ang batang ito, kahit masama ang pakiramdam di halata at napakamasayahin lang.

@Gerl

To the moon ba talaga?? Grabe ka PVU, galaw galaw naman. Pasko na para kaming mga tunay na nagffarm na libre kapag ganito ka habang buhay.

@Gerl

Tulugan ko muna to, ibang ibang iba ang pakiramdam ko ngyon. Sobrang antok na gusto ko palaging kumain nasosbrahan na ko, alam ko ang mga pakiramdam ng ganito, naistress na naman ko. ..

@Gerl

Kagigising ko lang, ayos ang mga anak ko nanunuod ng about Covid-19 transmission. Mukhang okay na ang anak ko, wala na daw masakit sa kanya. Sana naman bukas good mood ang lahat Kasi dalawang tulog nalang Pasko na. Pagkatapos ng Pasko, new year na. Mag uumpisa na naman Tayo sa bagong taon. Matanong ko lang, tuloy ba ang face to face classes?

@Gerl

Minsan talaga ang hirap maging isang ina. Maliliit pa naman ang anak ko pero nakikita ko Kasi sa ibang mga magulang na malalaki na ang mga anak. Minsan di na malaman kung saan lulugar ano, kasi may mga anak na kahit anong gawin mong pagpapalaki, minsan talagang sila mismo ang natutukso na gumawa ng katigasan ng ulo. Di mo alam kung nagkulang parin ba sa kanila ang magulang nila o sila mismo ang may problema. Palaging sisi sa magulang o kayan naman teenager. Minsan ginagawang…

@Gerl

Happy first AnniversaryπŸŽ‰ and second Christmas πŸŽ„ @noise.cash! Sana magtagal pa po kayo, sobrang nakatulog kayo saaming mga nangangailangan at gipit sa buhay. Syempre para sa owner ni noise.cash Sana good health ka palagi at more blessings to you. Thank you!

@Gerl

Kanina pa ko gising pero babangon palang ako. Sumasakit Kasi ang tagiliran ko sa bandang baba. Umaatake na naman yung sa cs operation ko. Kakalaba ko na naman araw araw, kailangan ko Kasi maubos bago man lang mag balik ang modular class ng mga bata. Medyo nawala na, kapag biglang galaw ko may minsan na para sya kinikurot namimilipit ako sa sakit pero segundo lang yan ang sakit.

@Gerl

Good afternoon! Ang cute ng dalawa kong anak, bunso at pangalawa. Di Kasi talaga ako makakilis ng maayos, hindi ako nagluto pero maglukuto ako maya maya. Naabutan ko silang kumakain ng biscuit habang umiinom ng dutchmil. Todo explain yung dalawa, kala Nola pagagalitan ko sila. Sanay Kasi sila na ako talaga ang nagdedecide kung anong kakainin nila. Di nila alam na natuwa ako at nagkusa sila. Hay naku, hirap nagkasakit...

@Gerl

Christmas na mamaya, mag food panda nalang kami ready to eat kaya lang ang gastos. Pero kung susundin ko ang mga anak ko siguradong super tipid dahil di naman sila nagrerequest ng kung ano. Yung mga regalo lang mila ang hinihintay talaga nila ☺️. Wala din naman kaming bisita. Ano sa tingin nyo?? Ganito kami tuwing Pasko kapag di umaalis ng bahay. Next year malalaki na sila, kapag wala ng Pandemic parang priority ko makakuwi sa Bicol sa nanay namin, medyo matanda na siya,…

@Gerl

Mas gusto ko pa din itong Pasko namin sa Bikol. Kapag nandito kami sa Laguna ang lungkot lungkot lang. Nung nag outing naman kami hindi rin masaya dahil out of place ako tapos habol lang ako ng habol sa tatlo kong anak. Next year gusto ko talagang magpasko saamin sa Bikol. Hindi lang dahil Pasko kundi para makasama namin ang nanay at tatay tapos malamig at sariwang hangin kasama na mga kulay green sa kapaligiran. Pinakamasayang Pasko kapag nasa probinsya.

@Gerl

Tuwang tuwa ang mga bata Kasi excited nagbukas ng regalo. Hinayaan ko muna sila mag ingay ngayong siguro naman walang magsasaway ☺️. Ako naman excited ng mag January, tingnan natin kung may mababago kapag 2022 na. Parang nagbago ang isip ko, Sana modular class padin, Kasi natatakot ako para sa anak kong hikain, di ko pa naman sila nababantayan buong araw kapag nasa school na. Sana modular class padin, di alam kung san lulugar ano.

@Gerl

Merry Christmas and Good Night! Sana masaya kayong lahat ngayong Pasko at sa pagdating ng taking 2022!

@Gerl

It's 1:16 am and I'm eating with this spicy noodles plus black coffee and watching horror movie πŸ™‚. This is me..at the moment.. DEADLY ILLUSIONS

@Gerl

A famous writer on her darkest life She was writing stories, mysteries, thrillers and suspense stories. She did not expect that her writings would come to the point that it would be the best selling books. But since she got married, everything has suddenly changed. Marriage changed her life, the darkest part of ​​her life became bright and happy. With her life changing, she decided to stop writing. But it keep on coming back to her memory, the dark stories she wrote. Until…

@Gerl

Good morning! Just coffee and a toasted bread here...happy holidays noises! I hope you're having a great weekend, enjoy!

@Gerl

Merry Christmas from my three little monkeys πŸŽ‰πŸŽ„. Ang daming pagkain haha, malamang busog na busog nito si noise.cash πŸ˜…. Ganito talaga mag celebrate ng Pasko ang mga Pinoy. Sya nga pala...next year tig iisang regalo nalang sila, ang ingay ako din saway ng saway after Nika mabuksan lahat ng regalo πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… next year tig iisang regalo nalang at hindi na laruan. Kakaloka, regalo ka ng regalo tapos sasawayin mo dinπŸ˜…

@Gerl

Best gift ever daw nila to, pero ang napansin ko yung clay talaga ang gustong gusto nila. Habang naglalaro sila nakabantay lang ako, ang ingay sobra! Lalo na yung helecopter di say pwedeng ipalaro sa batang katulad Nila pala Kasi delikado din pala.

@Gerl

Ilang oras nalang matatapos na naman ang araw ng Pasko. At magbabagong taon na, excited sa bagong panimula ngayong 2022. Madami akong natutunan sa taong 2021, Sana ma-aply ito sa 2022 at isa na dito ang budgeting πŸ™‚.Let's see kung kung makakapag-umpisa na ng sariling bahay baho natapos ang 2022. Isang goal lang ito, pero mahirap abutin sa katulad namin. Tiyaga at sipag at samahan na din ng keep kontrol sa sarili sa paggastos, tiyak makakaipon. Good luck saatin sa bagong taon…

@Gerl

OA itong isang to haha! Palabiro talaga yan bunso ko, sinasadya Niya yang mga reaksyon Niya. Pagdating ng December 25 isa nalang ang regalong nabuksan niya, inaraw araw Kasii tapos sasabihan Niya puro sa mga kuya NiyaπŸ˜