read.cash Log in
@Gerl

@Gerl in December 2021

@Gerl

Just for the kids, chicken nuggets. Kaming dalawa ng asawa ko di na kakain, kaumay kahit wala naman talagang handaan.

@Gerl

Tulog na ang nga bata, sobrang pagod sila. Sa bahay lang kami palagi nag Pasko at hindi talaga kami naghahanda ng bongga. Pero sulit na sulit naman yung binigay kong free time sa mga bata maghapon. Sabi Nila sobrang saya Nila Kasi maghapon silang naglaro at nagpakasawa sa mga regalo Nila. Sabi nga Nila Sana daw lang Pasko Kasi nakakapaglaro sila ng walang saway saway na mama πŸ˜…

@Gerl

Good morning! Behave sila...dyan lang. Ang reality niyan ako lang ang natira dyan, ako lang yata ang kakain. Kapag sabay sabay silang nag alisan di ko na sila maawat

@Gerl

Hello kids πŸ˜… don't try what you're thinking right now, Christmas has ended! No more exemption....pasok kayo sa bahay!!!

@Gerl

Isa sa mga gift ko sa anak ko to. Naistress akoπŸ˜… ako din ang naglalaro para sa kanila. 14+years Kasi pala ang pwede maglaro at di talaga sila marunong magkontrol kung saan saan lumilipad at nakakatakot baka sumabit sa electric fan. Kailangan kapag gusto Nila maglaro maglalaro din ako, kaloka!

@Gerl

It's 2:10 pm, super late lunch, ayaw Kasi Nila kumain kayan ngayong palang kami mananghalian. Bakit nga pala ang boring???? Ako lang ba?

@Gerl

Naku, di pa nadating ang new year palpak na ako sa isa sa mga new year's resolutions ko haha! Kung ano man yun secret nalang haha! Good afternoon! Sapilitang pagpapatulog na naman ang gagawin ko sa mga bata para ako ay magawa....laba, higaan at linis ng sahig, lastly, ligo πŸ˜…

@Gerl

Bayad ba lahat ng bills before celebrating new year??? Kung hindi, bayad muna πŸ˜…. Dibale ng walang handa basta walang utang, yey!!! Good evening! Kain na para maagang makatulog dahil may modular class bukas, murmur anak ko eh πŸ˜…

@Gerl

Ang aga ng mga anak ko matutulog, pero dahil mga mulat pa sila, ako naman ang kakain. Dapat mamaya pa ko kakain kapag tulog na sila kaya lang mukhang matatagalan, ang ingay pa eh.

@Gerl

Yung pinatulog ko Ayan na sila, naglalaro ulit. Panu gutom na ko kaya kumain muna ako. Siguro di pa talaga sila matutulog kayan lang nagbabanlaw pa ko ng nilabhan ko kaya dapat matulog na talaga sila. Nagkakatuwaan pa eh,

@Gerl

Good morning! Busy padin kayo? Na-miss ko kayo dito hehe... Ako naman ang busy ngayong Kasi tambak padin labahin, ulan ng ulan di makapagpatuyo ng sinampay. Mamaya mag module na ang mga anak ko dahil January 3 ay submission na kaya kailangan tapusin.

@Gerl

Late breakfast...our favorite load and fruits! Milk sa mga bata at coffee naman saakin. Wala sa photo ang mga anak ko Kasi di sila nag iimikan, kailangan ko utuin para magkbati sila. Ewan ko kung ano na naman pinag awayan Nila.

@Gerl

Modular Class, all in one! ESP SUBJECT muna ng Grade 2 ko Kasi about pakikipagkapwa yan kaya okay lang kahit kasama ang kindergarten at Grade 1. Nagluluto pa Kasi ako kaya yan muna sa kanila.

@Gerl

How are you noisers? We just finished lunch so I'll make some noise first. Around one o'clock in the afternoon, we will return to the modular class. I will be strict with the children again because they are used to doing nothing but playing. While they are waiting for new year's Eve I will first ask them to do all the activities given by the teachers. I know there is nothing wrong with restricting children especially if it helps their learning.

@Gerl

OMG! Modular class turned out into sleeping time πŸ˜…. I let the kids choose what they want, sleep or study, They prefer to sleep. So I'll just put them to sleep. When they are asleep, I'll continue to wash and fold the laundry.

@Gerl

Kapagod maglaba! Pero sarap sa pakiramdam mapagod, kahit malamig pinagpawisan ako. Ngayong break muna, magkape muna bago magising ang mga bagyo, buhawi, lincoln at ipo ipo πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

@Gerl

Ako lang ba yung walang iniinit at inubos na pagkain after Christmas???haha! Siguro hanggang ngayong meron pa kayong mga tirang spaghetti dyan, Sana all πŸ˜…. Wala Kasi kaming bisita, wala rin kaming kamag anak dito at wala yung mga kapitbahay πŸ˜…

@Gerl

8:30 pm ang hapunan, kaya yan! Nagprito pa ako ng tilapia. After prito Kasi saka ko sasabawan at hahaluan ng petchay! Masarap yan lalo na pag luto ko ☺️. Habang nagluluto ay nagsasampay ng nilabhan. After sampay, salang ulit hanggang maubos, diba!

@Gerl

Kakahiga ko lang, sobrang pagod ang katawan ko ngayong, maghapon talaga yung pagkilos, buong maghapon. Nag night dress ako ngayong, para komportable sa pagtulog at 10 pm matutulog na ko. Good evening!

@Gerl

Who among you likes to read horoscopes? Honestly, this is the second time I've read my destiny in my whole life ☺️. But, it does not mean that we depend on the horoscope of our destinies, you still the one making decisions in your life. I'm Leo, and according to this horoscope 2022: Love: Avoid forbidden love. Maintain loyalty if you are in a relationship. If you are single, be open hearted to the new one. Money: The bill will be gradually reduced in the coming months. There…

@Gerl

Cold morning! Ang sarap magkape at maghilata lang. Kaya lang kailangan ng bumangon at mag asikaso ng mga bata na kanina pang 3 am mga gising. Bakit kaya talaga napakaaga nilang gumising, kakaloka sila, Sana paglaki Nila ganyan sila kasipag gumising noh!

@Gerl

Breakfast muna ang mga kids habang nagnonoise si mama ☺️, tapos na yung literal na noise kanina haha!

@Gerl

Nung mga nakaraang araw lang excited ako mag 2022, pero ngayong parang AYOKO muna! Naalala ko tambak pa ang modules ng mga anak ko, January 3 pasahan na, parang stress ang bubungad sakin nito sa 2022. Jusko po!

@Gerl

Kain na Tayo, di ko alam kung meryenda yan or lunch na ang aga pa pala. Ang mahalaga kumakain at di nagugutom πŸ˜…. Ampalaya na maraming kamatis at itlog para walang pait.

@Gerl

Saan kayo dadalhin ng boring at lamig na panahon? Ako eto, andami kong malunggay dito. Pero nag iisip pa ko kung saan ko to ihahalo, parang monggo lang naiisip ko eh. 2nd cup ko na to, Sana wag na masundan hirap din mag-palpitate.

@Gerl

Yummy! 100% juice blends, Lychee with coconut water. I'm looking for broccoli juice also but I don't know where can I buy it. I saw it on Lazada but it is out of stock!

@Gerl

Magandang hapon! Mga inay luto na Tayo ng hapunan. Naalala ko nung bata pa ako, taga saing at tagahugas ng pinggan. Bawal makipaglaro sa ibang bata, bawal din sumilip sa bintana. Pero ang di ko makakalimutan na masarap sa pakiramdam, yung ganitong oras na orange talaga ang makikita mo sa kalangitan sa probinsya. Naghalo yung tahimik na malungkot pero mapayapa. Hanggang ngayong ganon ang gusto ko kaya lang puro ingay ang meron dito kung saan kami nakatira, tahimik lang kapag…

@Gerl

Nakaka-miss magkaroon ng baby sa bahay, yung hindi mo kailangan sawayin. Yung lagayan lang ng Dede ang bibig ayos na. Lalo na kung baby girl siguro, less stress yun Diba 😍

@Gerl

This will be the last time I eat noodles, I swear! Eating too much of it is bad for our health. It is said that there is a serious illness from this food. Let us be careful in choosing what we eat.

@Gerl

Good morning! Wala pang breakfast, sobrang late na pala. Ang lamig Kasi kayan napasarap ng tulog. Yung asawa ko talagang adik na sa laro. Kahit may lagnat dahil sa second dose vaccine nya laro padin ng laro. Siguro kung naninigas na ko sa higaan or nabangungot ako baka di nya parin ako mapapansin, kakabaliw sya. Kung di ako babangon walang pagkain ang mga bata di nga alukin kahit inom ng tubig lang. Grabe yan kakalaro nya ng Cabal.

@Gerl

Madaliang luto, ayaw nila magkanin. Chill chill muna ngayong araw na to, Kain lang myna ng Kain tapos modular class mamayang hapon.

@Gerl

Cheers! Drinking while trying to write an article again...again and again... I can't think well with this kind of environment that sorrounds me..

@Gerl

Bakit kapag galit ako, nag iisa ako? Pero kapag sila ang galit panay ang suyo ko? Hirap siguro puro lalake talaga ang kasama sa bahay. Hirap maging nanay, yung todo ingat ka Kasi sensitive mga kasama mo pero sila insensitive sayo, tsk!

@Gerl

Lavender aromatic: for relaxing, cool and refreshing ang nasa description Niya. Andami ko pa Naman binili Kasi akala ko medyo maanghang at cool siya. Hindi pala, wala lang. Kahit nilagay ko na sa ilong ko wala along maamoy, as in parang wala lang. Sayang.

@Gerl

Good evening padin kahit anong mangyari. Basta walang mga sakit ang anak ko maganda parin ang araw ko. Naaalala ko kapag meron sa kanila ang may sakit, kung ano ano ng nasa isip ko niyan. At naiimagine ko pa kung anong pakiramdam kapag may sakit. Kaya kahit inis ako kanina, napakaliit lang nun, sobrang Sisiw yun kumpara sa may malalaking problema pero masaya parin sila. Kaya gerl, bilisan mong magpakain sa mga bata at maliligo kapa πŸ˜‚

@Gerl

ALWAYS BE HONEST ON HOW YOU FEEL EMOTIONALLY! From what I read, one of the things that strengthens our mental aspect is being honest with what we really feel. For example, you are angry with your spouse, speak up, tell him why you are angry. Don't pretend you're okay. We are closer to illnesses like depression when we tend to hide our resentment or hold back how we really feel. I experienced all that about 5-6 years ago. It doesn't help, but it makes the stress worse. So if…

@Gerl

Jusmio marimar Shopee! Nagbigay kapa talaga ng remembrance. Di mo alam panghihinayang ang aming naramdaman sa mga pambubudol mo πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Yan pala nabudol sakin sa loob ng 2021, hindi pa kasama ang sa account ng asawa ko at account ko sa Lazada. Pero pinakita din Naman ang pinaka-malaking napaggastusan ko dyan ay gatas ng mga anak ko kayan okay lang yan Shopee at nasa 9k plus Naman ang total discounts ko at 2k plus ang coins earned. Pero sa Spaylater?? Never! Di mo ako mauutakan…

@Gerl

Let's start the day with food! I don't want to start with a smile, I want food right away haha! So, let's eat breakfast first. It will help us more to have breakfast before anything else ... good morning!

@Gerl

Those born under the zodiac sign of Leo are known to be cautious in their love lives. Singles will be open-hearted to others, while those in relationships will preserve their loyalty. Atleast, zodiac Sign is reminding us. Like me, I'll be even more cautious now that I've read this, even though I know it's just a prediction. Because we never know what will happen in the future, let us be cautious at all times.

@Gerl

Sometimes your joke is already offensive. If I were you, just joke with someone who knows you best. Get it? Have you ever experienced someone got angry with you because of your joke? And you joked again? If we are talking about attitude, and we know it is wrong, let's not repeat it for a second time. Let's learn how to respect the feelings of others ... By the way, tomorrow is December 31, Happy new year everyone!

@Gerl

Naku ingat ingat sa pag gamit ng SpayLater lalo na kung hindi emergency ang paggagamitan. Ang laki ng Kita ni Shopee diyan. Huwag tayong papabudol sa kanila, sila nalang ang budulin natin. Ang nilagay pa nilang recommended na installment at 12 months, halos x2 ang nabayaran mo kapag kinompute mo yung buong 12 months na yun. Ako mas pipiliin ko pang gumamit nalang ng Shopeepay kapag bibili ako sa Shopee, tapos tuwing bibili dapat may coins at free sf vouchers plus cashback…

@Gerl

Good afternoon noisers! Sinong relate dyan, ang lakas ng hangin pero tulo ang pawis sa sobrang daming ginagawa. Parang kiti kiti haha! Di na naubusan ng Gawain. Dapat gagawa along article ngayong araw pero mukhang malabo. Aanhin ko na Naman ang earn sa readcash kung tambak ang gawaing bahay di natapos tapos. Kaya makagawa na Naman ako nito bukas na, pero dapat tulog ang mga chikiting. Mga pang short posts lang talaga ako eh, kayan nandito ako palagi sa noisecash.

@Gerl

Anong handa nyo sa new year? Kami ganon ulit, wala. Siguro kapag malalaki na ang mga junakis. Kami lang dito, kaya tipid tuwing may mga okasyon. Basta mag umpisa ang taon na walang utang at kompleto ang kusina ayos na kami. Advance Happy New year!

@Gerl

Dati ginawa ko sa mga anak ko yung Police Prank Call at effective Naman. Pero napansin ko ilang beses na Nila ko pinaprank call din alam nilang sobrang nerbyosa ko. Parang naisahan na Naman Nila ako kanina grabe ang kaba ko Kasi me ga courier lang ng order ko ang tumatawag saakin. Pero ngayon wala akong expected na tatawag saakin Kasi wala ng for delivery. Mga pasaway na mga batang to, nag install pala sila sa playstore. At magsasalita palang ako may paliwanag na agad sila.…

@Gerl

Ten Years in Married Life, ngayon pa ba? Tuloy lang, ganon talaga di mawawala ang hard times sa ganitong estado. Huwag titigil, panindigan na dahil ang kasal ay hindi lang yan papel, huwag natin kalimutan yung diniscuss sa seminar at counseling. Ang katumbas ng papel na yan ay buhay ng isang buong pamilya.

@Gerl

I hope matupad ang aking plano nitong darating na January. Kailangan ko ng isa pang valid ID at sariling Saving Bank Account. UMID ID lang Kasi ang meron ako, ano kayang magandang bank account na UMID ID lang makakakuha na ako?

@Gerl

Good evening noisers, puyatan ngayon...nagtutupi akong tambak na damit..nakapila na yung mga isasampay ko. Hindi mauubos ang labahin ko hanggang bukas. Di aabot sa bagong taon ang pagmamadali ko haha! Pero ayos lang yan, lahat ayos lang...πŸ˜‚

@Gerl

Time for sleep, good night noisers! 1 night before new Year! Are you ready to welcome the year 2022? I'm ready! My kids are so excited also because of fireworks haha! Anyway, bye see you...

@Gerl

Nagising ako dahil nalang sa ingay ng mga anak ko. Nagkkwentuhan about sa January 1 dahil sa fireworks. Yan lang ang inaabangan Nila haha! Sabi Nila sa isa kong anak tulog daw ng tulog kaya di makapanuod ng fireworks kaya mamaya daw huwag tutulog. May anak Kasi ako ditong maaga lagi makatulog pero lagi din siyang maaga magising. Kaya mamayang hapon patutulugin ko para gising ng 12 am. Sabi pa Naman ng bunso ko bakit daw isang beses lang may fireworks tapos kasunod after ulit…

@Gerl

The parent's rage, the child's misery: Never Again, it's SO WRONG! I believe in it, and I can relate. My experiences prove this especially with my eldest. Until now, so I feel guilty. But I know it can change, I'm changing. So sometimes I look for someone to talk to so that my children don't feel physically and emotionally when I'm stressed.

@Gerl

Nagpapatulog ako ng mga bata ngayon. Gusto daw Kasi nilang manuod ng fireworks mamaya. Excited sila, excited din ako Kasi alam kong magiging masaya na naman sila. Kapag hindi nakatulog ang anak ko mamaya ng maaga first time nya makapanuod fireworks haha!

@Gerl

Wala man lang available sa food panda na Cake, close lahat ng Goldilocks at Red ribbon. Wala din nagrereply sa mga rider na nagpapasabay, sasalubong talaga kami mamaya sa bagong taon na manunuod lang fireworks ang mga bata...ang boring..

@Gerl

Ang ingay na...Happy New Year po sa lahat!!! Wala akong makachat at wala akong makausap siguro dahil busy lahat Jaya dito nalang ako kay noise. Pero nagluluto palang akong Ulam, Nilagang baka para masarap naghohold ng sabay ang lamig lamig ng panahon.

@Gerl

Yung iiwanan ko sa taong 2021, yun din ang sasalubong sakin bukas na 2022 haha! Lokohan nalang, wala naman nabago. Patibayan nalang talaga, kung ano yung dumating kailangan harapin. Dapat mas matibay tayo ngayong 2022, patibayan hindi pahinaan!

@Gerl

Ang bait ni kuyang rider kahit na ganitong oras naihabol pa yung cake namin. Eto na kakain na ang mga kids ko wala silang pakialam sa new year πŸ˜… kakain na daw sila at manunuod ng fireworks mamaya. After manuod tulog na daw sila πŸ˜…. Hindi sila pwede isama sa ibang bahay, haha!

@Gerl

Happy New Year Everyone! Mga anak ko na yata ang pinakamasayang sumalubong sa new year dahil sa fireworks πŸ˜‚ Di ko sila maawat, habang nanunuod ng fireworks sigawan ng sigawan ng happy new year. Wala ng kainan Kasi 10 pm palang kumain na sila. Sana maganda ang dala ng taon na to, good luck saatin lahat!