Welcome December Aba ilang days na lang Pasko na Excited na ang lahat lalo na ang mg Bata Last month of this year, December sana good vibes lang hangang sa pagsapit ng New Year Year 2022 sana ay normal na ulit.Mawala ng tuluyan ang Covid..Ung bagong variant wag kana papasok dito sa Pinas.Hindi mo kami matitinag.Mga Pinoy matitibay at matapang.Lalabanan ka namin Omicron
@Gellihernz in December 2021
Done my first dose💉 Covid 19 Vaccine #Aztrazenica May proteksyon,may panlaban na sa covid 19.Dahil may bagong variant na naman kaya nagdecide na talaga ako magpaturok.Hindi nman masakit,ewan lang kung ano epekto mamayang gabi.Habang naka line up pa lang ako uminom na agad ako ng Paracetamol para pang kontra lagnat. Bigla bigla ang desisyon ko noh pero magandang napag isipan ko na din magpaturok para na din sa safety ng aking pamilya dahil hindi ko maiwasan may ibat ibang uri…
Magandang araw! Grabe ang epekto sa akin ng vaccine Ngayon lang kumalma ang katawan ko Sobrang taas ng lagnat ko kagabi.Gininaw ako ng todo at hinang hina ang katawan ko.Masakit ang ulo at katawan.Akala ko katapusan ko na,panay dasal ko.Ninerbyos yata ako kung kailan nakatapos.Noong araw walang epekto.Walang sakit pero magdamag hinang hina katawan ko.Naku sana nman ang second dose hindi na ganito ang epekto.Sa inyo ba ano ang epekto ng bakuna sa inyo?
Hindi na naman makapag upload ng pic.kainis minsan na nga lang ako magpost ayaw pa makisama.Dahil okay na uli pakiramdam kaya eto medyo nakakapag focus na uli sa phone.Pero sabi nga take a rest daw kaya matutulog muna ulit ako at baka pamaya nyan ay sumakit na naman ang ulo ko.Kapag pa nman nagkakasakit ako e feeling ko ay hinang hina ako.Bye bye po muna maya na ulit ako mag update dito.Inaantok na ulit ako tutulog muna.Mukhang pampaantok din epekto ng vaccine sa akin hehe.…
Kakatuwa ung tinanim kong Gumamela kahit maliit pa ang puno tuloy ang pagbukadkad ng kanyang bulaklak.Madali lang pala buhayin ang gumamela.May yellow variant na din ako Gumamela.Sana ay mapalaki at mapadami ko pa ito.Galing yan sa hardin ng aking mahal na Nanay.Madami kase sila halaman doon at unti unti ay pinapadami ko na din ang aking mga tanim na halaman.Sana madagdagan pa ang mga variant ng gumamela ko.Wala sa pot bago ko na lang ilipat kapag nakabili ako ng bagong…
Good morning Appy friday Appy birthday sa may birthday Cake at tinapay ni Bebe ko nung birthday nya last nov.12 pa Ngayon birthday naman ni Mother Earth ko Sana makapunta kami later after ko maglaba at konting trabaho dito sa bahay Day off ko kase ngayon Taiming birthday ni Mama Wala lang ako regalo Babawi na lang ako sa christmas tutal malapit na din nman ang christmas
Sopas tayo Squads Meryenda..ito lang nakayanan sa birthday ni Mother Dear Wala si Mother busy sa bible study exactly dumating sina sisters bagong hango ang sopas Lapag na lang ulit dito sa mesa at sungaban na. Yan si Sis ko ung pina checkup namin na mataas ang blood pressure then pina ultrasound din namin kung may kidney failure siya at meron nga kaya ngayon nagpapagaling na siya.Sana gumaling agad siya.Mawala na ung pamamanas ng binti,paa at mukha nya. Gusto pa sana nya…
Eveneng to all Meet my Blood Family and Here we are at Agoncillo Pailaw My second time around here First time when Im with my husband and my daughters.And now with them..With my Mom,Sisters,Auntie and Cousins Because of my Mom's Birthday,we decide to go out and now were here at our Pailaw.We have no money to treat her in class restaurant so even in this place we were happy together.Also we want to have exposure of my sister Kulot to refresh her mind and forgot her illness…
Kalesa Rides While at Pailaw pwede din sumakay sa kalesa iikot sa plaza at munisipyo ng aming Bayan para itour.Sabagay kami kami lang andto alam na namin ang venue.Hindi na kami sumakay nakinood na lang kami.Pwede ito dagdag saya habang ineenjoy panoorin ang mga Pailaw.Mga bata ang sobrang saya sa pagsakay dito.Mura lang naman bayad 60pesos lang pero bago umalis ang kalesa dalwang tao dapat ang sasakay. Enjoy #kalesaRides kung sino man itong nakasakay.Ingat po...
Anong naisipan ko at pinitas ko ang bulaklak ng damo ng madaanan ko nung binisita ko ang aming baboy sa piggery malapit sa gubat.Natuwa ako eh ang dami bulaklak kaso wala akong dalang cellphone nang pumunta don,mas maganda sana kung doon ko napicturan may mga butterfly pa naman na nagliparan.Kaya pumitas na lang ako ng isa.Noong bata ako nilalaro ko ito eh hangang ngayon napansin ko pa din siya kahit na matanda na ako.Dito ko na lang pinicturan sa aking sa'ya na bulaklakin…
Tharts Yema Cake Simple birthday cake ni Ate.Actually it was last year taken pa.Ngayon baka walang cake muna.Mas gusto nya daw mamasyal na lang sa SM kaysa maghanda.Hindi lang ako sure kung pwede ko na bang gamitin ang first dose vacination card ko.Three years na kase silang hindi nakakapunta ng Bayan pati ako palibhasa mini grocery nman ang pinagwoworkan ko kaya dito na lang ako bumibili ng mga daily needs namin.Nakakamiss mag shopping sa Supermarket ung may tulak2 na Cart…
Sunday Natutuwa ako sa anak kong Bunso tinuloy tuloy nya na ang pag church sa malapit na simbahan sa amin ng mga Born Again.Pa three weeks nya na ngayon sumisimba.Pulas lagi siya.Ung babago pa lang ako magprepare para bumangon at maligo tapos siya ay ready na at pupunta na sa Church.Hindi ko muna pinapaligo dahil sobrang lamig pa.Maaga sila ng mga pinsan nya din bata.Kinakaon siya dito sa amin kapag aalis na.Mabilis kumilos paggising mag toothbrush at punas lang siya tapos…
Naku po!!! Nasira ang kontador ng aming gripo.Nireport ko na agad ng maaksyunan na agad.Sana ay mapuntahan nila bago sumapit ang gabi nang hindi magbaha sa tagiliran ng aming bahay.Pansamantala pinatatalian ko muna ng interior na goma ng maawat ang pagdaloy ng tubig.Sa katagalan na yata ay nagkusa na masira.Wala nman gumagalaw e bigla na lang nasira.Mabilis nman umaksyon ang Primewater kaya sigurado ako okay na ito pamaya
Hello mga kapwa ko Noypi Nais ko sanang may larawan ang post ko ngayon subalit ayaw naman makisama ng aking signal."Poor signal" Ibabahagi ko sana ang pinagkaabalahan ng aking anak kanina kung kaya't hindi nya ako inagawan ng cellphone.Aba ang tuwa ko naman... Sana bukas ay ayos na ang signal ko..nang may maipost naman ulit na picture... Well bago matulog magkukwento muna ng kaunting bagay gaya nito pero bitin' at" tapos agad "ahaha.Babati na lang din ako ang ng Gandang…
Ang kalat naman ng study table.Hindi modules kundi mga beads.Sinira nya mga accesories ko dati then tutuhugin nya ng panibago.Pasaway na Bata.Pang trade nya daw sa kalaro nya sa Uno.Iyan ang inatupag nya pagkatapos ko siyang kaunin sa kapitbahay para kumain Pagkatapos nirequest nya sa akin ung mga old accesories ko daw ay kanya na.Hinayaan ko na lang kase nakatambak lang din naman.Bandang 7:30pm nagsawa agad at kinuha na ulit ang aking cp atleast 30 minutes lang siya gumamit…
Ang ulam namin kagabi.Pandalas na luto.Ako nagluto dahil umalis asawa ko para magtinda ng laruan sa plaza sa Pailaw.Kahit paano pandagdag kita at pantulong nya daw sa akin.Lulubusin na habang holidays season pa pagkatapos naman ng pasko at bagong taon wala na uling extra.Kumbaga uso uso lang ngayon mga laruan na nag iilaw din.May headband pa kasama. Ang luto ko sa isda hindi ko alam kung masarap.Tatlo na lang kase ang kamatis tapos ubos na ang sinigang mix.Walang sangkap na…
Share ko lang sa inyo ang maiksing convo namin ng anak ko Nagpapaload lang naman siya sa akin atleast one data load lang in a week kase may connection naman ng wifi sa kapitbahay kaso minsan mahina,mas nag eenjoy siya sa data kase kahit saan area pwede,sa wifi kase need nya pa lumabas para mas mapalapit sa internet.Maaksaya nman kung data,nagloload na nga ako sa phone ko pati ba nman sa kanya lolodan ko pa.Wala nman ako magawa,naaawa din ako dahil lagi kailangan din sa Gc…
Nangarolin ang mga Chikiting kagabi sa mga Tito Tita kapitbahay aba nga naman nagkapera sila..May pang exchange gift na daw si Bunso sa christmas Party niya sa Church.Silang magpipinsan lagi magkakasama.Asan ba si Ate hindi na naman kasama sa picture kase nahiya na naman dahil dalaga na pero kasama siya ng mga bata.Guidance nila at may bahagi din haha Naku mawiwili daw sila...baka pamaya gabi ay mangarolin na naman.Mauubos na naman barya ko.Kahit sa aming bahay ay hindi din…
Nakakatuwa ang Shopee may pa giftaways pa.Pa 3days ko na nagki claim ng mga coins galing sa mga naka endorse na artista ng Shopee.Sa mga mahilig mag shopee okay ito kase makakadiscount tayo less coins na naipon natin at mga free voucher na free shipping at discounted items per store na magustuhan nating bilhan.Second day ko yan na claim.Ung first day ko wala akong screenshots ngayon ko lang naisip.Ung narecieve ko ngayon puro 0.10 pa lang.Tatlong artista na naopen ko.Try ko…
Marahil madami pa din ang naghihintay sa new update na magkaroon ng paFt at isa na ako doon subalit iba ang naging update sa aking wallet settings.Ngayon pwede mag set ng value amount sa pinaka lower icon.Nasa sayo kung magkano ang gusto mo iset na amount.Akala ko nung una matic na un kapag nag hearts ako ay bawas sa wallet ko un pala may confirmation pa din mula sa akin.Kapag nai pay mo means nag qr tip ka,pero kung cancel ginawa mo,nag hearts ka lang hindi ka nakapag qr…
Fake Nails 💅 Maibenta nga ito sa mga Bata Sa murang halaga lang para mabilisan Mga anak ko mahilig din dito.Bigyan ko na lang sila ng tig 2pcs.Papiliin ko pa sila ng design na gusto nila although pare pareho nman ng design.Sa kulay na lang mamimili.Mahilig din ako sa mga abubot parang Bata din ako.Noong bata ako hindi ko basta mabili ang mga bagay na ganito dahil wala akong pera.Isang kendi lang okay na pero ngayon matanda na ako at may sarili ng pamilya sinisikap ko na…
How do I look on this FloralDress?👗 Nakapag pictorial na naman si BagetsMomshie.🌸🥀🌺.Natuwa ako mag fit ng isa sa mga Dress na paninda ng Boss Madam ko.Tinesting ko kung bagay sa akin hihi.Nagmukha naman yata akong Teenager nito dahil masyadong Teeny ung design tapos ung color nya ay peachy pink.Ang ganda ng color parang nakakaputi.Madami pa silang klase ng Dress na paninda.May mga plain pa nga.May hangang tuhod like itong dress na to at meron ding mahaba na hangang paa…
The lights The simple color of the lights on the trees Golden Silver White colors.Steady in lighting "not more on twinkle".The purpose of the lights is to attracts more viewers.Some colorful lights is on the Arc alternate in color such as pink,violet and gold.In the big Christmass tree there is a mixed color of the lights.All colors are attractive to eyes.There is also a Belen which is symbolize the birthday of Baby Jesus and its celebrate during this Christmass Seasons.As…
Ito ang ginawa ng Bebehan ko after nya i repair ung mga beads na galing sa accessories ko.Ang simple lang ng gawa nya at pinicturan pa talaga at pinahili pa sa akin.Kainaman na ang Batang ito sari sari na ang maisipan.Kapag modules ang pinapagawa ko nayayamot na.Ang hirap nman daw hindi nya masagutan.Hinahayaan ko na lang kung kailan nya maisipan gumawa.Kapag naman hindi pinipilit e gumagawa naman kaso kapag lalo mo pinilit lalong ayaw gumawa.Bukas pasahan na ulit,magpupuyat…
Thursday Night How a rush night for me.This is routine everynight of Thursday.Because tomorrow is Friday deleveration and retrieval of modules so I need to complete all of this.All week5 of all subjects hehe.As usual Math,English,Science and Music is still blank and no answers.My dear Bunso didn't understand and me sometimes dont know also so thats why I need to research in Google just to complete the assigning lectures. So thats all...Have a goodnight everybody.. Bye for…
Paskwa Bumulaklak na ung tanim kong Paskwa.Ganito ba talaga kapag pasko daw ito bubulaklak at mukhang tama naman.Dati kulay green lang dahon nito ngayon pumula na.May konting bulaklak pa sa taas.Sana lahat maging pula na ang kulay ng dahon.Ang ganda pala tingnan dati kase parang walang buhay ngayon naging masigla na ang buhay nya. Kakatapos ko lang maglaba..kakapagod...Pupunta pa din ako ng tindahan para mag half duty.Aalis kase ang Boss Madam ko walang tatao sa…
Nakakamiss naman ang aming punong mangga na hitik sa bunga.Ngayon nagsisimula pa lang muli itong mamulaklak.Last summer yan na madaming bunga ang mangga at kayang kayang pitasin sa puno dahil mababa lang.May papag din dyan para may tambayan sila.Pwedeng matulog sa tanghali kapag napagod maglaro at kapag nagsawa kumain ng mangga.May duyan pa kung ayaw sa katre.Kung mas feel matulog sa hinihele don sa duyan.Pero parang may naamay-ari nun.Pwesto yata yun ng aking mahal na Hari…
Its been always a cold weather everywhere.I had been in my Mothers home and it was the same level temperature of windy and coldy evening.I'm always wearing my jacket coz I'm the one who is weak in this type of season.I'm not posible in Abroad which has the winter season.Maybe I'm always staying inside and not going outside lol:-) because of the fog coming from the Snow.Maybe also Im always in front of Kalan with a flame just to reduce my chillin feelin. Some people want more…
Dahil galing na naman ako kahapon sa bahay ni Mama kaya yan nagpicture na naman ng halaman nya.Lipstick ba tawag sa halaman na ito? Parang lipstick kase ung bulaklak.Ang dami na talaga halaman ni Mama kailangan na bawasan masyado na magarbo.Sumasama pa mga nag-usbungang mga damo.Yun muna ang dapat unahin bago bawasan ang halaman para magandang tingnan ang kapaligiran
Shock and Excited Ui FT meron na din akong pang freeTips Na shock naman ako.Namilog ang mga mata ko.Finally maeexperience ko din ito.Bago lang ito sa akin eh.Hindi ko pa alam kung paano kaya nagpa guide pa ako sa mga frenny ko sa channel NFSFG sa Tg.Sila kase aware na dito,ako hindi pa masyado kaya eexplore ko muna.Kailangan ko daw muna palakihin bago ko daw ishare hehe pero nakaka excite naman.Bukas ko siya susubukan ishare hehe,sana mapagtagumpayan ko ang tasks ni noise sa…
Morning Squadmates Sobrang saya ko kagabi bago matulog dahil na surprise ako sa paFt kaso inantok na ako.Ngayon naman umaga magpost muna ako ng isa then maya ako mag share dahil tambak pa trabaho ko dito sa store.Gusto ko kapag nag noise ako diridiritso walang istorbo kaya unahin ko muna ang maglinis muna dito sa tindahan at syempre pakainin ko muna ang aking lumiliyok na tyan.Mag breakfast na ako maaga para maaga ako makatambay dito Babye muna for awhile..babalik din ako…
My late Lunch okrang may kamatis Ang daming toyo lumangoy na sa kanin Pero ganan po talaga ang gusto ko Mahilig kase ako sa salty May kanya kanya tayong hilig Ang iba sa sweets Pagdating sa sweets hindi ako masyado Tikim tikim lang pero kapag salty at minsan sour din yan ang mga bet kong lasa Happy eating ka Foodtrips
Hangang tingin at add to cart na lamang Wala na ako pambili Sayang 12/12 pa naman ngayon Baka sa sunod mahal na mga yan Naglalaro ang presyo nila ngayon sa 180-280 pesos.Ang gaganda nila pero wala ako nabili kahit isa kase baka hindi ko magamit.Hindi naman ako mahilig magsapatos pero gandang ganda naman ako.Sayang talaga.Sana isa dyan mabili ko bago o pagkatapos ng pasko
Morning Squads! Morning Noisy Pipol Just wait a minute kapeng mainit Magcharge muna ako at working mode muna See you in a bit after 1 hour babalik ako chos Dont worry noise.cash isishare ko po ito medyo busy pa lang po sa ganitong oras New weekend na ulit Happy Monday Noisers
May new flavor ang Nissin cup noodles Ngayon ko lang siya na try masarap pala Ang tawag dito ay #spicyPorkTONKOTSU Pork ang nakalagay pero ung nalalasa ko parang seafood tapos lasang lasa mo ung iniapply kong flavor manamis na maalat na lasang peanut hehe Dahil walang ulam yan na lang tanghalian ko tapos late na naman TONKOTSU kayo dyan KaFoodtrips
May paayuda sa school Binigay kay Papito nung Friday nung magsauli ng modules.E di ngayon tambak sa alcohol may 4 na alcohol tigdalwa kase laman ng black bag.May faceshield,tig 2 pcs na ponds cream,isang bote ng Hana shampoo tig 2pcs N90 mask,toothpaste at toothbrush.May 2 towel din at sabon maliit na walang tatak.Ayos din ito ang tuwa ng dalwang Bata gusto e kanya2 talaga silang gamit at tinabi sa kwarto nila pang kanila lang daw ih.Hinayaan na lang namin ni Papito tutal…
Busy Tuesday Done checking deliveries from Suysing Dahil magpapasko na need madaming stocks tsaka pang gives away ang iba nito sa empleyado ng Feedmills na malapit dito. Si Madam ang kanilang sponsor para bilhan ng supply.Every year tuwing malapit na mag christmas ganyan lagi madaming irerepack.Komonti na nga yan compare noong wala pang pandemic mas madami lalo.Ngayon nagtitipid na din dahil bagsak naman talaga gawa ng madami ang nawalan ng trabaho at nagsara ang ibang mga…
Pilipinas excited na din ba kayo sa New Year? Kung excited kayo bumili na kayo ng Banner 2022 pang welcome sa New Year.Ganyan talaga mga negosyante kung Amo kahit ganitong mga simpleng bagay e tinintinda.Meron pa nga ngayon ung gintong lagayan ng mga bigas asukal at coins yata.Yun naman ang uso ngayon.Sumusunod din kase sila sa Feng Shui eh kaya yata lalo silang sinuswerte sa buhay.Pero wag ilaan sa mga lucky charm kailangan ding samahan ng sipag at tyaga.Sa totoo naman…
Evening Squadmates! Share ko lang sa inyo ilang lingo na mga puyat ang barangay namin dahil sa misteryosong lalaking gumagala sa gabi pagpatak ng alas 10 hangang alas 11 ng gabi.Nababahala na mga tao dahil kinatatakutan na ito.Hindi namin alam kung ano ang motibo nya pero wala nman siya nasasaktan o ninanakaw na bagay.Basta nagpaparamdam lang daw siya.Magpapakita pero mawawala.Hindi nman daw mamukhaan kung sino dahil nakabonet,nakajacket at naka facemask pa daw.Talagang…
Done Display Yahoo.. Natapos ko din idisplay ang mga sabon,toothpaste at fabcon.Ang ganda tingnan kapag puno pero mas maganda tingnan na gumagalaw at nababawasan ang mga produktong ito para ibig sabihin nun ay may benta ka.Ayos maubos,ayos din na laging puno para laging kaaya aya sa mata.Kapag madaming choices mas mahihikayat ang mamimili na bumili.Madami pa din kulang dyan.Hindi lahat ng brand e meron kami kung ano lang ang fast moving yun lang ang madami kaming stocks.…
Late lunch advance Meryenda Ito lang food ko sa oras na ito Instant na naman wala kase lagi maulam na may sabaw.Enough na ito sa akin dalwang buns,one egg,pancit canton yun na din ang aking isisipit sa tinapay Meryenda na po ang lahat.. Kain lang ng kain hangat may nakakakain at may makakakain.Ganun lang naman ang buhay
Kakatapos ko lang kumain ng spageti special kase si Hubby ang nagluto para sa birthday ng anak naming panganay na supposed to be e ako dapat ang gagawa kaso nasa work ako kanina.Hindi na ako nakapgpa change off.Okay lang din nman kay Ate nauunawaan nya naman daw basta bilhan ko na lang daw siya ng pantalon na maluwag sa ilalim like ng outfit ng mga Korean.Fanatic kase xa ng mga korean.E matangkad din siya na payat. Bale ung luto naman ni Hubby ko is okay naman.Masarap…
Early Blessing❤️ Thank you sa hipag ko Jane kapatid ng asawa ko na Ninang ng anak ko.May binigay na pabirthday.Tamang tama mabibili ang pantalon na gustung gusto nya and the rest na tira ay budget nya ngayon seasons sa mga christmas party na sasalihan nya.Mababait naman sila at galante.Last month nung birthday ng Bunso ko meron din bngay na 500 ung ninang Ivy nya at si Madam bngyan din ako ng 500 kaya maswerte naman ako may mga hipag ako na mababait.Sa pasko may mga cash…
Lomi Now lang ulit naka Lomi Take out ni Bayaw Rey Galing siya Manila umuwi para magpa booster vacine tapos naglambing mga pamankin puro girls,libre Lomi daw sa Tito nila.Since madami Lomihan dito at na miss nya din daw mag Lomi kaya pinagbigyan nya lahat ng nieces nya dalaga at bata. Syempre may takeout din sa mga Momshie ng mga pamangkin.Eto na nga kinakain ko na
Flexin my eldest daughter because Yesterday is her birthday No prepare foods just only 1kilo spagheti which is made by my Hubby No picture with food coz she dont like a picture.She's a shytype girl.Fear in camera She didnt know that I post her picture in this site.It was her school activity yesterday with a hashtag #GoBag in Science subject Once again happy 13th birthday my Dear😘🎂
Nakakatakot na Gabi Grabe kinakabahan ako hangang ngayon Namato sa kalapit bahay namin sa gilid ang misteryoso palibhasa wala nakatira don at nasa abroad.Naglabasan kami dito.Nakita daw ng pamankin ko at hipag ko ung malaking lalake tapos bigla daw nawala.Di na namin malaman kung trip ba talaga o maligno yata un.Naguguluhan na isip namin kase kahit madaming humahabol hindi talaga siya mahanap.Naglalaho na lang daw bigla o magaling lang talaga magtago.Nakakatakot na.Mapupuyat…
Good day Squadmates Super busy ako today Ngayon lang nakapagpost Dami gawain pala kapag Friday dito sa tindahan dahil pumasok ako ngayon kapalit ng di ko pagpasok kahapon tapos hilaw tulog ko dahil sa misteryosong lalaki.Kabado ako lagi kapag gabi na baka magparamdam na naman un.Sana naman pamaya gabi wag na siya manggulo.Haay hindi naman ako makatulog ngayong araw kase duty.Gustuhin man pero hindi pwede tsaka ang dami nakaabang na trabaho Super lamiiiig...Mabilis ang hangin…
Done first dose pfizer vaccine na si Ate Matapang yan kahit payat Alam ko yakang yaka yan Hindi ako ang kasama kundi si Hubby always naka guide sa mga Bata Makikibalita na lang ako paguwi ko Malapit na din naman ako umuwi Excited na at pandalas sa pag prepare kumain dahil magsisimbang gabi ulit kami pa 3 days na ngayon
Antok na antok na ako mga Frennies Dahil kagabi puyat ako kaya matulog ako maaga ngayon.Goodnight Squadmates Goodnight Noisers..Bukas na lang ulit ako mag FT sa inyo.Hindi na talaga kaya ng aking mata.. Sweetdreams to all.....
Good Morning FoodTripers This is our preparing dish today I'll make it fried or sinigang later maybe on afternoon.Reserved for our dinner For now I'll take it to the refrigerator to make it always fresh. Our breakfast is cooked dish from carinderia Our lunch is red egg/ saltyegg with tomato And as what I thought our dinner is this reserved Fish What do we call this kind of fish? In my own mind...I will call this fish as Giant SAPSAP..Correct me if Im wrong.. It's only my…
Pa 3 nights na namin magsimbang gabi kagabi Yan ang picture ang daming nagsisimba simula pa lang nung first day dahil ngayon lang ulit naulit ang normal simbang gabi sa bawat kapilya ng bawat baryo.Pero syempre kailangan pa din naka facemask.Sa dami lagi ng nagsisimba dito lagi kami sa labas at nagtatyaga tumayo ng halos isang oras din pero ayos lang naman mahalaga makasalo sa banal na misa.Importante maunawaan ang lahat ng detalye na ipinapangaral ng pari ay isapuso.Kung…
My Daughters Childhood I missed the childhood moments ng mga Pretty Angels ko.Mapapansin nyo ung eldest ko ay kalbo nung Baby pa tapos ngayon ang kapal kapal na ng buhok nya.Lagi ko pa napapagalitan dahil ayaw na ayaw mag Pony e sabog naman ang buhok nya pero ung bunso ko malago na talaga ang buhok since birth at hangang ngayon nananatili pa din ang maganda nyang buhok.Ang cute nila dati,one year lang kase pagitan nila.Noong bata pa sila gusto ko lagi pareho damit nila…
Fifth Day of Simbang Gabi Medyo rush ang pagsimba namin ngayon kase pag uwi ko galing work pandalas pa ako pagpunas at pagpalit ng damit tapos inihanda ko pa din ang susuotin ng dalwa kong anak na bestida at skirt.Wala kase sila sa bahay namin.Maaga pa nagpahatid na sila sa bahay ng Nanay ko sa Lola nila na ang tawag nila ay Nanay.Isinama din sila nung maaga pa sa bahay ng Tita ko sa bandang ibaba ng baryo Mabini.Kaya un nga pati sandals at sapatos bitbit ko pa pagpunta don…
Morning Sunday Ang aga uli gumising ni Bunso kasama na ulit mga pinsan nya para magsimba naman sa Christian Church na malapit dito sa amin.Excited dahil ngayon ang kanilang exchange gift.Naliligo pa lang ako kinaon na siya ng mga pinsan nya.Mabuti na lang lagi sila pinipicturan ng Tita nila ung mother ng baby boy na kasama nila.Pamihado madami kwentosi Bunso sa akin pamaya pag uwi ko.Ipapakita sa akin ang natangap nya exchange gift.Ung exchange gift pala nila ay worth 50php…
Lots of Ice Cream Kahit malamig ang panahon tuloy ang benta ng ice cream at nananatiling mabenta pa din.Sa mga mahilig sa sweets hindi effective ang malamig na panahon sige lang sa pag ice cream.Ako suko ngipin ko,nangingilo ako kapag kakain ako ng malamig lalo pa at ganito ang panahon pero kapag Summer maasahan naman ako dyan dahil gusto maibsan ang init.Isa pa hindi talaga ako matakaw sa sweets kaya kahit pwede ako magmeryenda nito ay pass ito sa akin.Mas pinipili ko pa…
Pano na yan naghihingalo na battery ng cp ko 20% na lang e 6pm pa magkapower.Hindi ko naman mapacharge sa petron kahit pwede mag charge don dahil meron sila generator.Gustuhin ko man kaso ginagamit ko itong cp sa transaction ng gcash cashin at cashout tapos dito din ako nagloload.Mayat maya pa nman may nagpapaload kaya no choice ako kung anong abutin nito.Wag lang sana ma drain
Goodnighty na po...Sorry ngayon lang nakabalik dito tapos mag gudnyt agad Antok na po eh...After mag simbang gabi mag ccp saglit kaso ang dami ko babalikan sa cp.Kapag napakwento pa sa TG mapapasarap pa tambay at kwentuhan doon kaya yan late ako dito sa Noise.cash.Nagnotify na tuloy...akala di na ulit ako nag share.Eto po inuumpisahan ko na po ulit mag FT before matulog.Sana mapasaya ko kayo bago ako matulog...Nyt to all....
New weekend na ulit... Ilang araw na lang palapit na talaga ang Pasko Wala pa ako nabibiling regalo,mainam siguro na cash na lang ang ibigay sa mga inaanak kaysa gamit.Mas gusto din nila ang cash,para sila na lang makapili ng gusto nilang bagay.Minsan kapag materyal pa binigay mo baka pamaya hindi gusto,baka hindi kasya.May masasabi na kesyo "hindi bagay" kung wala mang sabihin at hindi nman suotin sayang lang or ibbgay sa iba.Nakakadismaya nman kapag ganun kaya malutong na…
Nakakatuwa naman mga Batang ito lagi na nga magkasama hindi pa din makatiis nagbi videocall pa.Magkakapitbahay lang po mga iyan sa isang compound lang kami nakatira agad namiss ang isat isa nagsiuwi lang para kumain sa kani kanilang bahay after nman nun kita kits na uli sa kanilang tagpuan.Minsan sa puno ng mangga namin,minsan kina Princess at malimit kina Chuchai sa batang malusog na mahaba ang buhok.Doon kase mading laruan at may videoke pa.Mahilig kumanta ang Bata kaya…
Saklap naman hindi na ako umabot sa coins.ph load promo...sold out na yat puro refunded message.Pero na try ko kanina sa isang smart no.ko.Hindi na yata pwede umulit.Kanina di ko alam tungkol dito pero sinabi ng friend sa Tg na may promo daw tsaka ang dami nagpopost dito kaya nakigaya ako pero late na yata ako ..promo ends na yata sa dami ba naman ng cph users na nagki claim.Better luck next time na lang sa akin.Congrats sa lahat ng naka avail..napakalaki ng discount sa…
Our 6th night of Simbang Gabi Natututwa ako sa sarili ko dahil wala pa ako absent sa simbang gabi.Pa 6th night na ngayon at nag joke pa si Father itaas daw ang kamay ng nakasimula ng simbang gabi.Taas syempre ako ng kamay.Sabi nya taas kamay ng nakasimba ng 7 gabi tapos nagtawanan kase pang 6th night pa lang nga pala.Pati ako natawa sa sarili ko.Pero sabi ni Father pa 6th nights pa lang at napaisip nga kami bat ba kami nagtaasan ng kamay.Ganun po talaga minsan bago…
Magandang Araw! #happy7monthsarryNFSFG Ngayon nga ay ika 7buwan na ng ating Channel #NFSFG,ano kaya ang magiging ganap pamaya?Sana naman ay makadalo ako sa party party kung meron man.Alam nyo nman ako makupad kapag may pakulo dito lagi akong nahuhuli katulad ng mga nagdaang events buwan buwan ng channnel na ito.Nag start ako maka join dito 3months na sila at ngayon nga akalain mo 7months na so pa 5th months ko na nakikisali sa pakulo hihi at sobrang enjoy ako.Dito sa account…
Thank you mga mods sa unang patikim ngayong araw na ito.Nakakaexcite ang GA challenges...Maaga pa lang ay may biyaya na.God bless you more mga generous moderators.Advance merry Chrismas.Sana lahat ay masaya ngayong darating na Pasko.Sana kumpleto ang buong pamilya.Sana lahat ay makauwi sa kanilang mga tahanan para ipagdiwang ang pasko ng buo at sama sama ang buong pamilya Advance Merry Christmas po sa lahat❤️
Multi tasking tayo.... Kahit nakikilahok sa pakulo ng ating mga moderators still hands on pa din sa work at yan nga kakatapos ko lang mag display ng mga de lata.Puno na ulit wala ng patlang patlang.Attractive na ulit sa mata Kakapagod kaya eto magmemeryenda muna ako ng turon.May Ale dumaan at bumili ako...masyadong alert ang isip ko ngayon pagsabayin ang work at challenge.Nakakatuwa nagagampanan ko
What a productive day Grabe ang eneenjoy ko sa 7thmonthsarry natin dito sa channel.Talaga naman naging game na game ako ngayon.Kung nasa amin lang ako simula kanina siguro lahat nakumpleto ko ang GA challenges 7tasks ng mga moderators...Sari sari na ginawa ko.Gumagana ang creativity natin kung wala makita bagay na ganun nakakahanap ng paraan.Pwede sariling imbensyon ang gawin Originality dapat at updated post dapat hihi Super enjoy talaga... Hanggang sa uulitin SQUADMATES
Flex ko lang ang ganap kahapon Sobrang saya talaga Here my 5 entries with a minimum prize of .30usd each with a total of $1.50 Kakatuwa lang ang saya ko talaga buong maghapon hangang sa gabi at sa pinakalast challenge itinodo ang kantahan with electricfun.Nag enjoy na nagkapera pa at syempre hindi lang yun kundi sa samahang nabuo lalo na sa ka TG group namin dito.Hndi buo ang araw ng hindi nakakapagkwentuhan. Lubos ang aking pasasalamat sa tatlong moderators ng ating…
Manggang Hilaw na Mura at Bayabas Kahit bubot pa babago pa lang lumalaki ang mangga ay pinitas na ng mga anak ko.Salamat naman at tinirhan ako ng isang piraso.May dalwang bayabas binalatan ko na din.Una sa patis ko sinawsaw dahil sa mangga gusto ko ay Patis ang sawsawan.Pagkaubos ng manggang ginayat,pinalitan ko naman ng suka na may asin para naman sa dalwang hilaw na bayabas
May Angpao pa nga pala bukod sa prizes sa GA games...Thank you pa rin po sa mga moderators.Umuulan ng biyaya...Paskong pasko na sa NFSFG.. Sana po ay masaya tayong lahat 3days na lang at Pasko na.. Ano ba ang ganap sa inyo ngayong 25 "Pasko na Pasko na" pero naging mainit uli ang panahon
Nakakita ng friends si Bunso habang nasa simbahan kami.Classmate nya nung daycare ngayon dalaga na din.Dati ang liit pa nila ngayon mukhang mga dalaga na.Imagine natatandaan pa nila ang isat isa after 6yrs.Dati mga paslit pa lang na naglalaro.Hindi nagbago itsura nya ni Yshin ang batang nasa gitna.Iyon at iyon pa din ang kanyang mukha.Nagtransfer na kase yan batang yan ng ibang school simula kinder sa ibang school na siya nag aral at ngayon lang ulit sila nagkita na grade5…
Dec.23.2021 One day left na lang bukas "Pasko na" Excited na ako..mamasko sa mga Sis in Law ko na every year hindi nakakalimot.True nakakapamasko pa din ako sa ganitong edad ko.Kakatuwa nga dahil tuwing pasko hangang New Year ay abot abot ang biyaya sa amin.Bilang ganti nagpapasko din ako sa family side ko nman dahil simple lang ang buhay nila.Dito sa side ng asawa ko hindi na ako nagpapasko sa kanila dahil madami na sila napamaskuhan at madami nagpapasko sa kanila kaya doon…
Tiny sweet Kisses 💋 and Mini Toblerone😘 Thank you sa nagbigay galing sa sis in law ko na kakauwi lang galing Italy.Pauna lang ito kagabi hindi pa makapagbuklat ng maleta kase gabing gabi na nakadating.Excited na ako makita ang iba pa nyang pasalubong.Nadala na daw sa bahay pamaya ko pa makikita.. Dati yearly nakakauwi sila pero dahil sa pandemic 2years hindi nakauwi...at jaran...ngayon nga Finally nakauwi na siya.Siya lang muna naiwan pa ang iba don.Masaya sana kung lahat…
Ay bat kaya ganito biglang bugso ang Ulan May LPA ba..Sana naman walang mamuong bagyo.Kanina lang e ang init dito tas biglang ulan ngayon.Naku wag naman sana at magpapasko na.Ingat po ang lahat...Keep safe po.. Maulan din po ba sa inyong lugar?
Feeling offended 😔 Magandang gabi Squadmates Ngayon lang ulit nakaupdate at malilate na naman matulog.Gabi gabi na lang puyat.Pagod na sa araw puyat pa sa gabi tapos nalilipasan pa ng gutom kaya huwag ng magtataka kung bakit hindi tumataba. Naalala ko na naman ung nagpalungkot sa akin kanina.Nakalimutan ko na siya pero biglang naalala ko ngayon gawa ng sitwasyong ito na mapupuyat na naman ako Nakakadismaya na sabihan ka ng "Sexy" nakakasakit ng pusot kaluluwa.Akala yata ng…
Good news ito...Naatract na ako mag Sell ng BCH May itataas pa kaya? Ipagbili ko na nga dahil kailangan ko na ng pera.Nakakakaba kase malikot ang paggalaw.Mabilis ang pagbaba at mabilis din ang pagtaas.Kaya hindi na ako mag antay pa ng malaking pagtaas... Sell ko na ..goodluck sa iba na may hold,sana mas tumaas pa siya.Gustuhin ko man hold kaso need ko na ih... Okay na sa akin kahit maliit na profit basta hindi lugi
Grabe ang pagod ko ay... Hagard na eyyyy... Uhaw na uhaw ako kahit bawal sa akin softdrinks ngayon lang nman ulit...ay naku mauulit pa pala ito dahil sa mga handaan pamaya sa pagsalubong sa NocheBuena Dami work dito tapos pamaya pa sasalubong sa pasko...Anyways wala naman ako lulutuin tamang makikikain lang sa neighbor...hihi Merry Christmas po sa lahat Excited na sa games pamaya.Sana manalo...
Meryenda at tanghalian pinag-isa ko na sobrang busy eyyy nakalimutan na ang oras sabay sabay ba naman iisa lang ang katawan ko..naku tomguts na talaga ako.. Kain po muna tayo noodles with egg,skyflakes and black coffee..katal na ako sa gutom😅
Last night of Simbang Gabi Punong puno na ulit kase huling gabi na ng simbang gabi.Bago yan nanood muna kami ng dula tungkol sa kapanganakan ni Baby Jesus kaya lang na late kami hindi namin nasimulan Happy birthday baby Jesus Maligayang Pasko sa lahat
Ang saya lang kagabi sa christmas party ng aming compound lalo ang mga bata enjoy.Kayo din ba nag enjoy sa pagsalubong sa Noche Buena.Ngayon araw ay masaya dahil Pasko may mga regalo at cash na matatangap pero higit sa lahat alalahanin natin ang kapanganakan ni Hesus iyon ang pinakamahalaga sa lahat.Kung hindi dahil sa kanya hindi natin maidadaos ang kasiyahang ito ngayon. Maligayang Pasko po sa lahat🎊🌲
Thanks sa mga gifts🎁🎄 Merry Christmas po sa lahat Ang saya ng mga bata kase madaming gifts pati naman kami may mga gifts din sa pamankin.Love you all guys❤️
Another gift galing sa mga pamangkin pa din...kakatuwa sa halip na ako magpapasko sila na ngayon nagpapasko... Baba nyo na din po mga christmas gifts na natangap nyo😁
Our Latest Family picture Because now is Christmas Day we took our family picture.I start collecting family pics last year during christmas.You may notice the background is looking wonder because it was my brother in law's home who's businessman.They not here already.They on Manila because of busy schedule regarding in their business.They were more and more busy.Even if they not here now our family compound decides to prepared some order foods.Now the foods is here in front…
Christmas Gifts and Cash My overwhelmed appreciation to our Santa's Law's Family Thanks a lot for all of this wonderful gifts ever... May God continue bless the treasure of your lives.Ofcourse the gift of life are more important above all.God bless your Family as always❤️❤️❤️ Wala pa ang cash ng mga anak ko dyan Iseneperate ko muna then saka ko picturan.Pero ung mga gifts pinagsama sama ko na.Yung mga damit kanila.Ang sa akin ay Bag,Slipper at Cash Dahil sa kabisihan ko…
Gracies Ivy sa pasalubong mo Chocolates 🍫 at Nutella... Bon Natale' Ang dami na namin utang sayo😅 Bago bumawi inaanak mong si Bunso at si Nathalie kapag daw nagkatrabaho na sila...sila naman daw magpapasko sayo😊
Ang lucky ko naman nakakuha ako ng 10php AngPao sa Shopee tsaka 0.10cens.Ngayon lang naulit after ng first day ko mag claim shopee celeb Angpao nila.Akala ko hindi na ulit ako makakakuha ng 10pesos Salamat shopee may pandagdag sa Shopeepay ko
Watch their videos my daughter with her cousin.Pwede na mag artista panay acting nila.Video editor nyan si Ate.Galing nya mag edit at maglagay ng sound effects.Maayos din nman ang acting ng mga Bagets
I cant t upload again porke malamig at naulan humina ung connection ko.Ang dami kong try mag upload ng pictures pero ayaw talaga kaya di ko na pipilitin.Isa pa mahina yata me ngayon,medyo mabagal ang payout bakit kaya? Sana bukas okay na at mabulaga na uli sa malaking refill.Nakakapanibago nasanay na kase ako pero thankful pa din ako still meron pa din nman.Un nga lang tipid tipid muna.Di ko muna kayo mabigyan ng bongang FT huh.Pansamantalang mahinto muna.Abang na lang tayo…
Goodmorning NFSFG busymode again Jaran...bakante na ang roleta need na magdisplay ng Snacks... Kakadeliver lang nyan.Dami ko trabaho di muna makasabay sa inyo
Well Im so busy talaga... Pasilip silip na lang dito Di pa ako nakain gutom na sobrang busy ayyyy.Mag isa lang kase ako Kahit okupado ramdam ko pa din ang lamig Sobrang lamig dito sa amin Kung hindi pa ako nag init ng tubig kaninang umaga hindi talaga ako makakaligo Ang hina ko pa nman sa lamig Mas gusto ko talaga ang panahon na mainit Siya maiwan ko myna kayo at ako ay susubo myna kahit kaunti at talagang pasal na...
Instant Jellyjuice and No.1 IceCandy Dami na ulit stocks kahit ganitong malamig mabenta pa din ito sa mga bata.Hindi sila nilalamig samantala ako di ko carry muna ito sa panahong ito.Grabe katog ang tuhod ko sa lamig.Kung pwede lang wag mag banyo at wag basain kamay.Kapag nabasa kamay ko damay na buong katawan ko.Nangangaligkig na ako sa lamig. Naglagay na agad ako ng tig 2box sa freezer bago umuwi.Sigurado frozen na bukas at un naman ang gustung gusto ng mga bata.Ang tanong…
Im not feeling well.May sinat ako pero dito pa din sa work bawal umabsent.Nakakainis kase nagkasipon ako dahil sa panahong ito.Sobrang lamig kase tapos naambunan pa ako.Kagabi balot na balot ako ng kumot tapos ang sakit sakit ng ulo ko.Hindi na nawala ang ginaw pero ayos nman ang tulog ko.Wala pa 10pm natulog na ako.Pag check ko ng thermometer paggising ko 37.5.Magaling na Hubby ko tapos ngayon ako nman may sinat.Sana di mahawa mga bata.Katatapos ko lang pala mag…
Ay buti nman nag iba na pakiramdam ko nang makaidlip ako.Ngayon nman mag lunch na ako para makainom na ulit ng gamot.Sobra talaga kati ng lalamunan ko.Effective ang hot water nawala ng kaunti ang kati.Pamaya nman mag calamansi nman ako para tuluyan na gumaling.Huwag na sana ako ubuhin pamayang gabi.Sana masarap ulit tulog ko
The 3 Angels The Child actress behind the scene Video chikiting bla bla Nawala si JD ang batang lalaki Ay nauna ko na pala iupload un Sayang di ko mapanood sa inyo ang video Puro screenshot lang ito Wala kase link kase hindi naman nakaupload sa social media.Naka save lang siya sa Gallery ko.Ang cucute nila bigay na bigay sa acting With video editing at effects ang anak ko panganay ang gumawa.
Thank you sis in law sa mga pasalubong bukod pa ang papasko na binigay mo mas nauna ko pa ipost un kahit mas una ko ito natanggap.Salamat dito tamang tama madami kaming lakad ngayon before and after New Year ay may gagalaan.Syempre need itong mga pormahan.Mga pamankin mo maarte na din sa susuotin damit gusto din lagi kung ano ang uso.. Advance Happy New Year po sa lahat🎊🎉
Ang aga ko nakatulog kagabi mga friends Time to relax muna para sa sarili 9:30 evening tulog na ako Kung hindi pa nasama pakiramdam ko hindi ko pa magagawa tumulog ng maaga Lesson learned na nakakapagpahina ng imune ang pagpupuyat at labis na paggamit ng cp alam nyo kung bakit sa halip na dapat oras na ng itutulog pero hayun sige cp pa din tapos sa kaadikan sa cp at earning sites/apps halos walang palampasin na oras napapabayaan ang sarili hangang sa malipasan ng gutom at…
Sopas para sa malamig na panahon Tara kain po tayo mainit pa Kailangan ko magkakain nang sa ganun ay makabawi ng lakas at magkalaman laman haha.. Sobra ng sexy eh...Kailan kaya masasabihan na ang taba taba mo na Nakadaya na nman ako ng idlip dito sa store Binibigyan ko na talaga ng importansya ang sarili ko haha...sarap na ng tulog kahit 15 minutes lang
Last night of Holy night Bago ang misa may pagsasadula pa May performance ang kabataan Nag dub ng dula about sa pagsilang kay Hesus at may Sayawan din Naaliw naman kami lalo na ang mga bata Late post lang po ito ngayon kase tapos na ito ngayon naman ay celebration ng Mega Noche ang inaabangan pagsalubong sa Bagong Taon 2022
Creativity of my Two Daughter Share ko lang sa inyo ang pinagkaabalahan ng dalwa kong anak.Ilan lang ito sa design na binuo nila gamit ang clay na inorder ko pa sa shopee.Kahit mahal at wala free shipping napilitan umorder dahil atat na atat sila.Gusto e mabili na agad ang gusto.Mahilig kase sila manood ng youtube at tiktok ng may mga videos about crafting like 5min.crafts sa Yt,sa tiktok madami din silang idol about sa art creativity.Kaya yan ang natutunan nilang…
Sinigang Sinigang Nag sinigang ulit ako ng karneng Baboy para naman makalasa ng kain.Lagi na lang tuyot ulam lately.Request din ng mga chikiting Kaming tatlo girls favorite namin ito lalo na kUng asim kilig.Pero si Hubby hindi mahilig sa sinigang mas gusto nya ung kaldereta.Ako naman di masyado mahilig sa ganun.Ung lutong fiestahan na karne kinetchupan hindi ko un paborito.Sa Sinigang lang talaga ako the best ito sa akin. Dahil malamig sarap humigop ng sabaw
I remember those days Throwback in Baguio After 10 years....kailan kaya uli makakabalik dito.Naalala ko pa nung pumunta dito 3 years old pa lang ang eldest ko tapos ngayon 13 years old na xa.10 years ago na pala ang nakalipas pero edad lang nagbabago sa akin..still ganun pa din nman ang looks ko pero syempre si Daughter ang nagbago from Mini 3 years old ngayon Tall Young Lady na xa.. Nakakamiss ang time na ito...Noon parang ganito ding seasons nung pumunta kami ng in laws…
Gold Coins Chocolate Candy Bili bili na kayo panghayin sa lamesa Magtitira na ako ng dalwa balot para sa anak ko.Syempre display muna saka kakainin pagkatapos ng new year.Hayaan muna sa January 1 matagal siya sa mesa.Pandagdag display bukod sa 12 fruits.Sana maka 12 fruits ako kung hindi man 12 foods basta circle ilagay natin sa mesa Excited na din va kayo sa media noche?
Mini Candies Kanina Gold coins ngayon mini candies chocolates and gummies Circle circle Bilog bilog Masaya na ako sa mga colorful and mini circle display na candy and fruits kahit walang nilutong spaghetti or pansit basta nakasanayan na every year na fruits,candies and loaf bread lang ang nasa table ko with coins and cash.Basta makulay ung table okay na din yun.May pailaw syempre fountain and luces.May pakalansing pang coins at magpapaingay ng aming tricyckel. Tatalon ng…
Fruits Available here in store Sweet Ponkan,Apple and Dalandan only No more andon sa palengke ang iba.Ito lang ang iniwan ni Madam pangbenta ko.May pwesto sila don sa palengke don madaming fruits.Dito tatlong klase lang para lang daw may display ako sa tindahan.Siguro naman mabebenta ko din ito sa mapapadaan dito na ayaw na pumunta ng palengke.Tig 10 packs lang naman kasama ung mga mini candies Hala benta muna... Goodmorning
Ito ung gift sa akin ni pamankin May Naku kawawang tsinelas napilitan sa luyang paa ko haha..di kase sexy paa ko pun-guk na style luya pa.Pilit na pilit...di bale luluwag din yan.Ung lenght sobra pa nga eh size 6ung lenght ng paa ko pero sa intrada ng tsinelas size 7.Mas nagpi fit sa akin ang 7 kahit sa sapatos Wag nyo na pansinin ang kuko kong malibag hehe wala ng time,hindi na nakapagpapedicure😅
Pailaw na tayo hehe Mini fireworks and 90sec pailaw. Si Hubby magsisindi.Luces lang talaga kaya kong hawakan Happy new Year to all🎊🎉🎇🎆
Busy pamaya sa Party 🎉 kaya post ko muna ang simple table with slight fruits and candies at konting gamit sa bahay.Yan lang ganyan lang handa ko,walang lutong foods.Wala akong time magluto tsaka madami na may luto sa neighbor.Makikikain na lang kami.Bukas na lang ako magluto or next day para hindi masayang tapos hindi sabay2 na may pagkain tapos next day walang makainan.Papamiss muna sa foods... Happy New Year Squadmates🎆🎉🎊🎇