Evening Squadmates! Share ko lang sa inyo ilang lingo na mga puyat ang barangay namin dahil sa misteryosong lalaking gumagala sa gabi pagpatak ng alas 10 hangang alas 11 ng gabi.Nababahala na mga tao dahil kinatatakutan na ito.Hindi namin alam kung ano ang motibo nya pero wala nman siya nasasaktan o ninanakaw na bagay.Basta nagpaparamdam lang daw siya.Magpapakita pero mawawala.Hindi nman daw mamukhaan kung sino dahil nakabonet,nakajacket at naka facemask pa daw.Talagang hindi nya ilalantad ang mukha nya.Kung ano man motibo nya,kung nangti trip lang siya hindi na siya nakakatuwa.Napapagod na ang mga opisyales ng barangay para habulin siya.Ngayon nga nagparamdam na nman siya,simula noong isang gabi maaga na siya nagpaparamdam.Pasikat siya porke madami na tumutugis sa kanya lalo pa siyang nang aasar.Umuwi na asawa ko napagod lang daw siya kakahabol dahil hindi nman makita ang misteryosong lalaki.Doon nagtatago sa likudan namin sa bakanteng lote doon sa gubat at lagnasan.Ang galing nya talaga pero awa na niya kapag nahuli siya.Medyo nangangamba din ako kase nananakot siya sa pamamagitan ng pagkatok.Hindi lang un nambabato pa siya ng bubong tapos biglang magtatago.Sabi ko nga kapag kumatok dito sa amin di namin siya pagbubuksan hangang sa magsawa siya.Pero feeling ko hindi un kakatok dito sa amin dahil may kapitbahay pa kami sa likod.Don siya kumakatok sa walang kapuitbahay ang likod-bahay dahil doon pwede siyang tumakbo sa lagnasan. Lakas ng trip ni kuyang misteryoso.Bahala na si Lord sa kanya sa mga pinaggagawa nya
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Hindi baliw sis or may sayad? Mukhang nakakatakot nga ung ganyan. Matinik magtago hindi mahuli huli
Bakit nman bigla lang sulpot ung ganun tao.Sabi namin kyng taga rito lang kawasat hindi na xa nahiya sa kabarangay nya o dayo siguro naguguluhan na nga ang mga tao dito.Sabi nga kung may matinong pag iisip un hindi nya gagawin un
Nakaka curious naman si mistery Guy ..parang nakaka bahala nman yung ganiang tao .. saka bigla akong natakot kasi .kami sa dulo baka bigla ding may mang trip kasi lapit sa amin dahil sa likod lang nmin din pwedi sila magtago.