read.cash Log in
@Gellihernz more from that month

Creativity of my Two Daughter Share ko lang sa inyo ang pinagkaabalahan ng dalwa kong anak.Ilan lang ito sa design na binuo nila gamit ang clay na inorder ko pa sa shopee.Kahit mahal at wala free shipping napilitan umorder dahil atat na atat sila.Gusto e mabili na agad ang gusto.Mahilig kase sila manood ng youtube at tiktok ng may mga videos about crafting like 5min.crafts sa Yt,sa tiktok madami din silang idol about sa art creativity.Kaya yan ang natutunan nilang gawin.Kanina lang yan dumating ang order kong clay.Sinamahan ko pa nga ng 2 intermediate para lang makabawi sa shiping pero waley pa din mahal pa din compare kung bibilhin mo sa national bookstore o sa school supply kaso naman wala akong time pumunta doon at need pa mamasahe.Kung yun lang ang sasadyain e mabuti pa mag order na lang kahit medyo mahal.Okay lang nman daw ih kase nga naman may pera sila sa akin yung kanilang napamaskuhan.Ibigay ang hilig kapag ganitong mga simpleng bagay lamang na makakapagpasaya naman sa kanila.Panlibang at pang aliw ng oras nila.Bawas tambay din sa cp pero wag ka pagkatapos mag Arts ipopost pa pala sa Tiktok account nila Na-cutan talaga ako sa ginawa nilang ito.Ano kaya bukas ang design na gagawin nila? Parang totoo di ba? Mukhang candy lang pero clay naman.Sabi ko souvenir wag sirain at itago na lamang kapag nagsawa na

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.