Marahil madami pa din ang naghihintay sa new update na magkaroon ng paFt at isa na ako doon subalit iba ang naging update sa aking wallet settings.Ngayon pwede mag set ng value amount sa pinaka lower icon.Nasa sayo kung magkano ang gusto mo iset na amount.Akala ko nung una matic na un kapag nag hearts ako ay bawas sa wallet ko un pala may confirmation pa din mula sa akin.Kapag nai pay mo means nag qr tip ka,pero kung cancel ginawa mo,nag hearts ka lang hindi ka nakapag qr kaya himay na himay kung sino ang nais mong bigyan kase mangagagaling ito sa mismong wallet mo na naipon mo galing sa iba na nag ft naman sayo.Unlike sana kung may pang ft ka,may libreng funds na galing kay noise na kailangan din ishare sa iba.Parang binigyan ka ng tasks na magbigay at kapalit naman ay mayroon ka ding matatangap na comission kaya masarap sa feeling ng may mga pang ft na magbigay.Hangat may free funds sige lang mag share lalo na sa may mga posts na may magagandang content.Wala pa nga akong pang ft at sana magkaroon na.Wish ko lang at maghihintay pa din. Pero..pero...pero...sa kabila nyan ay sinuwerte naman ako ngayong araw dahil sa mga mababait at mapagbigay dito.Salamat sa inyong lahat.First time ko ma reach ang value na yan 0.46 na nangaling sa ft ng 12 users.Sobrang babait nyo po at galante naman ni Sir @Butops na hindi nanghinayang bigyan ako ng ft na 0.31.Sobrang saya ko po napili nyo ako bigyan ng ganyang halaga. Si Sir @AyaMedel nagsunod sunod ang notify sa qr tips.Naka 0.18 din po mula sayo simula noong umaga hangang ngayon sa last comment ko sa post mo.Thank you so much po sa inyong lahat..Naway doble2 ang balik sa inyo ng biyayang pinagkaloob nyo sa akin.
No comments yet