Fake Nails 💅 Maibenta nga ito sa mga Bata Sa murang halaga lang para mabilisan Mga anak ko mahilig din dito.Bigyan ko na lang sila ng tig 2pcs.Papiliin ko pa sila ng design na gusto nila although pare pareho nman ng design.Sa kulay na lang mamimili.Mahilig din ako sa mga abubot parang Bata din ako.Noong bata ako hindi ko basta mabili ang mga bagay na ganito dahil wala akong pera.Isang kendi lang okay na pero ngayon matanda na ako at may sarili ng pamilya sinisikap ko na maibigay sa mga anak ko ang mga bagay na hindi maibigay sa akin ng mga magulang ko noong bata pa ako.Hindi naman sa lahat ng bagay basta ung kaya ko lang din ibgay.Maalam din nman silang umunawa kapag alam nilang mahal sasabihin nila "Mama wag na lang" ..Ung nabibili lang namin ay ung mga murang bagay lamang at hindi ko un kinakahiya.
No comments yet