Im not feeling well.May sinat ako pero dito pa din sa work bawal umabsent.Nakakainis kase nagkasipon ako dahil sa panahong ito.Sobrang lamig kase tapos naambunan pa ako.Kagabi balot na balot ako ng kumot tapos ang sakit sakit ng ulo ko.Hindi na nawala ang ginaw pero ayos nman ang tulog ko.Wala pa 10pm natulog na ako.Pag check ko ng thermometer paggising ko 37.5.Magaling na Hubby ko tapos ngayon ako nman may sinat.Sana di mahawa mga bata.Katatapos ko lang pala mag almusal.Pinilit ko kumain kahit walang gana para makainom ng gamot.Sana huwag muna ianounced ang second dose ko sa vacine kase kung my schedule hindi muna ako makakapagpabakuna dahil mahina ang katawan ko ngayon.Bawal daw turukan kapag may sipon at kapag nag take ng antibiotic.Sana lang talaga matagal pa ang second dose.Sige muna ako ay mag rerest muna ng kaunti dito sa tindahan.Habang walang nabili uub-ob muna baka makaidlip.Hindi ko muna pwersahin ang sarili ko upo na lang muna.Kahit mag cp mag lai low muna ako.bye bye po muna...
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Minsan dahil sa weather natin ngayon kaya marami ang nilalagnat! Uminom ka lagi ng tubig. Get well, my friend!