Hello reader's and writer's how are you? I hope you are in a good conditions and safe. For today's blog, I will write it using my native language, which is Tagalog. So pardon to my non-filipino reader's, as I am going to write a Tagalog article today 😅✌️. I will be writing an English article tomorrow 😊.
💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞
Hello sa aking mga kababayan, kumusta po kayo? Ngayon nga po ay gusto kong pag usapan natin yung pagkakapariwara ng isang anak.
Sino nga ba ang dapat sisihin kapag napapariwara ang isang anak? Yung mga magulang ba? Yung anak? Yung society? Pero meron nga ba tayong dapat sisihin?
Maaari bang maging kasalanan ng magulang ang pagkakapariwara ng anak dahil sa sobrang higpit nila dito? Yung tipong " eskwelahan- bahay ka lang! Bawal gumala, bawal makipag barkada, bawal mag boyfriend/girlfriend, bawal ma late pag uwi, otherwise you'll be grounded. At yung tipong " Ma pwede ba akong sumama sa group study sa mga kaibigan ko? Tapos ang sagot ay "Hindi"! Mali bang maging over protective na magulang? Lalo na sa panahon ngaun, naglipana ang mga masasamang tao. Bilang isang anak nakakasakal ba yung ganitong magulang? Bilang isang magulang, dapat bang sobrang higpit natin sa mga anak natin?
Bilang isang anak, what if yung magulang mo, malayo? I mean nasa abroad? Wala sila lagi sa tabi mo, lalo na sa mga sandaling kelangan mo sila. Dapat na bang maging dahilan yun para sirain mo yung buhay mo? Dahil hindi naman nila nakikita mga ginagawa mo, naging party goers kana, gala dito, gala doon, barkada dito, barkada doon, boyfriend, girlfriend, one night stand, at fling fling ang naging trip mo. Tapos nung nabuntis ka, hindi ka pinanagutan ng nakabuntis sayo, kaya hindi ka na nakapag aral, wala kanang natapos, nabuntis ka pa ng maaga. Ngayon nahihirapan kana sa buhay mo? Sa tingin mo, masasabi mo bang may kasalanan ka din?
O baka naman pwede din nating sisihin yung society. Yung society na sobrang toxic. Mga maling mga kaibigan at mga maling taong sinamahan at pinagkatiwalaan. Yung mga Marites, Mariposa'ng mga kapitbahay na kahit wala ka namang ginagawang mali tsinetsisnis ka. Hoy mari anong latest jan, napakatsismosang Marites na yan, ang aga aga nasa kalsada. At ito namang si mariposa, hay naku mari, post mo na yan. Oh diba?
Mga kaibigan na walang mga pangarap at walang mga plano sa buhay. Tapos dahil nga mga kaibigan mo sila, naimpluwesyahan ka na din ng mga maling gawa nila. Kaya katulad nila naging pariwara ka na din.
Ako bilang isang anak na lumaki sa isang estriktong magulang, minsan nakakasakal talaga. Actually lumipas ang teen-age years ko na hindi ko naranasang magkaron ng madaming kaibigan. Eskwelahan-bahay yung naging tema ng buhay ko nung nag aaral pa ako. Hindi ko naranasang maggala kasama mga kaibigan ko. Kahit ipinag papaalam ako ng mga kaibigan ko noon na isasama nila ako sa gala, hindi pa din talaga ako pinapayagan ng mga magulang ko. Katwiran nila kasi babae ako, kaya kelangan mahigpit sila sakin. Honestly noon minsan naiinis ako, nahihiya sa mga kaibigan ko at dahil din dun unti unti nawalan ako ng mga kaibigan. Pero kahit ganun pa man, hindi ko naman naisipang magrebelde. Natatakot pa nga ako lageh nun na magkamali at pagalitan ng nanay at tatay ko. Natatakot pa nga ako nun na baka ma disappoint sila sakin. Pero, oo boring ang naging buhay ko at higit sa lahat nawalan ako ng tiwala sa sarili ko at natakot akong humarap sa mundo na nag iisa. Kahit pinalaki kaming independent, ang humarap sa mundong puno ng mga mapanghusgang tao ay sobrang napakahirap para sa akin. Yes I am independent, kaya kong tumayo mag isa gamit ang sariling mga paa ko, pero may part sa pagkatao ko na may takot. Yun ang nakita kong disadvantages sa pagkakaron ko ng estriktong magulang.
So for me, wala naman tayong dapat sisihin kasi lahat naman tayo may kanya kanyang kakayanan para magdesisyon para sa mga sarili natin. You can't blame your strick parents as they only wants to protect you, as they only want to be sure na maganda ang magiging future mo. At ikaw naman anak, hindi porket mahigpit yung mga magulang mo, magrerebelde kana. Hindi porket toxic ang society ay magiging pariwara kana. You can decide, what's best for you. You can choose what kind of future you want. You are you.
Anyway this is just my own opinion guy's, pwede nyo ding sabihin yung saloobin nyo sa comment section at pwede din kayong magdagdag, syempre rerespitohin ko yun. Pero hanggang dito na muna ang blog na ito. Maraming salamat sa magbabasa.
November 17,2021 21:35
Lead image source was originally edited by me using logo maker app.
Naranasan ko rin yung ganyan, yung tipong paaralan at bahay lang ako, bawal gumala kahit kaibigan ko pa yung kasama ko. Bawal mag overnight, lagi akong sinusundo ni papa. To be honest nasasakal ako sa ganon, but then I realize na mahal lang nila ako and they don't want na may mangyaring masama sa'kin.