Kamusta?

3 44
Avatar for Firenze
3 years ago

Kamusta ka?

Nahihirapan ka no? nahihirapan ka kung paano tatapusin ang ginagawa mo. Pinipilit mo ang sarii mo na gawin ang mga dapat mong gawin kahit pigang piga na ang kaisipan mo. Nahihirapan ka kung ipagpapatuloy mo pa ba o magsisimula ka na lang ulit. Yung pakiramam na gusto mo naman yung pinasok mo, mahal mo ang ginagawa mo, at ito ang pangarap mo..pero hindi ka makahanap ng motivation para gawin ito. Hindi naman sa tinatamad ka, pero wala kang gana. At yun yung pakiramdam na hindi naiintindihan ng iba, kaya sasarilinin mo na lang kasi tingin mo naman hindi ka nila eh wala namang makakaunawa. Huminto ka muna at huminga, magpahinga. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo kapag hindi mo pa kaya, at hindi mo maayos ang iba o isang bagay kung ang sarili mo ay hindi mo mauna. Humanap ka ulit ng rason at inspirasyon, humanap ka ng tulong, sa sampung tao sa paligid mo, naniniwala akong may isang makikinig at makakaintindi sayo. Magtiwala ka sa Panginoon, maniwala ka..unti unting babalik ang apoy sa puso mo. Aalab ulit yan sa pangarap at daan na pinili mong tahakin.Hindi laging motivated tayo,dumadaan talaga tayo sa puntong kahit gusto mo ginagawa mo ay bigla ka na lang mawawalan ng gana, kaya hinga lang, huminga ka muna. Hindi bawal ang mag pahinga. The more na pinipilit mo sarili mong maging productive para lang masabi na productive ka kahit wala ka na sa hulog, lalong hindi yan magkakaron ng magandang resulta.

Hindi madali, pero lahat my proseso. Huwag mong parusahan ang utak mo dahil lang sa wala kang gana. Minsan may ibig ipahiwatig ang ating katawan. Baka naman sumosobra ka na sa pagtratrabaho na lahat ng oras nilaan mo dito. Baka nakakalimutan mo na Sya, aminin natin, minsan dahil abala tayo sa responsibilidad na binato satin ng mundo, nakakalimutan natin Sya.

Hindi masama magpahinga, basta wag lang sosobra ah? 🙂 Salamat Lord kasi binigyan mo kami ng pahinga sa gitna ng mundong pagod na.

*leadimage fr Unsplash

5
$ 0.94
$ 0.78 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @bbghitte
+ 1
Sponsors of Firenze
empty
empty
empty
Avatar for Firenze
3 years ago

Comments

totally relatable!

$ 0.00
3 years ago

Okay lang ako kaibigan...salamat kay Lord di sya nagsasawang mamigay ng mas maraming biyaya☺️

$ 0.00
3 years ago

Para sa akin ba ito? Hehe. Pero relate ako diyan. That "burnt out" feeling. Yung sa sobrang pinipilit mo mas napapalayo ka pa lalayo.

$ 0.00
3 years ago