read.cash Log in

@Fherdz

Joined 9 September 2022 · 1124 posts

God is Good☝️ / Original Mobile Phone Photography / πŸ“· Samsung A10s /πŸ“Philippines πŸ‡΅πŸ‡­

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Fherdz

Now repent of your sins and turn to God, so that your sins may be wiped away. Acts of the Apostles 3:19 Mapagpalang araw sa ating lahat.😊 Nais kong magfocus tayo sa tatlong salita dito sa passage natin ngayong araw - Repent, Turn, at Wiped. Ang ibig sabihin ng repentance ay hindi lang yung bastang nagsabi tayo ng β€œsorry”. Kasi pwede tayong magsorry pero hindi naman galing sa puso lundi sa nguso kaya walang pagbabago sa buhay natin. Ang repentance ay naintindihan natin na mali tayo kaya nagsisisi tayo at nagcocommit tayo na hindi na natin ulit gagawin ang mga maling bagay na ginagawa natin. At dahil ang repetance ay parang 180 degree ang ikot ng buhay natin, ibig sabihin ay iikot tayo sa kabilang direksyon, papaalis sa makasalanan natin na pamumuhay. Pero para masigurado na tama ang bagong direksyon na tatahakin natin ay dapat sa Panginoon tayo titingin (turn to God). Dahil Siya lang makakapag-gabay sa atin sa tamang pamumuhay papalayo sa kasalanan. Pero kahit anong pagbabago ang mangyari sa buhay natin, hindi natin kayang baguhin ang mga nagawa na natin na kasalanan. At kahit isa lang ang kasalanan na nagawa natin ay guilty na tayo at ang kaparusahan nito balang araw ay mapupunta tayo sa impyerno. Pero dahil sa ibinigay ni Hesus ang Kanyang buhay bilang kabayaran ng kasalanan natin at kung tinanggap natin ang kapatawaran na ino-offer Niya sa atin, ay lilinisin Niya tayo (Wipe Away). Kung tinanggap natin si Hesus sa buhay natin bilang Diyos at Tagapagligtas natin. Jesus wiped away ang lahat ng ating mga kasalanan dahil sa Kanyang ginawa sa krus. Ngunit para maging realidad ang katotohanang ito sa iyong buhay, kailangan mong ILAGAY ANG IYONG PANANAMPALATAYA KAY HESUS. Upang balang araw, kapag tayo ay hahatulan sa katapusan ng ating buhay, ang Diyos ay hindi makikita ang ating mga kasalanan, ngunit ang katuwiran ni Kristo na nasa atin dahil He has covered lahat ng kasalanan na ating nagawa at gagawin.πŸ˜πŸ™

@Fherdz

Back to work na ngayon, Kaya puspusan ang paniningil sa kliyente Pero bagong taon, may bagong rason.😁 Kaya sisimulan ko nalang ibahagi ang mga insekto na naging bisita ko noong nakaraang taon at ngayong bagong taon. Ang unang insekto na gusto kong ibahagi ay isang uri ng Tutubi. Ang Chalky Percher Tutubi (Diplacodes Trivialis) isang uri ng tutubi sa pamilya Libellulidae na kilala bilang chalky percher o ground skimmer. Happy New YearπŸŽ†πŸ™ƒ

@Fherdz

Nagsimula na ang mandatory SIM registration kahapon pero kakaregister ko lang. Medyo nahirapan dahil minsan page not found ang website. Buti nalang at natapos din. Mas madali kapag PC o laptop ang gamit mo. Maghanda lamang ng valid ID at iyong selfie para madaling ma-upload sa system. πŸ™ƒ

@Fherdz

Anong handa nyo sa pasko? Kasi ako, handa na sana kitang mahalin. Pero handa mo na pala akong limutin. Merry CHRISTmas EVERYONE!β€οΈπŸŽ„

@Fherdz

Ayon sa balita, Tomorrow, December 22, 2022 is the LONGEST NIGHT OF THE YEAR! Sana LONGEST NIGHT din kitang kasama.😁 πŸ“ΈCctoπŸ™ƒ

@Fherdz

Sa iba ay pagmamahal at malasakit Sa iyo ay pagkamuhi at pasakit. Sa iba ay alalang-alala Pagdating sayo deadma Habang gustong maging maayos Ang sagot ay galit na nagpupuyos. Ngunit kapag may kailangan Daig pa ang tupa sa kabaitan. πŸ“ΈSa larawan ay walang koneksyon.😁 Flex ko lang.😁

+1 more

@Fherdz

Dito sa Pilipinas, September palang nagsisimula na ang Christmas Season. Pero pag pumasok na ang December, iba na talaga ang feeling dahil magsisimula na ang kainan, ang shopping para sa regalo, ang bakasyon, at napakaraming mga Christmas party.πŸ˜€ Sa dami ng ginagawa natin at mga events natin, kasama pa ang mga regalo na natatanggap natin, na binibigay natin, at ang regalo natin sa sarili natin, ang tanong ay na-cecelebrate ba natin ang rason kung bakit may Christmas? Ang nakakalungkot ay ang Christmas na dapat sine-celebrate natin para maremind tayo sa pagpapanganak ni Kristo sa mundong ito ay nawala na ang meaning. Totoo hindi ito ang actual na araw kung kelan pinanganak si Hesus pero symbolic ito ng pag-alala natin ng pagpapanganak ng Tagapagligtas natin. Pero ngayon ang Christmas madalas nakafocus sa sarili natin at sa mga events at sa bakasayon at sa mga regalo. Sana kahit dahan-dahan nagbabago ang mundo at lumalayo sa Panginoon ay sa sarili nating mga buhay ay manatili ang Lordship ng Panginoong Hesu Kristo natin. At sana ngayong pasko ay ang mindset natin ay hindi kung ano ang para sa atin kung di kung ano ang magagawa natin para mabigyan puri ang Pangalan ni Hesus. Kaya sana ngayong pasko ay ipagdasal natin kung sino ang pwede natin mashare-an ng greatest gift na handang ibinibigay ng Panginoon sa ating lahat - ang buhay na walang hanggan at kapatawaran ng kasalanan kung ibibigay natin ang buhay natin kay Hesus at tatanggapin natin Siya bilang ating Diyos at Tagapagligtas.😍

@Fherdz

Guys kape muna tayo. Maagang pamasko Bigay ng kaibigan ko. Buti nalang alam ang gusto ko May milk ka na, may coffee ka pa.🀀

@Fherdz

Be Strong and Courageous. Do not be afraid. Kung si Hesus ay nasa iyong buhay, ang Diyos ay laging nasa tabi mo. Hindi lang sa mga tagumpay at pagsubok kundi maging sa kahihinatnan ng iyong mga pagkakamali, gagabayan at sasamahan ka Niya habang dinidisiplina ka Niya upang matutunan mong gawin ang tama para maging mabuti ito sa iyo at sa mga taong nakapaligid sa iyo. Mahal ka ng Diyos. Magtiwala sa Kanya. Lagi siyang nandiyan kahit minsan hindi mo nararamdaman ang Kanyang Presensya. πŸ™β€οΈ πŸ“ΈBago ko i-dispose, nais kong ibahagi ang aking koleksyon ng Ricaniidae Planthopper insects dito.πŸ™ƒ

@Fherdz

Isang Linggong Pag-ibigβ€πŸ’” Isang Linggong Sibuyas.πŸ˜‚ Ikaw lang ang sibuyas niya.😍 Na sobrang mahal.😍 Pero ingat lang baka isang Linggong sibuyas lang pala.😁

@Fherdz

Pahalagahan ang maliliit na bagay na dumarating sa atin. Magpasalamat sa kung ano ang mayroon tayo, lalo na ang regalo ng kalusugan at proteksyon.πŸ™ƒ πŸ¦‹KulibangbangπŸ¦‹ πŸ“ΈStriped albatross (Appias libythea)

@Fherdz

Sa kwento mo ikaw ang bida at ako ang masama, natural na kwento mo yan wala akong magagawa. Pero sana bago sila manghusga, hawakan muna nila itong uod. Baka sakaling magising sila na bago maniwala sa iba, alamin muna ang boung kwento ng buhay ng iba.😎 πŸ“ΈCrowned Slug Moth Caterpillar.🦠 Lumbas lang sa fb momories ko, kaya ginawan ng kwento.😁

@Fherdz

Minsan mas madaling manghusga sa halip na mahalin ang ating kapwa. Magandang gabi.πŸ™‚

@Fherdz

Ang ating mundo ngayon ay maraming negatibong pag-iisip at negatibong mga pangyayari, kaya madalas tayong naghahanap ng paraan upang magkaroon ng positibo o pag-asa na maaari nating panghawakan. Yung tipong minsan pakiramdam mo napaka malas mo dahil sa mga nangyari sa buhay mo nitong mga nakaraang panahon, ang gusto kong sabihin sayo ay may pag-asa ka pa kung lalapit ka sa Panginoon. Napakaganda ng ating verse ngayon dahil nagbibigay ito ng pag-asa. Surely your goodness and unfailing love will pursue me all the days of my life, and I will live in the house of the Lord forever. (Psalms 23:6) Isipin ang talatang ito natin ngayon na ang Goodness at Lovingkindness ay susunod sa atin sa buong buhay natin. Ibig sabihin, ang mararamdaman natin sa buong buhay natin ay kabutihan at pagmamahal KUNG NASA PANGINOON TAYO. Pero hindi ibig sabihin nito ay wala tayong pagdaraanan na problema, ang pangako ng Panginoon ay kahit anong pagdaanan natin, kahit pagsubok na binigay Niya sa atin para patibayan ang faith natin sa Kanya o kahit consequence ng kasalanan natin, kung lalapit tayo sa Kanya ay babaguhin Niya ang puso natin para maramdaman natin ang pagmamahal Niya at ang kabutihan Niya at ang kabutihan ng plano Niya para sa buhay natin kahit masakit ang pinagdaraanan natin ngayon. Iba talaga ang buhay at pagasa na meron tayo pag tayo ay nakay Hesus. Pinagdarasal ko na lahat tayo dito ay tunay na isuko ang buhay natin sa Panginoong Hesu Kristo natin.β€πŸ™

@Fherdz

Ginto na lahat ng bilihin ngayon at hindi lang dito sa Pinas, ganun ba rin sa ibang bansa. Trending kamakailan sa socmed ang presyo ng sibuyas na 25 pesos ang isa. Akala ko hindi totoo, mahal pala talaga ang sibuyas ngayon.😁 Namili ako sa palingke kanina para makatipid at makabili ng mura, pero mapapamura ka pala dahil 40 pesos ang sibuyas na dating 20 pesos lamang.πŸ˜‚ Tinanong ko si aling tindera kung magkano sibuyas niya, ang dinig ko 20 lang pero nagbigay ako ng 50 sinuklian niya ako ng 10. Kaya tinanong ko ulit kung magkano 40 pesos pala. Nabingi ako lalo.πŸ˜‚πŸ˜‚

@Fherdz

Ang Leadership ay hindi tungkol sa kung ano ang alam mo, ito ay kung paano mo motivate at magbigay ng inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng iyong mga aksyon, hindi sa pamamagitan ng mga salita.πŸ™ƒ πŸ“ΈBato De Luna Art GalleryπŸ‡΅πŸ‡­

+1 more

@Fherdz

Mag-post muna sa iba't ibang social media bago i-delete sa phone at itago sa drive ang mga kopya para kapag may bagong pakakakitaan ay may babalikan. At least may babalikang mga kopya, pero siya huwag ng umasa dahil di na babalik pa.πŸ˜πŸ™ƒ Mga photos dati ng na Share sa kabila😁

+1 more

@Fherdz

Blessed Sunday sa lahat.πŸ™ƒ Madaling sumunod kung ang ipinapagawa sa atin ay kitang kita natin ang benepisyo na makukuha natin. Halimbawa kahit may ipapagawa sa atin na mahirap na trabaho pero ang sasabihin sa atin ay kung successful tayo ay mapropromote tayo, malamang ibibigay natin lahat ng focus natin at kahit magovertime tayo ay okay lang sa atin.😁 Pero papaano pag may pinapagawa sa atin pero wala tayong malinaw na benepisyo at ang nagpapagawa sa atin ay hindi natin gusto. Malamang madalas wala tayong choice kasi boss natin ang nagpapagawa sa atin. Pero ano ang kondisyon ng puso natin kung gagawin natin ang bagay na ito? Napipilitan at galit ba tayo o willing natin gagawin at masaya tayo? Tandaan natin na kung napipilitan at galit tayo kahit sumunod tayo outwardly, inwardly parang rebelde tayo at hindi tayo sumusunod. At alam naman natin na ang huhusgahan ng Panginoon ay kung ano ang nasa puso natin. Kaya napakahalaga na nasa tamang posisyon ang puso natin. Ang encouragement ko sa atin ngayong araw ay sana tandaan natin na ang Ultimate Authority natin ay ang Panginoon. Dahil Siya ang King of kings at Lord of lords. At lahat ng taong nasa awtoridad ay pinahintulutan ng Panginoon na malagay sa posisyon nila. Kaya sana ang perspective na meron tayo ay lahat ng ginagawa natin ay para sa Panginoon para mapapurihan ang Pangalan Niya. Do your best in everything so God can use you wherever you are for His glory. πŸ™β€οΈ

@Fherdz

Blessed Sunday sa lahat. 😊 Madaming tao ay pagod at gusto ng sumuko dahil ubos na ang lakas. Pero ang magandang balita ay hindi natin kailangan umasa sa sarili nating lakas kung nasa Panginoon tayo dahil Siya mismo ang magbibigay sa atin ng lakas at ng kapayapaan kahit ano pa ang pagsubok at problema na pinagdaraanan natin. Nais ko lang kayong i-encourage ngayong araw na kung may problema o takot kayo ay pwede kayong lumapit sa Panginoon. Hindi kayo magisa. Laging pinagmamasdan ng Panginoon lahat ng ginagawa natin. At lagi Niyang pinakikinggan ang mga dasal natin sa Kanya. Mapagpalang araw sa ating lahat.πŸ™β€

@Fherdz

Sa wakas dumating na ang Maya Card ko, free naman dahil may natapos akong missions pinagawa. Kaya ayun may extra reward akong voucher code para sa free Maya Card. Salamat Maya.😁

@Fherdz

REST IN PEACE. 😌 Ayon sa balita, si Aaron Carter, isang dating child pop singer at nakababatang kapatid ng Backstreet Boys' Nick Carter, ay namatay sa edad na 34. πŸ“Έccto/INQ

@Fherdz

Parang may gustong mag hack ng account ko sa FB at Coinsph ko ah, magkasunod na nag notify thru text at email ko. Buti nalang nasa akin naman ang code. Mag ingat nalang sa mga pinapadalang link via email, messenger or text, wag nating i-click. πŸ™ƒ

@Fherdz

Kung sagad ang budget natin, pwedeng idelay muna natin bilhin ang mga gusto nating bilhin na hindi naman basic need. Hindi ko sinasabi na wag natin bilhin, ang sinasabi ko ay maging wise tayo na magfocus sa long term need natin kaysa sa short term β€œwant” natin. Tapat ang Diyos sa pagtupad sa Kanyang Pangako na ibibigay ang lahat ng ating pangangailangan. Ngunit kailangan din nating gawin ang ating part at maging responsable sa pamamahala ng ating sariling pananalapi.πŸ™β€πŸ™ƒ πŸ“ΈπŸŒΊπŸŒΊGumamela / Hibicus🌺🌺

@Fherdz

Mag-ingat sa mga gumagalang kaluluwa na nagpaparamdam... ...nagpaparamdam dahil mangutang.πŸ˜‚

@Fherdz

Alam mo yong masakit ngayong UNDAS? Yong UNDASpot kang hinudas.😁 Kaya ang bulaklak na ito ay para sa iyo Sana marunong kang makuntento.πŸ™ƒ

@Fherdz

"Pansinin niyo yung pangalan ng bagyo puro lalaki WALA TALAGA SILANG GINAWANG TAMA."πŸ˜‚ Eh di wow!😁kayo na ang laging TAMA... kasalan na naman namin boys.πŸ˜‚ Oo na, lagi kayo kasing TAMA. Kaya ayun, may TAMA NA.πŸ˜‚ Nabasa ko lang sa Socmed. Ingat tayong lahat.πŸ™ƒπŸ˜˜

@Fherdz

Dahil uso ngayon ang mga screenshots ng convo. Meron din akong ilalabas, pero isang paalala nang nagmamahal sakin. lol. sabi nga ni pareng Lloydie, ingat. πŸ˜πŸ˜‚

@Fherdz

Kahit anong sitwasyon natin maaari natin sabihin na ito ang maaaring maglapit sa atin sa Panginoon o maglayo sa atin sa Kanya. Depende ito sa puso natin at sa pagkakilala natin sa Kanya. Halimbawa, maayos at maginhawa ang sitwasyon natin, Pero maaari din natin makilumtan ang Panginoon at magfocus sa pag-eenjoy ng mga makamundong bagay. Minsan naman ay dumadaan tayo sa pagsubok o mahirap ang sitwasyon natin. Maaari ay kahit matagal na tayong hindi lumapit sa Panginoon ay lalapit tayo Sakanya dahil wala na tayong choice dahil ginawa na natin lahat. Pero maaari din na sisihin natin ang Panginoon at lumayo tayo sa Kanya. Makikita natin na kahit sa sitwasyon ay magkaiba ang magiging response natin depende sa pananaw at puso natin para sa Panginoon. Laging alalahanin na lahat ng bagay na pinahintulutan Niyang mangyari ay may purpose Siya at kontrolado Niya lahat ng sitwasyon.πŸ™β€οΈ

@Fherdz

Katatapos ko lang manood ng magandang pelikula ngayon base sa totoong buhay ng isang Pari. Ang mga linyang ito ay nagbigay inspirasyon sa akin. "We shouldn't pray for an easy life, but the strength to endure a difficult one, because the experience of suffering is the fullest expression of God's love. It is a chance to be closer to Christ." - Father Stuart Long Great movie! Kung may pagkakataon panoorin mo.πŸ˜πŸ™ I share ko din itong halaman na lumabas sa Fb memories ko.πŸ“ΈπŸŒΊ

@Fherdz

Itigil ang pagpapatunay sa iba na tayo ay matalino, malakas at namumukod-tangi. Gamitin tayo ng Diyos sa Kanyang layunin na ang Kanyang pangalan ay luwalhatiin at dakilain, hindi tayo. Sa Diyos ang Kaluwalhatian! Have a blessed Sunday sa lahat.β€πŸ™