read.cash Log in

@Fherdz

Joined 9 September 2022 · 1124 posts

God is Goodโ˜๏ธ / Original Mobile Phone Photography / ๐Ÿ“ท Samsung A10s /๐Ÿ“Philippines ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Fherdz

Isang dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng conflict ay dahil sa pride. Halos lahat ng conflict sa mundo natin ay dahil sa pride. Kaya madalas ito ang sinasabi na root ng lahat ng kasalanan. Hindi tayo perpekto at minsan kahit wala tayong masamang intensyon ay nagagalit sa atin ang ibang tao. Pero kahit ano pa ang sitwasyon ay matutunan sana natin na maging humble at wag pairalin ang pride. ๐Ÿ™ƒ Kaya sana ngayong araw ay kung meron tayong hindi kasundo o kaconflict ay sana magpakumbaba tayo at gumawa tayo ng effort na makipagayos. Mamuhay tayo sa kapayapaan sa isa't isa sa lahat ng oras sa pamamagitan ng pagiging mapagpakumbaba. Sapagkat ang Diyos na ating pinaglilingkuran ay Diyos ng pagkakaisa at kaayusan. Mapayapang araw sa ating lahat.๐Ÿ˜Š ๐Ÿ“ธ๐ŸŒบ๐ŸŒบGumamela / Hibicus๐ŸŒบ๐ŸŒบ

@Fherdz

Ang post ko sa kabila ay tungkol din sa pagkain, menudong Rabbit na binigay ng kasamahan ko sa trabaho. Kaya ang post ko dito ngayon ay tungkol din sa pagkain. Lol.๐Ÿ˜ Pero itong kuha kong larawan, lunch namin ng mga friends ko noong nakaraang Sunday afer Worship service. Nagpadala ng pera ang isang friend namin na nasa ibang bansa para pang foods namin. Para sa birthday niya sana dapat ito noong Sept.16, kaso hindi matuloy tuloy ang paglabas namin para kumain dahil may mga kanya- kanyang mga lakad at pinagkakaabalahan. Kaya inabot ng isang buwan ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Sabi ko sa kanya, may purpose kung bakit nade-delay ang pasama-sama namin, kaya ito ang timing dahil pagkakataon din na bisitahin ang isang kaibigan namin na may pinagdadaanan. Kung hindi siya makalabas ng bahay, pupuntahan nalang namin sa bahay nila, magdadala ng mga pagkain at makakapag-bonding, bisitahin, at palakasin ang loob niya. Mayroon tayong mga ups and downs sa buhay, ngunit kung mayroon tayong nakikiramay na kaibigan na gagabay sa atin, kahit papano mas gagaan ang ating pakiramdam.๐Ÿ™ƒ

@Fherdz

Hindi na ako masyadong nakakapagpost kasi medyo busy ako sa work sa office.๐Ÿ˜Š Pero flex ko lang itong pagkain na binigay ng kasamahan ko sa trabaho. Habang breaktime kanina, tinanong niya kung nakatikim na ako nang menudong Rabbit. Sabi ko hindi pa, sabi niya masarap daw lasang manok, kapag Sawa oo, natikman ko na lasang manok din pero rabbit hindi pa. Kaya ayun, may dala ang asawa niya nung sinundo siya. Birthday pala ng anak nila ngayon. Kaya ayos solved na ang dinner ko at may kasamang shanghai pa. Arat na! kain na.๐Ÿ˜๐Ÿคค

@Fherdz

The peso is not weak because the peso is weak. The peso is weak because the iPhone 14 is strong! Trending sa socmed ang nangyaring mahaba-habang pila para sa bagong iPhone 14 kamakailan. Wala namang problema basta kaya ng bulsa deserb mo yarn pero sa akin ipon muna bago iphone. Naranasan ko ding nagka- iPhone4, 2nd hand pero bagong bago pa, regalo lang sakin ng butihin kong kaibigan bumili kasi ulit ng bagong phone niya. Ayun, nag tagal naman sakin ng ilang dekada๐Ÿ˜ kaso sumabog na ang baterya. Sayang mga photos ko dun. ๐Ÿ™ƒ๐Ÿ“ธ Sa ngayon kuntento na ako sa Samsung ko. Pero kung may mag regalo sakin ulit.. tatanggapin ko ng buong puso, why not coconut๐Ÿค—. Kape muna bago tayo mapamura sa taas ng presyo ng gasolina este iPhone na Yan.๐Ÿ˜

+1 more

@Fherdz

Mahalaga ang panalangin dahil ito ang nag-uugnay sa atin sa Diyos. Higit pa sa kung sasagutin o hindi ang ating mga panalangin, ang mas mahalaga ay kung tayo ay mananalangin, lalago tayo sa ating relasyon sa Diyos at mas madarama natin ang Kanyang Presensya sa ating buhay kaya hindi tayo matatakot sa anuman, at tayo ay maging umaasa kahit ano pa ang sitwasyon natin dahil alam natin na buong tiwala nating ibuhos ang ating mga puso sa Kanya at tiyak na bibigyan Niya tayo ng kapayapaan.๐Ÿ™โค

@Fherdz

Green Jewel Bugs / Metallic Shield Bugs.๐Ÿž Another memories from Facebook 2 years ago. Mas okay na ganito ang nagpapakita sayo Kaysa naman yung larawang masaya pa kayo Pero ngayon wala na kasing masasabing kayo Dahil sa iba nakahanap ng pagmamahal haggang dulo.

@Fherdz

Pang madaliang post lang mga ka-PiNoise. Minsan nag busy busyhan tayo sa office kaya madalang ang pagbisita at magpost dito. Flex ko lang ang chicharong biyaya ng aming client kanina pagkatapos ng transaction pagbalik may dala na. Eh, ano pa nga ba?๐Ÿคค Arat na at ating tikman.๐Ÿคค

@Fherdz

Kahit saan ka lumingon sa mundo natin ay meron kang makikitang kaguluhan. Hindi matapos-tapos na gera. Grabe ang shortage ng pagkain kaya madami ang gutom. Walang tigil ang pagdating ng mga bagyo, pagputok ng bulkan, at paglindol sa ibaโ€™t ibang parte ng mundo. At ang nakakalungkot ay mayroon ding kaguluhang nagaganap sa loob ng napakaraming pamilya. Ang rason sa lahat ng kaguluhan ay dahil sa kasalanan - dahil makasalanan ang bawat indibidwalโ€ฆ At dahil sa katigasan ng puso natin ay pinapahintulutan na ng Panginoon na patuloy tayong mahulog sa patibong ng kasalanan. Kaya kung mapapansin natin ay kung gagawa tayo ng mali unang pagkakataon ay hirap tayo at guilting-guilty tayo. Pero kung paulit-ulit natin gagawin kahit naguiguilty tayo dahil sa konsensya natin ay darating ang panahon magiging manhid na tayo at lalayo ng lalayo sa Panginoon. Nais ko kayong i-encourage na totoo nagsusuffer tayo dahil sa consequence ng actions natin at dahil pinahintulutan na tayo ng Panginoon na patuloy na patigasin ang puso natin. Pero kung ihuhumble natin ang sarili natin at lalapit tayo sa Panginoon ay tatanggapin Niya tayo at patatawarin Niya tayo at dahan dahan Niyang aayusin ang buhay natin kung mananatili tayo sa Kanya. ๐Ÿ™ƒ Sa gitna ng lahat ng kaguluhan sa ating paligid, maaari tayong magpahinga sa ating Sovereign, Loving, and Gracious God. Aalisin Niya ang kaguluhang dulot ng kasalanan sa ating buhay at hahayaan Niya tayong mamuhay nang payapa sa kabila ng mga pagsubok na ating kinakaharap kung tayo ay mananatili sa Kanya. Ibigay ang iyong buhay kay Hesus ngayon. Siya ang Tanging Daan para maranasan natin ang kapayapaan sa gitna ng kaguluhan sa mundong ito. ๐Ÿ™โค๏ธ

@Fherdz

Hay naku naman Gcash at Gomo...Yung full storage na nga nakikisabay pa kayo. Pambera naman yarn. Kailangan mo talagangmag-update para ma open ang apps.Lol๐Ÿ˜ Sana may option na kahit hindi na iupdate ay pwede pa rin maopen. Ang masakit yung denedelete mo na lahat, full storage ka pa rin.๐Ÿ˜‚

@Fherdz

Buti pa si FB nagpapaalala sa memories na pwede mong balikan. Parang siya memories nalang pero hindi mo na siya pwedeng balikan. JEWEL BUGS / METTALIC SHIELD BUGS Nymph๐Ÿž Nag pop up sa memories ko sa Facebook 2 years ago.

@Fherdz

Habang nasa loob ng bus kanina at nakaupong mag-isa sa likod. Kaya nakikita ko ang mga kapwa ko pasahero kung ano ang ginagawa nila sa harapan ko. Karamihan sa kanila ay abala sa paggamit ng kanilang mga cellphone. May napansin akong lalaki na panay ang ngiti, kilig na kilig at tuwang-tuwa ang loko sabay sabay tingin sa ibang tao kung may nakapansin sa kanya. Sabi ko sa aking sarili, naku! sa una lang yan masaya, pagdating ng araw yung kilig mo unti- unting maglaho kung hindi mo alagaan ang isang tao.๐Ÿ˜ Pero ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay ang nagpakilig sa akin kanina.๐Ÿ›๐Ÿฆ ๐Ÿ˜

@Fherdz

Laging "not enough storage space" ang lumalabas kahit na nag-delete ako ng maraming larawan at app. Kaya yung mga lumang Pics, bago i-delete ng tuluyan, ipakalat muna natin sa ibang sites baka sakaling kumita.๐Ÿ˜‚ Kahit sa ibang social media kailangan natin itong i-post para kung kailangan ko ulit ay may babalikan. Itong uod muna ang iiwan ko sa inyo dito. Magandang gabi.๐Ÿ™ƒ๐Ÿ˜

@Fherdz

Nakrereklamo na ang Cellphone ko sa dami ng mga lamang larawan. Kaya mag bura muna para naman makahinga kaso ang problema laging full storage ang sagot niya. Kakaunti lang talaga ang mga larawan ng mga tao, karamihan sa mga ito ay mga larawan ng mga insekto. Lol.๐Ÿ˜ Ito nalang muna ang ibahagi ko sa inyo. Maraming salamat.๐Ÿ™ƒ

@Fherdz

Di naman ako mahilig sa BTS, pero dahil may nagbigay sakin ng kapeng BTS, gusto ko rin itong subukan. Bakit ko naman aayawan eh, kapeng pangmasarapan.๐Ÿ˜‰โ˜• May aftertaste na hindi mo maipaliwanag, parang yung nararamdaman mo para sa kanya, walang katulad na saya kapag kasama mo siya.๐Ÿ˜

+2 more

@Fherdz

Laging may dalawang side sa bawat kwento. Huwag mong husgahan agad ang isang tao kapag 'di mo pa alam ang buong kwento. Dahil may kwentong alam mo na at kwentong hindi mo pa alam.๐Ÿ˜Š Kaya halika kape muna tayo. โ˜•โ˜• Magkwento ka habang nagkakape tayo.๐Ÿ™ƒ

+1 more

@Fherdz

Lahat tayo ay may kanya - kanyang kahinaan at laban. Gayunpaman, laban lang mga kapatid. Huwag kang panghinaan at susuko, dahil ang bawat plano ng Diyos, ang dulo niyan ay tagumpay. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya. Flex ko lang ang paru-parong nakunan ko noon. Tinawag na Common Silverline Butterfly๐Ÿฆ‹ (Spindasis vulcanus). Magandang araw sa ating lahat.๐Ÿ™ƒ

@Fherdz

Madalas nating iniisip na kapag marami tayong pera, mayroon tayong kapayapaan dahil kaya nating bilhin o bayaran ang lahat. Pero maraming kilalang business leaders na maraming problema at hindi makatulog sa gabi. Minsan ang ating kapayapaan ay nakabatay sa mga tao. Pero alam naman siguro natin na kahit kasama natin ang taong ginagawa tayong " pinaka-secure ", kung may mabigat na problema, mawawala ang ating kapayapaan. Walang tao o bagay sa mundong ito ang makapagbibigay sa atin ng tunay na kapayapaan. Kapayapaan na hindi nakadepende sa sitwasyon at kapayapaang hindi pansamantala. Si Hesus lamang ang makapagbibigay sa iyo ng kapayapaan anuman ang iyong pinagdadaanan. Dahil si Hesus lang ang makakapagbigay sa iyo ng garantisadong pag-asa para sa iyong kinabukasan kahit tapos na ang iyong oras sa mundo. At pinatunayan Niya kung sino Siya at tinutupad Niya ang Kanyang Pangako nang Siya ay bumangon mula sa mga patay. Ibigay ang iyong buhay kay Hesus ngayon. Isuko mo sa Kanya ang iyong mga takot at problema para maranasan mo ang Kanyang kapayapaan.๐Ÿ™ƒ Rice Grasshoppers Nymph (Pseudoxya diminuta) ๐Ÿ“ธLarawan: Isang tipaklong tahimik at payapa sa isang dahon.

@Fherdz

Madalas natatakot o nagaalala tayo dahil hindi natin alam ang magiging kalalabasan ng sitwasyon na hinaharap natin. Iba-iba ang kinakatakutan natinโ€ฆ minsan tao, minsan babayarin, minsan kalusugan, minsan trabaho, minsan bagyoโ€ฆ Kahit ano pa ang kinakatakutan natin, kung iisipin natin ay natatakot tayo dahil wala sa kontrol natin ang pangyayari o sitwasyong kinakaharap natin. Kaya kung buo ang ating pananalig sa Panginoon dahil kilala natin kung sino Siya at nararamdaman natin ang Kanyang Presensya at naranasan natin na Siya ay Tapat sa Kanyang mga pangako, unti-unting mawawala ang ating takot at pag-aalala dahil alam natin kung sino ang ating sinasandalan at kasama natin sa lahat ng bagay. Pero ang tanong natin marahil ay kung madali lang para sa Kanya, bakit Niya tayo pinapahintulutan na dumaan sa pagsubok? Ang sagot dito ay upang subukin ang ating pananalig sa Kanya upang lalo pang madevelop at lumalim. Parang ang muscle natin, kung hindi tayo mageexercise, hindi ito lalaki. Dahil madalas itong mga pagsubok na ito ang magpapalapit sa atin Sakanya at magpapalalim na relasyon at pananamplataya natin Sakanya. Magtiwala sa Panginoon. Siya ang may kontrol. Ang lahat ng nangyayari sa ating buhay ay bahagi ng Kanyang plano para sa atin. At dahil bahagi ito ng Kanyang plano, walang makahahadlang sa Kanyang layunin para sa ating buhay. Mapagpalang araw sa ating lahat.๐Ÿ™ƒ

@Fherdz

Buti pa ang NDRRMC lagi kang naalala sa panahon ng sakuna.๐Ÿ™ƒ Samantalang siya wala man lang babala nong lumisan na.๐Ÿ™ƒ Pero babala kahit sobra-sobra Caring ni NDRRMC at bago mag sana all, hindi bale sana kung isa lang ang kanyang minamahal kaso send to all ๐Ÿ˜›๐Ÿ˜‚๐Ÿคฃ ๐Ÿ“ธctto

@Fherdz

Dahil sa nag babadyang malakas na hangin at pag ulan na dulot ng Bagyong Karding. Maagang sinuspinde ng butihing Alkalde ang pasok bukas sa lahat ng antas, mula sa Pampubliko at Pribadong paaralan at lahat ng ahensya ng gobyerno na nasasakupan ng Urdaneta City. Pero dahil nasa probinsiya ng La Union ako nakatira at sa Urdaneta ang office namin at private company kami kaya di kami kasali. Mamayang madaling araw pa ako bibiyahe papuntang Urdaneta. Pero praise God at maagang nag anunsiyo ang HR namin na wala kaming pasok bukas. Pero kailangan nating maghanda, tiyaking naka charge ang mga cellphone at naka handa lagi sa hindi inaasahang pagkaputol ng kuryente. At palaging panatilihing updated ang sa pinakabagong ulat ng panahon. Keep safe everyone.๐Ÿ™๐Ÿป

@Fherdz

Sunod-sunod ang paalalang text ng NDRRMC sa banta ng bagyong Karding ngayong araw. Sinuspinde na ng ibang probinsya ang mga Pampubliko at Pribadong paaralan at lahat ng ahensya ng gobyerno na nasasakupan nila. Since nagwowork ako sa private company, hinihintay na lang namin mag announce ang HR namin kung may pasok kami bukas... Boom yun na nga may message sa last na picture.๐Ÿ™ƒ Mag-ingat po tayong lahat.๐Ÿ™

@Fherdz

Rice Grasshoppers Nymph (Pseudoxya diminuta) Kapag nagsama-sama ang mga musang. Panigurado Syento Porsyento ang headline bukas, ngayon na ang broadcast. ๐Ÿ˜ Nagsisimula sa, so eto na ngaโ€ฆ O di kayaโ€™y, Oy alam mo ba may chismis ako sayo. Dali!๐Ÿ˜‚

@Fherdz

Green Marsh Hawk Dragonfly (Orthetrum sabina) Yung mahirap mag isip kung anong pwedeng ipost sa kabila, mas lalo na dito.Lol. Kaya insekto ulit, ito naman ang marami sa phone ko pero wala lang mai-caption at minsan diko mahanap ang ID niya kung anong uring insekto. Pero ito madali dahil naging laruan natin noong bata pa tayo. Ang tutubi. BOW!๐Ÿ˜

@Fherdz

Sunod-sunod ang mga babala ni NTC sa natatangap na text scam message. Kaya minsan nakakabahala talaga dahil marami din akong tatangap na mga text na may mga link at alam nila ang name ko o may offer na ganito, ganyan. Ayun! Pati si NTC laging nagbabala at nakakabahala na din siya dahil nag mukha ng spammer dahil sa sanod-sunod na babala. Lol.๐Ÿ˜

@Fherdz

Karamihan sa atin ay ang mga desisyon natin ay base sa emosyon natin. Kaya kung may problema tayo madalas iritable tayo at gumagawa tayo ng desisyon na maaari ay pagsisihan natin sa huli. Ang isa sa mga rason kung bakit parang roller coaster ang relasyon natin sa Panginoon ay nakafocus tayo sa sitwasyon natin at sa emosyon natin.๐Ÿ™ƒ Kaya sana baguhin natin ang focus natin na hindi tayo nakatingin sa sitwasyon, sana sa Panginoon lang tayo nakatingin lagi para hindi pabago-bago ang desisyon at direksyon natin sa buhay natin. Dahil kung sa Panginoon tayo nakafocus ay maiintindihan natin na may purpose lahat ng bagay. Kahit ang mga problema, dahil kung pagsasamahin natin lahat ng experiences natin mabuti at masama ay gagamitin lahat ng Panginoon ang mga pinagdaanan natin para dalhin tayo kung saan Niya tayo gusto. Mahal tayo ng Diyos at Siya ay nagmamalasakit sa atin at nais Niya lamang ang pinakamahusay para sa atin. Magtiwala sa Kanya sa lahat ng bagay. Siya ay may plano at layunin na para sa iyong ikabubuti.๐Ÿฅฐ๐Ÿ™ ๐Ÿ“ธ Small Green Grasshopper๐Ÿฆ—

@Fherdz

Flex ko lang ang blessings from Korea with love, padala ng sister ko na nakapag asawa doon. Tikman natin ang noodles mamaya kung maanghang talaga.๐Ÿ™‚

@Fherdz

Yung maka we find ways na banko, Salamat nalang at malamig pero kaantok lang. Kaw ba naman malayo pa ang number mo. Kaya tamang noise muna tayo baka sakaling matagal ang antok at pagkabagot.๐Ÿ™ƒ

@Fherdz

Lilipas din ang mga problema. Lahat ay mabibigyan ng solusyon sa tamang panahon at oras basta huwag kang bibitaw sa Panginoon. At kung mahina na ang hawak dahil pagod na, Hayaan ang Diyos na hawakan ka dahil hinding-hindi Niya bibitawan. ๐Ÿ™ƒ๐Ÿ™ Flex ko lang itong Hรผbner's Wasp Moth na ito. Sana magustuhan niyo๐Ÿ˜

@Fherdz

My first post & Macro phone photography dito sa bagong noiseapp.๐Ÿ˜„๐Ÿ˜ Mango Planthopper๐Ÿ˜ (Colgaroides acuminata) Family: Flatidae ๐Ÿ“ธ Photography ๐Ÿ“ท Samsung A10s ๐Ÿ“Philippines ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

@Fherdz

Ulam natin ngayon ay Ginisang Munggo, dahil walang akong baboy na pangisa kaya manok nalang ang karneng kasama. Pero napabili din sa store ng chicharron ni mang Juan kasi walang chicharrong tinda. Tapos tamang pitas lang ng dahon ng ampalaya sa may bakuran. Ayun sapat na. Lutuin nalang patsamba. Arat na kain na.๐Ÿ˜‹๐Ÿ™ƒ