Dito sa Pilipinas, September palang nagsisimula na ang Christmas Season. Pero pag pumasok na ang December, iba na talaga ang feeling dahil magsisimula na ang kainan, ang shopping para sa regalo, ang bakasyon, at napakaraming mga Christmas party.😀 Sa dami ng ginagawa natin at mga events natin, kasama pa ang mga regalo na natatanggap natin, na binibigay natin, at ang regalo natin sa sarili natin, ang tanong ay na-cecelebrate ba natin ang rason kung bakit may Christmas? Ang nakakalungkot ay ang Christmas na dapat sine-celebrate natin para maremind tayo sa pagpapanganak ni Kristo sa mundong ito ay nawala na ang meaning. Totoo hindi ito ang actual na araw kung kelan pinanganak si Hesus pero symbolic ito ng pag-alala natin ng pagpapanganak ng Tagapagligtas natin. Pero ngayon ang Christmas madalas nakafocus sa sarili natin at sa mga events at sa bakasayon at sa mga regalo. Sana kahit dahan-dahan nagbabago ang mundo at lumalayo sa Panginoon ay sa sarili nating mga buhay ay manatili ang Lordship ng Panginoong Hesu Kristo natin. At sana ngayong pasko ay ang mindset natin ay hindi kung ano ang para sa atin kung di kung ano ang magagawa natin para mabigyan puri ang Pangalan ni Hesus. Kaya sana ngayong pasko ay ipagdasal natin kung sino ang pwede natin mashare-an ng greatest gift na handang ibinibigay ng Panginoon sa ating lahat - ang buhay na walang hanggan at kapatawaran ng kasalanan kung ibibigay natin ang buhay natin kay Hesus at tatanggapin natin Siya bilang ating Diyos at Tagapagligtas.😍
8 comments
Kaya sinabi nila sa pinas ang pinakamahabang pasko celebration at matatapos pa yan January
Oo nga sir
Extended pa nga ng January ang pasko haha.
Tama mam. 😁
Pilipinas Ang may Pinaka mahabang Christmas sa boung Mundo . Dito sa Japan walang celebration parang normal lang kakain nang hapunan at natutulog at Ikaw na Lang Ang bahalang mag dasal hihihi.
Yes friend. Advance greetings to you for Christmas
Agree ako dtu lam nman tayong mga pinoy four months nga raw tayo nag celebrate nh pasko eh heheh
Merry Christmas uncle🎄🥳