Kahit anong sitwasyon natin maaari natin sabihin na ito ang maaaring maglapit sa atin sa Panginoon o maglayo sa atin sa Kanya. Depende ito sa puso natin at sa pagkakilala natin sa Kanya. Halimbawa, maayos at maginhawa ang sitwasyon natin, Pero maaari din natin makilumtan ang Panginoon at magfocus sa pag-eenjoy ng mga makamundong bagay. Minsan naman ay dumadaan tayo sa pagsubok o mahirap ang sitwasyon natin. Maaari ay kahit matagal na tayong hindi lumapit sa Panginoon ay lalapit tayo Sakanya dahil wala na tayong choice dahil ginawa na natin lahat. Pero maaari din na sisihin natin ang Panginoon at lumayo tayo sa Kanya. Makikita natin na kahit sa sitwasyon ay magkaiba ang magiging response natin depende sa pananaw at puso natin para sa Panginoon. Laging alalahanin na lahat ng bagay na pinahintulutan Niyang mangyari ay may purpose Siya at kontrolado Niya lahat ng sitwasyon.🙏❤️
No comments yet