read.cash Log in
@Fherdz

Ang ating mundo ngayon ay maraming negatibong pag-iisip at negatibong mga pangyayari, kaya madalas tayong naghahanap ng paraan upang magkaroon ng positibo o pag-asa na maaari nating panghawakan. Yung tipong minsan pakiramdam mo napaka malas mo dahil sa mga nangyari sa buhay mo nitong mga nakaraang panahon, ang gusto kong sabihin sayo ay may pag-asa ka pa kung lalapit ka sa Panginoon. Napakaganda ng ating verse ngayon dahil nagbibigay ito ng pag-asa. Surely your goodness and unfailing love will pursue me all the days of my life, and I will live in the house of the Lord forever. (Psalms 23:6) Isipin ang talatang ito natin ngayon na ang Goodness at Lovingkindness ay susunod sa atin sa buong buhay natin. Ibig sabihin, ang mararamdaman natin sa buong buhay natin ay kabutihan at pagmamahal KUNG NASA PANGINOON TAYO. Pero hindi ibig sabihin nito ay wala tayong pagdaraanan na problema, ang pangako ng Panginoon ay kahit anong pagdaanan natin, kahit pagsubok na binigay Niya sa atin para patibayan ang faith natin sa Kanya o kahit consequence ng kasalanan natin, kung lalapit tayo sa Kanya ay babaguhin Niya ang puso natin para maramdaman natin ang pagmamahal Niya at ang kabutihan Niya at ang kabutihan ng plano Niya para sa buhay natin kahit masakit ang pinagdaraanan natin ngayon. Iba talaga ang buhay at pagasa na meron tayo pag tayo ay nakay Hesus. Pinagdarasal ko na lahat tayo dito ay tunay na isuko ang buhay natin sa Panginoong Hesu Kristo natin.❤🙏

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.