read.cash Log in
@Fherdz

Blessed Sunday sa lahat.πŸ™ƒ Madaling sumunod kung ang ipinapagawa sa atin ay kitang kita natin ang benepisyo na makukuha natin. Halimbawa kahit may ipapagawa sa atin na mahirap na trabaho pero ang sasabihin sa atin ay kung successful tayo ay mapropromote tayo, malamang ibibigay natin lahat ng focus natin at kahit magovertime tayo ay okay lang sa atin.😁 Pero papaano pag may pinapagawa sa atin pero wala tayong malinaw na benepisyo at ang nagpapagawa sa atin ay hindi natin gusto. Malamang madalas wala tayong choice kasi boss natin ang nagpapagawa sa atin. Pero ano ang kondisyon ng puso natin kung gagawin natin ang bagay na ito? Napipilitan at galit ba tayo o willing natin gagawin at masaya tayo? Tandaan natin na kung napipilitan at galit tayo kahit sumunod tayo outwardly, inwardly parang rebelde tayo at hindi tayo sumusunod. At alam naman natin na ang huhusgahan ng Panginoon ay kung ano ang nasa puso natin. Kaya napakahalaga na nasa tamang posisyon ang puso natin. Ang encouragement ko sa atin ngayong araw ay sana tandaan natin na ang Ultimate Authority natin ay ang Panginoon. Dahil Siya ang King of kings at Lord of lords. At lahat ng taong nasa awtoridad ay pinahintulutan ng Panginoon na malagay sa posisyon nila. Kaya sana ang perspective na meron tayo ay lahat ng ginagawa natin ay para sa Panginoon para mapapurihan ang Pangalan Niya. Do your best in everything so God can use you wherever you are for His glory. πŸ™β€οΈ

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.