read.cash Log in

@Fherdz

Joined 9 September 2022 · 1124 posts

God is Good☝️ / Original Mobile Phone Photography / 📷 Samsung A10s /📍Philippines 🇵🇭

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Fherdz

Tanggapin natin ang katotohanang hindi na magbabago ang nangyari sa nakaraan. At wala tayong magagawa tungkol dito. Panahon na para magpatuloy tayo at itigil ang pagdadala ng mga pasanin natin noon. Maaari nating ibigay ang lahat sa Diyos at hayaang baguhin Niya ang ating buhay.😉

@Fherdz

Congrats Warriors sa nanalong 2021-2022 NBA Finals at Curry as finals MVP🏆 Pero may nanalo na din sa pusta 10k kada ulo.😂😂 📸CTTO📸

@Fherdz

May mga pagkakataon na nanghihina at nawawalan tayo ng pag-asa, ngunit hindi mo kailangang lumaban sa labanan nang mag-isa. Maaari tayong humingi lagi ng tulong. Tumawag sa Diyos at umasa sa Kanya. Hindi Siya bingi o bulag. Alam Niya ang ating puso. Alam niya ang sakit na nararamdaman natin sa loob. At hinding hindi Niya tayo hahatulan o sisisihin sa lahat ng ating pinagdaanan. Nandiyan Siya para suportahan tayo, kaya kilalanin ang katotohanan na hindi natin kayang mabuhay sa buhay na ito nang mag-isa. Hayaan siyang maging Diyos ng ating buhay at kilalanin ang Kanyang kapangyarihan. Doon mo lang mararanasan ang uri ng buhay na katumbas ng lahat ng pasakit. Magandang gabi🙃

@Fherdz

Bakit sakin ka lagi nakatingin Subukan mo kayang humarap sa salamin. Baka sakaling mahimasmasan at magising Sa pagkakahumaling na parang lasing. Yung tipong lasing ka sa lambing ng iba Kaya ang pagkakamali ko lagi ang nakikita Kapag may kailangan nagbabait baitan, Pero kinasusuklaman kung di na kailangan. Flex ko lang naman itong nakunan kong carpenter bee. Pero double ingat nalang tayo kahit mukhang mabait ito ngunit pag na-sting ka naman ay masakit.😉

@Fherdz

Ichneumon Wasp (Trogus pennator) Isang na namang uri ng Wasp ang nasilayan at nakunan. Kaya masaya kong ibahagi dito para masilayan Ang kanyang angking Kagandahan. Ayon sa aking nabasa tungkol sa insektong ito ay kapag nasa sapat na gulang na ay naghahanap ng mga uod para doon naglalagay ng isang itlog sa uod. At kapag sa tamang panahon, napipisa ang itlog at kinakain ng wasp larva ang loob ng namumuong paru-paro. Kapag ang wasp ay nasa sapat na gulang na kumakain ito ng malaking butas sa gilid ng chrysalis at lumabas, naghahanap ng mapapangasawa at makakain.😬

+1 more

@Fherdz

Lagi kong nababasa at nakikita ang meme na ito sa comment section kahit anong articles sa socmed. Ikaw ba naman pinangakoan ng 10k bawat pamilya. Lol 😂 Pero lam niyo naman na pag pulitiko ang nangako laging napapako.😬 Parang pangako ng iba na ikaw lang ang mahal niya, pero nangako rin siya sa iba.😁 📸ctto

@Fherdz

Madami sa atin ay napapagod dahil walang tigil ang paghabol natin sa “success”. Pero madalas ang definition natin ng success ay madaming pera at nabibili natin ang mga gusto natin. Ang reyalidad ay hindi tayo mauubusan ng gusto (wants) sa buhay natin kaya walang tigil ang paghabol natin. At ang nakakalungkot ay madalas dahil sa nakikita natin sa social media kaya tayo ay naprepressure o nagkakaroon ng desire na makuha din o ma-experience din yung nakita natin sa feed natin. Sana matutunan natin na lahat ng bagay sa mundong ito ay temporary lang at wala tayong kayang dalhin kaya kung ibubuhos natin ang buhay natin sa bagay na hindi naman maglalast ay sayang ang buhay natin. Sana matutunan natin ma-distinguish ang needs at wants natin. At sana matutunan natin mag-focus na mapunan ang needs natin tapos kung may sobra ay itanong natin sa Panginoon kung bakit may sobra sa blessing Niya at kung ano ang dapat natin gawin dito. Mag focus sa ating mga needs hindi sa wants. Devote ang ating buhay sa mga bagay na mahalaga sa walang hanggan at hindi pansamantala lamang. Tuparin ang layunin ng Diyos para sa ating buhay sa maikling panahon natin sa mundong ito. Blessed Sunday sa lahat. 😊 🙏❤️

@Fherdz

Black planthopper / Ricaniid Planthopper (Ricania speculum) Isang magandang hapon sa ating lahat. Nais ko lang i-share itong nakunan kong isang uri ng planthopper. Ang karaniwang pangalan Black planthopper o Ricaniidae Planthopper na kabilang sa pamilya Ricaniidae. Ayon sa nabasa ko ang species na ito ay itinuturing na isang peste sa agrikultura para sa ilang mga pananim. Ngunit sa kabilang banda, ang maliit na nilalang na ito ay isang napakagandang pagkakataon para kunan lalo na kung nag-eenjoy ka sa macro photography. May na-share na ako dito dati na pwede mong balikan. 👉https://noise.cash/post/15r5xp74

+1 more

@Fherdz

Pride ang rason kung bakit madaming relationship ang nasisira. At ang nakakalungkot ay madalas walang gustong umamin na mataas ang pride nila kaya madaming unresolved conflicts. Ang pride ay hindi kailangan ituro dahil parte ito ng nature natin. Minsan ay ayaw nating mag-sorry o kung mag-sosory man tayo pilit o galit pa.🙃 Ang reyalidad ay sinisira ng pride ang relationship natin hindi lang sa ating kapamilya at kaibigan, kundi pati sa Panginoon. Madalas dahil sa pride kaya hindi lumalapit ang isang tao sa Panginoon. Pride dahil hindi naniniwala na kailangan ng Tagapagligtas. Pride sa sariling abilidad at sa paggawa ng “mabubuting bagay”. Pride sa pinaniniwalaan ng “religion”. Pride sa nakasanayan na “tradition”. Pride dahil ayaw magpakumbaba at isuko ang buhay at kontrol ng buhay sa Panginoon. Kung nais natin magkaroon ng tunay na relationship sa Tunay at Nag-iisang Diyos, sana matutunan natin na ihumble ang sarili natin sa Kanya. Aminin natin sa Kanya ang hopelessness natin kung wala Siya. Humingi tayo ng tawad sa kasalanan natin. Tanggapin natin ang kapatawaran na inooffer Niya sa atin. At magdesisyon tayo na icommit ang buhay natin sa Kanya hanggang sa huling hininga natin. Huwag hayaang na ang pride ang maging dahilan kung bakit ma-miss out natin ang Katotohanan. Huwag hayaang na ang pride ang maging dahilan kung bakit ma-miss out natin ang kaligtasan. Magpakumbaba tayo ngayon sa harapan ng Diyos. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙃

@Fherdz

Spotted Eyed Hoverfly🐝 (Eristalinus megacephalus) Balik Insekto muna ang post natin ngayon Ang hirap lang kasing mag-isip ng caption. Kaya itong kaibigan nating Hoverfly ang aking pabaon At sana magustuhan niyo ang aking modelo ngayon. Magadang araw sa ating lahat mga ka Pi-Noise!

@Fherdz

Ang isang taong nalulunod ay sisigaw at hihingi ng tulong dahil alam niya na hindi niya kayang iligtas ang sarili niya at kung walang tutulong sakanya ay mamamatay siya. Ang problema ay kahit nalulunod na ang isang tao, kung hindi niya narealize na nalulunod siya, kung akala niya ay lumalangoy padin siya pero tinatangay na pala siya ng alon ay hindi siya hihingi ng tulong. Kung umabot ang point na marerealize niya na nalulunod siya, huli na ang lahat. Hindi na siya makasigaw o makahingi ng tulong. Ang reyalidad ay tayong lahat ay nalulunod. Pero ang nakakalungkot ay konti lang ang nakakarealize nito kaya konti lang ang tunay na sumisigaw ng saklolo sa Panginoon kaya konti lang ang may tunay na pananampalataya sa Panginoon. Hangat hindi natin narealize ang katotohanan na nalulunod tayo at ang siguradong kalalabasan ng sitwasyon natin ay kamatayan natin (spiritwal), hindi natin maiintindihan kung bakit kailangan natin ng Tagapagligtas at hindi natin maaappreciate ng buo ang ginawa ni Hesus para sa atin. Maaari ay narealize natin na nalulunod tayo pero ang maling pananaw natin ay kaya natin ito diskartehan. Gagamit tayo ng salbabida. Ang katotohan ay panlilinlang lang ang kaisipan na iyan dahil kung dumating na ang malalaki at malalakas na alon, hindi tayo kayang iligtas ng salbabida. Kaya sana marealize natin ngayong araw na walang human effort ang magliligtas sa atin. Hindi tayo maliligtas ng mabubuting gawa natin. Ang nag-iisang paraan lang para maligtas tayo ay kung tatanggapin natin BY FAITH ALONE ang inooffer ni Hesus na kapatawaran ng kasalan natin. Isang paraan lamang para tayo ay maligtas. Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng PANANAMPALATAYA KAY JESUS ​​LAMANG. Mapagpalang araw sa ating lahat.😉

@Fherdz

Sabi nila, buti pa ang saging may puso! Pero may puso nga pero kung magmahal naman ay sobrang mahal. Kaya minsan di mo maiwasang mapapamura ka nalang sa sobrang mahal. Kung mahal mo siya wag ka ng umasa Dahil may mahal na siyang iba.🙃✌ 📸ctto

@Fherdz

Huwag mong subukang sirain ang buhay ng isang tao sa pamamagitan ng kasinungalingan kapag kaya nilang sirain ang sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan.🙃

@Fherdz

Minsan ang lagi nalang iniiwan ay yung Original. Mas gusto ata nila yung HOT & SPICY! O ibang flavor na may asim at sweet na palaban.😂 Kaya siguro nagsawa sa original kasi matabang parang relasyon niyo.😂 Pero wag kang kabahan tungkol sa mga issue na hiwalayan ngayon. 😔 Dahil wala ka namang Jowa.😂😂✌ 📸CTTO

@Fherdz

Usap-usapan ngayon sa social media Ang hiwalayang Jason at Moira Noon ay nauna ng napabalita Pero ngayon natin nakumpirma Dahil galing na mismo sa kanila Nakakalungkot pero wala tayong magagawa. Para sa karagdagang balita Hanapin nalang sa inyong social media. 📸CTTO.

@Fherdz

Sa ating buhay, halos palaging may dalawang choices - kung gagawin ba ang tama sa mata ng Panginoon o kung gagawin ang hindi ayon sa Kanyang Salita. Sa madaling salita, ang choice ba natin ay ayon sa kalooban ng Diyos o labag sa kalooban ng Niya. Ang reyalidad ay may consequence lahat ng action at choices natin. Maaaring positive ang impact sa atin kung sumunod tayo sa Panginoon pero negative ang impact sa atin kung taliwas sa Salita ng Panginoon ang choice natin. At madalas ang nakakatakot ay apektado ang mga tao sa paligid natin lalo na ang pamilya natin. Kaya sana ay matutunan natin humingi ng gabay sa Panginoon sa lahat ng choices natin para hindi tayo malinlang na gawin ang mga bagay na “maganda at masarap” sa pananaw natin pero ang tunay ay patibong lang ito para sa ikababagsak ng buhay natin. Magandang araw sa ating lahat. Kasing ganda ng isang paru-paro na nakadapo sa dahon ng halaman.🦋

@Fherdz

Maganda pag ganitong gabi ay maulan Para ang init ng panahon ay mabawasan Na dulot maghapong alinsangan Pero nais kong ibahagi ang aking nakunan. Ang dalawang Moth na tila nagdadamayan Walang pakiaalam kahit basang basa sa ulan. Buti pa siya may kasama at may napapangiti, samantalang siya naku po wala na siyang paki.😂

+1 more

@Fherdz

Green Grasshopper🦗 (Schistocerca shoshone) Maulan na may kasamamg pagkulog ang panahon. Ang sarap sanang matulog dahil malamig kaso kahit anong pilit ayaw dalawin ng antok. Kaya ayun napa-post tuloy ng isang grasshopper na tulad ko kanina pa dilat na dilat ang mata.😳 Mas mabuting dilat na ang mga mata sa katotohanang wala na siya dahil sumama na sa iba. Kesa naman patuloy na pumipikit pikit dahil pinipilit na kahit alam mong ikaw ay pinagpalit.😉

+1 more

@Fherdz

Spotted Asparagus Beetle🐞 (Crioceris Duodecimpunctata) Yung uwian na pero may nagpakitang gustong maging modelo, kaya pitik agad bago tuluyang lumayo. Buti pa nga siya nagpakita bago lumayo, samatalang siya lumayo pero di man lang nagpakita sayo. #awit #saklaugh! 🤭😁

@Fherdz

Bago lumukso sa bagay na permanente dapat isipin mo muna kung yun ba talaga ang gusto mo at wag mapapadala sa agos ng panahon, sa agos ng opinyon ng ibang tao. Dahil sa pagtatapos ng araw ay walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo. Magandang gabi sa ating lahat.😉 Aw! Awwts sabi ng Aso sa kabila🐕🙃

@Fherdz

Hindi ito ang katapusan ng mundo. Huwag kang susuko. Marahil ang oras na ito ang pinakamadilim sa iyong buhay; maaaring hindi mo pa nakikita ang liwanag sa ngayon, ngunit sa lalong madaling panahon maysisislayan mo din ang liwanag. Lahat ng nangyayari ay may dahilan. Isa lamang itong pagsubok sa iyong buhay. Lumuhod at manalangin na iyon ang pinakamabisang solusyon sa lahat. Lumapit ka sa Panginoon at magtiwala ka sa Kanya. Sasamahan ka Niya sa iyong laban ng may kapayapaan sa iyong puso. Magandang gabi sa ating lahat.😉

@Fherdz

Flex ko lang itong Wasp na nakunan ko kanina pagkatapos ng worship service namin. Habang hinihintay ko ang mga kasama kong pauwi ay biglang dumapo sa sahig sa mismong harapan ko ang wasp na ito. Kaya ayos na ayos may modelo na naman ako. Sana magustuhan niyo.🙃

+1 more

@Fherdz

HUNTSMAN SPIDER🕷 Yung naglinis ka lang sa bahay niyo tapos may makita kang ganitong gagambang bahay. Ano ang gagawin mo? Ako, ale eh! mapatakbo nalang talaga at pagbalik ko, maraming pitik at anggulo para sa aking modelo. Kaya ito ang i-share ko sa inyo. 😂

+1 more

@Fherdz

Minsan ay ginagamit ng Panginoon ang sitwasyon natin para ipaintindi sa atin na kailangan natin Siya sa ating buhay. Minsan ginagamit Niya ang ating sitwasyon para magbalik-loob tayo sa Kanya. Kaya't kung ngayon ay nahihirapan tayo dahil sa pakiramdam natin ay kulang o hindo sapat ang meron tayo para maitawid ang ating pamilya, inaanyayahan kita na lumapit sa Panginoon dahil Siya ay Tapat at hindi ka Niya pababayaan. Dahil alam ng Panginoon na lahat ng NEEDS natin ay kailangan natin para mabuhay tayo at ang ating pamilya. Pero ang WANTS natin ay madalas hindi naman natin kailangan at maaaring makasama pa sa atin. Magtiwala sa Diyos. Ibibigay niya ang ating mga pangangailangan. Magpakumbaba lamang at lumapit sa Kanya. Hindi niya tayo tatanggihan. 📸Tungkol sa mga larawan ay ang hamog naipon sa isang sapot sa lupa.📸

@Fherdz

Lahat tayo ay may mga paghihirap sa buhay at minsan iniisip na lang natin na hindi sinasagot ang ating mga panalangin kapag ayaw natin ng kasagutan.🙏

@Fherdz

Ang nature natin ay unahin lagi ang sarili natin. Siguro kung madali o maginhawa ang sitwasyon natin ay mas madaling tumulong sa kapwa natin. Pero kung may matindi tayong pinagdaraanan ay ang focus natin ay nasa sarili nalang natin. Nawa'y tularan natin ang halimbawa ni Hesus na kahit anong sitwasyon natin ay hindi magbabago ang ugali o pagkatao natin. Na nakafocus padin tayo sa pagmamahal natin sa Panginoon at sa kapwa natin. Huwag mag-focus sa ating mga kalagayan. Focus lang sa ating Panginoon. Kaya't maaari tayong magpatuloy sa paggawa ng tama, patuloy na maging mapagmahal sa iba, at patuloy na manatiling mapagpakumbaba anuman ang ating kalagayan. 🙃🙏

@Fherdz

Ano ang pananaw natin sa pera? Ito ba ang pinakamahalagang bagay sa iyong buhay? Gagawin mo ba ang lahat para yumaman?😉 Nais ko lang ipaalala sa ating lahat na walang mali sa pagiging mayaman o pag-asenso sa buhay. Walang mali sa pera dahil ang pera ay neutral - hindi ito mabuti o masama. Kaya hindi natin mahahanap sa Bibliya ang command ng Panginoon na bawal magka-pera. Pero ang mali sa pera na command na mahahanap natin sa Bibliya ay ang “LOVE for money is the root of all kinds of evil”. 🙃 Kung pera ang priority natin sa ating buhay, dyan na nagiging mali o kasalanan ang nasa puso natin. Dahil madalas dito tayo nakakagawa ng mali. Halimbawa hindi mali kung nangangailangan tayo ng pera dahil may emergency pero magiging mali ito kung gagawin natin lahat kahit alam natin na kasalanan para makuha natin yung kailangan natin. Tandaan natin na hindi ma-eexcuse ng pangangailangan natin ang paggawa ng mali. Kaya sana ay kahit matindi ang pangangailangan natin ay matutunan natin manalig at magtiwala sa Panginoon dahil mahal Niya tayo at hindi Niya tayo pababayaan. Mapagpalang gabi sa ating lahat.🙃 📸Philippine 1000 Pesos polymer banknote. 🇵🇭

@Fherdz

Naku po naman kung araw-araw ay ganito ang aatupagin. Paniguradong gutom talaga ang aabutin. Kaya NOISE na yarn baka sakaling busog ka pa araw-araw.😜😁 Wag Gobyerno lahat at wag maging tamad. Kayod po tayo dahil ang magandang pagbabago at pag-asenso ay nakadepende sa atin mismo hindi kung sino nakaupo. 🙃🇵🇭 📸ctto

@Fherdz

Bagong Mukha ng 1,000 peso bill! Salamat at nakadaupang palad din kita. Pero saklap napadaan lang talaga sa kamay at di nagtagal. Parang siya hindi nagtagal at sa ibang palad napunta.😁

+1 more

@Fherdz

May nanalo at may luhaan Nagbubunyi at nag iiyakan Ang tanong nasaan ka diyan Yung patuloy na lumalaban O tanggapin ang katotohanan. Ngunit kahit na sino ang nakaupo, ang Diyos ay hindi natutulog dahil alam Niya kung ano ang kanilang mga hangarin. Manahan at magtiwala sa Kanya, dahil Siya ay tapat at makatarungan maaari kang magpahinga sa Kanya. Pero nais ko ding i-share ang isa namang Paru-parong nakunan ko kamakailan lang. Nag-post na ako dati ng ganitong uri ng insekto, ang tawag dito ay Common Silverline Butterfly. Common Silverline Butterfly🦋 (Spindasis vulcanus)