read.cash Log in
@Fherdz

Ano ang pananaw natin sa pera? Ito ba ang pinakamahalagang bagay sa iyong buhay? Gagawin mo ba ang lahat para yumaman?😉 Nais ko lang ipaalala sa ating lahat na walang mali sa pagiging mayaman o pag-asenso sa buhay. Walang mali sa pera dahil ang pera ay neutral - hindi ito mabuti o masama. Kaya hindi natin mahahanap sa Bibliya ang command ng Panginoon na bawal magka-pera. Pero ang mali sa pera na command na mahahanap natin sa Bibliya ay ang “LOVE for money is the root of all kinds of evil”. 🙃 Kung pera ang priority natin sa ating buhay, dyan na nagiging mali o kasalanan ang nasa puso natin. Dahil madalas dito tayo nakakagawa ng mali. Halimbawa hindi mali kung nangangailangan tayo ng pera dahil may emergency pero magiging mali ito kung gagawin natin lahat kahit alam natin na kasalanan para makuha natin yung kailangan natin. Tandaan natin na hindi ma-eexcuse ng pangangailangan natin ang paggawa ng mali. Kaya sana ay kahit matindi ang pangangailangan natin ay matutunan natin manalig at magtiwala sa Panginoon dahil mahal Niya tayo at hindi Niya tayo pababayaan. Mapagpalang gabi sa ating lahat.🙃 📸Philippine 1000 Pesos polymer banknote. 🇵🇭

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.