Minsan makikita mo ang tunay na kulay ng isang tao kapag wala ng makuhang pakinabang sayo.
Buti pa ang isang Planthopper na ito dahil kusang dumapo sa damit ko. Kaya ayun kahit paano tangal ang napapagal kong puso sa maghapong hapong-hapo.π
Ricaniid Planthopper
(Ricania speculum)
Natapos din ang eleksyon at sana ang mga nanalong leaders ng ating bansa na binoto natin o hindi ay respetuhin, suportahan at patuloy natin ipagdasal ang success nila at ng ating bansa.
Kaya sana walang rebelde, magkaisa na lang tayo. Asahan natin ang mas magandang Pilipinas, ang isipin natin dapat at the end of it eh Pilipino ka.π΅π
Kaya flex ko nalang itong nakunan kong picture ng manok na pula. Hindi naman siya pangsabong at pinapatigil na din ang e-sabong. Pero kung pasaway ito baka adobo o tinola ang labas nito.π
Isinama ni Google ang watawat ng Pilipinas sa doodle nitong Lunes, araw ng halalan sa ating bansa.π΅π
Pero habang ini-exercise natin ang ating karapatang bumoto ngayon, ipagdasal din natin ang isang mapayapa, maayos, at kapani-paniwalang halalan. Nawa'y ang katuwiran, mga plano, at itaguyod ng Diyos habang umaasa tayo sa Kanya para sa kinabukasan ng ating bansa.π΅π
Manalangin tayo para sa kalakasan, proteksyon, at karunungan sa mga maglilingkod sa ating mga presinto ng pagboto at para sa lahat ng ating mga kababayan. Mapayapang pagboto sa ating lahat. Vote wisely!! God bless the Philippines & the Filipino people.π΅π
Ang ina ay isang ina na hindi napapalitan. Happy Mother's day sa lahat ng nanay dito.
Yakapin at ipadama sa ating mga ina na mahal natin sila habang buhay pa sila.
Pero isang nakakalungkot lang balita dahil may isang anak na nag disown sa kanyang ina dahil lang sa pagsuporta niya sa kandidatong kalaban ng sinusuportahan niya. At ang ang iba naman anak na nagpakamatay dahil na bully siya sa pagsuporta sa ibang kandidatura. Grabe ang pulitika, kung hindi tayo mag-iingat kakainin tayo ng sistema.
Kaya mag halo-halo muna tayo pampalamig sa maalinsangan hapon at mainiting ulo dahil sa mga nababasa sa socmed. Pero kwedaw, yung halo-halo ko mas marami atang ice kesa sahog. Lolπ pero in fairness masarap siya, arat na!π
Kung nanghihina na ang loob ninyo dahil sa problema na hinaharap ninyo. Nais ko lang ishare sainyong lahat ngayong araw na hindi kayo magisa sa laban ninyo sa buhay. Iwanan man kayo ng lahat ng tao ay nandyan padin ang Panginoon sa tabi ninyo lalo na kung tatakbo kayo Sakanya ay hindi Niya kayo tatanggihan. Tumawag lang kayo sa Kanya dahil mahal Niya kayo. Tutulungan at gagabayan Niya kayo kung matututunan ninyo na isuko at hayaan na Siya ang may kontrol ng buhay niyo. π
Isuko ang iyong buhay kay Hesus para maranasan mo ang kalayaan at maranasan mo ang tunay na kapayapaan. Mapagpalang araw sa ating lahat. πβ€οΈ
Simpleng paalala.π
Minsan kailangan nating magkamali para matuto at magpakumbaba, pero kung nagkamali ka na at nadapa ngunit walang pagbabago at ikaw pa ang mayabang...Aba! naman ibang usapan na yan.... Kaya paalala lang mga kaibigan sa darating na halalan ay huwag agad mangulangot pagkatapos bumoto baka matulad ka dito.π
πΈctto.
Ilang araw nalang election na.π
Oh ayan may pa ayuda ang mga kandidato..
YOUNG'S TOWNSAND at LIBO, este Youngs Town at Ligo sardines.π
Pero sana May 9 na dahil malapit ng magpatayan ang mga FB friends at kakilala ko dahil lang sa mga iniidolo nilang kandidato.πβ
πΈctto
Ang pagkakaiba ng mabisang panalangin ay hindi sa nagdarasal kundi sa puso ng nagdarasal. At ang pagkakaiba ng nasagot na panalangin at hindi nasagot na panalangin ay kung ang panalangin ay ayon sa kalooban ng Diyos o hindi.ππ
Kaya magse-share ako ng praying mantis ngayon, pero hindi siya nagdadasal kundi nagpapa-cute lang sa akin para makunan ng larawan.π
Maging ang mga pagsubok na ating kinakaharap ay gawa ng ibang tao, o ito ay epekto ng mga pangyayari sa ating buhay na maaaring ilayo tayo sa Diyos. Pinapaalalahanan tayo ng Panginoon na wag tayong matakot at wag tayong magalala dahil walang masamang plano sa atin ang mangingibabaw kung hindi Niya ito pahihintulutan.
Ang intensyon ng Panginoon sa atin ay ang kabutihan natin. Prenoprotektahan Niya tayo sa lahat ng bagay na hindi natin ikabubuti. Kaya kung may pinagdaraanan tayo na masakit o mahirap ay sana matutunan natin magkaroon ng pananaw na hindi man natin ito maintindihan pero makabubuti ito sa atin dahil pinahintulutan ng Niya na mangyari. Kaya kahit mahirap o masakit ito, ay pwede tayo maging confident na hindi tayo matitibag nito dahil nakasandal tayo sa Kanya.
Sana ay ma-experience nating lahat ang pagmamahal at kabutihan ng Panginoon sa buhay natin. Sana ay tunay natin Siyang makilala para ma-experience natin ang peace kahit may problema tayo, ang confidence na malalagpasan natin ito dahil kasama natin Siya, at ang hope na kahit masakit man ngayon ay maganda parin ang plano Niya.ππ
πΈBulaklak ng kurumbotπ΅

Noong nakaraang araw ay paru-paro ang dumapo
Ngayon naman ay isang maliit na gagamba ang nakipaglaro
Aba! gustong-gustong magpakuha ng litrato
Tingin doon, tingin dito
Kung maka-posing parang modelo
Kita niyo naman umaangulo
Mga mata'y nakatitig sayo.
Marahil ito ay isang uri ng Jumping Spider Thiania.π· Pero wag niyong pansinin ang daliri ko dahil nag dra-dry ang skin niya.π
Sa aking pagninilay-nilay
Ikaw ang aking karamay
Kahit paano ay napawi ang lumbay
Yung akala mo'y walang ng saysay
Ang ganitong klase ng buhay
Pero andiyan ka para umagapay.
Yung nakaupo ka lang habang may hinihintay, pero may isang maliit na kaibigan na dumalaw. Maraming salamat munting kaibigan at ikaw ang ginamit ng Diyos bilang instrumento para mapasaya ang araw ko.ππ¦
Lunch na!
Pero bago ang lahat, Ako po ay nagpapasalamat at pinagpala dahil hindi lang sa blessings na pagkain kundi dahil simula ng pumasok ako sa work Ikaw na ang naging Boss ko. Na transfer ma ako sa ibang branch pero dahil sa pandemya bumalik ulit ako. Thank you Maβam @ZanneV Good luck and wish you all the best in your next endeavor! Hindi ito paalam dahil kita-kits pa tayo sa online world. Kaya arat na kain na!ππ
Uso na naman ang scam, pati sa text message walang patawad sa pag-send baka sakaling makabingwit. Kung ano-ano na ang natatangap kong mga pakulo nila. May pera daw ako, may offer ng work from home, ganitong sahod at iba pa. Kaya doble ingat nalang lalo na sa link na binibigay, wag nating i-click para safe. π
Kung na-scam ka noon ng maling tao, sana nadala ka na. Kaya doble ingat na para hindi na muling madapa.π
Ahas ba kamo?π
Ito ang nakita ko kaninang umaga sa may damuhan sa likod ng office. Ganda ng kulay at mata, sayang lang diko ma- picturan ng malapitan dahil mahirap na. Kaya ibayong pag-iingat muna ang kailangan,kahit mukhang mabait pero baka biglang tuklawin ako eh.π¬ Hindi ko alam kung ito'y makamandag ang ganitong klasing ahas. Basta ang alam ko ang tunog ng ahas kasi noon HISSssssβ¦.π Pero ang tunog ahas ngayon BESssssβ¦π»
Kaya doble ingat nalang muna baka matulad ka sa iba, na akala mo habang buhay mong makakasama pero ayon natuklaw ng iba at doon siya sumama.π
Psst! ingat sa pinagkakatiwalaan, maraming ahas diyan.ππ
Napakaganda at kamangha-mangha ang mga nilikha ng ating Diyos. Kaya kapag tayo ay nanghihina, tumingin tayo sa maliliit na bagay upang makita ang pambihirang lakas ng Diyos sa lahat ng Kanyang nilikha.
Isang maliit na Tortoise Beetles na naman ang aking nasilayan. Handog ko sa inyo at sana ay magbigay kasiyahan at ngiti sa inyong pusong napapagal. Magandang hapon sa ating lahat.π
Tortoise Beetleπ
Malapit na ang Halalan. Saan ka sa tamang daan o sa limang daan? Wag ganun, 1k dapat. Lol. π Kahit sabihin nilang "tanggapin ang pera at iboto ang nasa konsensya" halla ka, makonsensya ka.π
Nais ko lang ipaalala sa ating lahat na wag natin sirain ang relasyon natin sa kapamilya, kaibigan, katrabaho, kaklase, at kapwa natin dahil iba ang opinyon natin kung sino ang βbestβ president ng bansa natin. May kanya-kanya tayong karapatan bumoto kung sino ang nakikita natin na magiging best leader para sa ating bansa.
Kung maaari lang sana sa pagpili natin ng mga future leaders ng ating bansa, wag sana natin isipin lang ang sarili natin. Yung idea na dahil kamaganak natin, kakilala natin, close sa pamilya natin, sikat sa lugar natin, etc. Sana kung boboto tayo ay isipin natin kung sino ba talaga ang makakabuti para sa lungsod natin, para sa probinsya natin at para sa bansa natin. At sana ang basehan natin ay yung Character at Competence ng mga tumatakbo na mga opisyal.
Balik tayo sa tanong sa tamang daan o sa limang daan?
Nasa atin na yon, sana wag natin ibenta ang boto natin. Wag tayong tumanggap ng pera. Dahil mali ito at dahil kung tumanggap tayo ng pera ay ipinapakita natin nabibili tayo. Isa-isa at dahan-dahan natin baguhin ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapakita na hindi tayo nabibili dahil ang hangad natin ay ang kabutihan ng bansa natin.
Ipakita natin ang pagmamahal sa ating bansa pagkatapos ng eleksyon na kahit sino pa ang maupo na opisyal natin sa ating lungsod, probinsya at buong bansa ay sana ibigay natin ang suporta natin. Dahil command ito ng Panginoon na dapat ay nagsusubmit tayo sa authority. At dahil bilang isang Pilipino ay dapat ipagpray natin lagi at suportahan ang mga lider natin para sa ikabubuti at ika-uunlad ng bansa natin. Magandang hapon sa ating lahat.π
πΈctto
Pag ganito karaming bugs ang makikita mo sa taniman mo, siguradong patay ang mga pananim mong mga gulay kung mapabayaan.π¬ Kadalasan sa kamote, sitaw at kalabasa mo makikita ang ganitong insekto. Mga perwisyo ito dahil sinisira nila ang mga tanim mo, kumakain at sinisipsip nila ang mga katas mula sa mga dahon, sanga, tangkay, at prutas. Maraming ganito sa tanim ng kapit bahay namin kaya picturan na yarn. Kaya ito ang share ko sa inyo dito.π
Leaf-Footed Bug
(Physomerus grossipes)
Nag-trending nakaraan ang ilang kalabaw na kinulayan ng pink bilang simbolo ng pagsuporta ng ilang magsasaka sa napupusoan nilang kanditato. Pero kung ganyan ang suporta nila, wala tayong magagawa, ang magagawa ko lang ay ay i-share ko dito ang na-picturan kong kalabaw sa aming probinsya. Habang mainit-init pa ang tungkol sa pambansang hayop ng Pilipinas, pero sa akin naman ay walang bahid ng pulitika dahil itim pa rin ang orihinal na kulay. Lol.π¬π
Kapag nahaharap tayo sa gitna ng paghihirap o masakit sitwasyon, madaling maging masyadong nakatuon sa ating mga problema na nagsisimula tayong mawalan ng pananaw at pag-asa. May posibilidad na hayaan natin na ang mga pagsubok ay diktahan ang ating mga emosyonal na tugon at pagkatapos ay hayaang maimpluwensyahan ng ating mga emosyon ang ating mga aksyon. Ngunit kapag nangyari ito, ang ating likas na pagnanais na makatakas sa pagsubok ay maaaring akayin tayo sa mga mapaminsalang landas na nakakubli bilang mga shortcut na akala natin ay maging lunas.
Kaya ngayon, hilingin sa ating Panginoon na bigyan tayo ng lakas upang matiis at mapagtagumpayan ang mga pagsubok na kasalukuyan nating pinagdaraanan. Hayaang punuin Niya tayo ng kagalakan at ang ating mga puso ay muling naayon sa Kanyang puso. Mapagpalang araw sa ating lahat. π
Tungkol naman sa larawan ay isang maliit na Two-Spotted Line Blue Butterfly (Nacaduba biocellata).π¦
Male Seaside Dragonlet Dragonfly
(Erythrodiplax berenice)
Share ko lang ang isang makulay na Dragonfly, na-spotan ko noong nagbakasyon ako sa aming probinsya. Dahil maraming species ng tutubi at diko mawari kung anong uri ang isang ito. Ngunit ayon sa google ang dragonfly na ito ay karaniwang kilala bilang Seaside Dragonlet. Kaso sa riverside ko naman nakita π¬ at mabundok sa amin.π Medyo nahirapang kunan ng picture dahil mailap at laging palipat-lipat, buti naka-timing din ng mas maliwag kunti na mga kuha. Kaya ito muna ang share ko dito. Magandang gabi sa ating lahat.π
Kung tayo ay may pagdududa sa anumang bagay, humingi tayo sa Diyos ng patnubay at karunungan. Huwag kailanman umasa sa ating sariling pananaw, isaalang-alang ang pananaw ng Diyos.
Kapit lang at huwag mapagod magdasal at magtiwala sa ating Panginoon. Dahil hindi Siya nauubusan ng paraan para masolusyunan ang ating problema't pinadadaanan.π
Kaya kapit lang, katulad ng isang langgam di patitinag sa pinagdadaanan at kapag bumagsak ay tiyak na babangong muli at magsimulang aakyat.π
Ngayong palapit ng palapit ang botohan ngayong Mayo.
Kasabay nito ay tila bang may nagbabadyang delubyo.
Dahil nagbabala na ang gobyerno na patuloy na maging alerto.
Mantakin mo nga naman kabi-kabilaan ang rally ng mga kadidato.
Kaya ayon mas lumabas sa fb news feed ko.
Kaway-kaway muna tayo at maging handa at alerto.
Dahil pagkatapos ng eleksyon panigurado may uupong Pangulo.π
πΈctto
Tapos na ang mahabang bakasyon kaya balik sa trabaho na. Sana ay nakapagpahinga at na-recharge kayo mga ka-PiNoise. Pero sa akin ata mukhang baliktad dahil sa pagod at puyat sa biyahe galing probinsya. Lol. π
Mabuti pa ang kaibigan nating Spider ang sarap ng pamamahinga niya sa isang dahon. Maraming Species ng Spider kaya mahirap tukuyin kung anong uri ng Spider na ito. Pero ayon sa google ang pinaka malapit na nakita ko ay kabilang sa Clubiona o Drassodes Spider.Magandang araw sa ating lahat.π
Yung mamitas ka lang ng bunga ng malunggay para may ulam pero ganito ang bubungad sayo. Isang Praying mantis na gustong magpa-cute at mapa-picture sayo. Hehehe. Dahil Semana santa, nakapagbakasyon ulit ako sa probinsya namin, kaya lubos na lubusin kumain ng gulay at mag-enjoy kasama ang pamilya.π
Habang inaalala natin ang kamatayan ni Jesus ngayon, idinadalangin ko na pag-isipan natin kung bakit kailangan Niyang dumating sa mundong ito at kung bakit kailangan Niyang mamatay - dahil hindi ito tungkol sa Kanyang sarili o para sa Kanyang sarili, ito ay tungkol sa atin. Ito ay dahil sa Kanyang pagmamahal sa atin upang tayong lahat ay magkaroon ng PAGKAKATAON na maligtas mula sa walang hanggang bunga ng ating mga kasalanan.
Malinaw sa Salita ng Panginoon na ang mga taong maliligtas lang ay ang mga taong may pananampalataya kay Hesus. Kahit gaano pa tayo βkabaitβ, kahit gaano pa karami ang natulungan natin, kahit member pa tayo ng simbahan ay hindi ito sapat para maligtas tayo kung wala tayong genuine faith kay Jesus. Dahil kung pwede naman tayo maligtas sa paggawa ng mabubuting gawa o pagiging member o active sa church, hindi na sana bumaba si Hesus sa mundong ito para magsuffer at ibigay ang buhay Niya. Pero ginawa Niya iyon dahil alam Niya iyon lang ang paraan para maligtas tayo sa kapahamakan pagtapos ng oras natin sa mundong ito.
Pinagdarasal ko na sana ay maappreciate natin itong araw na ito dahil sa ginawa ni Hesus para sa atin. At sana higit sa lahat ay kung hindi pa natin nagagawa ay ibigay natin ang buhay natin kay Hesus ngayong araw. π Blessed Morning sa lahat. ππ₯°
Nakikita ng Diyos ang mga best at worst araw ng ating buhay, ngunit hindi nagbabago ang Kanyang pagmamahal sa atin. Nauunawaan Niya ang matinding pagdurusa na ating pinagdadaanan dahil naranasan Niya mismo ito nang Siya ay pumarito sa lupa upang tubusin ang ating mga kasalanan. Magnilay-nilay muna tayo ngayong Semana at sa mga susunod pang araw. π
Clubhouse with fries muna mga ka-PiNoise! Wala ng maraming dada, arat na kain na. Lol.π Pag ganitong gutom at masarap ang meryenda wag ng patagalin pa.πππ₯ͺ Aba! Samahan ng kape na yarn.β
Yung ang init sa labas tapos mahabang pila pa sa banko... ayos!. We find ways yarn.!
Kaya habang nakapila pa at di pa naka pasok sa loob gawa muna tayo ng post. Pang tangal pagod na nakatayo kaya dito muna sa noise ibuhos ang time para di mo mamalayan nasa counter na pala. lol.π
Share ko lang din yung nakunan ko before na isang species ng Bagworm caterpillar. Hindi ko man sure kung anong specific na uri ito ng Bagworm pero ang alam ko lang maliit siya at mabagal kumilos parang dito sa bank. Hanggang ngayon nakapila pa rin ako. Hehehe.π
May babaeng bumisita sa bahay namin kanina na hindi ko kilala at ang dami niyang tanong. Ito ang convo namin.
Siya: Sir, Married or Single?
Ako: Bakit po mam, single po ba kayo at available?
Siya: Tingin sabay ngiti at sabi, census lang po sir. P
Ayun!!.. kaya pala ang daming tanong. #Saklaughπ
Waley..ββ
I-share ko lang itong insect na nakunan ko, siguradong hindi siya available dahil makikita mo ang dami ng itlog na binabantayan niya. Maaaring ito ay isang species ng Leaf-Footed Bug (Physomerus grossipes) sa Pamilya Coreidae. Magandan araw sa ating lahat.π
Yung malapit na ang mahal na araw. Pero siya hindi ka pa rin niya mahal kahit hintayin mo araw-araw.
Buti pa ang dalawang insektong ito dahil pagmamahalan nila ay panalo hanggang sa dulo.
Kaya Wasp Moth muna ang iiwan ko sa inyo dito
Dahil kunting oras nalang, uwian na po.
HΓΌbner's Wasp Moth