Ang isang taong nalulunod ay sisigaw at hihingi ng tulong dahil alam niya na hindi niya kayang iligtas ang sarili niya at kung walang tutulong sakanya ay mamamatay siya. Ang problema ay kahit nalulunod na ang isang tao, kung hindi niya narealize na nalulunod siya, kung akala niya ay lumalangoy padin siya pero tinatangay na pala siya ng alon ay hindi siya hihingi ng tulong. Kung umabot ang point na marerealize niya na nalulunod siya, huli na ang lahat. Hindi na siya makasigaw o makahingi ng tulong. Ang reyalidad ay tayong lahat ay nalulunod. Pero ang nakakalungkot ay konti lang ang nakakarealize nito kaya konti lang ang tunay na sumisigaw ng saklolo sa Panginoon kaya konti lang ang may tunay na pananampalataya sa Panginoon. Hangat hindi natin narealize ang katotohanan na nalulunod tayo at ang siguradong kalalabasan ng sitwasyon natin ay kamatayan natin (spiritwal), hindi natin maiintindihan kung bakit kailangan natin ng Tagapagligtas at hindi natin maaappreciate ng buo ang ginawa ni Hesus para sa atin. Maaari ay narealize natin na nalulunod tayo pero ang maling pananaw natin ay kaya natin ito diskartehan. Gagamit tayo ng salbabida. Ang katotohan ay panlilinlang lang ang kaisipan na iyan dahil kung dumating na ang malalaki at malalakas na alon, hindi tayo kayang iligtas ng salbabida. Kaya sana marealize natin ngayong araw na walang human effort ang magliligtas sa atin. Hindi tayo maliligtas ng mabubuting gawa natin. Ang nag-iisang paraan lang para maligtas tayo ay kung tatanggapin natin BY FAITH ALONE ang inooffer ni Hesus na kapatawaran ng kasalan natin. Isang paraan lamang para tayo ay maligtas. Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng PANANAMPALATAYA KAY JESUS LAMANG. Mapagpalang araw sa ating lahat.😉
No comments yet