Minsan ay ginagamit ng Panginoon ang sitwasyon natin para ipaintindi sa atin na kailangan natin Siya sa ating buhay. Minsan ginagamit Niya ang ating sitwasyon para magbalik-loob tayo sa Kanya. Kaya't kung ngayon ay nahihirapan tayo dahil sa pakiramdam natin ay kulang o hindo sapat ang meron tayo para maitawid ang ating pamilya, inaanyayahan kita na lumapit sa Panginoon dahil Siya ay Tapat at hindi ka Niya pababayaan. Dahil alam ng Panginoon na lahat ng NEEDS natin ay kailangan natin para mabuhay tayo at ang ating pamilya. Pero ang WANTS natin ay madalas hindi naman natin kailangan at maaaring makasama pa sa atin. Magtiwala sa Diyos. Ibibigay niya ang ating mga pangangailangan. Magpakumbaba lamang at lumapit sa Kanya. Hindi niya tayo tatanggihan. 📸Tungkol sa mga larawan ay ang hamog naipon sa isang sapot sa lupa.📸
3 comments
Hamog pala yan
Yss mam
Amen.🙏 Pintas a kasla bubbles👍👍😍