Madami sa atin ay napapagod dahil walang tigil ang paghabol natin sa “success”. Pero madalas ang definition natin ng success ay madaming pera at nabibili natin ang mga gusto natin. Ang reyalidad ay hindi tayo mauubusan ng gusto (wants) sa buhay natin kaya walang tigil ang paghabol natin. At ang nakakalungkot ay madalas dahil sa nakikita natin sa social media kaya tayo ay naprepressure o nagkakaroon ng desire na makuha din o ma-experience din yung nakita natin sa feed natin. Sana matutunan natin na lahat ng bagay sa mundong ito ay temporary lang at wala tayong kayang dalhin kaya kung ibubuhos natin ang buhay natin sa bagay na hindi naman maglalast ay sayang ang buhay natin. Sana matutunan natin ma-distinguish ang needs at wants natin. At sana matutunan natin mag-focus na mapunan ang needs natin tapos kung may sobra ay itanong natin sa Panginoon kung bakit may sobra sa blessing Niya at kung ano ang dapat natin gawin dito. Mag focus sa ating mga needs hindi sa wants. Devote ang ating buhay sa mga bagay na mahalaga sa walang hanggan at hindi pansamantala lamang. Tuparin ang layunin ng Diyos para sa ating buhay sa maikling panahon natin sa mundong ito. Blessed Sunday sa lahat. 😊 🙏❤️
No comments yet