read.cash Log in
@Fherdz

@Fherdz in December 2021

@Fherdz

Kamusta tayo ngayong araw mga ka Pi-Noise? Nais ko kayong paalalahanan na anytime pwede tayong tumakbo sa Panginoon. Walang problemang malaki dahil higit na mas Malaki ang Diyos natin. Kung nasa mahirap man tayong sitwasyon ngayon, o kahit na anong sitwasyong kinahaharap natin.Tumakbo tayo sa Panginoon wag sa ibang tao o ibang bagay. Sa Kanya ay alam natin na mahal Niya tayo at hangad Niya ang kabutihan at proteksyon natin. 🙃 Malabo man ang nakunan kong litrato Dahil yung…

@Fherdz

Medyo iwas iwasan na ang kapeng 3 n 1. Baka kasi sumubra at bigla kang iiwan. Ang sabi kasi makinig hindi puro kilig Ayan tuloy yung kilig na kilig siya pero sa ibang bisig. Kaya sa kapeng puro at natural na lang Baka sakaling 100% na ikaw lang ang number 1. At kung nagkamali at nadapa ka man Bangon!, sulong! kaya mo ‘Yan! Arat na at Kape na Yarn!!☕

@Fherdz

Isang kakaiba at magandang insekto ang nakunan ko kanina pero hindi ito isang butterfly kundi isang maliit na Moth. Maraming uri ng moth dahil ayun sa kaibigan nating google mayroong mga 160,000 species ng moths sa mundo, kumpara sa 17,500 species ng butterflies. Pero ang isang ito ay kaibilang siya sa uri ng Pug moths kung hindi ako nagkamali.😁

@Fherdz

Hindi man natin kontrolado ang nangyayari sa mundo Nawa'y huwag tayong sumuko at magpatalo. Kahit gaano man kalabo ang problemang dumapo. Ang sandigan at kakapitan natin ay ang kanyang mga salita’t pangako Kaysa sa huwad at pansamantalang kaligayahan na hatid ng mundo Dahil ang mga bagay sa lupa ay lilipas at maglalaho. Kaya ibigay natin ang tiwala sa Panginoon ng boung buo. Bigyang puwang at paghariin sa ating puso At tanggapin ang biyayang kaligtasan regalo. Mapagpalang…

@Fherdz

Minsan, may darating na babago sa iyo Sa madilim na parte ng iyong pagkatao at magbibigay liwanag sa buhay mo. Yung dating pusong magulo Ngunit ngayon ay unti-unting lumiliko Patungo sa isang estranghero. Yung hindi ka na mahuhulog sa kanya Kasi kapag kasama mo na siya Lumulutang ka na sa saya. DOS: Dalawang Hübner's wasp moth (Amata huebneri) na abala sa kanilang pagkikita.😁

@Fherdz

Ang buhay ay hindi puro saya at sagana May panahong nalugmok at nawalan ng pag-asa. Hindi lahat ay puro pasakit at pait Dahil minsan ang ngiti’y abot hanggang langit. Yung kapeng mainit na mapait sa umpisa Habang tumatagal sumasarap ang lasa. Bago makamit ang aroma ng tagumpay Dadaan sa proseso para tumatag ang buhay. Gawing inspirasyon para tayo ay bumangon. Kasama mo ang Diyos sa iyong pag-ahon. Halina't magkape muna.☕

@Fherdz

Minsan di maiwasang mag reklamo dahil akalain mo nga naman 8am -5pm na walang kuryente tapos nagdagdagan pa ng dalawang oras. Di mo din masisi ang mga tao kung kanya kanyang mga reklamo, kesyo ganito, ganyan. Pero wala din silang magagawa dahil may inaayos pang problema. Ang kagandahan naman ay humingi sila ng pasensya at may abiso sa fb page nila. Nasa atin kung ano piliin mo kung magreklamo at magbitaw ng kung ano ano o enjoy mo lang at magpasalamat dahil di pa naman…

@Fherdz

Ang ibabahagi ko sa iyo ngayon isang uri ng Damselfly na madalas nating napagkakamalan na ito ay Dragonfly. Ang mga ito ay hindi parehong mga insekto, ngunit sila ay magkakaugnay. Parehong kabilang sa Odonata order. Pero ang Damselfly ay mas maliit at mas payat ang katawan. Ang isa pang pangunahing dahilan upang mas madaling makilala ay kapag nagpapahinga sila, ang mga damselfly ay nakatiklop ang kanilang mga pakpak sa ibabaw ng kanilang mga katawan, habang ang mga Dragonfly…

@Fherdz

Yung naka Jacket at naka kumot ka na pero malamig pa rin ang nararamdaman, baka yung yakap mo lang talaga ang aking kailangan. Kaya kape nalang muna natin yarn!! Para ang katawan ay mainitan. Ano man ang kalalagayan at pinagdadaan mo ngayon Kaharapin mo ng pasulong hindi paurong.

@Fherdz

Ito ang makulit kong kaibigan Marikit kanyang pangalan. Naibahagi ko na noon dito minsan Na pag-aari ng aking kaibigan. Ang cute-cute niyang tingan At kay sarap paggigilan. Buti at nataymingan ko din siya minsan Na nagpapahinga sa Paso sa aming bakuran. Kaya agad- agad kong kinunan ng larawan Maraming pitikan para mas maraming pagpipilian. Pero paalala lang mga kaibigan. Itong si marikit pwedeng laruin at paggigilan, Pero ang damdamin ng iba huwag mong paglaruan at sasaktan.😁

@Fherdz

Ladybird beetle / Lady beetle🐞 Ang insektong ito ay maraming tawag at maraming mga pangalan sa maraming wika. Karaniwang kilala rin bilang Ladybugs. Sa katunayan, mas gusto ng mga Entomologist tawaging silang ladybird beetle o lady beetle, dahil opisyal na hindi sila mga bug, sila ay mga beetle. Gayunpaman, kahit anong tawag mo sa kanila, hindi lahat sila ay babae! Maraming beetle din na mga lalaki. lol.😁 Ang kagandahan pa sa mga insektong ito ay nakakatulong sa pagpuksa sa…

@Fherdz

Kung sa iba'y paboritong pulutan Sa akin naman ay masarap na ulam. Kaya ito ang aking masarap na tangahalian Sisig, na extra rice lang pantapat natin diyan. Tiyak solve na ang kumakalam na tiyan Sa anghang sarap na kinahuhumalingan. Pero hinay hinay nalang mga kaibigan Dahil maraming sakit na nagsisilabasan. Kaya kung maari ay ating iwas iwasan Pero kung paminsan minsan ay ok lang naman. Kaya kung tumgots ka na!!😁 Ikain na natin yarn!!! Arat na!😋

@Fherdz

Ang sabi sa kanta, tawanan mo ang iyong problema. Ang sabi pa ng isa, huwag mong problemahin ang problema mo, hayaan mo na ang problema ang mamublema sayo.🙂 Siguro nga pero nandoon pa rin ang problema. Gayunpaman, mas nakakabuti na imbis na mamoblema ka, ilapit nalang natin sa ating Panginoon sa pamamagitan ng panalangin. Dahil ang simpleng dasal na galing sa puso at naaayon sa plano ng Niya ay kayang masolusyonan kahit ang mga malalaki at imposibleng sitwasyon. Kaya wag…

@Fherdz

Pwede mong titignan Pero hindi pwedeng hawakan Kung ipagsasapilitan Okay lang naman Basta walang sisihan Kung sino ang may kasalanan Dahil makati talaga yan Kaya nga kita winarningan Pero ganyan tayo minsan Alam nating mali ngunit ipagpipilitan. Makuha lang ang sariling kagustuhan Pero sa huli,tayo din ang masasaktan. Kaya isang makating Stinging Nettle Caterpillar ang iiwan ko sa inyo. Medyo malabo pero sana hindi katulad ng pagmamahalan niyo.😁

@Fherdz

Sampayan sa gitna ng ciudad.😁 Sala-salabat man na mga linya at kawad ng kuryente, cable at kung anu-ano pa. Pero sa likod ng mga di kanais-nais na tanawin, mayroong kagandahan sa kalangitan. Matutong lang tayong mag pokus at i-appreciate ang mga bagay-bagay at mga tanawin sa ating paligid. Magandang gabi sa ating lahat.🙃

@Fherdz

May inilabas ngayon na bagong disenyo ng 1k bill ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nakita ko sa Fb. Kaya asahan mo marami namang koment na kalokohan, asaran at katatawanan. Paniguradong ikakabit na naman sa mga tumatakbong pulituko sa ating bansa. Pero kahit ano ang ilagay na disenyo diyan, hindi naman nag tatagal sa aking wallet at kamay.😂 Lunch time na ka Pi-Noise!! Kain muna.🙃 📸CTTO: GMA

@Fherdz

Salamat muli aming Ama Sa iyong walang hanggang awa. Ang masilayan ang bagong umaga Ay isa na namang pagpapala. Kahit nasa panahon man ng pandemya Kami ay nanatiling pa ring humihinga. At sa kabila ng mga kasalanang nagawa Pinatawad mo kami at pinalaya. Panginoon, maraming salamat Sa pag-ibig mong tunay at tapat Dahil hindi man kami karapat-dapat Pero minahal mo kami ng sapat. 🌄 Have a Blessed Sunday Everyone🙏🙌

@Fherdz

Laging nandyan ang mga bituin, maa-appreciate mo lang ang liwanag nila kapag madilim na ang gabi. Kaya't huwag matakot kung pakiramdam mo ay naglalakad ka sa madilim na panahon ng iyong buhay dahil nariyan ang liwanag ng Diyos at ito ay mas maliwanag kaysa sa mga bituin na nakikita mo sa gabi. Panghawakan natin ang Kanyang mga salita at pangako dahil Siya ang ating liwanag, At ang salita Niya ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa ating landas na dinadaanan.🙂

@Fherdz

Yung tapos na ang Miss U. Pero itong tatlong ito ay ayaw pa ring magpatalo. Kung makaposing parang modelo Tila lalaban para sa korona at titulo. Sila ang top 3 sa labanang Mantis Sa patalbogan ang babangis. Kaya kayo na ang bahalang kumilatis Kung sinong mananalo bilang reyna ng Maritis.

@Fherdz

Magandang araw sa ating lahat mga ka Pi-Noise! Nais kong I-share ang aking nakunang Moth na lumapag sa lababo dito sa office kanina. Maliit, maberde at detalyadong mga guhit sa kanyang likuran. Mahirap tukuyin kung anong uri at species ang moth na ito dahil maraming halos kapareho. May mga pagkakaiba man pero maliit lang na detalye. Maaring isa itong Maxates sp o Red-fringed Emerald pero kahit di man sigurado kung anong eksaktong pakakakilanlan ngunit ang pinakamahalaga ay…

@Fherdz

BREAKING: PHILIPPINES CONFIRMS FIRST 2 CASES OF COVID-19 OMICRON VARIANT. Yung naka sabit na ang aking pambansang face shield Pero bigla kang may mabasang ganitong balita. Ayon sa DOH may dalawang kaso na ng COVID-19 omicron variant dito sa Pinas ngayong araw na mula sa dalawang international travellers. Ibayong ingat nalang tayo lagi dahil mahirap na naman kung mag lockdown ulit sa ating bansa. Ngayon palang ay nag umpisa na ang bakbakan ng komentong nagpapagalingan at…

@Fherdz

Iwasang magtanim ng inggit sa ating puso, Dahil isang sanhi na sisira sa ating buong pagkatao. Para maiwasan natin ito ay matutong makuntento, At huwag mainggit sa tagumpay o anuman meron ng ibang tao. Pero ang tunay kasagutan sa asal nating ito, Ay papasukin si Hesus sa ating buhay at puso. At Siya ang paghariin sa ating isipan at puso, Tiyak na ang mga maling hangarin mong maka mundo ay magbabago. Matutong makuntento kung anong meron tayo. Kaya ito lang muna ang iwan ko sa…

@Fherdz

Isa na namang Mantis ang nakunan ko habang abala sa pagkain ng kanyang biktima. Hindi ito nakasali sa nakaraang mga modelo na naibahagi ko na sa inyo dito. Yung ibang nauna ay puro pagmomodelo ang purmahan. Ito naman ay pagkain ang inaatupag. Lunch time na, kaya pala sarap na sarap na siya sa pagkain niya. Arat na! Kainan na! 😋 Ito ay si Maring Praying Mantis na nagpapaalala sa atin na manalangin muna bago tayo kumain.🙏 Pwede niyong balikan ang mga naunang modelo kong mga…

@Fherdz

Marahil ang ilan sa inyo ay nakakita ng ganitong uri ng munting langaw. Pero masaya pa rin akong i-share dito mga ka Pi-noise! Medyo matagal na sa phone ko pero ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na magshare sa inyo. Kadalasang malabo ang mga kuha ko dati dahil napakaliit at mailap. Medyo malabo pa din naman pero mas maganda sa mga nauna kong mga kuha.📸 Ang insektong ito ay tinawag na Long-legged Fly (Condylostylus sipho) isang uri ng Fly na nasa pamilya Dolichopodidae.…

@Fherdz

Ang Diyos ang pinagmumulan ng ating lakas. Ang ating pag-asa sa mahirap na panahon, at ang ating kagalakan sa lahat ng oras. Pinapayapa Niya ang lahat ng ating mga takot at iniligtas Niya tayo sa kasamaan. Pinoprotektahan Niya tayo, at hindi Siya tumitigil sa pagpapakita sa atin ng Kanyang walang humpay na pagmamahal. 😍 Salamat Panginoon sa Iyong walang sawang paggabay at patnubay at sa hindi mabilang na mga pagpapala at mahimalang biyaya na ipinagkaloob Mo sa amin. 🙏…

@Fherdz

Dahil next year pa mag physical worship service sa amin pero kailangan ng umpisahang mag check ng mga gamit ng Church. Kaya habang nag nag che check ng mga gamit sabay online sunday worship service na din para makita kung gumagana pa mga gamit. Simula ng lockdown, hindi na ginagamit ang ibang instrument kaya kinakalawang na. Syempre, pagkakataon din na makapag-bonding at magkasama ang mga kapatiran bago matapos ang taong ito. Magandang araw sa ating lahat.🙂

@Fherdz

Yung palapit ng palapit ang pasko Pero may mas maagang nagbigay ng aginaldo. Maraming salamat sa kaibigan ko Na walang paltos sa pagbigay ng regalo. Kaya subukan na natin ito Halina kayo at mag kape na tayo. At sa wakas na try ko din mag starbucks ☕ Pero ang kape sa loob Nescafè Coffee Classic Stick.😁

@Fherdz

May mga na-post na akong mga iba pang Damselfly dito. Pero ang isang ito ay tinatawag na Philippine Jewel male (Rhinocypha colorata) isang katamtaman ang laki na matatagpuan karamihan dito sa Pilipinas. Marami sa mga damselflies na matatagpuan dito ay maganda ang kulay, na may kahanga-hangang metal na asul, berde at itim at iba pang talagang kamangha-manghang mga kulay. At karaniwang nakikita sa kahabaan ng mga bato, debris at mga halaman malapit sa ilog.🥰

@Fherdz

Female Rhinceros Beetle🙂 Ayun sa nabasa ko sa wiki, ang mga Rhinoceros beetle ay harmless sa mga tao dahil Cannot bite or sting daw naman. Bagama't, kung kumapit sila sa iyo ay napakahigpit dahil malakas ang kanilang mga binti at matutulis ang kanilang mga kuko. Ito muna sa ngayon kape muna tayo.☕

@Fherdz

Ghost Crab Camouflage. Juvenile O. quadrata Mabilis tumakbo at mailap kaya medyo mahirap kunan ang maliit na alimangong ito. Isa itong Juvenile Atlantic Ghost Crab (Ocypode quadrata) at siguradong sinubukan mong hinabol-habol ito kapag nasa tabing dagat kayo. Tinatawag ding Sand Crab dahil sa kanilang kakayahang mag-camouflage sa mga mabuhanging dalampasigan kung saan sila nakatira… Nakakamangha lang dahil sa bilis at pagbabalatkayo niya sa kabuhanginan. Kaya mag-ingat sa…

@Fherdz

Minsan lagi tayong naghahanap ng wala kaya hindi natin makita kung ano ang meron sa buhay natin. Kaya nakakaramdam tayo ng sobrang pagkabigo, pag-aalala, pagod at panghihina dahil baka mali ang hinahabol natin. Busy tayo sa paghahanap ng mga bagay na makakapuno sa ating mga pangangailangan sa ating buhay, hanggang sa dumating tayo sa punto na wala na tayong oras para sa Panginoon. Hindi naman masama, lalo na't ang hangad lang natin ay maiangat ang antas ng ating buhay. Ang…

@Fherdz

Rocket launch sa Wenchang, Kaya maraming nawindang. Dahil sa kakaibang liwanag na nagpakita Ayun tuloy ang daming lumabas na haka- haka May natakot dahil akala nila ay simula ng giyera Ang sabi naman ng iba ufo na may alien na bumaba Para sunduin ang mga single na malamig ang pasko nila.😁 Pero ayun sa nabasa ko, ito lang pala ang sagot dito. Inilunsad ng China CASC ang kanilang medium-heavy class na cryogenic Launch Vehicle na "Long March 7A" (#CZ7A) Y3 para sa pagsubok sa…

@Fherdz

Maligayang Pasko nawa'y magkaroon kayo ng mapagpalang araw ngayon sa pagdiriwang ng kapanganakan ng ating Panginoong HesuKristo. Huwag nating kalimutan ang dahilan kung bakit natin ipinagdiriwang ang ganitong okasyon. Ang mas higit pa sa mga regalong matatanggap natin ngayong pasko, tandaan na ihandog na sa atin ng Diyos ang kaloob ng kaligtasan - ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Kristo! The GIFT of God is ETERNAL LIFE in Christ Jesus our Lord. (Romans 6:23…

@Fherdz

Tapos na ang bakasyon sa probinsya at balik trabaho na naman bukas. Kaya share ko na rin ang nakunan kong isang lynx spider, marahil ay nakikita niyo na ang ganitong klasi ng insekto. Mukhang gusto niyang makipag hug sa inyo. lol.😁 Magandang gabi.🙃

@Fherdz

Ang kahapon ay lumipas na at wala kang magagawa kundi magpatuloy at matuto mula dito. Huwag hayaang manatili sa iyong puso at sa iyong mga isip ang negatibo ng kahapon. Gayunpaman, hayaan ang natutunang aral na manatili upang gawing mas mahusay ang bagong araw kaysa kahapon. Life is fragile. Maglaan ng oras upang pahalagahan ang mga simpleng sandali. Katulad ng dilaw na bulaklak ng Gumamela / Hibiscus napakagandang tignan ngunit very fragile.🙃

@Fherdz

Ang mga tao ngayon ay higit na naniniwala sa kasinungalingan ng demonyo kaysa naniniwala sila sa Diyos...pinili nilang maniwala sa kasinungalingan kaysa maniwala sa katotohanan.🙃 Share ko lang sa inyo ang halamang bulaklak ng kapatid ko sa probinsya. Datura metel ang tawag dito, akala ko talong noong una pero bulaklak lang pala. Ayon kay wiki, karaniwang kilala sa Europe bilang Indian Thornapple, Hindu Datura, o Metel at sa U.S.A. bilang Devil's Trumpet o Angel's Trumpet.🙂

@Fherdz

Kape na guys, baka sakaling ma-feel mong KAPEling mo siya. Kaso ang masaklap ay sa alaala mo nalang siya mafefeel at makakasama dahil may KAPEling ng iba. @awit🙃

@Fherdz

The Lovebug (plecia nearctica) Malayo pa ang pebrero lovebug na ang mga nakikita ko. Pero dahil malamig na ang panahon ngayon kaya kung inngit pikit nalang. Lol.😂 Kaya ang ibahagi ko sa inyo ngayon ay ang insektong lovebug mismo. Ang lovebug, (plecia nearctica) ay kilala rin bilang honeymoon fly o double-headed bug at nasa miyembro unnoticed family ng mga flies na related to gnats and mosquitoes. Mapa xanaol ka nalang dahil ang mga mature na pares ay mag stick together nang…

@Fherdz

Nakauwi na naman sa ilocos kaya medyo pahirapan na naman ang signal. Kung data lang ang gagamitin mo kailangan mong umakyat sa may mas mataas na lugar dahil bulubundukin dito sa amin. Ang kagandahan naman may Pisonet na pwede kang mag konek para makapag internet habang nasa loob ng bahay. Pero may kabagalan din dahil sa dami niyong gumagamit. Kaya walang photos muna ang post ko ngayon kasi ayaw mag-upload. Maraming salamat sa Diyos at naka uwi kami ng safe at maayos. 🙃

@Fherdz

Hindi tayo lumago o nagiging malakas sa panahon ng magagandang panahon ng ating buhay; lumalago tayo kapag nagpapatuloy tayo kahit may problema nang hindi sumusuko.Ngunit ang paglago ay hindi awtomatikong resulta ng mga problema at paghihirap; hindi ganoon kasimple. Dapat nating piliin ang tamang attitude sa ating mga hamon at tumanggi na huminto o sumuko.👊 MANIGONG BAGONG TAON sa atin lahat. 🎉