Salamat muli aming Ama Sa iyong walang hanggang awa. Ang masilayan ang bagong umaga Ay isa na namang pagpapala. Kahit nasa panahon man ng pandemya Kami ay nanatiling pa ring humihinga. At sa kabila ng mga kasalanang nagawa Pinatawad mo kami at pinalaya. Panginoon, maraming salamat Sa pag-ibig mong tunay at tapat Dahil hindi man kami karapat-dapat Pero minahal mo kami ng sapat. 🌄 Have a Blessed Sunday Everyone🙏🙌
7 comments
Wow napaganda tlaga para sa napagandang panalangin.
Amen mam.
Ang ganda po ng pagkakagawa mo ng poem, kasingganda ng larawan na iyong ipinakita. Isang pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyaya at pagpapala.
Amen uncle🙏 Naimbag nga bigat mo pirmi man pi tas nan ta ladawan mo ney high end. 👍👍😍💚
Payaman anti
Madaming pasasalamat dahil hanggang ngayon, andito tayo, kinakaya dahil na din sa kanya..bless you more friend!
Amen and amen mam