read.cash Log in
@Fherdz more from that month

Ito ang makulit kong kaibigan Marikit kanyang pangalan. Naibahagi ko na noon dito minsan Na pag-aari ng aking kaibigan. Ang cute-cute niyang tingan At kay sarap paggigilan. Buti at nataymingan ko din siya minsan Na nagpapahinga sa Paso sa aming bakuran. Kaya agad- agad kong kinunan ng larawan Maraming pitikan para mas maraming pagpipilian. Pero paalala lang mga kaibigan. Itong si marikit pwedeng laruin at paggigilan, Pero ang damdamin ng iba huwag mong paglaruan at sasaktan.😁

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.