Minsan lagi tayong naghahanap ng wala kaya hindi natin makita kung ano ang meron sa buhay natin. Kaya nakakaramdam tayo ng sobrang pagkabigo, pag-aalala, pagod at panghihina dahil baka mali ang hinahabol natin. Busy tayo sa paghahanap ng mga bagay na makakapuno sa ating mga pangangailangan sa ating buhay, hanggang sa dumating tayo sa punto na wala na tayong oras para sa Panginoon. Hindi naman masama, lalo na't ang hangad lang natin ay maiangat ang antas ng ating buhay. Ang masama ay nakakalimot na tayo sa Kanya at isama Siya sa mga plano natin sa buhay. Sabi nga nila, Don't just seek the blessing, But seek first the source of blessing. But seek first the kingdom of God and his righteousness, and all these things will be added to you. (Matthew 6:33) Kaya't isang malaking pagpapala ang paggising sa umaga at muling makita ang mga kamangha-manghang nilalang ng ating Panginoon. Katulad ng isang bubuyog na nakadapo sa isang bulaklak na kay gandang pagmasdan. Magandang araw sa ating lahat.
5 comments
Pintas uncle merry na Christmas mo🎄👍👍
Kas kapintas mo ba anti?
Napinpintas dayta nga adayo a uncle 👍👍💚
tama naman noisemate yung pasok ka ng pasok ng mall pero yung simbahan daandaanan lang
Hehehe kaya nga mam