Ang ibabahagi ko sa iyo ngayon isang uri ng Damselfly na madalas nating napagkakamalan na ito ay Dragonfly. Ang mga ito ay hindi parehong mga insekto, ngunit sila ay magkakaugnay. Parehong kabilang sa Odonata order. Pero ang Damselfly ay mas maliit at mas payat ang katawan. Ang isa pang pangunahing dahilan upang mas madaling makilala ay kapag nagpapahinga sila, ang mga damselfly ay nakatiklop ang kanilang mga pakpak sa ibabaw ng kanilang mga katawan, habang ang mga Dragonfly ay nakabuka ang kanilang mga pakpak. Nakakamangha talaga ang mga nilalang ng ating Panginoon. Mapag palang araw sa ating lahat.🙃
4 comments
Thus really amazing, you really have a talent in capturing photos more of your shots. At merun pang dagdag kaalaman.
Inaabangan ko po talaga ang mga post mo kuya Fherds kasi po bukod sa magaganda na, me nakukuha pa akong bagong information.
Naman uncle ginalingan hehe Merry Christmas🎄
Happy new dear anti hihihi