Marahil ang ilan sa inyo ay nakakita ng ganitong uri ng munting langaw. Pero masaya pa rin akong i-share dito mga ka Pi-noise! Medyo matagal na sa phone ko pero ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na magshare sa inyo. Kadalasang malabo ang mga kuha ko dati dahil napakaliit at mailap. Medyo malabo pa din naman pero mas maganda sa mga nauna kong mga kuha.📸 Ang insektong ito ay tinawag na Long-legged Fly (Condylostylus sipho) isang uri ng Fly na nasa pamilya Dolichopodidae. At ayun sa ating kaibigang google ito ang pangalawang pinakamalaking genus sa subfamily na Sciapodinae, kasama ang higit sa 250 species. Magandang araw sa ating lahat.🙂
9 comments
Ang galing naman pong tunay. hindi sya malabo ahh. Job well done po
Looks familiar. Yes nakapagpost na ako niyan dito or sa kabilang platform kaya lang di ko siya kilala. Salamat sa pag introduce. Galing mo brother. 💪
Maraming salamat din sir
Yan ba yung bangaw kung tawagin satin Lods. Parang ang ganda sa pic e di ko tuloy sure kung yan nga yun. Hehe
Iba yan mam. Mas malaki yun.
Ahh kaya pala di ko masyado yan marecognize. Baka di ko pa nakita yang ganyan.
Naman i love green💚💚💚 uncle dagasem ton ken anti mildred jay pang tingpam sir bwhahaha✌😂
Ay wen ah anti tun bigat. Niya awan pay ti ittedan ngaayuda
bangaw yan samin..heheheh..sobrang sa dumi pumupunta yan